BEHIND HER CAMERA #2
Like and SubscribeA quiet sigh escaped my lips as soon as I opened my eyes. I craned my neck to look at the clock on the nightstand, and immediately felt a rush of relief when I realized it's still a bit early.
5:12 AM
Mamayang 7:30 AM pa naman ang class ko and hindi rin naman ako magcocommute today since ihahatid ako ni Winter.
Speaking of… agad akong tumingin sa tabi ko to check on her and I couldn't help but smile when I saw her state.
She's still sleeping.
Nakabalot sa upper body niya yung kumot and may nakapatong na unan sa ulo niya.
Hayy, eto 'yung ayaw ko na habit niya tuwing natutulog siya eh. For sure, ginagawa niya 'to kahit hindi kami nag s-sleepover.
Tinatakpan niya lagi yung mukha niya ng unan. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan dahil dito kasi baka masuffocate siya pero tuloy pa rin naman siya.
Sabi niya nasisilaw daw kasi siya.
Saan naman!?
Sa anino niya?
I rolled my eyes and removed the pillow. Nilagay ko nalang 'to sa gilid niya.
There she is.
Nakabuka ang bibig at parang humihilik pa nga.
Puyat na puyat.
I just smirked when I remembered the reason. Then I leaned closer to her face and kissed her cheek.
Mukhang hindi na rin naman na ako makakatulog ulit.
I decided to stretch a little before standing up. Pinulot ko rin yung flannel ni Winter from last night na nasa sahig lang, and then I put it on. I also closed all the buttons since masyadong malamig pa ngayon. Madaling araw pa rin naman.
Siguro magprepare nalang muna ako ng breakfast.
Nang makarating ako sa kusina, naghanap na agad ako ng pwedeng lutuin na magugustuhan nung isa.
Maselan din kasi yun pagdating sa pagkain. Akala mo, bata.
Hotdog nalang kaya? Hmm, or bacon? What about some eggs?
Bahala na.
Lutuin ko nalang lahat.
“If you need a lover…” I sang while flipping the scrambled eggs.
Tapos ko na lutuin yung bacon and yung fried rice, and hinuli ko nalang talaga yung eggs. Hindi ko rin alam kung bakit.
“Let me kno-o-o-oww, let me innn,” I continued singing. Ang therapeutic pala nito, no?” “I could treat you better, steal you na na na na,”
Nakalimutan ko 'yung lyrics.
Na-LSS lang talaga ako dito since ilang beses kong pinaulit ulit yung song cover na inupload ni Winter nung nakaraan.
“I might not have a fancy car, but I fancy you…” bakit naman parang ang tagal maluto ng itlog na 'to? “so give me a chance—”
“–if you need a lover, baby.”
I jumped when I suddenly heard my girlfriend's familiar voice. Ang raspy rin nito ngayon since kakagising niya lang.
“Hi, good morning,” she whispered. She's hugging me from behind while I cook.
Bigla nalang sumulpot.
“Good morning,” I rested my body against hers, and her hug tightened. “Kanina ka pa gising?”
“Hmm,” she mumbled incoherently. She's probably still sleepy. “Wala ka sa tabi ko kanina,” ungot niya.
“Sorry, baby.” I giggled. Sobrang clingy niya talaga every morning. “Nagluluto ako ng breakfast natin.”
I felt her nod sleepily. Nakapatong din yung chin niya sa shoulder ko, while her palm is rubbing my tummy. <
Comments