Song Hits- final

Song Hits
Please Subscribe to read the full chapter

tw: accident, hospital situations

 

 

 

 

 


Absence makes the heart grow fonder. Ito yung madalas maramdaman ng mga taong malayo sa kanilang pamilya, kaibigan o ka-ibigan. Kasabay ng matinding pangungulila ang mas lalong pag-lago ng ating pagmamahal para sa taong espesyal sa buhay natin. Nakaka-excite nga namang mahagkan mong muli ang iyong kasintahan pagkatapos ng matagal na panahon. 


Ngunit paano kung alam mong nandiyan lang siya pero hindi mo makausap? Paano kung gustong gusto mo na siyang yakapin pero alam mong hindi ka niya kayang hagkan pabalik? Tiwala kang mahal ka pa rin niya pero hindi mo hawak ang bukas, may patutunguhan pa ba ang lahat? Hindi mo alam kung kasama mo pa ba siyang lumalaban.


Nitong mga nakaraang araw hindi maalis sa isip ni Irene ang agam-agam na ito, kaya heto siya’t nakatayo sa harapan ng drawer ni Seulgi sa luma nilang bahay.


“Ate Irene, kailangan mo ng tulong maghanap?” Tanong ni Winter na mugtong-mugto ang mga mata.


Dahan-dahang inilipat ni Irene ang tingin mula sa hawakan ng drawer papunta sa direksyon ng kapatid ni Seulgi. “Di na, Win.” Pinilit niyang ngumiti kahit na parang pinupunit sa sakit ang kaniyang damdamin.


“Sa labas lang ako ah? Pagtapos mo diyan alis na tayo. Inaantay na tayo ni Ate Seul.”


Tumango lang siya at ibinaling na ang atensyon sa drawer. Hindi naman ganoon karami ang laman ng drawer pero bakit halos maubos ang lakas ni Irene sa pag-bukas nito. She scoffed. 


‘Anong wala halos laman, Irene? Punong-puno yan ng memories niyo ni Panget.’ Sabi niya sa sarili.


Pagbukas niya ay agad niyang kinuha ang isang kahon at naupo sa lumang kama ng girlfriend. Isang malalim na buntong-hininga at patak ng luha ang kinailangan niya bago niya nakayanang buksan ito. 


Ang bigat. Ang hirap.


Kabisado naman niya kung ano ang laman ng kahon pero gusto lang niyang balikan muli ang masasayang ala-ala nila. Baka sakaling maibsan nito ang sakit na nararamdaman niya.

 

Unang bumungad sa kaniya ang lumang Song Hits ni Seulgi. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Irene nang sabay-sabay nanumbalik ang nakaraan. Agad niyang binuklat isa-isa ang pahina nito.


Pamilyar na mga kanta at liriko ang nabasa niya bago siya nakarating sa pinaka-gitna. Ang pinaka-paboritong pahina ni Seulgi.


Halos hindi na nga mabasa ang mismong lyrics sa kanta dahil pinuno ni Seulgi ng mga linya ang ilalim ng mga guitar chords na nakasulat. Hindi pa ito nakunteto at nilagyan pa nga ng kulay dilaw na highlight ang chorus part ng kanta.


“Dati.” Napalunok na lang si Irene nang basahin niya ang pangalan ng kanta.

 


Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naalala ko pa noon nag aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento


Nanumbalik lahat ng mga pinagdaanan nila simula noong una silang magka-kilala.

 

“O, Irene! Halika dito.” Isang siyam na taong gulang na Irene ang lumapit sa tawag ng nanay niya. Noong una ay nagaalinlangan pa siya dahil hindi naman niya kilala ang kasama ng kaniyang ina.


“Mag-bless ka nak, sa Ninang Tess mo. Diba na-kwento ko na siya sa’yo?” 


Tinignan lang ni Irene ang babae at walang nagawa kundi ang kuhanin ang kanang kamay nito at ilapat sa kaniyang noo.


“I can’t remember, mom.” Mahina niyang tugon sa ina bago siya mag-tago sa likuran nito.


Natatawang hinaplos-haplos ng babae ang buhok ni Irene bago nag-salita. “Naku, bes. Ingglisera pala ‘tong inanaak ko. Mapapalaban ang Seulgi ko niyan.”


“Ay, bespren. Marunong mag-tagalog yan. Kahit na puro puti ang nakakasalamuha namin dun di ko hinayaang di kami magka-intindihan.” Nakangiting sagot ng nanay ni Irene.


“Ayun naman pala eh. Oh nak, ikaw naman. Mag-bless ka sa Ninang Lea mo pakilala ka na rin kay Ate Irene mo.” Inilapit si Seulgi sa mag-ina.


“Bless po, Ninang.” Bilugan ang mukha at mamula-mulang pisngi ng pitong taong gulang na si Seulgi ang nag-salita. “A-ate Ayween, gusto mo?” Alok niya ng kinagatang tsokolate.


Tinitigan lang ni Irene si Seulgi. Gusto niya sanang sumigaw ng ‘yuck’ at ‘eeewww’ pero she held back kasi baka pagalitan siya ng nanay niya.


Nang walang makuhang sagot ang batang Seulgi ay nagpatuloy na lang siya sa pagkain ng hawak niya.


“Ang cute naman ng inaanak ko, bulol ka pa pala eh.” Sabi ng nanay ni Irene na siyang ikinasimangot ni Seulgi.


“Di na po ako bulol, Ninang. Sa ‘awr’ lang po.” Pagmamalaki niya.


“Not bulol? You can’t even say my name properly.” Bulong ni Irene.


Mukha namang hindi narinig ng matatanda ang komento ni Irene dahil patuloy lang sila sa pagku-kwentuhan. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ang dalawa.


“Irene, pupunta lang kami sa mga tita mo ah? We’ll be back in a bit.”


“Okay, mom.” Sagot ni Irene. Sa wakas makakabalik na siya sa kwarto niya.


“Be good to Seulgi, ha? Dito muna siya kasi mukhang uulan di namin maisasama. Nandiyan naman si manang may magbabantay sa inyo.”


Nanlaki ang mata niya. Di niya akalaing maiiwan siya kasama si Seulgi na kasalukuyang pinapahid sa t-shirt ang tunaw na tsokolate sa mukha.


“Manang! Paki-akyat ho muna mga bata sa kwarto. Saglit lang kami.” Paalam ng nanay ni Irene.


At wala na ngang nagawa si Irene kundi ang papasukin si Seulgi sa ubod ng pink niyang kwarto.


“Wooooooooow! Nintendooooooooo!” Excited na sigaw ni Seulgi pagka-kita nito sa Family Computer na naka-display sa kwarto ni Irene.


“Don’t touch it! Dirty yung kamay mo!” Sigaw ni Irene pero huli na ang lahat dahil punong puno na ng tsokolate yung hawak na controller ni Seulgi.


“I said don’t touch it! Ayan ang ugly na. Ang panget panget panget panget na!” Halos maluha na si Irene sa inis.


Imbes na mainis si Seulgi ay unti-unting namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. “H-hindi ako pangit, Ate Ayween. Hindi ako pangeeeeeeeet.” Sagot pabalik ni Seulgi.


“I didnt say you’re panget! Sabi ko this is panget na.” Inilapit ni Irene sa harap ni Seulgi ang maduming controller.


“Hindi nga ako pangeeeeeeeeet!!!!” Pumalahaw na sa iyak ang batang Seulgi. Agad namang umakyat ang kasam-bahay nila Irene dahil rinig na hanggang ibaba ang pag-iyak.


“Irene, ano nangyari? Bakit umiiyak ‘to?”


“I don’t know.” Mahinang sagot niya habang si Seulgi ay pahikbi-hikbi sa tabi.


Ilang minuto pa ang nakalipas nang hindi pagtahan ni Seulgi kaya’t biglang nag-salita si Irene. “Okay, you’re not panget. I AM PANGET. Are you happy now?”


Pero hindi pa rin nito napatahimik si Seulgi. 


“You’re not panget nga. Let’s play Nintendo na lang, okay?”


At parang magic na biglang tumigil si Seulgi. “Play?”


“Yeah, let’s play. Mom bought a new game yesterday. Rockman 2.”


Umiling si Seulgi. “Gusto ko Supew Mawyo.”


Takot na baka umiyak muli si Seulgi kaya’t pumayag na lang si Irene. Kahit na gusto niyang subukan yung bagong balang bili ng nanay niya. “Okay.”


“Yeeeeees! Ako si Mawyo!” Sigaw ni Seulgi na mabilis na umupo sa tapat ng t.v.


“Well, I guess I’ll be Luigi then.” Sabi ni Irene.


“Hindi! ikaw si Princess!”


“No, I’ll be Luigi!”


“Ikaw si Princess! Ise-save kita!” Nagmamaktol na sagot ni Seulgi.


“Seulgi, Princess can’t play. She’ll appear at the end of the game! You won’t see her until you finish fighting everyone.” Iritang sagot ng batang Irene. Dere-deretso in her thick Cali accent kaya hindi masyadong naintindihan ng batang Seulgi.


“Basta! Ikaw si Princess, ise-save ko ang princess ko!”


Di na sumagot pa si Irene at hinayaan na lang mag-laro mag-isa si Seulgi.

 

 

 

 

 

 

“Ang pangit mo mag-tantrums, Panget.” Bahagyang natawa si Irene sa naalala. Hawak ang lumang bala ng family computer na bigay sa kaniya ng yumaong ama.


Nagpatuloy siyang pagmasdan ang song hits na hawak.

 

 

 

 

 


Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
Naglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

 

“Hi, Ninang Lea!” bati ni Seulgi sa nanay ni Irene.


“Naku itong batang ‘to. Hahanapin ka na naman sa’kin ni Tess. Dito ka na naman dumeretso. Bakit di ka hinatid ng service mo sa bahay?”


“Eh ninang, sabi po kasi ni Ate Irene maglalaro kami ng paper dolls ngayon eh kaya sabi ko po kay Kuya Elmer dito po ako ibaba.” Nakangiting sagot ng siyam na taong gulang na si Seulgi.


“Kaya pala nanghingi na naman ng pera yung batang yun. Iyan pala ang bibilhin.”


“Hala, Ninang! Binigyan din po ako ni Mama ng bagong paper dolls.”


“Ay yaan mo na, inaanak. Baka gift sa’yo ng Ate Irene mo yun. Birthday mo bukas di’ba?” Sagot ng matanda.


Bago pa man maka-react si Seulgi narinig na niya ang sigaw ng Ate Irene niya. “Mom! It was supposed to be a secret!” Nagdadabog na lumapit si Irene kay Seulgi. “Yan. Happy birthday, Panget. Mom ruined my surprise.” Sabay akyat nito papuntang kwarto.


Natatawang tinulak ng nanay ni Irene si Seulgi. “Nak, sundan mo na nga ang ate mo. Para di na magtampo.”


Pag-akyat ni Seulgi sa kwarto ni Irene ay nakita niya itong nagmamaktol. Nakapa-ilalim sa kumot at may takip na unan sa mukha.


“Ate Irene, wag ka na maasar kay ninang. Huuuuuy.” Kinakalabit nito sa tagiliran ang kinakapatid.


Ilang segundo ang nakalipas bago alisin ni Irene ang nakatakip sa mukha. “I was supposed to give it to you tomorrow but mom spoiled my surprise.”


“It’s okay. I’m happy. Look.” Turo ni Seulgi sa mukha niya. Binigyan niya ng pagkalaki-laking ngiti si Irene. “Seulgi is beri beri happy.”


“Ang panget mo!” Natatawang nilamukos ni Irene ang mukha ng kaibigan.

 

 

 


“Kahit dati pa, ang bilis-bilis mong mapagaan ang loob ko, love. Sana hanggang ngayon ganun pa rin, miss na miss na kita.” Mahinang sabi ni Irene sa sarili.



 

 

 

 

 


 

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon


“Kakayanin ko bang wala ka sa tabi ko? We did everything together.” Nag-umpisa nang bumuhos ang luha mula sa mugtong mga mata ng dalaga. Mga luhang pumapatak sa hawak niyang song hits.  Dahilan para bahagyang mabura yung isang isinulat ni Seulgi sa paborito niyang pahina.


‘Crush kita, Irene. Crush mo rin ba ako? <3’


Agad na pinunasan ni Irene ang tumulong luha sa pahina. Hindi pwedeng mabura, hindi maaring mawala sa isip niya dahil importante sa kaniya ang ala-alang kaakibat ng mga katagang iyon.

 

 

 

 

 

“Hoy, anong feeling na may nagka-crush sa’yo?” Pang-aasar ni Solar sa class president nila.


“Stop it, Solar! Hindi si Seulgi nagsulat nun.” Sagot ni Irene habang nag-checheck sila ng quizzes ng mga taga lower year. Hindi na kasi nag-klase ang English teacher nila at basta na lang iniwan sa kanila ang mga test papers para markahan.


“Ah talaga ba, Irene? What if crush ka nga talaga ni Seulgi, ayaw mo lang aminin?” Sabat ni Nayeon.


“Anong aaminin ko? Eh sa hindi naman talaga sulat ni Seulgi yun?” 


“Ay naku, deny pa sige. Eh song hits ni Seulgi ‘yun diba?” Sagot ni Solar.


“It’s hers, yes. Pero kung sino-sino na humiram nun. Pwedeng ibang tao ang nag-sulat. Tignan mo nga naka-abot pa sa inyo yung chismis.” Depensa ni Irene.


“Okay sige, eh di i-check natin kung kay Seulgi ba talaga yung handwriting. Sakto section nila ‘tong test papers na iniwan ni Ma’am Garcia.” Sabi ni Nayeon.


Nagkibit balikat lang si Irene at nanahimik sa kinauupuan niya. Ang dami-dami nang tumatakbo sa isip niya pero pinili niyang bale-walain ito dahil mas importanteng makausap niya si Seulgi. Ilang araw na rin kasi niyang hindi nakikita ito simula nung pag-usapan silang dalawa ng buong Highschool Department.


Nanlaki ang mga mata niya nang biglang ilabas ni Nayeon ang song hits ni Seulgi. Napalunok na lang siya nang isa-isang buklatin ng mga kaibigan ang mga pahina nito.


“Ano ba naman ‘tong si Seulgi puro sulat naman ‘tong song hits. Hirap hanapin ah. Saan ngang page nakasulat yung ‘CRUSH KITA IRENE’?”


“B-bakit nasa inyo ‘yan?” Nauutal na tanong ni Irene. Kabog ng kabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi niya alam anong mararamdaman niya sa oras na makumpirma nilang sulat nga talaga ito ni Seulgi.


“Eh hindi maibalik nila Sehun ‘to sa kaniya kasi ilang araw nang absent eh. Sabi nila ibigay ko na lang daw sa’yo para ikaw ang magbalik tutal naman magkapit-bahay lang kayo.” Sagot ni Nayeon.


“Give it to me, bibigay ko sa k-kaniya mamaya.” Napalunok na lang siya sa ideyang magkikita sila pagtapos ng klase.


“Hep! Not so fast, missy. We’re here to check something di’ba?” Sabi ni Solar sabay agaw nito ng song hits mula sa kamay ni Irene.


“Table of contents…hmmmm…” dugtong ni Solar habang hinanap ang kanta. “Page 23! DATI by Sam Concepcion. Yan yung song!”


Agad na inilipat nila Nayeon sa page 23 ang song hits at itinabi sa test paper ni Seulgi.


“Ewan ko lang ah? Pero 99.9% akong sure na sulat nga ni Seulgi ‘to.” Nakangising sabi ni Nayeon.


“Yieeee, si miss pressy magkaka-girlfriend na.” Pang-aalaska ni Solar.


Irene at an early age, had been loud and proud of her gender identity and ual orientation. Nakatulong sa pag-diskubre ng pagkatao niya ay ang pagkakaroon ng mabuti at mapag-mahal na puso ng mga magulang. Kaya naman nang maging sigurado na siya ay agad niya itong ibinahagi sa nanay, tatay, at mga kaibigan, including Seulgi. Tanggap naman siya nang halos lahat ng nakapaligid sa kaniya, yun nga lang may iba pa rin talagang mapang-husgang nilalang ang hindi sang-ayon as if they have a say in her life.


“Sol, wag nating pangunahan si Seulgi okay?” Irene sternly said.


“Okay, okay. Ang protective mo naman sa kinakapatid mo eh.”


“Akin na yan. Tsaka pwede ba? Stop na natin ‘to please? If she’s attracted to me or to any of the girls here, hayaan natin siyang mag-come out kung kailan siya ready. Let her be.”


“Yiiiieeeee kilig naman kami, bestie. Pinagtatanggol na niya.” Sabat ni Nayeon.


“Sabi nang stop this na eh. You of all people pa talaga? Dapat alam mo na Nayeon kung gaano kahirap mag-come out sa lahat. Parang di niyo pinagdaanan ni Jeongyeon eh no?” Masungit na sabi ni Irene.


“Oo na, sorry na. Di na mangaasar. Teka nga nasaan ba yang sila Sehun? Sila nagkalat na may crush sa’yo si Seulgi eh. Tara nga Solar awayin natin.” Aya ni Nayeon sa kaibigan.


“No, don’t. Ako ang kakausap sa kanila.” Mariing sabi ni Irene.


Ilang minuto bago tumunog ang bell, hindi na mapakali si Irene. Napilitan pa siyang gumamit ng landline phone sa guidance para lang masigurado na aabutan niya sa Seulgi sa bahay nito.


Hindi na nga siya sumabay sa school service pauwi dahil huling-huli siya palagi inihahatid nito. 

 

 

 

 


“O, Irene. Akyatin mo na nga si Seulgi sa taas. Ilang araw na niyang sinasabing masama ang pakiramdam niya’t ayaw pumasok. Eh pag chine-check ko naman wala naman lagnat.”


“Sige po, ninang. Akyat na po ako.”


“Nak? May problema ba yang batang yan? Baka nabu-bully school, hindi kaya?” Tanong ng nanay ni Seulgi.


“Hindi po, ninang. Tsaka kung meron man po I’d be the first one to defend her. Don’t worry po.” Nakangiting sagot ni Irene.


“Salamat, nak ha? Buti na lang talaga bumalik kayo dito sa Pinas. Eh kung hindi edi walang mabait na ate ‘yang panganay ko.”


Ngumiti lang si Irene at nagmadaling umakyat sa kwarto.

 

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Seulgi. Nakatalukbong ito ng kumot at napakatahimik sa loob ng kwarto.


“Seul…” mahinang sabi ni Irene.


Ilang minutong nag-antay si Irene kung kakausapin ba siya ni Seulgi pero wala siyang nakuhang sagot. Di nagtagal ay narinig ni Irene ang mahinang paghilik ng kinakapatid. Aalis na lang sana siya pero pinili niyang mag-intay. Umaasang pag-gising ng katabi ay mapag-usapan nila ang mga bagay bagay.

 

 

Hindi inasahan ni Irene na lalalim ang tulog niya kaya’t nang magising siya ay napakadilim na ng paligid at wala na sa tabi niya si Seulgi.


“A-ate Irene…” biglang nagsalita ito. Hinanap ni Irene kung saan naka-pwesto si Seulgi pero masyado ng madilim kaya hindi niya ito makita. Aabutin sana niya ang lamp shade sa side table pero pinigilan siya ni Seulgi.


“Nandiyan ka pala eh. Bakit ka nakaupo diyan sa sahig?” Tanong ni Irene. “Sorry nakatulog ako.” dugtong nito.


“A-alam ko bakit ka nandito.” Sabi ni Seulgi, garalgal ang boses at halatang bagong iyak.


Napa-buntong hininga si Irene bago niya tabihan si Seulgi sa lapag.


“Are you ready to talk about it? Take your time, Panget. You can tell me naman whenever you’re ready.”


“Hindi, ng-ngayon na. Kasalanan ko naman eh. Nadamay ka pa tuloy sa pang-aasar nila Sehun.” nauutal na sagot ni Seulgi. Ramdam ang kaba sa kakaharaping pag-amin.


“Sus, wala yun. Di uubra sa’kin pang aasar ng mga classmates mo.” Sinubukan ni Irene na pagaain ang loob ng kausap.


Isang malalim na paghinga bagi nakapagsalira si Seulgi. 


“Alam ko, Ate Irene. Lumaki tayong parang magkapatid kaso I can’t help it eh. Akala ko dati I admire you lang dahil you’re the big sister I never had.” Paliwanag niya.


Hinayaan lang siya ni Irene mag-salita.


“Pero lately I keep on questioning myself na. Bakit naiinis ako pag lumalapit sa’yo si Ate Byul, bakit kumakabog yung dibdib ko everytime na magkatabi tayo. At bakit puro ikaw yung nasa isip ko kahit ang dami dami kong ginagawa.”


Bahagyang tumigil si Seulgi sa pagsasalita at pasimpleng tinignan ang katabi. Assessing Irene’s reaction to her sudden confession. O matatawag nga bang sudden ito eh parang hindi naman nagugulat si Irene sa mga binibitawan niyang salita.


“Napagalitan nga ako ni coach sa practice last week kasi wala akong mai-shoot kahit isa. Eh free throw lang naman yun sobrang easy lang sa’kin nun dapat.”


Natawa ng bahagya si Irene. “Ang yabang mo talaga, Panget.”


“Bakit? Totoo naman ah? Gold medalist kaya ng Palarong Pambansa ‘tong kausap mo, ‘no?”


“Oo na, mayabang ka na pero pagbibigyan na kita kasi may ipagmamayabang naman.”


“May ipagmamayabang ba talaga ako? Eh alam ko namang ire-reject mo lang ako.” Mahinang sagot ni Seulgi.


“Seulgi…” sagot ni Irene habang sinusubukang hawakan ang kamay ng katabi pero agad itong inalis palayo ni Seulgi.


“Tanggap ka namang di mo ako gusto in that way. You’re not supposed to know naman talaga, wala akong balak sabihin. Kaso pinaki-alaman nila Sehun yung song hits.”


“Seulgi, I…i…”

 

“Di mo kailangang magbigay ng comforting words. Malaki na ako I’m turning 14 in a few days. Crush lang naman, diba? Pwede naman akong magka-crush sa iba.”


“I’m sorry, Seulgi. Alam ko you’re hurting right now kasi bigla kang in-out nila Sehun ng hindi ka pa ready tapos…” ilang segundong katahimikan ang bumalot sa dalawa. “…tapos here I am, unable to reciprocate your feelings.”


“I expected it naman na Ate Irene. Sino ba naman ako diba? Bata lang tingin mo sa’kin tapos may Ate Byul pang pogi sa paligid.” Seulgi said while trying to suppress her tears from coming down her face. Kaso bigo siya eh, bago pa man niya matapos ang sasabihin ay tumulo na ang mga ito. Kagaya ng pagka-bigo niya sa first love niya.


Oo, first love niya si Irene, ang kinakapatid niya but she’s just too afraid to admit it. Takot siyang ma-reject kaya kahit na gustong gusto niyang isulat yung mga katagang ‘Mahal kita, Irene’ sa paboritong pahina ng song hits niya, she just settled to write the word ‘crush’.


“You know, I don’t like Byul, right?”


“Alam ko pero ano n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
42 streak #1
Chapter 1: 👉👈
_rtempest
1033 streak #2
Chapter 1: ang ganda!! salamat po! 🤧
kang_ddeul
#3
Chapter 1: awww grabe 🥺💗 thank you for writing this story, otor-niiim! ^^ take your time po and stay safe po palagi 🥰
Highseul
#4
Chapter 1: ito! ito talaga yung trip kong angst! yung kahit may sakit, sila pa rin talaga sa huli, happy ending pa rin huhuhu ang ganda, sobra... woooh! thank you otor T.T
Maatt_booii #5
Chapter 1: Napapaiyak na din ako huhu uufff..
caramel_luv
#6
Chapter 1: wow ang galing niyo po omg at ang sakit parin kahit happy ending y-y
seulbunny_ #7
Chapter 1: ako lang ba nakaimagine ng Dati, yung bagong version kinanta ni sam conception recently lang sa kasalan? yun yung nasa utak ko habang binabasa to

huhuhu ansaket naman neto author rawr sana masarap ulam niyo po, opo!
seulrene_lang
#8
GRABE!!! GRABE TALAGA!!!! KUDOS SAYO OTOR GALING MONG MAGLABAS NG EMOSYON!!!
gazwashere
#9
kakaisip ko palanb na miss ko na Dito Sa Fairview pero parang magkakasakitan po tayo dito sa Song Hits 😭