Ika-apatnapu't apat na Silip
Himala, Mahal na yata kita!Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin, naabutan ko si Benjamino sa labas ng room. Akala ko ba ime-meet niya si ate Luci today para sa payment sa nagasgas niya? Na-inform niya rin daw kasi agad kagabi ang parents niya about dun.
“Akala ko imemeet mo si ate Luci?” Tanong ko pa habang naglalakad kami papunta sa parking area. Nagasgas ang paint ng pick-up niya kaya ibang sasakyan ang dala niya today, puting Montero. Sasakyan daw ni ate Irene ‘yun pero since wala siyang work today, ipinahiram niya muna kay Benjamino ‘yung sasakyan.
“Yes, imemeet natin…” Tiningnan ko pa siya na parang tinubuan siya ng isa pang ulo.
Bakit ako kasama? Paano kung nandun ‘yung si ‘ate’ Celeste?! Napanaginipan ko pa siya kagabi dahil dun sa gulat ko. Feeling ko na-trauma ako sa paglalash out niya sa’kin.
“Lagi?! Baka nandun ‘yung asawa niya!?” Mag-asawa ba sila? Ewan basta!
“E’di mag-usap kayo, kwentuhan ganun.” Alam niya ba ‘yung sinasabi niya?! Huhu.
“Hindi ka naman kakagatin nun, saka pareho kayo…” Hinampas ko siya dahil dun. Paano kami naging pareho?!
“Bastos ka! Hindi kami pareho!” Reklamo ko at inirapan siya.
Buong oras yata na nasa byahe kami, para akong hindi mapakali sa pwesto ko. Baka mamaya mag-rap na naman siya sa harapan ko about dun sa banggaan kahapon. Tapos wala na naman akong masasabi, ayoko nun!
Pagkapasok na pagkapasok namin sa restaurant kung saan ang meet-up, nakasimangot akong umupo sa harapan ni ‘ate’ Celeste.
“Anong klaseng mukha ‘yan? Ang ganda-ganda ko tapos nakasimangot ka?” Ito na nga ba ang sinasabi ko…
“Kahit naman nakasimangot ako, hindi nun mababago ang kapal ng mukha mo.” Napatigil siya sa pagtingin sa hawak niyang phone sa sinabi ko.
“Alam mo bata, kahit magpaka-humble pa ako dito ganun pa rin naman ang mukha ko so what’s the use?” Ibinalik niya ang tingin sa phone niya at nagpatuloy lang sa pag-scroll. Napatingin pa ako sa books na nakapatong sa table. Puro Law books, parang ‘yung katulad lang nung nasa table nina Benjamino.
“Law student ka…po?” Tanong ko.
“Obvious ba?” Jusko lang ha! Mas malala naman ‘to compared sa’kin ‘no?!
“Anong year ka na…po?” Interview-hin ko na lang siya habang hindi pa tapos sa usapan nila ‘yung dalawa.
“3rd year PolSci, ikaw?” Ibinaba niya ang phone niya at hinarap ako. Okay fine, maganda siya… mukha siyang model actually. Pero sa ugali!
“Grade 12…”
“Sabi na nga ba Tiki-Tiki ka, kiddie meal… pedo ba jowa mo?” Ano?!
“18 na ako, anong pedo ka diyan…” Hindi pedo si Benjamino!?
“Mukha kang elementary, ampota… ganyan ba itsura ng mga high school ngayon?” Malay ko?! Hindi ko naman tinititigan lahat ng high school students na madadaanan namin?
“Jowa mo ba si ate Luci?” Tanong ko na lang. Instead na pagtalunan pa namin ‘yung mga mukha ng high school students, ito na lang ichika ko.
<
Comments