Chapter 3
Basta Angkas Rider, Sweet LoverFriday na ngayon, dalawang araw na din nasa akin yung number pero hindi ko padin tinetext or tinatawagan si Cutie Flash. Una sa lahat, hindi ko alam bakit nga ba? Pangalawa, hindi ko din kasi alam yung dapat kong sabihin. Pangatlo, napadalas yung pagsabay ko kay Krystal kasi nga lagi kaming magkameeting dahil need to prepare daw sa paparating na anak ng CEO namin. Totoo nga yung rumor about sa pagbaba ni sir sa posisyon pero discreetly lang yung information. Wala padin talaga akong idea kung sino siya pati si Krystal wala din.
So far, smooth naman yung dumaang Linggo kaso parang may kulang lang talaga, ewan kung ano. Wala kami ngayong meeting ni Krystal since pinagpaliban muna namin dahil nga Friday naman and may party pa ata siyang pupuntahan. Buti na din para makauwi ako ng maaga. Sa totoo lang din, nakakamabutihan ko na din ng loob si Krystal. Parehas kami masungit pero bukod doon marami din talaga kaming similarities. May pagkasosyal lang siya sa akin ng slight pero about sa character parehas kaming focus and professional. Naopen ko na nga din dati yung nainis ako sakanya at ganun din pala siya sa akin. Nahiya nalang daw siya sa akin ngayon kasi nga ang laki ng nagawa ko sa department niya kaya tinry niya din talagang magreach out at para makaclose ako. So ayun ang ending laging nagseselos si Yerim, buti na din para maiwasan yung pagkahawa ko sa kanya ng kadaldalan. Nadiscover ko din pala na may fiancé na tong si Krystal. May schedule na din yung wedding niya and iniinvite niya ako pero months pa naman. Hindi ko lang nakuha yung name ng partner niya siguro iaask ko nalang next week.
“Ma’am Irene pauwi na po kayo?” Tanong sa akin nung guard. Sinagot ko siya ng oo. Medyo good mood ata yung guard kasi andami pang gustong itanong sakin. Habang kausap ko yung guard may napansin akong anino malapit dun sa pinag-aantayan ko. Hindi ako pwedeng magkamali na yun yung nanghaharass sakin dati. Buhay pa pala siya. So ayun hindi na muna ako umalis sa tabi ng guard habang nagbobook ng angkas.
“Ma’am Irene, magroroving po ako ulit. Dyan lang po kayo?” Sinilip ko yung lalaki andun padin. Napakacreepy naman nito.
“Hindi kuya balik muna ako sa office ko may naiwan ako”. Hindi talaga maganda yung pakiramdam ko sa kanya ngayong araw eh. Alam mo yung aura na parang nakakabahala.
So pabalik balik ako sa kinatatayuan ko. Nine na ng gabi at wala akong mabook, mahigit isang oras na din akong nagtatry. Isa lang naman yung way na naiisip ko para makalabas ako ng buhay eh. Kahit assuming ako sa lalaki na baka may masamang balak, okay lang kasi mahirap na ano. Ano ba ang itetext ko sa kanya? Maghi ako? Pero okay lang kaya na ngayong oras ako nagtext? Gabi na kasi.
Hi, this is Irene, pasundo naman? Hala ano kaya yun ang demanding. Erase erase. Baka nasa bahay na yun. Hay naku bahala na.
Hi, si Irene to. Salamat sa bag nag-abala ka pa. Schedule ko is 8am to 5pm talaga but this week, until 9pm na ako nakakauwi due to work hehehe. Thanks.
Agad naman akong nataranta ng biglang nagring yung phone ko. Ang bilis naman ata ng feedback, nag-aantay kaya to sakin?
Cutie Flash… Calling. Yes, that’s her contact name.
Hala. Sasagutin ko ba? Malamang.
“Hi Cut.. Seulgi. Napatawag ka?”
“Sorry ah tumawag na ako hindi kasi ako sanay na nagtetext. Sunduin na po ba kita Ma’am? Nasa office ka pa po ba?” Ma’am? Bakit ganun iba yung dating pag galing sakanya? Wala lang para lang kasing iba.
“Huh? Naku kung may ginagawa ka okay lang.” Kahit hindi talaga okay. Sana mag-insist siya.
“I insist. Nandito na din ako sa baba eh.” Yung feeling ko yung tulad sa mga games na natarget locked ko na siya.
“Ah ganun ba? Sayang naman punta mo sige pababa na ako.” Medyo pakipot pa para hindi masyadong halata na need ko talaga siya. Medyo tinagalan ko ng kaunti bumaba para hindi obvious na hinihintay ko talaga siya. Nag-ayos din ako ng matagal sa CR. Tiningnan ko yung sarili ko. Okay naman yung suot ko diba? Hala nakaskirt pala ako. Paano ako nito sasakay sa motor niya.
“Hi Ma’am.”
“Hi” Medyo awkward kong sagot. Kita ko padin yung guy sa may malapit sap uno. Feeling ko talaga pula mat anito eh tapos nakatitig sakin.
“Ma’am?” Ay sorry nakafocus kasi ako dun sa guy saka lang ako napatingin kay Cutie Flash pero parang mali at ana tumingin ako. Hindi siya nakahelmet ng kausapin niya ako. Grabe, hindi lang siya cute, mas higit pa pala don, swear. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Bakit ganito yung ayos niya ngayon? Bakit ang girly niya ngayon na parang hindi? Nagpabangs ba siya? Oo nga may bangs siya ngayon, full bangs. Hindi ko talaga alam saan ako titingin. Hindi sinasadya na sa labi niya ako napatingin.
“Tara na?” Tumango nalang ako sakanya. May something nanaman na nag-iinit kung saan sakin eh.
“By the way, nakaskirt kasi ako paano kaya to?” Napansin niya d
Comments