ikaw pa rin ang aking tadhana

ikaw pa rin ang aking tadhana

 

Simbang Gabi, lagi yan inaabangan ni Luhan dahil sabi ng matatanda noon kapag nakumpleto mo ang siyam na araw na simbang gabi pwede kang humiling ng kahit ano at lahat yun matutupad.

 

Mag iisang taon na ang nakalipas nung nakumpleto ni Luhan ang siyam na araw ng simbang gabi at tanging hiniling niya nun ay isang kaibigan.

 

At agad naman itong tinupad ng tadhana. Dahil nakilala niya si Sehun Oh. Ang COO ng Banco de Oro sa Maynila. Nagmamayari ng sariling kotse at condo unit sa Breeze Residence. Hindi niya akalain na ang hiniling niyang kaibigan ay matagal na palang nasa tabi niya. Madalas makasalubong sa elevator at minsan na niyang nakatabi sa sambihan nung unang araw ng simbang gabi.

 

Halos isang taon na silang lumalabas after work, lagi siyang hinahatid sundo sa trabaho, laging magkausap sa phone, updated sa isa't-isa. Pero kahit na ganun never nagsawa si Luhan kay Sehun at ganun din naman ang pakiramdam niya kay Sehun na hindi niya nakitaan na napapagod sa mga ginagawa niyang efforts para sa kanya.

 

Alam ni Luhan na matagal na nanliligaw si Sehun sa kanya, pasado na nga siya dahil kahit saang anggulo tignan worthy siya na maging boyfriend ni Luhan. Sa totoo lang natatakot si Luhan.

 

Natatakot siyang sagutin si Sehun dahil baka bigla itong mawala sa kanya katulad ng ginawa ng mga exes niya sa kanya. After makuha ang loob niya at ang matamis niyang oo nabawasan na yung effort at pagmamahal para sa kanya hanggang sa maubos at tuluyan siyang iwan na nagmamahal ng buo.

 

Tapos malapit na mag December kaya nababahala si Luhan dahil madalas may mangyaring masama sa love life niya sa mga panahon na ganito.

 

"Luhan, sorry hindi kita maihahatid sa work bukas ng umaga and I might be late to go home too kaya hindi kita mahahatid pauwi." sabi ni Sehun kay Luhan. Sobrang nahihiya siya kay Luhan kasi kahit gustuhin man niya na hatid ito kaso puno yung schedule niya ng mga meetings at maguumpisa pa ito ng sobrang aga dahil may virtual conference sila with their clients na nasa ibang bansa kaya sila ang mag aadjust para masabayan ang office hours nila.

 

Tinigil ni Sehun yung sasakyan sa parking lot ng condo nila. Katatapos lang ni Sehun sunduin si Luhan sa office niya.

 

"okay lang okay lang kaya ko naman mag commute mag isa" sabi ni Luhan habang nagtatanggal ng seatbelt.

 

 

"but I promise I will call you, okay?"

 

"just don't make any promises that you are not sure to keep" sabi ni Luhan na halatang may pinaghuhugutan. Naalala nanaman niya lately kasi nadadalas na namimissed niya ang pagtawag sa kanya. Naintindihan ni Luhan na busy siyang tao kaso kasi minsan nauubos yung pasensya niya kakahintay sa mga tawag na pinangako niya.

 

"sorry, please don't get mad at me?" sabi ni Sehun tapos hinawakan niya ang kamay ni Luhan sabay hinalikan ang likod ng palad nito.

 

"I'm not mad, namimiss lang kasi kita kapag hindi kita nakikita or naririnig sa buong araw" pagtatapat ni Luhan kay Sehun. Gusto niya maging transparent feelings niya kay Sehun kaya simula palang hindi na siya nagdadalawang isip na sabihin ang mga nararamdaman niya.

 

"ako din naman eh kaso lately madami kaming meetings and you know that already so I'm really sorry."

 

"Don't worry about it." sabi ni Luhan tapos hinaplos niya yung pisngi ni Sehun para bawasan ang pangamba nito.

 

"okay" bulong ni Sehun tapos pinahinga niya ang mukha habang nasa pisngi pa rin niya ang palad ni Luhan. Sinusulit ang mainit nitong kamay na lagi niyang namimiss hawakan.

 

"your hand is still warm like when I first held it sa simbahan" sabi ni Sehun sabay kuha sa kamay ni Luhan para hawakan ito at kada hahawakan niya ito lagi niyang naalala yung unang gabi na makilala siya. Yung tibok ng puso niya habang nakatingin sa mga mata ni Luhan ay parehas pa rin. Mabilis at para bang napupuno ito ng pagmamahal.

 

"na-miss mo ako no?" biro ni Luhan kaya napangiti si Sehun

 

"sobra!" sabi ni Sehun na puno ng diin dahil kahit nga magkasama sila namimiss pa rin niya si Luhan. Hindi na siya sanay na hindi ito makita o marinig ng buong araw.

 

"ako din... and it's scary" pekeng tumawa sila kaya napaatras si Sehun para tignan ang mukha ni Luhan.

 

"eh! ayan ka nanaman! Ilang beses ko ng sinabi sayo na wag kang mag isip na iiwan kita before christmas!" Ilang beses na nila pinag usapan yun dahil natatakot si Luhan na matulad yung relationship nila sa mga exes ni Luhan na paliging nauuwi sa hiwalayan bago pa man sumapiy ang pasko.

 

"talaga? hindi ka pa nagsasawa sa akin?" tanong ni Luhan kahit alam na niya ang sagot dito.

 

"hindi nga!" sagot ni Sehun na hinding hindi niya pagsasawaang sagutin at ipaalala kay Luhan. Tinignan ni Sehun si Luhan kaso hindi ito tumitingin sa kanya dahil halatang iniiwasan siya nito ng tingin na para bang may ibang iniisip

 

"hey tapatin mo nga ako" sabi ni Sehun kaya tumingin na si Luhan sa kanya na may curiosity sa itatanong ni Sehun. "kaya ba hindi mo pa ako sinasagot kasi natatakot ka na maghiwalay tayo?" pagtatapat ni Sehun. Matagal na niya itong naisip kaso ayaw lang niyang pangunahan si Luhan pero base sa expression nito mukhang totoo ang kanyang hinala. Bumuntong hininga si Sehun tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi.

 

"nevermind, it doesn't matter anyway kahit hindi mo ako sagutin in this lifetime. Basta nakikita kita" hinawi niya ang bangs nito na humaharang sa mga mata niya. "nahahawakan" hinaplos niya muli ang pisngi niyo. "at abot kamay kita lahat gagawin ko para hindi ka mawala sa akin, araw araw kitang susuyuin" hinawakan ni Sehun ang kamay ni Luhan na nakapatong sa mga hita nito tapos ngumiti siya at natutuwa siyang makita na medyo nagblush ang pisngi ni Luhan dahil ibigsabihin nun ay kinikilig ito at nakikinig sa mga sinabi niya.

 

"thank you" maiksing sagot ni Luhan sa napaka haba at nakakakilig na dialogue ni Sehun. Huminga ng malalim si Luhan tapos tumingin sa baba para pagmasadan ang magkayakap nilang mga kamay. "I love you"

 

"what?" sabi ni Sehun dahil pabulong ang pagkakasabi ni Luhan. "what did you just say?"

 

"wala" umiling si Luhan. Madalang lang siya mag- 'I love you' in person kasi nahihiya siya na sabihin kay Sehun kaya madalas nalang niya iparamdam yung pagmamahal niya.

 

"weh di nga? ano nga yun— wait may tumatawag" tinignan ni Sehun yung phone. Napabuntong hininga agad siya nung makita yung secretary niya tumawag sa kanya. "sagutin ko lang, okay lang ba?"

 

"yeah sure, labas nalang ako"

 

"no, stay here" mabilis na hinawakan ni Sehun ang kamay ni Luhan para hindi ito makalabas ng sasakyan. Sinagot niya yung tawag habang hawak ng kabila niyang kamay ang kamay ni Luhan na nakapatong sa mga hita nito.

 

"right now? a meeting? it's 10 PM dammitl!" nagulat si Luhan nung namura si Sehun kaya agad niyang pinalo ang kamay nito at alam na yun ni Sehun. "sorry Secretary Min, kasi naman sobrang late na for meeting— urgent? ano nanaman kaya 'to? ugh, sige na. I'll be there in 15, okay. Thank you Secretary Min" binaba na ni Sehun yung tawag tapos tumingin siya kay Luhan na may pagmamakaawa.

 

"sorry" sabi ni Sehun kay Luhan na alam na ang mangyayari. Isang gabi nanaman na walang Sehun. Hindi na nga sila nakapag dinner together.

 

"may magagawa ba ako? trabaho mo yan" sabi ni Luhan tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Sehun tapos hinalikan niya ang noo nito para mawala ang pagkunot.

 

After that lumabas na sila sa kotse. Mahigpit na niyakap ni Sehun si Luhan.

 

"eat dinner, okay?" paalala ni Sehun.

 

"I will, ikaw din and if possible daan ka sa unit ko after your meeting" binigay ni Luhan yung spare keycard kay Sehun.

 

"wha— wait— is this... for real?"

 

"sa pagtulog nalang tayo magkakasama tatanggi pa ba ako?"

 

"your right, okay"

"I'll see you later"

 

Umalis na si Sehun para sa overnight meeting habang si Luhan umuwi na sa unit niya para magluto ng simpleng spaghetti for dinner. Gumawa na din siya ng extra if ever magutom si Sehun mamaya.

 

Kumain na siya ng dinner then around 11PM naghintay pa siya kay Sehun kaso inantok na siya at nakatulog sa couch kaya yun ang naabutan ni Sehun.

 

It's 12 midnight, bad trip na badtrip siyang umuwi dahil sa meeting na 1 hour na naghintay tapos 30 minutes lang actual meeting. Pero nawala agad yung badtrip niya nung binuksan niya ang unit ji Luhan gamit ang 'spare key' na binigay ni Luhan. Pagpasok niya sa loob nakita niya sa living room si Luhan na natutulog sa couch at sa tingin ni Sehun hinintay siya nito. Pagtingin niya sa kitchen counter may nakita siya spaghetti na may plastic foil at note na nakaipit sa ilalim.

 

'Please eat before going to bed, Love Luhan' 

 

Napangiti si Sehun tapos tinabi niya sa pitaka niya yung note para i-treasure ito. Kinikilig pa rin siya kapag naiisip niya na may spare keycard siya ng unit ni Luhan. Hindi maiwasang maisip ni Sehun na possible na maging ganito sila everyday in the future kapag naging mag asawa na sila. And he couldn't wait for that to actually happen.

 

Masayang kinain ni Sehun yung spaghetti na sobrang sarap tapos hinugasan niya yung pinggan at nagbihis din ng pantulog na hinanda ni Luhan na hindi na niya inabalang gisingin dahil halatang pagod ito dahil hindi man lang ito nagising kahit sobrang ingay ng paghuhugas ng pinggan ni Sehun kanina.

 

After makapag palit ni Sehun binuhat nalang niya si Luhan papasok sa kwarto nito at hiniga sa kama kaya medyo nagising na ito.

 

"nandito ka na, kumain ka na ba?" umupo ito sa kama tapos umupo din si Sehun sa tabi niya.

 

"yeah thank you" sabi ni Sehun na nagpangiti kay Luhan.

 

"pagod ka na" sabi ni Luhan habang hinahaplos ang pisngi nito na pagaalala sa eye bags sa ilalim ng mata nito. "good job today" hinalikan niya ang noo ni Sehun.

 

"you too" sabi ni Sehun at ngumiti tapos sabay na silang humiga ng magkaharap sa kama. Inayos ni Sehun ang kumot nila bago tuluyang magtitigan hanggang maramdaman na nila ang antok at panunuot ng pagod sa mga katawan nila na unti unting nawawala dahil magkasama sila, magkahawak ang kamay at naririnig ang bawat paghinga.

 

"good night, see you tomorrow" bulong ni Sehun kay Luhan na naunang nakatulog.

 

Kinabukasan wala na si Sehun sa tabi ni Luhan. Nagiwan ito ng note na maaga ang pasok nito at tumawag siya pagkagising niya, may nakahanda na rin na breakfast para kay Luhan na hindi niya inuna instead tinawagan niya si Sehun.

 

"out of reach" bulong ni Luhan na may lungkot habang nakatingin sa picture ni Sehun sa dialer. Bumuntong hininga si Luhan at kinain nalang yung breakfast na ginawa ni Sehun para sa kanya pagkatapos ay naghanda na siya ng sarili para pumasok sa trabaho.

 

Pagbukas ng pinto ni Luhan wala si Sehun which is nakakapanibago, siguro nasanay na siya na lagi siyang sinusundo ni Sehun pagpasok. Parang bumalik siya sa mga unang araw niya sa condo, mag isang papasok, mag isang uuwi pero mas malungkot ngayon dahil may kulang na.

 

Pagdating ni Luhan sa office trabaho at meetings agad ang bumungad sa kanya. Dumating ang mga clients para sa next project nila next year, nag present siya ng new designs para sa mga renovation ng mga buildings.

 

Hindi na naisingit ni Luhan ang lunch o pagtawag kay Sehun dahil sa mga sunod sunod na medtings na hindi niya mapigilan kaya nung hapon na ay nagyaya ang team niya na kumain sa labas.

 

"sige sama ako" sabi ni Luhan na kinatuwa naman ng buong team dahil minsan lang ito sumama sa mga eat out nila after work kasi madalas siya mag overtime at sunduin ni Sehun pauwi.

 

"magadang gabi, nandyan ba si Architect Lu?" sabi ng isang lalaki na kumatok sa pinto ng office nila kaya lahat napatingin sa pinto at nagulat sa gwapong lalaking naka suit and tie na may napakagwapong ngiti.

 

"uy kebot! bakit nandito ka?" bati ni Luhan sabay lapit kay Jongin na napadaan sa office ni Luhan kasi galing siya sa isang meeting sa katabing building nito.

 

"Yuyan, kain tayo sa labas? Si Sehun?" aya ni Jongin.

 

"may meeting pa yun pero kakain kami sa labas eh" sabi ni Luhan sabay turo sa team niya na nakatingin kay Jongin and mostly napatitig nalang sa looks ni Jongin.

 

"pwede ba akong sumama?"

 

"sure!"

"the more the merrier!"

"oo naman!"

 

Sagot nila ng sabay sabay na kinatawa lang ni Luhan kaya nagpakilala isa isa si Jongin sa lahat at mas lalo nilang nagustuhan si Jongin. Lumabas na silang lahat tapos pumunta sa isang samgyupsal na malapit sa office nila kung saan si Jongin ang nagprisinta na magluto ng mga meat para sa team ni Luhan.

 

"pabibo mo Kebot sino ba crush mo sa team ko ha?" bulong ni Luhan na nasa tabi ni Jongin na busy sa pagrorolyo ng puting sleeves kaya tinulungan na siya ni Luhan.

 

"ikaw" sagot ni Jongin nung natapos nilang marolyo ang sleeves nito at agad na nagluto na parang hindi big word ang sinabi niya kay Luhan.

 

Ni walang bahala nalang ni Luhan dahil baka isa lang yun sa mga kalokohan ni Jongin. Kumain na silang lahat habang si Jongin ang bahala sa kwento at pagluluto kaya si Luhan na ang bahala na magtabi ng meat sa plate ni Jongin.

 

Puno ng tawanan at kwentuhan ang dinner na yun dahil kay Jongin kaya naman namiss na siya agad ng team ni Luhan at niyaya pa ulit itong sumama kapag eat out sila sa susunod.

 

Nauwian na ang lahat at nagprisinta si Jongin na ihatid si Luhan pauwi. Pumayag na si Luhan dahil hassle pa kung mag cocommute siya pauwi.

 

"uuwi ka ba sa christmas break?" tanong ni Luhan habang dinadial pa rin ang number ni Sehun na out if reach pa rin. Buong araw niya itong di nakausap, miss na niya ito.

 

"oo, walang kasama si Lola Selya sa simbang gabi kaya sasamahan ko siya" tumango naman si Luhan bilang sagot. "kamusta ka?"

 

Napatingin si Luhan kay Jongin na busy sa pagdadrive. Nagulat siya kasi ngayon nalang may nagtanong sa kanya ng ganyan. Sa sobrang busy ng mga tao kahit si Sehun hindi na siya natatanong ng tanong na yan kaya siguro na overwhelmed siya.

 

"o-okay lang" sagot ni Luhan.

 

"yung tanong ko about in all aspect ha? trabaho, family, love life.... you"

 

"okay naman sa lahat pero.."

 

"pero? akala ko ba okay?"

 

"hmm si Sehun kasi sobrang busy almost three months na kaming di nagkikita at naguusap ng maayos kaya... I don't know" natawa si Luhan sa sarili dahil sa mga speculations niya na hindi niya alam kung dapat niya isipin. "ah basta, siguro busy lang talaga siya."

 

"ah, I get it! do you think may iba siyang kinabubusyhan?" sabi ni Jongin na nagpasikip sa dibdib ni Luhan. Yan yung bagay na ayaw niyang iniisip pero tong mokong niyang kaibigan binanggit pa. "like an affair?"

 

"Sehun, won't do that—" Napatigil sa pagsasalita si Luhan nung makita niya ang likod ng isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa labas ng isang restaurant. "Kebot, pull over!" kaya napapull over si Jongin sa gulat niya kay Luhan.

 

Tumingin si Luhan sa labas at tama siya si Sehun ang nakita niya. Napangiti si Luhan kaya binalak niya g supresahin si Sehun.

 

"Kebot dito nalang ako, si Sehun—" napaiwas ng tingin si Luhan at napatago kahit tinted naman ang sasakyan ni Jongin.

 

"bakit?—" nagulat din si Jongin nung makita niya na may kasamang lalaki si Sehun at nakalingkis ang kamay nito sa braso ni Sehun.

 

"Jongin, alis na tayo.. please"

 

"hindi mo ba sila pupuntahan? gusto mo ako mag-confirm? Luhan you might misunderstood—"

 

"I didn't see nothing. You didn't see nothing!" pagcoconvince ni Luhan kay Jongin. "Jongin, please umalis na tayo." pakiusap ni Luhan kaya kahit naiinis at gustong puntahan ni Jongin si Sehun mas pinili niyang unahin si Luhan na ilayo.

 

Hinatid ni Jongin si Luhan hanggang sa unit nito.

"don't cry after I left okay? pag usapan niyo yan wag sarilihin yung nararamdaman, malay mo mali ka lang iniisip"

 

"sana nga" sagot ni Luhan at pumilit na ngumiti kahit sobrang nahihirapan na siyang mag isip ng mga 'paano'. Paano kung may relasyon talaga sila? Paano kung iiwan na talaga siya ni Sehun kasi nagsawa na siya sa kanya?

 

"okay! that's it! I'll stay!"

 

"ha!? hindi okay lang ako—"

 

"Luhan, can't you see? you're crying"

 

Nagulat si Luhan nung maramdaman niya na may mga luha sa pisngi niya. Kaya nagtuloy tuloy na ang pag iyak ni Luhan. Lahat ng frustration niya sa trabaho at sa relationship nila ni Sehun binuhos na niya sa pag iyak.

 

Pumasok na si Jongin sa loob at nilock ang pinto. Niyakap niya si Luhan ng sobrang higpit. Tiniis ni Jongin na tumayo at pakinggan ang pag iyak ni Luhan na ngayon lang niya narinig. Nung mga bata sila madalas din itong umiyak pag nadadapa pero kakaiba ang pag iyak niya ngayon. Mas masakit.

 

Nanunuot yung galit ni Jongin sa puso niya, naiinis kung bakit niya pinaubaya si Luhan sa kaibigan.

 

"dapat hindi ko na binitawan ang kamay mo noon" Naalala ni Jongin nung isang taon. Ilang beses niyang nilabanan ang nararamdaman niya kay Luhan simula nung magkita sila. Ilang beses niyang iniwasan si Luhan pero hindi niya natanggi sa sarili na may gusto talaga siya dito.

 

Kaya ngayon nagsisisi siya na finocus niya ang sarili sa pag iwas dito kesa sa pagharap sa nararamdaman niya.

 

Nakita niya na masaya si Luhan kay Sehun kaya hindi na siya lumaban kasi alam niya una pa lang na wala siyang laban sa pag ibig na tinadhana. Pero ngayon hindi niya maintindihan kung bakit umiiyak yung taong pinaubaya niya. Akala ko ba nasa tamang tao ka na?

 

"wag ka ng umiyak, please." lumayo sa yakap si Jongin. Nagmamakaawa na tumigil si Luhan kasi hindi siya sanay sa pag iyak nito.

 

Napatingin si Jongin sa nanginginig na mga labi ni Luhan. Desperado na siyang patigilin ito kaya hinalikan niya si Luhan sa pisngi na nagpatigil sa pagiyak nito.

 

"that's much better" sabi ni Jongin habang nakatingin sa gulat na expression ni Luhan. "ako muna isipin mo"

 

"sira ka talaga" sabi ni Luhan habang pinupusan yung mga luha niya. Kinakabahan sa pwedeng mangyari kapag nalaman ni Sehun ang ginawa ni Jongin.

 

"atleast tumigil ka na sa pag iyak and if you do, hahalikan ulit kita sa labi naman" sabi ni Jongin kaya napatkip na si Luhan ng bibig. "pag usapan niyo ni Sehun yung problema niyo, hindi yung iiyakan mo lang siya dito. Kung totoo man na may relasyon sila nung lalaki na yun edi hiwalayan mo, hindi mo deserve masaktan Luhan." umupo si Jongin sa couch. "at kung natatakot ka mawala siya? don't be kasi dapat siya ang matakot kasi malaki ang sinayang niya."

 

Umupo din si Luhan sa tabi ni Jongin.

"kebot, hindi ganun kadali yun"

 

"I know, but don't be afraid to try. Paano mo malalaman ang katapusan ng movie kung hindi mo papanoorin hanggang dulo?"

 

"yeah right, kelan ka pa naging love adviser?" natawa si Luhan kaya napangiti si Jongin. Ito yung Luhan na gusto niyang makita lagi.

 

"alis na ako, sunduin kita bukas ha?"

 

"sira, susunduin ako ni Sehun."

 

"edi pag hindi, tawagan mo ako" nagwink pa si Jongin bago umalis ng mabilis ni hindi man lang nakapag thank you si Luhan.

 

Habang naglalakad sa hallway ng condo ni Luhan hindi mapigilan ni Jongin na mapangiti kapag naalala niya yung kiss nila na halos dama pa rin niya hanggang makauwi siya.

 

Hindi siya agad nakatulog kasi iniisip pa rin niya kung okay si Luhan kaya naisipan niyang maligo pero si Luhan pa rin ang naiisip niya at yung kiss nila.

 

"this is bad, kebot" sabi ni Jongin sa sarili habang nakababad sa bathtub.

 

-

 

Nagising ng maaga si Luhan, may ilang missed calls si Sehun sa kanya around 1AM which is tulog na tulog na siya. Tinignan niya ang sarili sa salamin kita kita rito na pagod ang mga mata niya.

 

Paglabas niya may breakfast ulit at note na nasa mesa niya na galing kay Sehun. Naalala niya yung nakita niya kagabi kaya hindi siya sigurado kung maniniwala pa siya sa effort ni Sehun.

 

"We should talk then" bulong ni Luhan. Marami siyang possibilities na naisip pero naisip din niya ang sinabi ni Jongin na hindi niya deserve masaktan.

 

Tinawagan ni Luhan si Sehun kaso busy yung number niya, nag try siya after an hour, habang nasa biyahe papasok, habang nasa gitna ng meeting, habang naglulunch pero laging out of reach si Sehun.

 

Uwian na pero hindi pa rin narinig ni Luhan si Sehun kaya sumuko na siya na tawagan ito at nag decide na lang na umuwi mag isa.

 

"Architect Lu! nandito na sundo niyo!" sigaw ni Belinda yung junior architect ni Luhan. Nabuhayan naman ng loob si Luhan at mabilis na sinuot ang bag tapos pumunta sa labas ng office kaso nawala ang ngiti niya dahil akala niya si Sehun ang nasa pinto. 

 

"Kebot lang pala"

 

"aray ha? sorry naman na hindi ko kamukha si Sehun. Sorry Architect Lu"

 

Natawa nalang si Luhan at sumama kay Jongin tutal wala namang susundo sa kanya. Kumain muna sila sa isang seafood restaurant na syempre libre ni Jongin.

 

"Nag usap na kayo ni Sehun?" umiling si Luhan sa tanong ni Jongin. Ni hindi nga niya ma-contact paano pa kayo niya ito kakausapin tungkol sa nakita nila kagabi.

 

"malapit na mag christmas break, gusto mo sabay tayong umuwi? If hindi pwede si Sehun."

 

"sige, parang busy siya kahit sa Christmas Break kaya siguro sasabay na ako sayo." sabi ni Luhan habang nagbabalat ng shrimp. "ah, gusto ko ng umuwi"

 

"ako din" sabi ni Jongin habang nakatingin kay Luhan. Gusto na din niyang iuwi si Luhan para makapag pahinga naman ito kasi nakikita niya at nararamdaman niya na pagod na ito.

 

After nila kumain hinatid na ni Jongin si Luhan sa tapat ng condo building niya at properly na nagpasalamat sa paghatid at panlilibre sa kanya nito. Hindi na siya nagpahatid sa mismong unit niya kasi nahihiya na siya sa mga ginawa nito sa kanya.

 

Hinantay niyang umalis yung sasakyan ni Jongin bago pumasok sa building pero sa entrance pa lang nakita niya si Sehun naghihintay sa kanya.

 

"It's late, saan ka galing. Kanina pa kita tinatawagan. Sinundo kita pero wala ka na sa office." sabi ni Sehun habang naglalakad si Luhan palapit sa kanya.

 

"hinatid ako ni Jongin kanina kaya kumain muna kami sa labas akala ko kasi hindi mo na ako susunduin" sabi ni Luhan habang pasakay sila sa elevator.

 

"Jongin, nandito siya?"

 

"christmas break na niya"

 

"hmm. Kelan pa?" tanong ni Sehun habang naglalakad na sila papasok sa unit ni Luhan.

 

"kahapon. Siya din naghatid sa akin, kumain din kami sa labas." sabi ni Luhan na may kaba kasi uumpisahan na niya na magtanong. Tinapangan na niya ang loob niya. "ikaw? saan ka galing?"

 

"sa office lang tapos nag meeting kami sa labas kasama ng mga clients."

 

"clients? madami eh bakit parang isa lang yung kasama mo kagabi?" kumpronta ni Luhan kahit kumakabog na yung dibdib niya sa selos.

 

"ha? kagabi? wait nakita mo ako—"

 

"oo! at ang sweet niyo nga eh"

 

"he's just a client" sabi ni Sehun.

 

"so siya lang ang ka-meeting mo ganun? eh bakit mo sinabing madami kayo?" binaba na ni Luhan ang bag niya sa kwarto habang hinihintay ang sagot ni Sehun kaya bumalik na siya sa living room kung nasaan ito. "bakit hindi ka makasagot?" tanong ulit nito kaso tahimik lang na nakatayo si Sehun. "tapatin mo nga ako—"

 

Tumigil si Luhan ng pagsasalita nung huminga ng malalim si Sehun at the same time kinakabahan din siya.

"fine, he's my ex. Kyungsoo Do."

 

Parang may nagbara sa daanan ng hangin ni Luhan. Sumikip dibdib niya sa nalaman niya.

"ah, okay. Make sense."

 

"make sense? so, what do you mean by that?"

 

"make sense kaya mukha kayong sweet sa isa't isa kasi may past kayo." dirediretsong sabi ni Luhan habang nakatingin sa mga mata ni Sehun. "okay lang sayo na client mo siya?"

 

"sasabihin ko naman sayo kaso—"

 

"wala kang time" pagtatapos ni Luhan. "I know. I get it."

 

 

"Luhan, ano bang iniisip mo?"

 

"gusto mo malaman iniisip ko?"

 

"yes, sabihin mo."

 

"do you still like him?"

 

"no" mabilis na sagot ni Sehun. "wala na kami matagal na, nasanay lang siya na kumapit ng ganun sa akin kasi nung kami pa mahilig siyang kumapit ng ganun."

 

Kanina pa nagpapating ang tenga ni Luhan at kung ano ano na rin ang naiisip niya.

"tapos hinayaan mo lang? hindi mo ba naisip 'paano kung makita to ni Luhan?' ha?" kumpronta niya at halat na sa boses ni Luhan na galit siya. "so yung mga meetings mo this past few months siya ang kasama mo."

 

"may kasama kami" sagot ni Sehun habang minamasahe ang sintido."madami kami"

 

"bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

 

"because I know you will react this way!" huminga ng malalim si Sehun para hindi siya tuluyang sumabog sa pressure ng situation nila.

"at hindi ko siya maiiwasan kasi hindi naman ako ang pumili sa kanya" madami ng siyang iniisip at dumagdag pa si Jongin na ngayon lang niya nalaman na madalas pa lang samahan si Luhan. "kayo ni Jongin kailan pa kayo lumalabas?"

 

Sarkastikong tumawa si Luhan.

"so bakit ako ang naging topic?"

 

"hindi ba dapat ko din malaman 'to?"

 

"Jongin is just a friend"

 

"Kyungsoo is just a client as well"

 

"and your ex-boyfriend, kami ni Jongin magkaibigan talaga kami dati pa at alam mo yan. Kaya wag mo akong itulad sa sitwasyon mo."

 

"nagseselos lang ako"

 

"ako rin! Kung selos ang pag uusapan selos na selos na ako sa lahat! sa mga katrabaho mo, sa trabaho mo at sa Kyungsoo na yan kasi kinain na nila lahat ng oras mo! Wala ng natira para sa akin!" sunod sunod na sinabi ni Luhan kaya kahit hindi siya tumakbo parang sobra siyang napagod kakalabas ng lahat ng nararamdaman niya "Nasaan na ako Sehun ha?"

 

"hey, sorry" ni-reach out ni Sehun si Luhan pero iniwasan siya nito. "don't think like that-" napatigil si Sehun dahil nagring yung phone niya at pagsilip niya sa dialer yung secretary nanaman niya ang tumatawag.

 

"" bulong nito. Inis na inis dahil kung kelan nasa gitna sila ng away tsaka pa may tumawag.

 

"sige na sagutin mo na" sabi ni Luhan kaya sinagot na ni Sehun yung tawag habang nakakunot pa ang noo.

 

"pwede ba mamaya na kayo tumawag— oh! Sir, yes hello. I'm sorry Sir. I'll be there in 15. Yes Sir. Sorry again Sir." Napamura si Sehun sa loob loob niya dahil boss pala niya ang kausap niya. Pagbaba ng tawag tumingin siya kay Luhan.

"hindi pa tayo tapos" nag ready na aalis si Sehun.

 

"hindi Sehun, tapos na tayo." napatigil si Sehun at tumingin kay Luhan. "Kita mo naman, wala na tayong oras—"

 

"no" sagot niya agad. Galit sila pareho kaya hindi siya papayag na mag desisyon sila ng ganito ang sitwasyon nila. "sa tingin mo papayag ako?"

 

Lumapit si Sehun sabay hinalikan ang noo ni Luhan at niyakap ito ng sobrang higpit.

"hangga't gusto mo ako hindi ako titigil!" lumayo si Sehun tapos hinaplos ang pisngi ni Luhan na nag blush dahil sa paghalik niya sa noo nito.

 

"hindi ka sure!" sigaw ni Luhan kasi bigla nalang umalis si Sehun. "I hate you! hindi na kita gusto! magsama na kayo ng ex mo! hindi na kita manliligaw! Sehun-" napatigil sa pagsigaw si Luhan kasi malayo na si Sehun.

 

"ang lakas ng loob niyang umalis, nag aaway pa kami diba? kapal talaga! bwiset!" bulong ni Luhan sa sarili.

 

Tinotoo ni Luhan lahat ng sinabi niya. Kakalimutan na niya si Sehun. Ngayon wala na siyang manliligaw na walang oras para sa kanya.

 

Pagbangon niya hindi niya kinain yung breakfast na ginawa ni Sehun sa kanya tapos tinapon siya sa basurahan yung note.

 

"akala niyo siguro biro lang yung kagabi, tsk. Lakas talaga ng loob." bulong ni Luhan habang naglalakad sa hallway.

 

Nag focus sa work si Luhan, never niyang hinawakan ang phone para tignan kung may message or tawag si Sehun dahil kung sincere talaga siya na nagsisisi na siya sa ginawa niya at wala siyang maling ginagawa kasama niya ito pauwi at susunduin. Pero wala, walang Sehun na dumating.

 

"pinanindigan talaga niya" bulong ni Luhan habang nagaayos ng gamit pauwi.

 

"Mr. Lu, okay na yung holidag break leave mo. Effective on monday." sabi ng Boss ni Luhan na hindi masidlan ang saya dahil finally ang pinakahihintay niyang break ay dumating na.

 

Nagthank you si Luhan at masayang lumabas ng building kaso bigla itong nawala nung makita niyang nasa labas si Sehun.

 

"ang sarap naman ng ngiti na yan? happy ka kasi sinundo kita?" sabi ni Sehun kaya unti unting inalis ni Luhan yung ngiti niya. "oh wag, ngiti ka lang dyan. Hindi ba sabi ko mas cute ka kapag nakangiti."

 

"bakit ka ba nandito? akala mo ba nanliligaw ka pa rin sa akin? hindi ba tinapos mo na kagabi? hindi ba malinaw usapan natin?"

 

Binuksan ni Sehun yung pinto ng kotse niya kaya napabuntong hininga nalang si Luhan dahil parang wala siyang kinakausap. So instead na makipag away umalis nalang siya at naglakad papunta sa sakayan ng bus kaso hindi pa man siya nakakalayo nahila na agad siya ni Sehun at napigilan lumayo.

 

"I said hindi ako papayag hangga't gusto mo pa ako"

 

"hindi na nga kita gusto" mabilis na sabi ni Luhan kaya napahigpit ang kapit niya sa braso nito habang nakatitig sa mga mata nito kaya napaiwas ng tingin si Luhan dahil sobrang intense ng titig ni Sehun.

 

"nagsisinungaling ka" bumitaw sa kapit si Sehun.  "I'll let you do what you want but I won't let you go."

 

"do whatever you want. I don't care."

 

"basta tapos na tayo, magsama na kayo tutal bagay naman kayo." hindi alam ni Sehun pero natawa siya kasi kitang kita kay Luhan kapag nagseselos at nagsisinungaling 'to sa kanya.

 

Pinunasan niya ang pawis nito sa ilong tapos inayos yung nagulong buhok.

 

"hatid na kita sa sakayan-"

 

"wag na! kaya ko na sarili ko! bumalik ka na baka may meeting ka pa." sabi ni Luhan habang naglalakad paalis. Napangiti lang si Sehun dahil halatang labas sa ilong mga sinasabi ni Luhan.

 

He is still worried na mag commute siya kaya sinundan nalang niya yung bus na sinakyan niya pero nagtaka ito nung bumaba ito sa first stop ng bus which is not the usual route ni Luhan pauwi.

 

Nagpark si Sehun sa tabi para sundan si Luhan by foot and hindi niya inexpect na kikitain pala nito si Jongin.

 

Gustong lumapit ni Sehun kaso parang nag eenjoy naman si Luhan sa company ni Jongin kaya tinext nalang niya ito.

 

"take care of him, please hatid mo rin siya pauwi"

 

Na-recieve ni Jongin yung text ni Sehun at nakita din niya si Sehun na kumaway sa labas ng restaurant kung nasaan sila ni Luhan.

 

"ako na bahala sa kanya"

 

Jongin mean it. Nakwento na ni Luhan what happen to them last night over text kanina kaya nga sila kumakain ulit. Masaya si Jongin na tinakbuhan siya ni Luhan at inaamin siya na umasa siya pero sa nakikita niya at sa kwento nila ni Sehun parang impossible na maghiwalay sila. This is just their breaking point.

 

"hindi kaya humahanap ka lang ng reason para maging mali siya, kasi hindi naman pupunta si Sehun para sunduin ka kundi siya sincere sayo?"

 

"Kebot nangyari na 'to dati. Mahal pa rin pala niya ex niya kaya in the end sasabihin niya may feelings pa siya sa ex niya tapos ako—"

 

"iba ang mga exes mo kay Sehun and you brag that before" Natahimik si Luhan dahil tama si Jongin. "he said wala na sila and knowing Sehun he is not a type of guy na manloloko. If hindi ka talaga niya gusto he'll be more than thankful na tumigil" natawa si Jongin. "hassle mo kaya maging jowa"

 

"hah!? ako? hassle? hindi mo naman na-try paano mo nasabi?."

 

"sana nga na-try ko"

 

"HA!?"

 

"wala~ sabi ko ayokong mag-try mahal ko pa buhay ko."

 

"ang sama sama mo talaga sa akin!" natawa nalang si Jongin habang kumakain. Nagkwentuhan pa sila tapos umuwi na din after nila maubos yung dessert. The usual hinatid ni Jongin si Luhan sa tapat ng condo nito.

 

"oo nga pala sabay na tayo umuwi sa monday"

 

"ha? eh si Sehun?"

 

"hayaan mo siya! magsama sila ng trabaho niya at ng ex niya! Basta sabay tayo! Bye!" sabi ni Luhan sabay sara sa pinto ng kotse ni Jongin. Binaba nito ang bintana para makita si Luhan na maglakad paalis.

 

"huy" nagulat si Jongin. Napakapit sa dibdib at napapikit kasi bigla ba naman sumilip si Sehun sa bintana niya. "sorry nagulat kita, thank you pala sa paghatid sa kanya"

 

"bwiset ka!" pumasok si Sehun sa loob ng kotse ni Jongin napangiti siya kasi amoy pa rin yung pabango ni Luhan sa inuupuan niya.

 

"so ikaw din mag hahatid sa kanya?"

 

"ikaw? hoy ano ba talagang problema ha? totoo bang nagbalikan na kayo ni Kyungsoo?"

 

"no, hell no."

 

"eh bakit ba kasi hindi mo nalang layuan yun. For sure naman pwede kang tumanggi ng clients?"

 

"I need him"

 

"para saan?"

 

"sa fraud department siya kaya madalas ko siyang kasama"

 

"now I get it. Bakit may mga fraud transaction nanaman?" tumango si Sehun at kitang kita ni Jongin yung pagod niya. "eh bakit kasama ka? hindi ba dapat sila na maghandle nun?"

 

"a year ago may mga papers ako na pinirmahan, remember last day ng simbang gabi muntik pa akong ma-late. I read through the papers and made it sure na legit withdrawal transaction from big accounts but it seems my secretary before took my signature para mag withdraw sa iba't ibang branches."

 

"ilang branches"

 

"atleast five yung identified"

 

"almost hundred thousand transaction so that! is what I'm dealing for the past months"

 

Sabay sila bumuntong hininga dahil dama ni Jongin yun kasi iisang field lang sila ni Sehun at minsan ng nangyari sa kanya yun.

 

"eh bakit hindi mo sabihin kay Luhan 'to? look what is happening to him." sabi ni Jongin.

 

"If I did he'll start to worry."

 

Tinignan ng masama ni Jongin si Sehun.

"you made him cry"

 

Kaya napatingin si Sehun sa kanya na halatang hindi alam ang nangyari nung gabing yun.

"umiyak siya? kelan?"

 

"nung isang gabi, when he saw you and Kyungsoo together"

 

Napasapo ng mukha si Sehun.

"ah, kaya naman pala galit na galit siya sa akin." para siyang natunaw just imagining Luhan crying because of him. "gusto ko lang na maging okay ang lahat before christmas break."

 

"magiging okay nga ba?"

 

"I don't think so" Natawa si Sehun na may pait. Kasi wala pa silang makitang lead kung nasaan yung previous secretary ni Sehun. "Kebot what should I do?"

 

"you are not allowed to call me that" natawa si Sehun. "I understand you have some serious problems right now but don't forget about Luhan. He is your partner ano sa tingin mo mararamdaman niya?"

 

Huminga ng malalim si Sehun.

"yeah, I should tell him." 

 

"just a tip, sa monday start na ng christmas break niya so baka pwedeng ikaw na maghatid sa kanya pauwi"

 

Nagulat si Sehun sa nalaman kasi hindi niya akalain maaga ng two days ang break ni Luhan.

"ah kaya naman pala abot tenga ang ngiti niya kanina" sabi ni Sehun tapos lumabas na siya ng kotse nito. "sige, thank you Jongin. I was wrong na pinagselosan kita." natawang sabi ni Sehun.

 

"sira! friends lang kami" Nalungkot si Jongin sa sinabi niya kasi hanggang dun lang talaga yung label nila ni Luhan.

 

-

 

Apat na araw ng hindi kinakain ni Luhan ang mga breakfast na ginagawa ni Sehun kaya naman naisipan niyang pumunta sa unit nito para kunin ang spare keycard niya.

 

Kasi ayaw na niyang ginagawa ni Sehun yung mga ginagawa niya dati.

 

"ah ikaw pala. Hindi ka nagbebreakfast kaya laging ako lang kumakain ng mga ginagawa ko." sabi ni Sehun.

 

"kukunin ko na yung keycard ko"

 

"eh? pero binigay mo sa akin to~"

 

"akin na" nilahad ni Luhan yung palad niya kaya nilagay na ni Sehun yung card kasi baka mag away nanaman sila. Actually walang siyang energy dahil na drain sa trabaho at dami ng transaction na nireview nila pero masaya na siyang makita si Luhan.

 

Tumalikod na si Luhan at naglakad paalis kaya tanging nagawa lang ni Sehun ay panoorin ito.

 

Pumasok na si Sehun sa loob ng unit niya para magpahinga at hindi niya akalain na mabilis siyang makatulog.

 

Maaga siyang nagising dahil aabangan niya si Luhan na lumabas. Ito na kasi yung araw na uuwi siya ng probinsya.

 

"kaya naman pala nag back out si Jongin dahil sayo" sabi ni Luhan nung makita niyang nasa labas si Sehun ng pinto niya. Nakasuot ng tshirt na puti, maong pants, black converse shoes at backpack.

 

"hehe akin na yung bag mo" sabi ni Sehun pero tinalikuran lang siya ni Luhan at iniwan. Sumunod nalang siya at mabilis na humabol sa elevator pababa.

 

Sinundan lang ni Sehun si Luhan kahit saan ito pumunta. Hindi na niya ginamit ang kotse niya kasi alam naman niyang hindi ito sasama kaya kahit nag bus ito sumakay pa rin si Sehun.

 

Pagsakay nila ng bus ilalagay na sana ni Luhan yung gym bag niya sa taas kaso naunahan na siya ni Sehun na ilagay yung bag at bag niya tapos umupo siya sa kabilang side kasi nga ayaw daw ni Luhan na tumabi siya sa kanya.

 

Nag start na umalis yung bus kaya nung medyo nasa gitna na sila ng biyahe nakatulog na si Luhan kaya dahan dahan na lumipat si Sehun ng upuan tapos nilagay niya yung ulo nito sa balikat niya para maging kumportable ito. Bigla naman tumugtog yung 'Paniwalaan' ng 'Blue Jeans'. Hindi alam ni Sehun yung kanta pero gustong gusto niya yung lyrics.

 

At nung malapit na sila sa bus stop nila

dahan dahan binalik ni Sehun yung ulo ni Luhan sa kabilang side tapos bumalik sa pwesto niya at sabay ginising si Luhan na agad naman nagising. Nauna ng bumaba si Sehun bitbit ang bag niya at yung gymbag ni Luhan.

 

"Sehun! akin na yan!" sigaw ni Luhan kaso nasa sakayan na ng tricycle si Sehun kaya walang nagawa si Luhan kundi sumakay sa loob katabi ni Sehun kasi nakakahiya naman sa pasahero sa likod niya kundi pa siya sasakay.

 

"umupo ka ng maayos, hindi naman masikip" sabi ni Sehun tapos hinila niya yung balikat ni Luhan pasandal sa upuan ng tricycle kaya mas lalo silang nagkadikit.

 

Naalala ni Luhan nung unang gabi ng simbang gabi. Tanda pa niya na kumakain siya ng bibingka nun at binigyan niya pa si Sehun. Mga alaala na hindi niya kayang kalimutan at patuloy niyang maalala kapag nakasakay siya sa tricycle.

 

Pagdating sa Ilaw Street bumaba na sa may kanto si Luhan para doon maglakad, agad niyang nakuha yung gymbag niya at hinayaan na si Sehun ang magbayad ng pamasahe nila.

 

"YUYAN WELKAMBAK!" bati ni Ka Beni ang tatay ni Buyong. May bibit pa itong eco bag.

 

"Ka Beni! si Buyong po nandyan na ba siya?"

 

"ay nako sa isang araw pa yun makakauwi" tumango si Luhan. "oh? nasaan ba yung syota mo? di mo kasama? nako yuyan! ano? naghiwalay ba ulit? nako yare ka sa tatay mo, gusto pa naman yun ni Pareng Luis."

 

"ay ay Ka Beni, nandito po ako! present!" sabi ni Sehun na tumakbo pa palapit kay Luhan at Ka Beni.

 

Hindi na sinabi ni Luhan kung anong meron sa kanila ni Sehun dahil kilala na niya si ka Beni madaldal yun.

 

"ay eto pala, oh ano? kelan ba kayo ikakasal, tatanda niyo na naku yung anak ko pakiramdam ko ay gusto ng magpakasal."

 

"baka sa isang taon ka Beni!"

 

"ay sya tuparin mo yan! nako yari ka sa tatay niyang si Yuyan pag di mo tinupad yan!" banta ni ka beni habang naglalakad paalis.

 

"dami mong kinukwento dun eh hindi na magiging tayo" sabi ni Luhan kay Sehun

na natawa lang sa sinabi ni Luhan.

 

"sigurado ka?" usisa ni Sehun pero inirapan lang siya ni Luhan at tuluyan na naglakad papunta sa bahay nilang namumutiktik nanaman ng mga parol at christmas lights.

 

Pinagbuksan ni Sehun ng gate si Luhan tapos pumasok na silang dalawa. Agad namang tumahol si X-men yung golden retriever nila Luhan pero hindi tulad nung isang taon kay Sehun agad ito tumakbo at bumati.

 

"aba mukhang may favoritism na si X-men ah?"

 

"Ma, mano po" Nagmano si Luhan sa Mama niya at yumakap.

 

"Tita, mano po." tumayo si Sehun tapos nagmano sa Mama ni Luhan. Nagtaka si Sehun kasi nakatitig sa kanya ng matagal si Ka Lisa.

 

"Nak, kumakain ka ba ng maayos? ang payat mo ngayon compare sa huli mong punta dito." sabi ni Ka Lisa habang hinahaplos ang pisngi ni Sehun.

 

"ah okay lang ako Tita, wag po kayong mag alala." sabi ni Sehun para mapanatag ang Mama ni Luhan.

 

Dumating ang Daddy ni Luhan na kagagaling lang sa tindahan at narinig niya kay Ka Beni na dumating na ang anak niya.

 

"Anong sinasabi ni Ka Beni na magpapakasal na kayo sa isang taon?" bungad nito habang nagmano naman yung dalawa sa kanya.

 

Napakamot ng batok si Sehun.

"baka lang naman po, pero kung papayag po si Luhan? bakit hindi po?"

 

"Dade, wag nga kayong nakikinig sa mga kwento ni Ka Beni minsan may dagdag yun eh." sabi ni Luhan tapos pumasok na siya sa loob habang natawa naman si Ka Lisa na tinulungan ang anak sa pagbitbit ng gamit nito.

 

"Namamayat ka Ijo eto namang anak ko medyo tumaba ka na." sabi ni Ka Luis habang nakaakbay kay Sehun papasok sa bahay nila.

 

"Tumaba ba talaga ako Ma?" tanong ni Luhan sa Mame niya na tumango at ngumiti.

 

"ibigsabihin magaling mag alaga si Sehun" dagdag nito. "Sehun anak, dun ka na muna sa kwarto ni Luhan ayos lang naman siguro ano? hindi ko pa kasi napalinis yung isang kwarto maalilabok pa."

 

Tumingin si Sehun kay Luhan kasi dapat siya ang tanungin kasi kung siya ang tatanungin okay na okay sa kanya yun.

 

"okay lang Ma" sagot ni Luhan.

 

"osiya sige magbihis na kayo para makapag tanghalian na tayo, magluluto na ang Daddy."

 

"sige po thank you" sabi ni Sehun. Tapos sumunod na si Sehun sa kwarto ni Luhan na may pagtataka kung bakit pumayag itong mag stay sila sa iisang kwarto.

 

"pumayag ako pero hindi tayo magkatabing matutulog okay?" sabi ni Luhan at tumango naman si Sehun. Okay na siya basta malapit siya kay Luhan.

 

Nilagay na sa tabi ni Sehun yung mga gamit niya at inayos ang mga damit sa isang mesa. At habang nagaayos si Sehun ng mga gamit hindi mapigilan ni Luhan na tignan si Sehun from head to toe.

 

Naisip niya yung napansin ng mga magulang niya kay Sehun. Hindi niya napansin na pumayat ito kasi lagi silang nagkikita kaya ngayon lang niyang napansin na pumayat nga ito ng konti.

 

"Alam ko galit ka sa akin kasi sumama ako sayo dito pero sana bigyan mo ako ng isang chance, I'll prove to you na hindi kita niloloko. Na seryoso ako sa sinabi ko, seryoso ako na gusto kitang pakasalan." sabi ni Sehun pero patuloy pa rin siya sa pagaayos ng mga damit niya sa isang space sa kabinet ni Luhan.

 

Tumingin si Sehun kay Luhan at ngumiti bago lumabas ng kwarto nito. Naiwan si Luhan na mabilis ang tibok ng puso dahil puno ng seriousness yung pagkakasabi ni Sehun.

 

Gusto man ni Luhan pero nauunahan talaga siya ng takot sa mga pwedeng mangyari kapag pinagpatuloy ni Sehun ang panliligaw niya pero sa huli siya lang yung maiiwan.

 

-

 

"Nandyan na daw si Kebot sabi ni ka Selya" sabi ng Mama ni Luhan na kagagaling lang sa labas para mamigay ng ulam sa kapitbahay.

 

"humanda sa akin ang kebot na yan!" bulong ni Luhan sa sarili bago sumubo ng kanin na may sabaw ng sinigang na niluto ng Daddy niya. Naalala niya yung ginawang di pagsipot ni Kebot sa usapan nila tapos tinulungan pa si Sehun. "At nga pala Sehun naglalaro ka ba ng basketball? kase may pa-liga si mayora eh kulang ng tatlong member ang ilaw street. Baka kako pwede kayo ni Kebot at yung boyfriend ni Buyong si Chanchan."

 

"ah sige po, kelan po ba yung laro?"

 

"sa isang araw pa naman, hindi naman seryosong laro. Katuwaan lang ba. Ano? sali ka na ha?"

 

"sige po, may pupuntahan ba tayo sa isang araw." tanong ni Sehun kay Luhan na tahimik na kumakain sa tabi niya. "nonood ka ha?"

 

"aba syempre manonood tayong lahat!" sabi ni Ka Lisa.

 

"galingan niyo sayang grocery package at hamon, alam ko may cash prize yun eh"  sabi ni Ka Luis na naghihiwa ng pakwan para sa dessert nila.

 

"bahala ka" sagot ni Luhan kay Sehun pero ang totoo never pa niyang nakitang maglaro si Sehun ng basketball kaya inaamin niya na excited siya.

 

After nila mag lunch nagpahinga natulog si Luhan sa kwarto niya habang si Sehun tinulungan na mag buhat ng mga paso ang Mama ni Luhan at tumulong din siya sa mag alis ng mga damo sa mga halaman nito.

 

"okay lang ba kayo ni Luhan ha?" biglang tanong ni Ka Lisa na kanina pa napapansin na iwas si Luhan kay Sehun.

 

"konting suyo pa po"

 

"sabi ko na nga ba. Ay nako ayusin niyo yan kasi kung maliit na bagay lang pinag aawayan niyo paano kayo mag aasawa?"

 

"opo, aayusin po namin." pangako ni Sehun sa Mama ni Luhan kaya nung gabing yun nag attempt siya na kausapin ulit si Luhan kaso hindi siya nito pinansin at nagsuot ng headphones habang natutulog kaya hindi din niya nakausap ng maayos si Luhan.

 

Kinabukasan dumating si Kebot sa bahay nila Luhan para dalawin ito pero batok lang ang inabot niya kay Luhan. Nagsisi yuloy siya na pumunta pa.

 

"eh sinabi mo na ba sa Mama mo yung nangyari?" umiling si Luhan.  "sinabi na ba ni Sehun?"

 

"ang alin?"

 

"sira talaga" bulong ni Jongin.

 

"ang alin!? Kebot hoy! ano yun?"

 

"wala sige alis na ako" mabilis na tumakbo si Jongin kaya agad siyang hinabol ni Luhan palabas kaso tumigil siya nung nasa kalsada na sila kasi bigla itong nawala.

 

"Luhan?" tawag ni Sehun kaya napalingon si Luhan.

 

"anak, anong nangyari bakit mo hinahabol si Kebot?" tanong ng Mama ni Luhan sa kanya. 

 

Tumingin si Luhan kay Sehun tapos umiwas din ng tingin. "mag usap tayo mamaya" sabi ni Luhan kay Sehun na kinabahan habang hawak hawak yung dalawang eco bag na puno ng gulay na pinamili nila ng Mama ni Luhan.

 

"bakit hindi pa ngayon?" sabi ng Mama ni Luhan tapos kinuha niya yung mga pinamili nila kay Sehun. "mag usap na kayo" sabi ng Mama nito bago pumasok sa bahay tapos naiwan yung dalawa sa may garden.

 

Sinara ni Sehun yung gate tapos naglakad siya papunta kay Luhan na naghihintay.

"anong sasabihin mo sa akin?"

 

Sinabi na ni Sehun yung buong kwento he detailed everything pero si Luhan remained poker face habang nagkwekwento siya kaya hindi niya alam kung ano ang nararamdaman nito.

 

"bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to? bakit napaka dami mo pang palusot?"

 

"eh kasi nag aalala ako sayo, ayokong napapasa sayo yung mga stress ko—"

 

"tapos kapag ako okay lang? kaya ka ba namayat dahil sa akin?" Napasapo ng noo ni Luhan."bakit ba hindi ko 'to naisip"

 

Ito yung ayaw na maisip ni Sehun kaya ayaw niya din sabihin kay Luhan kasi gusto niya masaya lang siya katulad ng pinangako niya sa mga magulang niya.

 

"hindi, it's not your fault okay?I'm sorry! It's my fault— wow" nagulat si Sehun nung bigla siyang yakapin ni Luhan ng sobrang higpit kaya yumakap siya pabalik. "namiss ko 'to"

 

"kasalanan mo din kasi napaka selfish mo" sabi ni Luhan habang nakayakap pa rin kay Sehun. "wag ganun ha?"

 

"hindi na po" pangako ni Sehun. "wag mo ng alalahanin yung sitwasyon ko. Everything is under control in the office my name is out of it"

 

"siguraduhin lang nila kasi ako mismo hahanap sa secretary mo na yun!"

 

"kaya nga tayo nandito kasi para makalimutan natin ang trabaho tapos ikaw naman tong masyadong nagpapa ka stress."

 

"eh ikaw kasi ngayon mo lang sinabi! kasalanan mo din!"

 

Natawa si Sehun at tumango tapos hinalikan niya yung noo ni Luhan na namiss niyang gawin.

 

"uyyyy next year na ba kasal ha?" sabi ni Baekhyun na nakatiay at nakasilip sa gate nila Luhan tapos nasa likod niya si Chanyeol na nakatayo lang kaya medyo natawa si Luhan at Sehun.

 

"tatay mo nanaman ang nagkwento noh?" sabi ni Luhan habang pinagbubuksan sila ng gate.

 

"syempre alam mo na~" sabi ni Baekhyun. Nagbatian naman si Chanyeol at Sehun.

 

"so kelan ang kasal?" tanong naman ni Chanyeol.

 

"next year" sabay na sabi ni Sehun at Luhan kaya natawa din silang parehas sa biro nila.

 

"fake news, hindi mo pa nga sinasagot si Sehun" sabi naman ni Jongin na kadadating lang din. "wow mukhang okay na kayo ah?"

 

"ay nag away? kwento niyo yan!" tanong ni Baekhyun kaya si Jongin na ang magkwento ng mga pangyayari habang nagmemeryenda sila ng kutsinta at kalamay na si ka Lisa mismo ang gumawa.

 

"wow edi dapat niyo pa lang pasalamatan 'tong si kebot! kung wala siya lost case na kayo." sabi ni Baekhyun kaya nagpasalamat naman si Sehun at Luhan kay Jongin na nakatingin at nakingiti kay Luhan at sa mga ngiti niya na gusto niyang protektahan kahit sa malayuan. It's the least I can do to make him happy.

 

-

 

"ipasa mo kay Chanyeol!" Sigaw ni Jongin kay Sehun. fourth quarter na ng liga ni Mayora at totoong sumali nga yung tatlo sa laro na halos sila lagi yung nakakapuntos at halos matambakan na ang kalaban ng puntos.

 

"ganyan ba sila ka determinado na mukha yung grocery package?"

 

"oo syempre! GO BABE!" sigaw ni Baekhyun kasi na kay Chanyeol na yung bola at lalo pa itong napasigaw nung nag shoot ito sa three point lane.

 

Sa gwapo ng tatlong dayo dumami na din ang mga taong nanonood akala mo nba championship. Marami din namang fans yung kabilang grupo pero iba talaga ang tilian ng mga babae sa grupo nila Sehun.

 

Natapos ang fourt quarter at walang pagkakailang nanalo sila dahil sa puntos na 102-90. Tuwang tuwa ang grupo ng Ilaw Street dahil nanalo sila at napagdesisyonan nila na ibigay ang grocery package sa isang orphanage sa Ilaw Street.

 

After nung game nagpunta sila sa bahay nila Luhan para doon mag celebrate at kumain ng pancit bihon na niluto ni Ka Lisa. Dumating din si Ka Selya at Ka Beni para i-congratulate ang mga bata.

 

After ng small party nila nag uwian na sila at natira si Sehun at Luhan naglilinis ng mga plato sa kusina pero nagtaka si Luhan nung tumigil si Sehun tapos humarap siya kay Luhan.

 

Bigla kasing tumunog yung 'Paniwalaan by Blue Jeans' sa radyo ng Daddy ni Luhan.

 

Pag-ibig ko sa 'yo'y totoo

Ni walang halong biro

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

 

Pinunasan ni Sehun ang kamay niya tapos nilagay ang kamay ni Luhan sa balikat ni Sehun habang kay Sehun naman ay sa bewang ni Luhan tapos magkahawak yung isa nilang kamay.

 

Walang ibang mamahalin

Kung 'di ikaw lamang giliw

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

 

"ano to?" natatawang tanong ni Luhan.

 

"uhm dancing?" sabi ni Sehun na may ngiti.

 

Sa aking buhay

Ay walang kapantay

Aking pagmamahal

Asahan mong tunay

 

"do you know this song?" tanong ni Luhan.

 

"I heard it once sa bus nung papunta tayo dito." sabi ni Sehun habang dahan dahan silang sumasayaw.

 

Pag-ibig ko sa 'yo'y totoo

Ni walang halong biro

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

 

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

 

Nilagay lang ni Luhan ang ulo sa balikat ni Sehun habang dinadama ang lyrics ng kanta at ang kamay ni Sehun na hawak hawak niya.

 

Sa aking buhay

Ay walang kapantay

Aking pagmamahal

Asahan mong tunay

 

Pag-ibig ko sa 'yo'y totoo

Ni walang halong biro

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

 

"it's my new favorite song" sabi ni Sehun. Napangiti si Luhan dahil kahit siya hindi niya maiwasang magandahan sa kanta.

 

Kaya't sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito

Ang pag-ibig kong ito

Ang pag-ibig kong ito

 

Pinaikot ni Sehun si Luhan kasi tapos na yung song kaya natawa ulit si Luhan kasi inaamin niya ito yung first time na may sinayaw siya at hindi niya akalain sa kusina pa nila.

 

-

 

Umpisa na ng simbang gabi kaya sabay sabay ulit ang magkakaibigan na mag simba tapos pagkatapos ay kumakain sila ng bibingka kay Mami Shawy.

 

Walang palya sila sa pagsisimba tuwing gabi hanggang dumating ang pang-siyam na araw. 

 

"may wish ka ba this year?" tanong ni Sehun habang nagreready sila ni Luhan para magsimba.

 

"may hihilingin pa ba ako? nasa akin na ata lahat?" sagot ni Luhan kaya tumango si Sehun pero napansin ni Luhan yung tahimik na sagot ni Sehun. "ikaw ba? mahihilingin ka ba?"

 

"meron"

 

"really? ano?" tanong ni Luhan. Curious siya pero parang alam na niya ang gusto nito.

 

"secret" sabi ni Sehun tapos hinalikan niya sa noo si Luhan bago lumabas ng kwarto nito. Sumunod din si Luhan habang iniisip kung tama ba yung iniisip niyang wish ni Sehun.

 

Kasi kung 'oo' niya ang gusto ni Sehun well kayang kaya niyang ibigay yun mamaya.

 

Dumating na ang mga kaibigan nila kaya naman pumunta na sila sa simbahan ng maaga para makakuha sila ng upuan. Habang naghihintay ng misa nagkwentuhan sila about sa mga wishes kaya napaisip si Jongin kung ano bang gusto niya i-wish.

 

Last year hindi siya naniniwala dun kasi akala niya pambata lang yun pero ngayon parang gusto niyang sumugal. Gusto niya din ng isang tao na katulad ni Luhan. Yung taong magmamahal sa kanya. 

 

"sige ang wish ko para kay Kebot nalang, sana magka-lovelife na siya." sabi ni Luhan na kinagulat ni Jongin.

 

"ako rin" sabi ni Baekhyun.

 

"ako rin" pangalawa ni Chanyeol.

 

"I can't give up my one wish for your sake, reserved na 'to" sabi ni Sehun. Pumikit siya at tumahimik sa tabi para hindi masayang ang wish niya. Natawa naman yung tatlo tapos pinilit ni Luhan na padilatin si Sehun para maibigay niya yung wish niya kay Jongin pero syempre di papayag si Sehun.

 

"mga sira! hindi ko naman kailangan niyan" sabi ni Jongin pero sa loob loob niya yun din naman ang wish niya para sa sarili niya.

 

Nagumpisa na ang huling gabi ng simbang gabi kaya natahimik na silang lima at pagkatapos ng simba ay kumain ulit sila ng bibingka bago mag uwian sa mga bahay nila para salubungin ang pasko.

 

Habang naglalakad si Sehun at Luhan pauwi biglang naalala ni Luhan yung wish ni Sehun kaya naman naisip niyang gawin yun sa tapat ng bahay nila. Same spot kung saan siya umamin na gusto niya si Sehun.

 

"Sehun" tawag ni Luhan na nagpatigil kay Sehun na maglakad papasok ng bahay.

 

Huminga ng malalim si Luhan. Malamig ang hangin, nagnining ang paligid dahil sa mga christmas lights at parol na nakasabit sa mga halaman ng mama niya. Perfect.

 

"I...love you" sabi ni Luhan kaya nag start nanaman mag liparan ang mga paru paro sa tyan niya. "you proven enough that you really love me kaya oo Sehun, sinasagot na kita."

 

Sabi ni Luhan pero nakatitig lang sa kanya si Sehun halatang nagulat sa sinabi ni Luhan. Hindi niya akalain na ito yung araw na sasagutin siya nito.

 

"tama ako! eto ang wish mo noh?"

 

"no?" sagot ni Sehun na kinapagtaka ni Luhan.

 

"ha!? eh ano?"

 

"my wish is for you to be happy always, not this"

 

"...." speechless si Luhan sa sinabi ni Sehun. Pakiramdam niya mapula na ang mukha niya dahil sa kilig na nararamdaman niya.

 

"oops wala mg bawian, umoo ka na!" sabi ni Sehun nung nakita niya magsasalita na si Luhan kasi baka bawian pa niya yung celebration na nangyayari sa puso niya.

 

"hindi ko babawiin, gusto ko lang sabihin na masaya ako ngayon so it is counted as a wish granted. Right?" Tumango si Sehun tapos hindi na siya nagsabi pa dahil kanyang kanya na ang mga labing gusto niyang halikan araw araw.

 

Nilagay ni Luhan ang mga kamay sa batok ni Sehun at mas nilaliman pa ang halikan nila. Napangiti si Sehun sa pagitan ng halikan nila dahil sobrang saya ng puso niya. Worth it lahat kay Luhan at nangangako siya na hindi dito nagtatapos ang panliligaw niya. Hindi siya titigil na hanapin ang nagpapasaya sa kanya.

 

"Mahal na mahal kita, Luhan" sabi ni Sehun habang nakatingin sa mga matang gusto niyang titigan habang buhay. Hinalikan niya ang mga nakangiting labi na pinangako niyang poprotektahan kahit anong mangyari.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet