Prologue

I'm inlove with Yu

"Hoy Ali- Aray ko naman putcha ‘yan!" Nakahawak sa braso kong angil ng hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay nahampas na agad ako ng malakas ni Giselle sa braso. "Shutek! Ang sakit, Giselle Alison! Parang 'di mo ko best friend, ah?!" 


 

"Deserve mo, tanga! Tsaka sino bang nagsabing oo?" Masama niya akong sinundan ng tingin hanggang makaupo sa tapat niya na ginawa ko rin. Lakas topak nito, ah? Red days ba?


 

"Inaano kita? Kakakita lang natin ha, umayos ka." I asked, still confused. Sino ba naman kasing hindi magtataka 'di ba?? Imagine, tatlong taon kayong hindi nagkita tapos ang unang bati sayo ay hindi isang hi or hello pero isang hampas na masakit!


 

"Isipin mo, sige." Malamig na sabi niya at tinuloy na ang pagce-cellphone na parang wala kaming mahalagang pag uusapan. At syempre, as a good friend of hers, inisip ko naman muna 'yon kesa sa dapat naming iinintindi.


 

Mga dalawa or isang minuto rin ata akong tahimik at ramdam ko na agad ang sakit ng ulo ko. Wala naman kasi akong maalala na ginawa ko dahil nga kakauwi ko lang rin dito sa Pinas noong nakaraang linggo. 


 

Jusko naman, Giselle!


 

Tangina nito, trip na naman ata ako. Kakauwi ko lang tapos kung pahirapan ako parang wala nang bukas? Not that I want pero kasi, pwede naman sabihin na lang. Bakit kailangan ko pang pasakitin ang ulo ko kakaisip?


 

"Bahala ka mag-isip d’yan." Sagot niya sa akin nang magtanong ulit ako kung ano ba 'yon. "Anyways, about dun sa bahay.." Pagbabago niya sa topic.


 

Napabuntong hininga na lang ako at bumusangot. Naiirita ako slight sa kanya, seryoso. Para kasi siyang baliw! Nananahimik yung curiosity ko dito tapos biglang gaganon tapos hindi naman sasabihin.


 

"Dahil ba 'to sa hindi ko pagpunta sa kasal mo?" Tanong ko pa rin, "Gagi, sorry talaga! Sinubukan ko naman umalis that time kaso ayaw talaga nila." Explain ko pa. 


 

Wala kasi ako noong kasal niya dahil ayaw akong paalisin ng boss ko sa New York. Sabi ko nga mag t-take ako ng leave kahit mga isang linggo lang or three days kaso hindi pa rin pumayag, nakakainis! May sama ata ng loob sakin yung poknat na ‘yun.


 

"Tanga, hindi. Naiirita lang ako sayo kasi bakit hindi mo sinabi sa’kin na nakauwi ka na pala? Nauna pa malaman ni Hyunjin panget before me!" Napakurap ako ng ilang beses bago tuluyang napahagalpak ng tawa. 


 

Kaya ba ako ang gusto niya maging Architect sa ipapagawa nilang bahay para lang awayin?


 

I slightly shake my head at kinuwento na kay Giselle kung paano kami nagkita nila Hyunjin at Yeji dahil hindi mawala-wala ang talim ng tingin n ito sa akin. 


 

Hindi naman kasi talaga ako nakipag meet or something doon sa dalawa. Wala nga akong pinagsabihan na kahit sino na umuwi sa Pinas para kako surprise. Kasalanan ko bang we met unexpectedly?


 

Balak ko naman talaga ipaalam sa kanila once nakabili na ako ng gamit or what. Kaso hindi ko naman inexpect na makikita ko pala yung kambal sa furniture sa shop na napuntahan ko nung isang araw kasi bumibili rin sila. Kung alam ko lang, edi sana hindi na ako tumuloy 'di ba? 


 

Halos wala na kasing laman yung condo ko bukod sa kama since I decided to sell them off before flying to New York. Sayang naman kasi if nandun lang tapos maluluma ng ilang taon at hindi naman masyadong ginagamit. 


 

Nakisuyo pa nga ako dun sa isa kong kakilala para mapalinis na siya bago ako umuwi dahil hindi ko naman totally binenta ‘to. I'm sure naman kasi na uuwi at uuwi pa rin ako dito pagdating ng panahon. 


 

Staying abroad isn't even in my plan. Need ko lang talaga pumunta doon because of something that shall not be mentioned.


 

Nagkwentuhan pa kami ni Ali ng ibang bagay after niya akong gisahin, catching up on some stuff at sa mga nangyayari sa buhay naming dalawa, including the others. Tinatanong ko pa nga siya dahil hindi ko naman nakita or kilala ang naging asawa niya. 


 

Nag-mention naman siya ng name pero sa dinami-rami ba naman ng sikretong relasyon na meron siya before, hindi ko alam kung sino ang nakatuluyan niya sa mga 'yon. I'm not even sure nga kung nandun ba yung asawa niya ngayon sa mga sinabi niyang pangalan sa akin noon. 


 

"Hold on, hold on." Pagpigil ko sa kanya, staring at her for a good minute just to let her words sink in.


 

"Bakit?"


 

"Am I hearing it right, Giselle?" Tanong ko pa ulit, hindi pa rin makapaniwala. 


 

"Ano nga?" Kunot noo nitong tanong pabalik.


 

"You said that I'll be meeting your wife today, am I right?" I blinked, making sure that I heard her loud and clear.


 

I stared at her when nothing came out from . 


 

"Giselle naman!" I whined, throwing my hands in the air when I saw her nod at my question after a while. "Have you seen my state? Ang haggard ko!!" Pagrereklamo ko pa.


 

Sabi na dapat talaga umuwi muna ako bago dumiretso rito, eh.


 

"Yeah, and?" She asked, raising a brow at me while crossing arms. 


 

"You could have told me beforehand." I whisper, pursing my lips before looking away. 


 

Alam ko namang sasabihin ni Giselle na there’s nothing wrong with that. It wasn't even a big deal kung tutuusin. And everyone will find me agreeing with that only if it didn’t happen to me instead. 


 

Like, I will be meeting her for the first time. First time nga, tapos eto ako. Mukhang gusgusin na ewan tapos super pawis pa. Baka panget makuhang impression sa akin, nakakahiya!


 

Baka mukha akong batang hindi naligo ng ilang araw dahil sa itsura ko ngayon, omg ha.


 

"Pag-uusapan ang bahay, Cian. Of course she's required to be here with me." Irap ng bestfriend ko sakin kaya binato ko siya ng tissue sa mukha niya when I saw it. "Oh? She's here na pala." 


 

Saglit akong napako sa kinauupuan ko ng marinig ang bell sa may entrance ng cafe. Pero unti-unti rin naman akong lumingon dito.


 

Naramdaman ko na lang ang palad ni Giselle sa baba ko kaya naman mabilis kong isinara ang bibig kong hindi ko napansin na naka awang na pala.


 

Maganda.


 

Is what I told myself when the woman looked in our way, plastering a big smile on her face upon seeing the woman sitting across my seat. 


 

Kung ako ang tatanungin niyo, literal na take ang breath ang nangyayari sakin. Oo, alam ko namang umiiral ang kabadingan ko ngayon pero bakit ba?


 

Pero kasi naman, is it even possible for someone to stand out the most even with the simplest attire? 


 

Like, never in my life I thought that a plain white shirt that's tucked in jeans can be this attractive. 


 

Grabe, ang simple lang naman ng suot niya pero magarbong tingnan. 


 

Tumayo ang best friend ko sa upuan niya kaya automatiko rin akong sumunod, bowing towards her wife na ngayon ay nakatayo sa tabi ng kaibigan ko at binigyan ako ng malawak na ngiti.


 

"Hi, love." Bati ni Giselle at hinalikan ang asawa sa pisngi.


 

"Hello, baby."


 

Okay. 


 

Wow ha? Hindi ko naman ramdam ang pagiging single ko rito. Hindi talaga, sobra.


 

"This is Architect Kim that I've been talking about nga pala." Tapos ngumiti siya sa akin, "This is Winter, my best friend." Napairap pa ako ng wala sa oras kasi napaka sarcastic ng pagkakasabi niya sa word na best friend. "And this is Ning, my wife." Dagdag pa niya at malambing na nakatingin sa asawa.


 

Okay pa naman ako. Ano lang, parang gusto ko lang magpa-apak sa dinosaur.


 

"Oh my god! Oh my god! Really!?" Napako ako sa kinatatayuan ko nang biglang yumakap ng mahigpit si ate ganda sa akin. Nilipat ko pa ang tingin ko kay Giselle para manghingi ng tulong kaso tinawanan lang ako.


 

Hayop talaga 'to, walang dulot!


 

"Love, don't scare her." Ate ganda let go of me after a while, pinching my cheeks that made Giselle laugh.


 

Ang pisngi ko.. 


 

"Na-excite lang. By the way, I'm Ning Loumiere Uchinaga, Giselle's wife. It's finally nice meeting you, Architect Kim." Nakangiting pagpapakilala niya kaya naman napangiti na lang ako habang hinihimas ang kinurot nito kanina.


 

"I'm Winter Cian Kim. Nice finally meeting you too, Mrs. Uchinaga." I said cheerfully, accepting her hand hanging in the air for me to shake.


 

"Alam mo bang Alison here often mentions you?" Nilingon ko saglit ang kaibigan ko dahil sa impormasyon at tinaasan siya ng kilay only to see her shrugged.


 

"I hope she said nice things." Biro ko na ikinatawa rin naming tatlo. Baka kasi binabackstab na ako, edi ang panget niya pala ka-bonding kung ganon. 


 

The three of us comfortably took our seats after the exchange. Hihintayin na lang daw namin saglit yung engineer na kilala ni Ning bago mag-umpisa.


 

Napag-desisyunan muna namin umorder ng kape habang nagkukwentuhan. At grabe, ang friendly ni Ning!


 

She's like Giselle's opposite noong high school pa kami. Buti na nga lang at nag umpisa siyang maging madaldal dahil lagi silang nagtatalo ni Hyunjin by the time we reached 1st year of college. Pa mysterious ata ang isang 'to dati eh.


 

"Taob, Giselle!" Gatong ko nang muli siyang asarin ng asawa. 


 

Halos lagpas sampung minuto na nung dumating si Ning at puro pang aasar lang ang ginagawa niya sa kaibigan ko. 


 

I'm not complaining either kasi I've got the chance to see my best friend in a drunken state habang puro pangalan lang ni Ning ang lumalabas sa bibig niya.


 

And if I remember it right, eto yung party na pinuntahan naming magkakaibigan noony college. Kaklase kasi ni Hyunjin yung may birthday kaya pati kami ay nahatak doon. Ayaw pumunta mag-isa ni bading eh.


 

Natigil kami sa tawanan nang biglang nag ring ang phone ni Ning at nag paalam muna na lalabas lang saglit para sunduin yung engineer na kaibigan niya rin pala.


 

Nang mawala ito sa paningin namin ay nagtanong na ako kay Ali kung anong trabaho ni Lou dahil nakalimutan ko ring itanong kanina.


 

At ang liit pala talaga ng mundo kasi nagtatrabaho rin siya sa ospital na pinapasukan ni Chaeryeong ngayon.


 

I briefly look at my phone when the screen lights up, showing an unfamiliar number. 


 

It is the furniture shop, texting me na baka ideliver na today yung sofa na nabili ko last time. 


 

I was about to reply an 'okay' nang marinig ko ulit ang boses ni Ning sa hindi kalayuan. Tawa niya pa lang, kilala ko na agad. Kabahan ka na Giselle, palagi kong yayayain lumabas 'tong asawa mo.


 

"Guys," I raised my head, "This is my friend nga pala, Winter." She introduced and pointed at the woman beside her.


 

A small world indeed.


 

Halos hindi maipinta ang itsura ng bagong dating na nakatingin lang sa akin at pakurap-kurap na akala mo ay nakakita ng multo. Looking so composed yet shocked if I take a closer look.


 

Not that I think that Ning and Giselle will know that our other companion is shocked to see my presence at the same table as hers.


 

A person who's always good at hiding their emotions. 


 

Well, I don't blame her for having that kind of reaction naman din dahil miski ako ay nagulat na makita siya rito. 


 

Liit talaga ng mundo, grabe. 


 

Sa sobrang liit parang gusto ko na lang magdabog.


 

It actually somehow feels weird. 


 

Somehow heavy.


 

Was it because it wasn't the same as it was before?


 

Siguro.


 

Diretso akong tumingin sa mga mata niya. And really, those irises are still lovely as I remember them before. 


 

They still leave me in awe whenever I stare at it longer than intended. 


 

The way her unique features remains as it is at the back of my mind na parang kahapon lang ang lahat.


 

As if everything happened yesterday. 


 

It's getting heavier.


 

Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko at ngumiti ng malawak sa kanya, inaalok ang kamay at pinipilit baliwalain ang kasalukuyang nararamdaman.


 

Ang bigat.


 

Sobrang bigat kahit makikipag-kamay ka lang naman sa taong matagal mo nang hindi nakita.


 

Gulat pa rin itong nakatingin sa akin. But I couldn't care less. 


 

Matangal naman nang tapos.


 

"It's nice seeing you again, Engineer Yu."




 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
showlls
We're nearly 200 subs! Salamats salamats!! Send tots kayo?

twt and cc: ranselo_

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Welcome back otornim 😣😤😍💙❄🙌
Darnanays
#2
kamusta kaya to?
winjeongkim21 #3
Chapter 3: hi po author hehe
jmj1117 #4
Chapter 1: Prologue pa lang amoy angst na
yulliseek #5
Chapter 3: Ay ang cutie huhu gusto ko ‘yung nagpapanic si Winter pero I think wala namang nangyari sa kanila, sadyang tease lang itong si Karina. HAHAHAHA Anyway, i love the progress, author. Ganduh po ng pace since nagkaroon kami ng sneak peek of the future (mukhang masakit nga lang, pero sila sana ang end game hngk) and magkakaroon kami ng idea kung paano sila nag-start as strangers.. Willing to wait, author! Looking forward po sa story. :)))
Haha-hakdog #6
Chapter 3: uY ANG CUTE TLGA i love the strangers with a past Prologue tsaka ung pagkkwento nubg development paano napunta don, un kang otor willing to wait po >_<
TYTFshipper
271 streak #7
Chapter 3: Ay salamat otor sa jinjoo scene dito ha huhu ittreasure ko din to as if my greatest treasure charrr shempre i'm really up for winrina x jinjoo dito sobrang tamang choice yon 👉👈 hehe anyways really curious na talaga for karina's pov hmmm see you next chap for sure otor!! 🥰

Ps. Best bro yenjin yeah 😎 hahahaha
_Jisoo_ #8
Chapter 3: Bat may pa wink mareng karina?? Cute niyo
u_ujiman #9
Chapter 3: Let's enjoy it while it last siguro HAHAHA nagsisimula na, ang cute lang ni Cian, inaabangan ko talaga 'to.
rinalovesyouu #10
Chapter 2: Ohhh… see you in the next chapter po!