Chapter 3
Life here is GoodRINA'S POV
"Rina, Magpatulong ka kila Ethan at Abo, ipasok nyo yung dalawang foam sa Kwarto ni Winter, nasa labas sila kasama ng tatay nya, kaya di nyo maaabala" Rinig kong utos samin ni Lola
Tumango ako at nagpasama na kayla Ethan para kuhain yung mga foam sa Kwarto nila lola na extra, merong 2 pang extra ang maayos na naka tiklop sa may taas ng cabinet nila
Isa isa iyon kinuha ni Ethan dahil mas matangkad sya saamin at dinala na namin iyon sa Kwarto ni Winter
"Abo, kuha ka ng mga unan, punda atsaka Kobre kama sa cabinet, meron pa dun na extra," utos ko kay Abo na tumango at mabilis na lumabas ng kwarto
"Ilan kaya yung kaibigan na dadating nung Winter nuh?" Tanong ni Ethan, nagkibit balikat lamang ako at iniayos na ang foam, meron pa namang dalawang kama na bakante sa Kwarto ni Winter dahil ito ang dating kwarto ng magkakapatid nila Papa, 4 sila na dito natutulog dito kaya malaki, di na din tinggal nila Lola yung mga katre
Inilatag na namin ng maayos yung foam sa Katre pagkaayos namin
Maya maya pa ay pumasok na din si Abo at may dalang Kobre kama at mga punda
"Asan mga Unan?" Tanong ko
"Aba, sandali lang naman ano? Dalawa lang ang kamay ko, baka nakakalimutan mo," masungit na sabi nya sakin kaya natawa si Ethan
"Diko pa nakikita yung Winter," sabi ni Ethan saamin habang inilalagay kung kobre kama
Tumango naman si Abo
"Ako din,"
" Ah, mamaya makikita nyo yun, kuha muna tayo unan" sabi ko sa kanila
---
Pagkabalik namin sa Kwarto ni Winter wala pa sya kaya ipinagpatuloy na namin ang pagaayos ng mga unan sa kama
"Ok na siguro yan," Sabi ni Abo
"Oo, tara na, gutom na ko di pa ako kumakain," Sabi naman ni Ethan, kaya bumaba na kaming tatlo
"Lola, Tapos na namin ayusin yung kwarto, kakain daw po muna sila Ethan," Sabi ko kay Lola na nag luluto ng meryenda
"Ay, oo nga pala, hindi pa kayo nag tatanghalian, hala sige, kumain na kayo dyan, magpahinga muna kayo pagkatapos, maya maya andyan na din mga kaibigan ni Winter," Sabi ni Lola, nag labas naman ang ng dalawang plato, kutsara at tinidor at inilagay naman iyon sa l
Comments