kasama ka

Unang gabi, Huling umaga

(seulgi "alex" kang - irene "cali" bae)

unang gabi, unang gabi simula ng makita kong mag sama muli si alex at cali. simula kasi nang pag hihiwalay nila limang taon ang nakakalipas, hindi ko na sila nakitang nag usap personal, o online. unang gabi din ng pag uwi ni alex mula states. Doon kasi sila nag lagi ng pamilya nya noong nag hiwalay sila. Pero kahit na ganoon ang tagal ng paghihiwalay nila, hindi mo parin maikakaila ang pag mamahal nila sa isa't isa. para silang isang tambalan sa telenobela na kahit kanino ipares ey wala paring makakapantay kapag silang dalawa ang pinagsama. ganoon siguro talag kapag binuo ng panahon, pagkakaibigan at pagmamahal ang relasyon. Kung hindi lang talaga dahil sa mga plot twist ng buhay eh magkasama parin sana sila.

 

"cali" tawag ng nakangiting si alex sa dati nyang kasintahan

"hi mahal, welcome home" nakangiti ring sagot ni cali sa kanya

nakangiti lang sila sa isa't isa pero nag uumapaw ang chemistry nilang dalwa. kung may cgi sigurong ipapatong sa kanila may liwanag na nakpalibot sa kanila.

At after five years, they still have it. How i wish things would have been different.

 

"ready ka na?" tanong ni alex

"oo naman, five years ago pa naten to pinlano eh."

"then bawiin na naten yung nasayang na five years, mahal" inilahad ni alex nag kanyang kamay at nakangiti namang itong hinawakan ni cali

"kupad mo paren, pero sure." biro neto

tumingin silang dalawa sayo at ngumiti, tinanguan mo sila at masaya silang umalis.

-----

sa nakalipas na limang taon ngayon nalang muli nakapag maneho si alex, at ngayon nalang ulit sila nag kasama sa isang sasakyan ni cali. kumakanta, at nakikisabay sa mga tugtugin sa playlist na gnawa nila noon. nang tumunog ang intro ng sikat na kanta ng sugarfree na prom sabay silang napangiti. naalala kasi nilang dalwa ang kantang ito ang naging simula nila

 

(cali - alex 2008)

sampung paballik balik, sampung pabalik balik na ang ginawa ni alex sa may pintuan ng classroom ng kaibigan nyang si cali, paano kasi aayain nya itong maging date sa prom na gaganapin sa makalwa. hindi lang naman sila nag sasabihan pero alam nyo naman na nag iintayan lang ang dalawa kung sino una mag yayakag

"alex ano ba? tutuloy pa ba tayo? mag riring na yung lunch bell, physics pa sunod nating klase alam mo naman si mam magadia. baka pag sagutin nanaman tayo sa una" reklamo ni chanyeol na ngawit na sa pag bitbit ng gitara

"oo nga alex, kaya mo ba?" tanong ni wendy

"o-oo, kinakabahan lang ako" sagot ni alex sa mga kaibigan nya

"para namang tatanggihan ka ni cali eh, ikaw lang naman iniintay non" dagdag mo

nakakumpol kayo sa may pintuan kaya't umaalis kayo kapag may daraan

"excuse me, oh alex? hanap mo si cali?" 

hindi na nakasagot ang kinakabahang si alex ng tawagin ni yeri ang kaibigan nyang si cali

"CALI! HANAP KA NI ALEX!!" 

agad namang napalingon ang dalaga sa direksyon nyo, pati narin ang mga kaklase nya. di naman nakalagpas sa mata mo ang pagtatama ng tingin ni cali at alex at parang mahika, isang ngiti lang ni cali nawala lahat ng nerbyos sa katawan ng iyong kaibigan o nawala na din talaga yung ulirat nya dahil sa kaba. pero hindi na to mahalaga, dahil hindi man natapos ang kanta at nireherse na script ni alex buong recess, ay tinanggap na ni cali ang kanyang paanyaya na umattend ng senior prom.

 

senior prom

 

huling gabi sa eskwelahan, matapos ang pagtatapos nyo ng highschool ay mayroon kayong ganitong selebrasyon. iba't ibang mga kasuotan, lamang ang mga gown na may beads sa laylayan o desenyo sa katawan. Parang kasalan pero walang specific na theme color o motif, mga lalaking naka tuxedo at plantyadong slacks at balat na sapatos na itim na pinakintab ng kiwi. maging ang mga guro nyo ay nakaayos din, pero nagbabatay parin sa mga estudyanteng hawak nila. Maaga pa lang at nag sisidatingan pa lang ilan, may mga naka aabang na photographer sa may entrance bukod pa ang taga kuha ng larawan ng school yearbook. feeling mo nga mag crush sayo yung photographer kasi kada limang tao na dadating sayo ito babaling para kuhanan ka ng larawan. Napatago ka tuloy sa likod ng kadate mong si chanyeol, perks ng pagiging matangkad pwede mong gawing pangharang sa local paparazzi mo.

"lapitan ko na ba?" bulong ni chanyeol sayo. umiling ka naman bilang tugon

ilan segundo pa ay natigil ang lahat, ang mga kumakaen ng handa kahit hindi pa talaga kainan, ang mga nag haharutan sa kani-kanilang lamesa, pati mga waiter na nag hahain at nag sasandok sa mga estudyante natigil. Literal na tumigil ang mundo ng eskwelahan namin ng pumasok ang dalwang babae, hindi sila naka gown parehas kagaya ng lahat ng babae rito. itim tuxedo na pinaresan ng puting longsleves sa loob at itim na necktie, at gown na puting simple at walang kahit anong dekoasyon. Para tuloy kameng umattend ng kasal ng dalawang to, mukha silang ikakasal, sana nga din sila mapunta pag tagal.

"gago ang pogi ni alex" rinig mong bulong ng isang babae sa likod mo

"bagay na bagay sila ni cali" bulong ng katabi neto

main event, noong gabing yon sila ang naging sentro ng atraksyon, ng mga tao, at ng isa't isa.

dahil noong gabi ding yon habang tumutugtog ang banda namin sa entablado kinakanta ang prom ng sugarfree, inamin ni cali at alex ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

----

 

"akala ko talaga mafriendzoned ako nong gabing yon" nakangiting sabi ni alex habang pinag lalaruan ang mga kamay ni cali na hawak hawak nya kanina pa simula ng makarating sila sa lumang playground na tinatambayan nila noong highschool sila

"muntik na, kupad mo kasi mahal" natatawang sagot ni cali

"ang dami kasing nakapila sayo non mahal. ano bang laban ko sa mga yon? "

"ikaw si alex kang" tipid na sagot ni cali

"si alex na bestfriend ko simula pag ka bata, si alex na natutulog ng nakanganga, si alex na nawawala ang mata kapag tumatawa, si alex na gitarista na nagpapakilig noon at ngayon, at si alex na hindi ako iniwan kahit iniwan ako ng lahat ng tao sa paligid ko noon. inanarrate ko pa ba lahat mahal? " nakataas na kilay na tanong ni cali

ngumiti si alex at umiling. tumayo ito sa pag kakaupo sa tabi ni cal at pumunta sa harapan nito at yumukod.

" namiss kita mahal" mahinang bulong ni alex

"ako rin." tugon ni cali

tinanggal ng gitarsta ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni cali at inipit sa likuran ng tenga neto.

"lagi nalang tinatakpan ng hangin ang ganda mo" biro ni alex

tumawa naman ng mahina ang dalaga sa kanyang harapan

"para sa'yo lang daw kasi yan." biro nito pabalik at ngumiti sa kaharap

"tara na? nilalamig ka na, malapit na ring mag umaga, malayo layo pa tayo"

ngumiti at naman ang kaharap neto at kinuha ang kamay na nakadampi sa kanyang pisngi at hinila ito para tumayo.

"mukhang uulan" malungkot na sabe ni cali

"hindi yan, mawawala din yan tara na" pinagsiklop ng gitarista ang kanilang mga kamay at hinalikan ang likuran ng kamay ni cali bago nag simulang maglakad pabalik sa sasakyan nila.

nakangiti silang parehas na nag lalakad, walang umiimik pero alam na nila ang mga katagang nais nilang sabhn sa isa't isa.

"alex" tawag ni cali dahilan para matigil ang gitarista sa paglalakad at nilingon ang dalaga sa likuran nya

"hmm?" 

ngumiti ang dalaga bago lumakad papnta sa kniyang dating kasintahan at inangkin ang labi neto. At parang pelikula, on cue na bumuhos ng malakas ang ulan pero hindi nila ito ininda ng maghiwalay ang mga labi nila parehas silang nakangiti sa isa't isa.

Nang mga sandaling yon ay para silang bumalik sa umpisa, umpisa nang lahat sa kanilang dalawa. Noong umpisang maayos pa ang lahat at wala pang plot twist na binibigay ang buhay sa kanilang estorya.

------

matapos nilang mag sayaw sa gitna ng ulan, at sa ibabaw ng isa't isa pagkapasok nila ng sasakyan, naisip nilang bumili ng makakaaen sa nag iisang 7-eleven na nakita nila. Nakaupo sila sa loob habang kumakaen ng siopao at hotdog na paborito ng dalawa. 

"tanda mo nung nag away tayo dati dun sa 7-eleven sa may inyo?" natatawang ala ala ni cali bago kumagat sa siopao netong asado

"haha, oo nadamay pa si ateng cashier kasi nag hihintayan pa tayo kung sino mag babayad ng pagkain naten"

"ikaw naman kasi" inirapan ni cali ang kasintahan

"oh baket ako? sinamahan ko lang naman sab non sa library, nagalet ka na agad"

"sabrina, na patay na patay sayo? kulang nalang halikan ka sa harap ko"

 

krystal "sabrina" jung, babaeng kayang ibigay kay alex lahat. Oo, lahat at ang nag iisang babae na kayang pag selosin si cali

"di naman, friendly lang talaga si sab"

"neknek mo friendly."

hindi mapigilang matawa ni alex sa ginagawang pag mamake face ng kasama nya

"kasal na yung tao pinag seselosan mo pa din"

"oh? updated ka ah. kanino sya kinasal?"

"kay jongin" 

"jongin? yung ex ni alas?"

"mhmm"

"sulutera talaga amp"

"gago, hahahahaha"

"oh bakit? totoo naman"

"si Jongin nag loko cali."

"kahit na" isang irap muli ang pinakawalan ng dalaga

"wag mo nang isipin nga yong si sab, ikaw naman pinili ko. ikaw minahal ko, kahit ilang sab pa ibalandra sakin ikaw pa rin ang hahanapin ko"

"sus"

kahit nag tatampo, hindi naman napigilan ni cali na mapangiti sa sinabi ng ex nya. sya parin naman kasi talaga ang nag wagi, sya ang pinili, sana all na nga lang daw sabi ng iba.

 

-----

(cali - alex 2010)

"alex!! bilisan mo malalate na ako sa trabaho"

"mauna kana sa baba mahal, may kukunin lang ako"

napailing nalang si cali at naglakad na pababa ng hagdan bitbit ang mga gamit nya sa trabaho.

"ang kupad mo talaga kahit kelan" reklamo nya ng makarating ang kasintahan nyang hingal na hingal sa pag takbo papnta sa parking lot ng bahay nila

"hehe sorry na makakalimutin lang eh"

mag sasalita pa sana sya pero inunahan na sya ng mabilis na halik sa labi ng kasintahan dahilan para matahimik eto

"wag ka na mag sermon, malalate kana diba?" nakangiti netong sabi at pinag buksan sya ng pintuan ng kotse

"magpunas ka ng pawis mo, dugyot mo"

"yes mam" pabirong sumaludo si alex dahilan para mapangiti ang kasintahan bago ito pumasok sa kotse

 

"anong oras labas mo mamaya mahal?" tanong ni alex habang binabaybay nila ang daan patungo sa kanikanilang pinapasukan

"around 6 or 7 mahal bakit?"

"nag yayaya kasi ng dinner si sab, iimbitahan daw tayo sa kasal nila"

"nag uusap pa kayo ni sabrina?" nakataas kilay na tanong ni cali

"nag chat lang kagabe, hindi ko sya kinakausap"

"kagabe pa pala, bakit ngayon mo lang sinabi?"

"eh, busy tayo kagabi eh" dipensa ni alex at kinindatan ang katabi

unti unti namang nawala ang lukot na mukha ni cali at napalitan ito ng malawak na ngiti

"kaya wag ka na mag tampo kasi sayo ko naman ginugol ang oras ko kagabi" pang aasar neto at hinawakan ang kamay ng kasintahan

"kanino daw sya ikakasal?"

"dun sa ex ni alas"

"si jongin?" gulat na tanong neto

"mmhm" 

"kakabreak lang nila diba?" 

"mahal, may isang taon na yun" 

"eh? akala ko kahapon lang" 

"hahaha galit na galit ka talaga kay jongin no?" 

"niloko nya si alas, sinong bestfriend ang di magagalit dun?" 

"oh kalma na, sasabihin ko nalang kay sab na may plano tayo mamaya" 

 

hindi na umimik pa si cali, bukod kasi sa iniisip nya kung bakit sa pag kakaalala nya ay kahapon lang nag hiwalay ang bestfriend nya, iniisip din nya kung bakit simula noong araw na yon, hindi na nya maalala ang mga nakaraan na araw pa. 

 

-----

(cali - alex 2014)

"cali!" tawag ng bestfriend nyang si alas sa kanya

"ace!" tawag neto pabalik at niyakap ang kaibigan

"na miss kita bakla"  

"bakla ka na din ngayon" natawa sila pareho at kumalas sa pag kakayakap sa isa't isa

"asan si alex?" tanong ni alas 

"nandun sa kusina nag gagawa ng meryenda. upo ka chikahan mo'ko" sagot neto at naupo, ganun rin naman ang gnawa ng kaibigan

 

"ano bang chichika ko sayo alam mo naman lahat ng ganap ko sa buhay"

"kumusta kayo ni chi?" 

"ayun, okay naman. para lang akong nag girlfriend ng bata. Ang dami nyang kaweirduhan na ginagawa sa bahay."

"alex." natawa naman ang kaibigan nya

"nako, bagay silang mag sama. pero pag kailangan mo naman ng kausap na matino sobrang tino naman nya. minsan gusto ko ngang dalhin sya sa clinic para matingnan kung may damage ba yung ulo nya" biro neto

"ganun naman ata si chi" 

"haha, oo. ikaw cali kumusta ka?" 

 

bago pa man makasagot si cali ay dumating na ang kasintahan neto na may dalang meryenda. 

"hi doc, kaen muna" nakangiting bati ni alex sa kaibigan ng kasintahan nya

"parang sira to" 

pinatong ni alex ang dala netong meryenda at umupo sa tabi ng kasintahan

"nasan si chi doc?"

"nasa trabaho sya ngayon" 

tumango lamang si alex at binalik naman ni alas ang tingin nya sa kaibigan

"kumusta na cali?" naalis sa pag kakatulala si cali at nilingon ang kaibigan

"ha?"

"sabi ko kumusta ka?" pag uulit ng doctor

"eto, okay lang naman. kumusta kayo ni chi?" masiglang tanong neto

 

dalawa beses, dalawang beses tinanong ni cali ang kalagayan ni alas at chi sa loob ng isang oras. 

 

"ano bang lagay ni cali doc?" concerned na tanong ni alex ng ihatid neto ang bestfriend ng kasintahan sa labas ng bahay

"i'm not sure alex, pero sa nakikita ko she needs to see a doctor asap" 

"di naman nya ako makakalimutan right?" 

"i can't tell you pa alex, pero i recommend na see a doctor para mas maging sure kayo" 

"punta nalang kame sa clinic mo tommorow alas" 

"okay, i'll clear my schedule bukas. una na ako" 

"thank you jen, ingat ka" 

ngumit ang doktora at pumasok na sasakyan nya. pero bago to umalis ay binaba neto ang bintana at sumilip

"alex" 

"yes doc?" 

"whatever happens, stay with cali okay?" 

walang pag aalinlangan, ngumiti eto at tumango

 

"oo naman jen, kahit anong mangyari hinding hindi ko sya iiwan. pangako" 

 

isang pangakong, hindi nya binali. Alex never left Cali, even after they found out that Cali has brain cancer. 

 

-----

(cali - alex 2016)

"cali, saan ka pupunta?" tanong ni alex sa kasintahan

"sa cr, iihi ako eh" 

"mahal sa cr ka galing"

takang tiningnan ni cali ang pinanggalingan nyang silid, at nakangiting tumingin sa kasintahan

"ay hehe. sorry" natatawang sabi neto at niyakap si alex

yumakap rin ito pabalik

"gusto mo na ba matulog?"

"ayaw pa, hindi rin naman din ako makakatulog" 

"kahit kwentuhan kita ng favorite mong story?" biro neto

sinamaan sya ng tingin ng babaeng mahal nya

"ano ako bata?" 

"baby kita, baby cali"

"so pag nag kaanak tayo, di na ako ang baby mo?" 

"baby ko kayo parehas, pwede naman yon diba?" 

"pano pag ayoko?"

di namang mapigilang mapatawa ni alex

"edi, anak ko nalang sya pero hindi ko baby" 

kumunot ang noo ng kasintahan niya

"may anak ka na?"

ngumiti nalang nag enhinyero at hinalikan ang kasintahan sa tuktok ng ulo neto

"soon, with you" 

 

hindi na umimik pa si cali at yumakap na lamang ng mahigpit sa kasintahan.

 

 sumasayaw sila sa harap ng pintuan ng banyo habang tumutugtog ang kantang Kung tayo'y matanda na mula sa kanilang kwarto. talk about timing, pero hindi nila yon ininda kahit may kani-kanilang agam agam sa kanilang isipan.kung paano haharapin ang kinabukasan ng mag kasama sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap nilang dalawa... 

 

Tatlong buwan, tatlong buwan ang lumipas at lalong lumala ang kalagayan ni cali, she forgets most of the people she knew. hindi na rin sya nakakagalaw ng mag isa, she's having constant seizures, minsan nga ay nawalan na rin sya ng paningin dahil sa nerve na tinatamaan ng tumor nya sa utak. Everyone is worried, especially alex. 

alex who never gets tired, alex who stays, alex who is very patient even when she have to change the sheets everyday for cali. Alex who refuses to leave Cali even she herself is sick. 

"Alex" 

"no, jen" 

"you have to listen to me, or you'll die before cali" 

"i won't."

"Alex, leukaemia is not something we can cure that easily especially, here in the philippines" 

"alam ko, but cali needs me. ako lang naaalala nya, ako lang yung hinahanap nya. I can't just leave her! " 

at sa puntong yon, noon lang namin nakitang umiyak si alex. wala kaming magawa, kundi yakapin na lamang sya. 

"kaya nga you have to convince her na mag pa-opera. after noon she'll be okay, at habang nag papagaling sya ganun din gawin mo sa states" 

"ayoko, ayokong iwan sya. nangako ako, nangako akong sasamahan ko sya. Nangako akong di ko sya iiwan" 

"pero hindi mo rin yun matutupad kung mauuna ka sa kanya alex" 

"bakit?" umiiyak nyang tanong

lahat kame ay napatingin sa kanya

"anong bakit?" 

tumingin sya sa amin at parang dinudurog ang puso namin sa mga salita nya. 

"bakit kami pa? bakit kami pa ni cali? Bakit sa lahat ng tao, parehas pa kaming nag kaganito? jen, may nagawa ba kaming mali? nag mahal lang naman kami diba?" 

 

walang kayang sumagot sa lahat ng katanungan nya, kasi kahit sino ay walang may alam. Kung bakit ang takbo ng istorya nilang napakaganda ng simula, ay binaligtad ng napakatinding plot twist. Plot twist na kung pwede lang ay wag nang isali, ipabura sa writer, para hindi na umabot sa huling cut. 

Pero kahit mahirap, isang desisyon ang kinailangang gawin. Matapos mapapayag ni alex na mag paopera si cali ay pumayag na rin itong iwanan ang kasintahan para mag pagamot sa ibang bansa. 

 

but Alex never left Cali, just like she promised. 

 

----

(cali 2019)

 

"cali, may nag padala ulit ng flowers" pang aasar ko sa kanya ng makapasok si cali sa office nya

"kanino nanaman galing?" nakangiti nyang tanong

"kanino pa, edi kay basty" nakangiti kong sagot

"daming pera nong si Sebastian ah, araw araw may pa flowers para kay cali" pang aasr ni alas sa kanya na may kasamang pag taas baba mg kilay neto

"sus, tigilan nyo nga ako." umiiling nyang sagot sa amin

naupo ito sa kanyang sofa ng maibaba neto ang gamit sa lamesa nya

"wala ka bang nararamdaman talaga kay basty?" 

ngumit ito sa amin at umiling

"I'm still waiting for someone " 

nagkatingin kame ni alas

"Alex?" tanong ko

nakangiti parin syang tumango sa amin

"although she left me ng wala akong alam na dahilan, i still hope for the day na she'll comeback and tell me what was her reason" 

"tatanggapin mo pa rin sya?" 

"oo naman. i know alex, she'll never leave me ng walang dahilan" 

"what if di na sya bumalik?" tanong ko ulit

tumayo sya at lumapit sa table nya, kinuha ang larawan na nakapatong rito. nakangiting pinag mamasdan eto, at tumingin sa amin

"i know she'll come back. alex never break her promises" 

 

-----

(cali and alex 2021)

matapos ang mahabang paglalakbay ng dalawa, narating rin nila ang kanilang destinasyon. kasabay ng malamig na hangin ang malaks na pag hampas ng alon. 

nakaupo ang dalawa sa tabi ng karagatan, inaantay ang pag dating ng kinabukasan ng mag kasama. 

"okay ka lang ba?" tanong ni alex sa dating kasintahan na nakasandal sa balikat nya habang nakayakap ito sa kanya

"oo naman, more than okay" 

nakangiti itong tumingala sa kanya. 

isang halik ang isinagot ng enhinyero sa kaasintahan, dahilan para mas mapangiti pa ito lalo.

"miss na miss mong halikan ako ah" biro ni cali

natawa namang bahagya si alex

"di ko naman tinatanggi" 

"tagal mo kasing bumalik" 

hindi ito sumagot bagkos ay hinigpitan pa ang yakap nya sa dating kasintahan na para bang ayaw na nya itong pakawalan pa. 

"cali" 

"hmmn?" 

"how come you're not mad at me? iniwan kita ng limang taon, but you accepted me parin"

 

nakatingin sa karagatan si cali'ng sumagot:, 

"kasi i know you have a reason" 

"how can you be so sure?" 

"sa totoo lang hindi rin ako sure. I just trust you i guess. I trusted you enough para umasang you did have a reason why you left."

 

hindi mapigilang mamuo ang luha sa mga mata ni alex. 

 

"what if di na pala ako bumalik?" 

"hihintayin parin kita. hihintayin kong umuwi ka sakin, kahit gano ka tagal. kahit sa susunod na habang buhay pa" 

 

iniwas neto ang tingin aa kasintahan at pinigilang pumatak ang mg namumuong luha sa mata nya. 

naramadaman naman eto ni cali, ngunit hindi nya ito pinaehalata. 

"pero may something lang akong gusto kong malaman" 

"ano yun?" 

"bakit ka nga ba umalis?" 

natahimik sandali si alex, pinikit ang mga mata upang pigilan ang pag daloy ng mga luha nyang walang tigil sa pag agos

"kasi kailangan" nauutal netong sabi

"kasi kailangan, para makasama pa kita ng mas matagal. para matupad ko lahat ng pangako ko sayo" 

"kasama dun yung hindi mo pag papakita ng limang taon?" mahinahong tanong ni cali

"oo, kasi mababalewala lahat. kasi alam ko pag nakita kita hindi ako magdadalawang isip na bumalik sayo" 

"sabi ko na eh" 

"ha?" 

"sabi ko na may dahilan ka. i never doubted you" 

 

nag mulat ng mata si alex, ng may liwanag na tumama sa mga mata nya. 

 

nariyan na nag kinabukasan na mag kasama sila. 

 

"mahal" tawag ni cali

"hmm?" 

"salamat" 

"saan?" 

"sa lahat lahat ng ginawa mo para sa atin, sa akin. salamat sa mga araw na hindi mo ako iniwan bago ako operahan, salamat sa pagiging mapag pasensya, salamat sa lahat ng sakripisyo. salamat mahal" 

 

hindi man kita ni alex ang mukha kanyang minamahal, pero bakas sa boses neto ang ang lungkot, ramdam rin neto ang mga tubig na pumapatak mula sa mga mata neto na bumabagsak sa kanilang kamay na mag kahawak. 

 

"salamat rin mahal, kasi sa kabila ng lahat hinintay mo pa din ako. lumaban ka para satin. naging matatag ka kahit wala ako, tinupad mo yung pangarap naten kahit wala ako sa tabi mo. thank you for existing in my life cali."

 

tahimik lang nilang pinanuod ang pag silip ng araw. 

"cali?" 

"hmm?" 

"inaantok na ako" 

"ako din mahal" 

"pahinga na tayo?" 

tumango bilang tugon si cali at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ng kanyang minamahal

 

"mahal na mahal kita cali" bulong ni alex at hinalikan ang tuktok ng ulo ni cali at sumanday dito

"mahal na mahal din kita, mahal. mag pahinga na tayo

 

unang gabi, at huling umaga. huling umaga na nag kasama si cali at alex, huling umaga na hinarap nila ng magkasama. 

 

dalawang bida sa estoryang kung titingnan ng iba ay hinding hindi magiging happy ending pero para sa amin, naudlot man ang estorya nila dito sa lupa, alam kong pinagpapatuloy nila yun, at alam namin na masaya silang dalawa kung nasaan man sila ngayon.

 

 

(cali and alex 2008-2021)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet