malas mo (ikaw ang natipuhan ko)

wanna be yours
Please Subscribe to read the full chapter

a/n: hehe try lng tbh wla tong kwenta kaya lng naumpisahan ko na sya kaya tinuloy tuloy ko nlng tapos idk how to end it na tuloy so it just ended up being a whole lot of words

Tumunog na ang 6:15 AM alarm ni Karina para sa morning class niya. Agad na nagising ang dalaga at naramdaman niyang may nakapatong sa katawan niya. Dumako ang tingin niya sa best friend niyang tulog pa rin habang nakayakap sa kanya. 

Medyo na distract siya kaya hindi niya agad napatay ang alarm niya. Nagsimula nang umungot ang katabi niya at mas lalo pang dumutdot sa leeg niya.

"Rina..yung alarm mo."

"Ano bang ginagawa mo dito?" inabot niya na ang kanyang cellphone para i-off ang tunog nito.

In-off niya na rin ang iba niyang alarms na spaced 5 minutes apart. Gising naman na ang diwa niya. 

"Lamig kagabi e." sagot ng katabi niyang nakadikit pa rin sa kanya.

Kumunot ang noo ni Karina at tinulak si Winter palayo para bumangon na.

"Ba't di mo hininaan yung aircon, shunga."

Hindi naman bago sa kanila ang pag share ng isang kama matulog pero kasi.. ano pa't dalawang twin bed ang nilagay nila sa studio type nilang dorm kung magsisiksikan pa rin sila sa isang kama di ba. Kahit noon pa man noong bata pa sila mahilig talagang mag-akyat kama itong si Winter pero sa pagkaka-alala niya kagabi hindi naman sila magkatabi natulog. 

"Hmp! Ang arte mo!" singhal ni Winter with matching tapon ng unan sa ulo ni Karina.

At dahil sanay na siya sa ka-artehan nito, madali lang din siyang nakailag habang nagkukuskos ng mga mata. 

"Bangon ka na rin, 8 AM ka ngayon."

Napansin niyang maayos ang kama ni Winter at halatang hindi tinulugan kagabi. Napailing na lang siya at nagsimula nang tumungo sa banyo para maligo nang mapansin niyang nakatalukbong na ulit si Winter ng kumot.

Umatras siya ng konti at pinalo ang pwet nito.

"Winter, isa. Sabi ko bangon na ha." 

"OO NA!" padabog siyang bumangon at pinanlisikan ng mga mata si Karina.

"Ayusin mo 'yang kalat mo, maliligo muna ako." 

"K!"

Nilapitan ni Karina ang kababatang nakahalukipkip at nakasimangot pa sa kanya. 

"Para kang galit na tuta." Pinanggigilan niya ang mga malalambot at nakaumbok na pisngi nito.

"Aray!" pag-reklamo ni Winter na hinahayaan lang din naman siya.

"Arte arte mo sa'kin ha, ang aga-aga pa."

"Ikaw nga e! Ang sungit mo, hmp!" 

"Ano bang gusto mo?" 

Ngumuso si Winter at nagbuka ng mga braso. "Hug mo muna ako.." pag-ungot nito. 

Napabuntong-hininga si Karina at hinigit palapit ang nagmamaktol na kababata. "Dami mong eme.."

Niyakap din naman siya ng mahigpit ni Winter na binabaon pa ang ulo sa tiyan niya.

Sinuklay niya ng marahan ang gulo-gulong maikling buhok ng nakababata. "Okay na?"

"Luto ako scrambled, gusto mo rin ng ham?" bulong nito sa t-shirt niya.

"Mhm.." tumango siya.

Hinatak niya patayo si Winter na agad na namang sumiksik ulit sa leeg niya. "Ang clingy mo, bub."

Bub, bubby. Tawag niya kay Winter minsan. Hindi niya aaminin pero kasi sobrang cute talaga ng best friend niya minsan (actually parati) but you'd never hear her say that. Not out loud, that is. You can pretty much tell how much she adores Winter with the way she looks at her anyway.

Tinapik niya ang pwet ni Winter. "Sige na, kilos na. Ma-late na tayo."

9 AM pa naman talaga ang unang class ni Karina, si Winter ang may 8AM class. Pero dahil alam niyang mabagal kumilos si Winter sa umaga, nasanay na siyang gumising ng maaga para magising rin ito. 

Marami kasing ritual at kung ano pang ginagawa si Winter kaya kailangan niya itong gabayan palagi. 

"'Wag masiyadong matagal magluto. Just cook enough for both of us please. Maliligo ka na agad after ko, okay?"

"Mmmmhmm, bango mo pa rin naman. 'Wag ka nang maligo." Naramdaman niya ang pagsinghot ni Winter sa leeg niya.

"Tsk, Win nakikiliti ako, stop." Tinulak niya palayo si Winter na nakanguso na sa kanya ngayon. 

"Hmp, arte!" Padabog na naglakad papunta sa kitchen area nila si Winter.

"Mabilis lang ako, don't get distracted while cooking ha." Paalala niya pa bago pumasok sa ensuite nila.

"Nye nye!"

Umirap siya at tuluyan nang sinarado ang pinto. Napasapo siya sa ulo at sinandal ito sa wall. Hindi niya na kayang magpigil.

Goddddd, Winter you make go crazy every single day. 

Naramdaman niya ang tuluyang pag-init ng mukha at tenga niya. She looked up at her own reflection in the mirror and pointed at herself. 

"Best. friend. Bestfriend lang." Paalala niya sa sarili. 

Her daily mantra.

"I expect you all to give me better results for your next long exam. Napaka-disappointing ng apat lang sa inyo ang nakapasa." 

Sinilip ni Karina ang result niya. 47/50

"Hindi na 'to high school ha. This is a core subject. If you fail this, hindi kayo makakaproceed sa next sem. Irreg kayo, gusto niyo 'yun?"

Lihim na umirap si Karina.

Grabeng pang-gaslight naman nitong Prof nila, as if nagtuturo ng maayos. Puro lang naman reading assignments and mediocre discussion. Kung hindi lang talaga siya studious, baka pati siya bagsak sa exam na 'yun. Ang haba ng coverage tapos mostly galing sa reference books pa yung questions. He didn't even discuss those parts at all. Tapos kung makakutsa sa irreg, hindi naman degrading maging irreg. 

Pero alangan namang sagutin niya yung Prof niya e di siya na naman ang magmumukhang bastos. Bad trip na bad trip siya pero ayaw niyang mapa-away. She won't put her President's lister position at risk. 

Kung hindi naman siya mag-discuss about the lesson, can he just dimiss them? He's just wasting their time, isip niya. Meron pang limang minuto bago matapos ang class nila.

Inis siyang napatingin sa front door ng classroom. Napansin niya ang pamilyar na maliit na mukha ng best friend niyang nakasilip sa pagitan ng glass sa door.

Naramdaman niya ang pag-init ng tiyan niya nang magtama ang mga mata nila. Malaking ngisi ang bati sa kanya ni Winter. Kagat labi siyang napayuko. 

Nagpigil siya ng ngiti. Mahirap na baka isipin ng mga taong kinikilig siya. Hindi kaya. Hindi..masyado. Slight lang.

Siniko siya ng katabi niyang si Isa. "Ayan na ang sundo mo, sizzy." pagtukso nito sa kaniya.

"Che."

"Tingnan mo naman yung jowa mo sa labas oh, kanina pa nagpapa-cute."

Sumimangot siya. "Hindi ko nga jowa si Winter." 

"Me when I lie." 

"Bahala ka." Inayos niya ang mga gamit niya sa loob ng bag.

"Excited na excited makipagdate? May two minutes left pa si Prof mokong oh." 

"Read your books, guys! Don't rely on your me to spoonfeed you the information." pag-emphasize ng Prof nila. 

Narinig niya ang mahinang pag-mock ni Isa sa boses ng Prof niya. "Read your books, guys.."

She chuckled lightly. "Hindi kami mag-ddate. Mag-grocery kami ngayon."

"Naks, ang domestic niyo talaga. Parang mag-asawa."

"Whatever." Napadako na naman ang mga mata niya sa glass ng door.

Nakikita niya ang likod ni Winter na naghihintay sa kaniya.

To an outsider, they really do seem like more than friends. They live together, spend all their time together. And yet, best friends lang talaga sila. They've both never been in relationships either because they both prioritize their studies above anything else.

At least yan ang official reason nila 'pag tinatanong sila. Pero sa totoo lang, people are intimidated by the "GBF" factor. 

GBF. Girl best friend. Karina first heard that term from Ningning na isa rin sa barkada nilang mahilig magtukso sa kanila. 

"Wala kayong mga jowa kasi ang tataas ng bakod ninyong mag-GBF." sabi nito sa kanila.

Whatever that means. Binabalewala lang ni Karina ang panunukso sa kanila pero sa totoo lang, napapaisip rin siya minsan. If they could possibly be ever more than just best friends.

"Class dismissed."

Agad na tumayo para umalis ang mga estudyanteng kanina pa inip na inip makaalis. 

Pagdaan ni Karina sa prof niya, binati siya nito. "By the way, congratulations to Miss Yu for consistently scoring the highest in your batch. You should all follow her example."

Namula si Karina sa hiya. "Um, thanks Prof." 

Malakas na palakpak ni Winter ang bumati sa kaniya paglabas niya ng classroom. "Congrats, babe! Baka si Top 1 ko yan!" nakangising bungad nito.

Tapos, ayan pa siya sa babe na 'yan! Kaya talaga pinag-iisipan silang magjowa e.

"Shut up!! Nakakahiya ka." Pinagsalikop niya ang mga kamay nila para pigilan ito sa pagpalakpak.

"Yieeee, babe pala ha." tukso ng mga blockmate niya sa kanila.

"Halika na nga, ang kulit mo!" Hinatak niya na sila palayo. "Akala mo naman hindi ka rin Top 2 ng course mo." 

"E di i-flex mo rin ako!" Winter threaded their fingers together and held her hand tighter.

"Ewan ko sa'yo, Top 1 ka rin naman kung hindi dahil sa weird principle mo."

Kahit pa noong classmates sila, top 2 si Winter to Karina's top 1, pero by choice. Kasi ayaw niya magspeech, 'yun lang ang reason niya. 

But as Karina knew her, she knew Winter would really do anything to stay close to her. Matanda nga siya ng isang taon kay Winter pero dahil sa sobrang kagustuhan nitong makasama sa kaniya ay nag-accelerate ito noong kinder sila. Kaya hanggang ngayon batchmate pa rin sila. Ngayong college lang talaga sila nag-iba ng course, Comp Sci si Winter habang nag Medtech naman si Karina. Pero malapit lang naman ang mga building nila kaya walang reklamo si Winter. 

"Yo! Shoutout sa aking hindi raw magjowang sesshies na 'yan!" sigaw ni Ningning na kasama rin si Giselle. Business Ad majors silang dalawa kaya magkaiba sila ng building.

Karina just sighed at her teasing.

"Hi! Ano plans ninyo?" nakangiting tanong ni Winter nang mag-abot sila.

"Actually, Ning and I are here to ask if we could have dinner together. G?" tanong ni Giselle.

"We're gonna buy groceries pa, but sure." sagot ni Karina.

"Sama na lang din kami sa inyo! Kailangan ko rin mamili."

Nakarating na sila sa labas ng building nang may bumati kay Karina.

"Hey, Rina!"

Napataas ang mga kilay nila sa pagtawag ng lalaki sa palayaw ni Karina at kumunot naman ang noo ng usual maamong mukha ng isa sa kanila.

"Uh, hi Jeno."

"Uwi ka na?"

"Obvious ba? Kita mong palabas ng building e." supladang sabad ni Winter.

Lihim na nagpigil ng tawa sina Giselle at Ningning sa inasal ni Winter. 

"Ayan na si baby bakod." natatawang bulong ni Ningning sa katabi niyang si Giselle.

Pinisil naman ng mahina ni Karina ang magkasalikop nilang kamay ni Winter. "Yeah, bakit? Do you need anything?"

"Ah actually, I wanted to ask you out for dinner sana, as thanks for being so nice to me. My treat!"

"Uh-"

Bago pa man makatanggi si Karina ay hinila siya ni Winter sa likod niya. Parang hinaharangan niya ang malagkit na tingin ng lalaki, which is pretty comical considering both the man and Karina are taller than Winter herself. Akala mo talaga sinong malaking tao 'to sa tapang.

"Actually, may lakad siya ngayon kasama namin. Tapos bukas, this weekend, next week, next month, pati whole year round naman fully booked na rin siya, with me. So no, hindi siya pwede..like ever."

Hindi na nakapagpigil ng tawa sina Ningning at Giselle na ngayon ay humahagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHA GAGO KA TALAGA WINTER! FULLY BOOKED DAW AMPOTA"

"OH MY GOD ANG SAKIT NG TIYAN KO WINTER YOU'RE SO BAD"

Namula sina Jeno at Karina but for different reasons. Si Jeno, in shame while Karina on the other hand, secret na lang daw 'yung reason.

"Umm.. S-sorry, I didn't know you're taken na pala, Karina." nauutal na sabi ni Jeno.

Napakamot siya sa ulo at dahan-dahang lumakad palayo dahil kinakabahan na siya sa nanlilisik na tingin ni Winter sa kaniya. Parang anytime mangangagat na siya.

"Y-yeah I'll have to decline, Jeno. Sorry, we'll get going now." Hinatak ni Karina ang tatlo at tumakbo palayo.

Patuloy pa ring tumatawa ng malakas sina Giselle at Ningning habang nakasimangot pa rin si Winter. Nang makalayo-layo na sila ay hinarap ni Karina si Winter.

"Ano ka ba! Bakit mo naman inaway?"

"Sino ba 'yun?!" 

"LT ka talaga, Win ang gago mo." Hinampas ni Ningning si Winter na hindi pa rin matanggal ang kunot sa noo.

"Who was that, girl? Blockmate mo?" tanong ni Giselle.

"Kilala ko kaya lahat ng blockmate mo. Hindi mo 'yun blockmate, sino 'yun?" patuloy na interrogate ni Winter.

"Pwede ba! Why are you so mad ba? He's a transferee, and my Physics prof asked me to help him catch up sa lessons." 

"Kailan pa? Bakit hindi mo kwinento sa'kin?" 

Nagkatinginan sina Giselle at Ningning at tumawa ulit.

"Grabeng questioning, Win ha! Jowa yarne?" tukso ni Giselle.

They both ignored the teasing, as they always do.

"It wasn't even important naman kasi. Why does it matter?" 

"Lahat kinukwento ko sa'yo! Kahit amoy ng utot ko! Tapos hindi mo man lang ako sinabihang may lumalandi sa'yong lalaki!"

"He's not lumalandi! He just asked me today! You were there!"

Talagang sa parking lot sila nagdadrama at pinagtitinginan na sila ng ilang estudyanteng nandoon din.

"Anyare?" tanong ni Ryujin na dumadaan lang papunta sa kotse niya. 

"Chismosa! Wala! GBF fight lang." tawa ni Ningning habang tinataboy ang mga nag-Marites.

"Ay sus, akala ko naman anong bago." tumawa nalang din si Ryujin at umalis. "Hays, mga GBF nga naman."

Notorious kasi silang dalawang sa campus na umaactong "parang magjowa pero hindi raw magjowa". Most of them know they're both off-limits basically.

"Winter, stop it na. Pinagtitinginan na tayo dito. I'm not even going with him, okay? Hindi naman talaga at all." Hinigit ni Karina ang mga braso ni Winter na nakahalukipkip para ilapit ito sa kaniya.

"E pa'no sa Monday! Kasama na naman kayo sa Physics." pagmamaktol ni Winter na winaksi ang hawak ni Karina sa kaniya.

"Omg here we go, toyo stage na." entertained na bulong ni Giselle.

"Kayanin mo sana, Mareng Kars." 

"I think you made it very clear to him that I'm never going out with him, bub. Sige na.." Karina pulled her closer by the waist.

"Whoa, she brought out the big guns. Go girl!" Giselle cheered.

"Bub pa nga, o ano ka na ngayon, baks?" Ningning nudged Winter.

Being friends all their lives, Giselle and Ningning are already used to Karina and Winter's strange relationship dynamics. They act like they're lovers, but swear vehemently that they're not. 

Niyapos ng mahigpit ni Winter si Karina. "'Wag ka nang magtago ng manliligaw sa'kin ha."

Napabuntong hininga si Karina ngunit yumakap pa rin pabalik at hinagod pa ang likod ng kababata. "Hindi naman ako nagtago-"

"Bumuboses ka pa?" tinaasan siya ng kilay ni Winter.

"Hindi." Hinigit siya ni Karina ulit ng yakap.

Now as the four of them walk to Karina's and Giselle's parked cars, Karina repeats her daily mantra once more. 

Bestfriend.

Bestfriend lang.

Matapos silang mag-grocery at sa kalagitnaan ng dinner nila, Ningning made her announcement.

"So! Ang ating agenda for today ay..." tumingin siya ng makahulugan sa katabi niyang si Giselle.

Ngumiti si Giselle at tinaas ang kanilang magkasalikop na mga kamay. "Ningning and I are girlfriends!"

Nahulog ni Karina ang kaniyang chopsticks habang si Winter naman ay nasamid sa iniinom na tubig. 

"Win! God, umiinom ka na nga lang ng tubig masasamid ka pa." Agad na pinainom siya ulit ng tubig ni Karina habang hinahagod ang likod niya para patigilin siya sa pag-ubo.

Giselle sighed. "They're sooo chaotic.."

"Di ba, bagay na bagay talaga sila, beb."

"Maka-timing ka naman kasi ng announcement na 'yan, talagang habang umiinom ako ng tubig?? Nakakain ako ng wasabi ni Karina!" Winter huffed.

"Ang ewan pakinggan ng wasabi ni Karina, baks." singhal ni Ningning.

"I told you kasi I'll mix the wasabi myself, nagpumilit ka naman tuloy you still have some on your chopsticks siguro." sabi ni Karina.

"Teka lang, hindi ka ba nagulat?" tanong ni Winter kay Karina.

"No? I've always known they like each other, matagal na." nonchalant na sagot ni Karina.

Namula namang nagkatinginan ang bagong magjowa.

"I was just surprised na you finally confessed to each other, about time na rin guys. I'm so happy for you both." Supportive na ngumiti si Karina sa kanila.

"Thanks, girl. You, when kaya?" Giselle smirked.

Tumikhim si Karina at napatanggal ng tingin.

"What!? Since when!! Bakit ako hindi ko alam!!" patuloy na angal ni Winter.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jiminjeongerist
since this is still getting subs sporadically, let me plug my no plot ongoing story hehe (no angst promise)

https://www.asianfanfics.com/story/view/1515790/aalis-tayo-sa-tunay-mundo

Comments

You must be logged in to comment
cleofierayne 11 streak #1
Chapter 1: WHAHAHAAHAH ALITAPTAP SI KARINA DAHIL SI WIN ANG TOP HAHAHAAH
BpRvTw03saromines
#2
Chapter 1: SO SINO PO YUNG TOP???!!
syrenity
#3
Chapter 1: Ang cute NYAHAHAHAYA so sino nga 🤔
akumad #4
Chapter 1: SINO MUNAAAA
osumnevercease
#5
Chapter 1: grabeng bakod yan mas matindi pa sa great wall of china
seulbearg
#6
Chapter 1: hayop na gbf yan, mang bakod wagas 😭 #10 rules ni gbf HEHAHSHABA charot. thankie sa fluff <3
snowychacco
#7
Chapter 1: ang cute niyo naman ???? nakakainggit 😃👍
TYTFshipper
269 streak #8
Chapter 1: fluff all the way 🥰🫶
reiichan #9
cuteeee