Sa mundong puno ng Red Flag, maging Green Flag ka

WIP #10
Please Subscribe to read the full chapter

 

Alam mo ba

 

Noong una kitang nakita ilang sandali sigurong tumigil ang paghinga ko.

 

Or yung mundo ko.

 

Or sadyang nagslow motion lang ang lahat?

 

Panandaliang nawalan ng ulirat at hindi makapagsalita, natuod ako habang mukhang tangang pinagmasdan kang maglakad palayo kasama yung kaibigan mo.

 

Cliché, right?

 

Hindi naman ako yung tipo ng taong mahilig manuod ng mga romantic movies, hindi kasi ako yung tipo ng  taong into romance. Naniniwala kasi akong kung darating sa’yo ang pag-ibig, darating. Walang echos-echos pa. At noong mga sandaling nagtama ang ating mga mata sa unang pagkakataon, right there and then, alam kong dumating na ang pag-ibig na matagal ko nang hinihintay.

 

Noon din ay naniwala ako sa mga cliché things na akala ko’y nangyayari lang sa pelikula at kdrama.

 

Mula ng araw na una kitang makita, hindi ka na nawala sa isip ko.

 

“Free rent, living in my mind” ika nga ni mareng Taylor Swift.

 

Na-love at first sight ako sa’yo.

 

Crazy, right?

 

Ang sabi ni Papa, kung may pangarap ako sa buhay na gusto kong marating, dapat gawin ko ang lahat para makamit yon. Kung kailangang habulin, hahabulin ko.

 

Pano ba yan, ikaw ang pangarap ko? Pangarap ko na maging dahilan ng mga tawa’t ngiti mo? Ang maging sanhi ng masasaya mong araw? Ang maging parte ng buhay mo. Pangarap kong magkalugar diyan sa puso mo.

 

At higit sa lahat,

 

Pangarap kong marinig mong sabihin na mahal mo rin ako.

 

Ang problema, hindi ko alam saan kita sisimulang hanapin. Kaya naisip kong magtanong tanong kung may nakakakilala sa’yo.

 

“Ah, si Bae Joohyun ba? Psych student yon. Nagandahan ka no?” nakangising sagot sa’kin ng kaibigan kong si Wendy nang minsang nagtanong ako.

 

Oo, di lang nagandahan. Tinamaan din.

 

Noong sinabi ni Wendy na kakilala ka niya, legit, muntik ko na siyang mahalikan sa tuwa. At least hindi na ako mahihirapang makipagkilala sa’yo.

 

 

 

Alam mo ba

 

Noong araw na pinakilala ka na sa’kin ni Wendy? Ilang beses ata akong nag-CR sa kaba. Nanginginig yung mga kamay ko na nanlalamig. Feeling ko nga hihimatayin ako. Pero nginitian mo ko at narinig ko ang matamis mong boses. And that time, parang gusto ko namang himatayin sa tuwa. Walang katulad ang sayang naramdaman ko nang tawagin mo ang pangalan ko. Hindi ko akalaing masarap palang pakinggan ang pangalan ko pag sayo nanggaling.

 

At noong nag-attempt akong magjoke (flop daw sabi ni Wendy), hindi ko akalaing pwede palang maging musika ang tawa. Daig pa ang harp sa ganda ng tunog nito sa tenga ko. Nakakaadik. Doon din ay pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat marinig ka lang tumawa.

 

Magmula noon ay araw-araw kitang binibisita, kahit medyo malayo sa building naming mga Fine Arts major ayos lang. Basta madalhan kita lagi ng hot chocolate mo or yung favorite mong tteokbokki, umaraw man o umulan. Makita ko lang yung magandang ngiti mo, I’ll do everything.

 

Madalas na rin kitang nakakatext. Nakakatawagan sa gabi. Sinasamahan ka pag wala kang makasama. Hinahatid ka sa inyo kahit anong oras, kahit anong araw. Tinutulungan kita sa lahat ng bagay na kailangan mo.

 

Hindi natin namalayan, unti-unti na tayong nagiging malapit sa isa’t isa.

 

Hinding hindi ko malilimutan yung mga ngiti at tawa mo habang sinasayaw kita sa gitna ng ulan. Pinagdasal ko na noong mga sandaling iyon na wag na sanang matapos ang ulan, na sana habang buhay kitang pwedeng isayaw. Umulan man o umaraw.

 

Mahal na mahal na kita, Joohyun.

 

 

 

Hanggang sa isang araw, sinabi mo sa’king ihinto ko na yung mga ginagawa ko.

 

Dahil hindi ka interesado. Dahil hanggang pakikipag-kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa’kin.

 

Nalito ako.

 

Akala ko pareho na rin ang nararamdaman mo. Iba na kasi ang dating ng bawat tingin, hawak, yakap at ngiti mo sa’kin. Akala ko meron na, akala ko lang pala.

 

At nang sinabi kong mahal kita, na willing akong patunayan ito sa’yo, na willing akong maghintay, bigla kang tumahimik at marahas mong binitawan mo ang aking kamay.

 

“Wag na tayong magkikita ulit. Huli na to. I’m sorry, Seulgi.” Yan lang ang sinabi mo sa’kin at iniwan mo akong nakatayo, hindi alam ang mararamdaman at gagawin.

 

Hahabulin ba kita?

 

Oo. Ikaw ang pangarap ko, remember?

 

 

 

 

Mula noong araw na yon, sinubukan kitang habulin.

 

Mula sa pagtetext ng 'good morning’, ‘kumain ka na ba’, ‘kumusta ka na’, ‘good night. Sleep well’ kahit laging walang reply, sa pagdalaw at pagdala sa’yo ng chocolates at flowers na favorite mo or food mo, hanggang sa paghihintay sayo pagkatapos ng klase mo para mahatid ka. Natuto akong maglakad ng 7ft behind you dahil nagagalit ka pag sinasabayan kita sa paglalakad pero wala lang sa’kin yon. Ang mahalaga ay alam kong nakakauwi ka ng maayos.

 

Pinagpatuloy ko yon kahit madalas mo na kong tinataboy, iniiwasan o di kaya’y nakikita sa basurahan yung mga binibigay ko.

 

Patuloy kitang hinabol.

 

Kahit ang sakit sakit na.

 

Naniniwala akong pwede ko pang mabago isip mo, kaya magpapatuloy akong habulin ang pangarap ko. Ang mahal ko.

 

 

 

 

Hanggang sa isang araw ay nakuha na kong kausapin ni Wendy at nakiusap na tigilan ko na ang ginagawa ko.

 

Inagaw niya mula sa’kin ang favorite flowers mo at tinapon sa sahig. “Tigilan mo na tong ginagawa mo, Seul! Please. Tama na. Mali na to.”

 

“Bakit naman? Mababago ko rin ang isip niya, don’t worry. Kailangan ko lang maghintay.” Sabi ko naman sa kaniya bago puluting ang mga favorite flowers mo.

 

Napabugtong hininga siya at frustrated na hinawi ang kaniyang buhok. Biglang napako ang kaniyang tingin mula sa aking likod at natahimik. Marahas niya akong iniharap sa kaniyang tinitignan.

 

Muling nahulog ang mga bulaklak sa sahig.

 

At doon di’y nalaman ko ang totoo. Sa di kalayuan ay nandoon ka, may magandang ngiti sa iyong mga labi habang masayang nakatingin sa lalaking nakayakap sa’yo.

 

Alam ko yung ganiyang tingin mo, kasi you used to look at me like that noong sinasayaw kita ng mabagal sa gitna ng ulan ng minsang umuulan habang nilalakad kita pauwi. Kapag niyayakap kita dahil nilalamig ka. Kapag hinahawakan ko ang kamay mo habang sabay tayo naglalakad para ihatid ka pauwi.

 

At siguro, hindi pa sapat na madurog lang ang puso ko dahil pinagmasdan ko pang halikan ka niya sa iyong labi.

 

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. Kaya madali akong tumalikod paharap kay Wendy para punasan ang mga ito.

 

“Nagkabalikan na ulit sila nung boyfriend niya. I’m sorry, Seulgi. Kung nalaman ko lang agad, sana nasabi ko sayo agad.”

 

Ah. Kaya pala.

 

Naging pampalipas oras mo lang pala ako. Ako naman tong si tanga, sakay na sakay.

 

Tangina.

 

 

 

 

 

Sa huli, tumigil na rin ako sa mga ginagawa ko para sayo. Hindi na kita tinext araw-araw, hindi na rin kita pinuntahan sa building nyo o maghintay sayo para ihatid ka pauwi.

 

Iyon naman ang gusto mo di ba?

 

Kahit na may mga araw na gusto kitang makita, pinilit ko ang sarili kong iwasan ka na at layuan. Pinilit kong wag nang magpakita pa ulit sayo.

 

Noong una, sobrang nahirapan ako. Sobra kitang namimiss, sobra yung urge na makita ka or marinig ang boses mo. Pero kapag naaalala kong may boyfriend ka nga pala, na may iba ka palang mahal, lalo lang akong nasasaktan.

 

Kaya naman sinubukan kong humanap ng mapapaglibangan, meet other people, pinag-igihan ang pag-aaral. Basta kahit ano lang.

 

Mawala ka lang sa isip ko.

 

Lumipas ang mga araw at buwan, unti-unti rin ka na ring nawala sa isip ko. Unti-unti kong natutunang marami pa pala kong hindi naeexperience sa buhay at marami akong nakikilalang mga bagon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yujiverse
#1
Chapter 1: 🫶🏻
seulrene_lang
#2
Chapter 1: AHHHHH SANDALIIII DI KO INEXPECT YUNG JENSEUL HUHUHUHU SALAMAT OTORNIM BINUHAY MO JENSEUL SA KATAWANG LUPA KO!!!
mokimoki #3
Chapter 1: Hays joohyun, pero sige parang gusto ko na rin ang jenseul
Myx5516 #4
Chapter 1: Pero sige ship ko rin naman ang jenseul
Myx5516 #5
Chapter 1: Nako joohyun naman. Pandesal na naging bato pa
Softtacos #6
Chapter 1: Yung manok kong red flag. Bakit thriving lately ang Jenseul? Not complaining tho. Grabe latey nakakakilig jenseul sa mga fics. Di ko rin alam bat nagkajenseul pero again not complaining! 😂
reader007 #7
Where did Jenseul come from? Jennie was the one who approached Irene and they became friends, and Jisoo with Seulgi, so idk where this ship came from, or is it just crack with filos like Tzugi? Ive asked other Korean blinks and luvies but they have no clue either so Im Just Curious how this crack ship came to be?
Varcenciel21
#8
Chapter 1: Happy ending nga, pero sa Jenseul. Ba't puro SR Angst nababasa ko e Seulrene day ngayon (kahapon)?
Aiver_rave
#9
Well regret always strike sometimes your late but sometimes you can make in time
Hirayathinagap #10
Chapter 1: Gusto ko 'yung part na 'pag hindi na kita mahal, hindi na kita mahal. Can relate ng sobra, hehe. Nice fic, Alex!