Game of Push and Pull.
Loving J.Mula nang makita ni Aeri si Yizhuo at Winter, napalayo ang loob nito kay Winter. Isa sa mga casualty nito ay ang hindi niya pagpansin sa dalaga kahit na kitang kita niya na makakasalubong na sila ni Winter. Normally, babatiin niya na si Winter at aayaing maglunch pero ngayon, balak niya na sanang mag-iba ng daan kung hindi lang siya pinigilan ng kaibigang si Yizhuo. "Wait, I think that's Winter," sabi na lang ni Yizhuo bago halos takbuhin ang distansya nila kay Winter.
Napabuntong hininga na lang si Aeri. Masyado nang obvious si Yizhuo at insensitive na lang talaga ang hindi makakakita dito. Sumunod siya kay Yizhuo na nakapulupot na ang braso kay Winter. Wala na ang awkwardness dahil feel na feel niya na mas naging close na sila ni Winter. Si Winter naman ay nakaabang lang sa explanation ni Aeri. Hindi pa rin kasi ito nag-eexplain sa kanya. Tunog girlfriend, oo, pero hindi ba normal lang naman na mag expect siyang makatanggap ng kahit simple man lang na paliwanag mula sa kaibigan?
"Hey," paunang bati ni Winter kay Aeri na hindi naman kumibo at ngumiti lang sa kanya.
'Wala manlang hello, Jo?'
"Where ka mag-eat, Winter? Sabay ka sa'min?" alok ni Yizhuo na agad namang tinanggap ni Winter kaya heto si Aeri ngayon, katapat ang dalawa (habang ang isa doon ay balak niya na sanang iwasan).
Tahimik lang silang tatlo habang kumakain at dahil sa kagustuhang makaalis doon ay mabilis na natapos kumain si Aeri. "I have something to do pa pala," pagpapaalam nito. Napakunot ang noo ni Yizhuo dahil wala naman itong sinabi sa kanya kanina. Anong kailangan niyang gawin eh dismissed na naman sila?
"Samahan na kita?"
Umiling agad si Aeri sa alok ng kaibigan sabay lowkey na nginuso si Winter na nagkukunwaring busy sa pagkain. Agad naman itong nagets ni Yizhuo na napangiti na lang tapos she mouthed "thank you" sa kaibigan. Aeri took that as her cue to leave at naglakad na aimlessly. Wala naman kasi talaga siyang pupuntahan. Ayaw niya lang mastuck sa dalawa niyang kasama kaya heto siya ngayon, hindi alam kung saan pupunta. Naisipan niya na lang na mag advance reading kaya dumiretso siya sa library at nagbasa na lang doon. Tinext niya na rin si Yizhuo na doon muna siya kaya kung gusto na nitong umuwi ay pwede naman. Nilunod niya ang sarili sa libro at hindi na namalayang nakatulog na pala siya hanggang sa napab
Comments