chapter 1

sacrifice

First day of school ng college life ni ningning she is a fresh student of bachelor of fashion design in University of the Philippines. Ang unang niyang pinasukan ay minor subject lamang pagpasok nito medyo marami nang estudyante sa loob at wala pang dumadating na professor, agad syang umupo na lang sa bakanteng upuan pangalawa sa likod minasid nya ang kaniyang buong paligid, sa kanan nya ay may magkakaibigan masayang nagkukwentuhan ito ay sila karina yeji ryujin at yuna maya maya ay binati sya at nagulat sya sa taglay ng ganda nito na mala birhen ang mukha

"hi" masayang bati ni karina after her conversation with yeji ryujin and yuna.

"I'm yu jimin pero tawagin mo na lang akong karina"

"Hello, ningning" tipid na sagot nito

Napatingin sila sa pumasok nagulat sila babaeng pormal ang suot at mukhang professor na nga ito. Sya si park chaeyoung na dating vocal teacher na English teacher na ngayon. Dali daling inayos ng bawat klase ang upo at humarap sa professor. 

"ang ganda naman nya" manghang mangha si ryujin sa ganda ng kanilang professor

"mas maganda ka" mahinang sabi ni yeji

"ano sabi mo?" 

"ala ang sabi ko magkahawig kayo ni maam" 

"Ah talaga ba? Parang hindi naman" 

"balita ko ang gwapo ng fiancé nya at pareho pa sila ng apelyido" bulong ni yuna, nagulat naman ang dalawa ng marinig ito

"ok good morning class"

"good morning po"

"my name is park chaeyoung, u can call me Ms. Park or miss rosie at ako ang english teacher nyo"...

"So it's now ur turn to introduce ur self simulan mo miss?"

napatingin ang lahat sa bagong dating na dalaga

"oh? minjeong-ah!" nakangiting tawag ni karina napalingon naman si ningning sa dalawa at mukhang magkakilala ito. Naglakad papuntang gitna si minjeong

"uh, hello ako si kim minjeong" 

"ok thank u miss kim u may take ur seat na dun sa unahan ng naka ribbon tie hair(ningning) at sa tabi ng naka black beannie(giselle)"

napatingin naman sya sa gawi ni ningning at pumunta sa harap nya and then karina offer her a high five at umapir naman si minjeong sa kanya, ngumiti din sya kay aeri na tahimik nakikinig ng music gamit ang airpods. highschool pa lang ay magkaklase na itong si minjeong at aeri pareho silang kumuha ng music industry at habang si itong si karina ay kababata nya cuz their parents are bestfriends. Kumuha sya ng kursong ballerina dahil bata pa lang ay pangarap na nya ito. pagkababa ni minjeong ng bag ay mayroon nalalag na bagay mula sa kanyang bag ng hindi nya namamalayan ito ay isang keychain doll na binigay sa kanya ni asahi, ang manliligaw ni minjeong na pinsan ni aeri

nagpakilala na ang iba hanggang sa mapunta na kay ningning, agad naman siyang pumunta sa harap. 

"hello ako si ning yizhou u can call ningning"

"ang cute naman ng pangalan mo" ani ni karina, napangiti naman si ningning sa kanya at nagtama ang mata nila ni minjeong na hindi maipaliwanag ay lumakas ang kabog ng dibdib nya na parang huminto ang sarili nyang mundo pero umiwas ito agad. 

"Thank you ningning, next!"

Bumalik naman agad ito sa pwesto nya, bigla na lang sya napaisip bakit bigla syang nakaramdam kanina ng kaba hindi naman nya ito naramdaman nung una nung sya ay nagpapakilala sa harap, may ano ba sa babaeng to? hindi nya na lang ito pinansin, tinuon na nya lang ng pansin mga bawat klase na nagpapakilala at nagpokus na lang sa itinuturo ni Ms. Park nang matapos ito medyo matagal syang magturo at puro si aeri lang ang sumasagot sa mga tanong nya, mahirap naman kasing intindihin lalo na't Australian accent pa, kaya naman nagdoodle na lang ito sa likod ng notebook. Maya maya ay may naramdaman ito ng kung ano sa paa nya may natapakan pala sya malambot ito kaya agad niyang tiningnan. Nakita nya ang isang keychain pagkatapos dinampot nya ito, napansin nya na parang may hinahanap si minjeong kaya naman agad nya itong tinanong.

"ito ba ang hinahanap mo?"

"yan nga" 

nagkatitigan sila at naramdaman na naman ni ningning ang naramdaman nya kanina kaya binigay nya agad ito sa kanya at umiwas ng tingin sobrang naguguluhan sya sa mga nangyayari hindi nya alam kung bakit ito ang nararamdaman nya sa tuwing magtatagpo ang kanilang mata, inabot naman ito ni minjeong habang nakatingin ito sakanya pinagmasdan nya ito at nahumaling sa ganda at cute na taglay nito, ngayon lang ulit sya humanga sa kagandahan ng ibang babae bukod sa kababatang nyang si karina, mukhang nangangawit na si ningning kaya kinuha agad ito ni minjeong sa kanya.

"salamat"

Pagkatapos ng klase inayos agad nila ang mga gamit bago lumabas ng room napansin ni ningning na paalis na ng room sina minjeong at aeri pero agad itong tinawag ni karina para sumabay sa kanilang paglabas. Pagka ayos ng mga gamit ni ningning lumabas na rin ito para puntahan ang mga susunod nyang subject lalo na mga majors. Bata palang ito passion na niya talaga ang arts and she likes to decorate too, naalala nya when she was young her mom brought her in art museum bcoz they both love arts.

finally! natapos na rin ang buong klase nya sa lahat ng subject, Pagkalabas nya ng campus ay dumeretso sya sa sakayan ng bus at nang makarating ito sa unit condominium na iniregalo sa kanya ng mom nya noong nag debut sya. maganda ito hindi kalakihan sakto lang para sa kanya ayaw kasi ni ningning na sobrang laki mahirap linisan. binaba nya ang bag nya sa sofa at humilatay ito sa kama, sobrang napagod sya lalo na ang dami nyang subject na pinasukan this day habang nakatingin ito sa kisami sumagi sa isip nya ang titigan nila ni minjeong namangha din ito sa taglay ng ganda at liit ng mukha, tangos ng ilong, ito ang gusto nya sa lalaki pero bakit sa babae nya nakita at bigla syang napatanong sa sarili bakit sa oras na magtatagpo ang mata nila ay nakakaramdam sya ng kaba, kaya napatanong na lang ito bigla, hindi kaya may gusto ito sa kanya? niyugyug nya ang ulo at tinawag nya ang sarili nyang baliw bakit naman sya magkakagusto sa kapwa nya babae e hindi naman sya tomboy ughhh!!

......

"minjeong-ah, may dalawang ticket ako dito baka gusto mong samahan akong manuod ng sine next week" aya ni karina habang naglalakad ito patalikod kaharap si minjeong para lumabas ng campus "nanalo ako sa arcade kahapon ang dami kong nakuhang coupons kaya ito ang exchange prize nila"

"eonnie alam mo naman hindi ako mahilig manuod ng sine"

"tss wag mo nga akong tinatawag na eonnie" nag pout si karina at pumunta ito sa side ni aeri

"ikaw na lang aeri"

"marami akong gagawin hindi pa ako tapos sa ginagawa kong kanta"

"aish! ang kj nyo talaga, siguro sila yeji na lang" at biglang naalala ni karina na may practice pala sila

"hala! may practice nga pala kami" agad naman itong tumakbo pabalik 

"ingat!" pasigaw na paalam ng dalawa habang kumakaway kay karina

nagpatuloy sa paglalakad sina minjeong at aeri pero biglang napahinto si aeri at hinanap ang cassette tape nya wala ito sa bag nya.

"pasensya na minjeong pero hindi na ako makakasabay sayo naiwan ko yung cassette ko sa music room"

"ah ok sige tawagan na lang kita mamaya" kaagad naman bumalik din si aeri  

palabas na sana ng campus si minjeong nang tinawag sya ni asahi

"kim minjeong!"

lumingon ito agad at napagmasdan ang kagwapuhan ng binata na masayang papunta sa direksiyon nya. Maraming nagkakagustong babae dito pero hindi nya alam kung bakit sya ang napiling ligawan ng binata, kaibigan lamang ang tingin nya gayunpaman mas pinili nya na lang hayaan ang binata na manligaw sa kanya dahil ayaw din naman nitong makinig sa kanya na kung pwedi iba na lang ang ligawan nya pero para kay asahi makita at makasama nya lang masaya na sya lahat gagawin nya maging masaya lang si minjeong kahit masaktan pa sya alam naman nya na balang araw may magugustuhan ding iba si minjeong at kapag nangyari yun dun nya palang titigilan ang panliligaw nya dahil parang kapatid na rin ang turing nya kay minjeong"

"are u going home? Hatid na kita"

"Ok" ngumiti naman ito sa isa't isa at pumunta na sa kotse ni asahi. Habang nakasakay sila nahagip ng mga mata ni minjeong si ningning sa bus stop sinundan nya ito ng tingin

"sino yun?" tanong ni asahi habang nagda-drive

"wala kaklase ko lang sa ibang subject"

..... 

Alas otso na ng umaga nang magising si ningning agad naman itong bumangon mag handa para pumasok. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet