Ikawalong Silip
Himala, Mahal na yata kita!
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang patience ko sa mga nagdaang araw at oras na mukha ni ate na naka-white scrubs ang gumugulo sa araw ko. Umaga, tanghali, hanggang pag-uwi ko yata binubwisit niya ako. Buti sana kung natutuwa ako sa pambibwisit niya kaso hindi! And I will never be!
Laking pasalamat ko na lang na ngayon na ‘yung araw nung event at hindi na ulit kami magkikita sa mga susunod pang araw. Tama na ‘no?! Gusto ko na siyang kutusan at paalisin kaso hindi ko magawa kasi need niya rin mag-practice para sa event.
Kaya ngayong araw, alam kong napansin nina Ryujin ang kakaibang ngiti ko nung pumasok ako. Maliban sa maayos ang set-up ng event namin, ngayong araw na ang huling beses na makakasama ko si ate na naka-scrubs! Grabe ‘yung tuwa ko!
“Iba ang ngiti mo ngayon yata…” Nakatayo kami ni Ryujin dito sa tabi ng bleachers, time namin ‘to para mag-rest kahit papa’no. Ang dami naming ginawa these past few days, parang deserve naman namin makita ‘yung ilang araw naming hirap at pagod.
“Siyempre… success ‘tong event, we’re half-way there.” Sabi ko pa. Inilibot ko ang paningin ko sa baba ng bleachers. Doon nakaupo ang iba’t ibang members ng bawat Organizations at pati ang Culto members ng college to sub sa HS.
Napako ang tingin ko sa isang tao lang, Okay fine… nakakahinayang ‘yung libreng lunch! Oo, ‘yun lang talaga!
Nakaupo siya sa edge ng bleachers, ilang feet lang ang layo sa’min. Akala mo’y ‘di kami magkakilala dahil sa itsura namin ngayon. Hindi naman sa nagsusungit ako pero parang ganun na nga. I mean, bakit ko naman siya lalapitan? Para saan?
Kakapalit lang nila ng damit for their next performance, I'm surprised na nag-effort talaga sila sa costumes at make-ups nila kahit pa hindi naman sila obliged. Balita ko rin hindi sila humingi ng funds, meaning sariling gastos nila lahat ng ginamit nila for this event. Kudos to them for that.
“Baka matunaw, lapitan mo na kaya…” Napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni Ryujin sa tabi ko.
“Ikaw na gumawa since ikaw nakaisip.” Sabi ko at umirap.
“Sungit, ‘wag ka na mahiya. Lahat naman kami naging crush si Ate Rina. Hindi na bago kung aaminin mo…” Ngumiwi at hinarap siya.
“Sinasabi mo? Naka-inom ka ba?” That’s just ridiculous!
“Winter, crush lang naman… wala namang masama sa crush mo siya.” Hindi ko naman dineny? I mean! Okay, maganda siya… papasa na as girl crush ko pero hanggang dun lang ‘yun!
I’m straight, okay?! Nagagandahan lang ako sa kaniya pero naiirita pa rin ako, napakahangin niya!
“Straight ako, Ryujin… magtigil ka.” Sumimangot siya at biglang ngumiwi.
“Bakit?”
“Ikaw, bait ‘di ka straight?” Tanong ko pabalik.
“Kasi hindi… sa babae ako naa-attract, alangan naman pigilan ko ‘di ba?” Napatigil ako dun at napakibit balikat na lang.
“So bakit ka nga straight?” Tano
Comments