Cause when I'm with him, I am thinking of You

Thinking of You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Rupok!

Rupok!

Rupok!

 

Parang nag-iba yata yung narinig kong tunog ng pagtama ng martilyo sa pako. Nakakairita yung kapit-bahay naming ang aga-aga may kung ano na namang inaayos sa bahay nila.

 

At FYI, hindi ako basta bastang marupok lang. Member kaya ako ng Samahan ng mga baklang marurupok sa best friend nila.

 

Kalbaryo na nga yung marupok sa best friend, e paano kung….. straight pa yung best friend?

 

“Ang ingay!” sigaw ko.

 

Nakakairita na wala na ngang naggo-good morning sa akin with feelings, tunog pa ng pagiging marupok ang gumising sa akin.

 

Another day, another pagpapanggap na I am strong at hindi ako marupok >_<

 

Kagaya na lang ngayon, naka-upo ako sa loob ng jeep katabi si Karina na nakasandal ang ulo sa balikat ko at nakapikit. Normal lang naman ‘yon para sa ibang tao na katabi ang mga kaibigan nilang kinulang sa tulog kakatelebabad sa selpon kasi may kausap o kaya sa k-drama.

 

Pero kasi, si Karina ‘to! Si Karina na pinipilahan ng marami kasi sobrang ganda, matalino, responsable, mabait, mapag-bigay, talented, at higit sa lahat manhid. Charot lang.

 

Sabi nga ni Elsa, Conceal. Don’t feel. Don’t let them know.

 

Kinikilig kasi ako kasi mukha kaming mag-jowa. Pero siyempre, dahil may harang sa gitna na nakasulat ang salitang best friend, hindi ako pwedeng kiligin ng bongga. Kaya kahit mukhang constipated na sa pagpipigil ng kilig, keri lang.

 

Araw-araw hindi ako magkanda-ugaga sa pag-asikaso kay Karina, hindi ko naman obligasyon ‘yong ganon. Pero alam mo ‘yon, nakasanayan ko na kasing ginagawa ang lahat para sa kaniya.

 

Sabi nga ng Mama niya, ang suwerte niya sa ‘kin. Ang suwerte niya na meron siyang ako, na meron siyang best friend na tulad ko.

 

Ang sweet na nakakaiyak.

 

Ang sweet kasi na-appreciate nila ako, lahat ng ginagawa ko.

 

Nakakaiyak, kasi nga best friend lang ako.

 

“Nakasimangot ka diyan?” tanong ni Karina ng makabalik sila nila Aeri galing cr.

 

“Bwisit na Minju. Trip na naman ako.” Nginuso ko yung listahan ng noisy at standing na sinulat ni Minju sa white board sa harapan. Tinik talaga sa lalamunan ‘yan si Minju mula nung senior high, hanggang ngayon sineseryoso niya parin ‘yan. At walang araw na hindi niya ako nalilista, gagawa pa ‘yan ng paraan para mailista ako.

 

“Nagtapon lang ako nung wrapper ng egg nog, nagpaalam pa ako sa kaniya tapos ililista lang din pala ako.” Nakangusong paliwanag ko pa.

 

“Nagsusumbong na naman ba ang baby Winter na ‘yan?” Malambing pero nang-aasar na tanong ni Minju.

 

“Talaga Minju? Pakyu!” gusto ko ng isigaw ‘yan. Inirapan ko na lang siya at tinignan ng masama hanggang ibaling na niya sa iba yung pang-aasar niya.

 

‘Wag lang talaga niyang iwanan yung bag niya sa room, lalagyan ko talaga ng kahit anong pwedeng ilagay para makabawi sa pangbu-buwisit niya sa akin. Kung kasya yung aircon, ilalagay ko!

 

“That’s not nice, Minjeong.” Sabi ni Karina na para bang nababasa niya yung nasa isip ko.

 

Mali ka Karina. Alam mo kung ano yung hindi nice? Yung hanggang bffs lang tayo!

 

Uwian na naman, makulimlim na sa labas. Ang lawak pa ng ngiti kong bumaling kay Karina na parang may hinahanap sa bag niya.

 

“Anong hanap naten?” Masiglang tanong ko na para bang tindera ng kung ano at nagtatanong sa dumadaan kung anong hanap nila.

 

“Nakalimutan ko yata yung payong ko.” Aniya habang naghahalungkat pa rin sa bag niya.

 

“Dala ko yung akin, teka.” Sabi ko saka inilabas yung payong na laging dala ko. “Tara na?”

 

“Sorry, Minjeong, May pupuntahan pa kasi ako,” Na naman? 

 

“Saan ba? Samahan na kita.” Mabilis siyang umiling.

 

“Hindi pwede eh.”

 

Nahurt ako bigla, dati naman kahit saang lakad niya bitbit niya ako. Ako pa minsan yung may ayaw kaya pipilitin niya ako, magbabanta pa ‘yan ng “friend ship over” kapag hindi ko siya sinamahan.

 

“Uy saan ba ‘yang lakad mo? Date ‘yan ‘no?” biro ko.

 

Sabi ko biro lang. Nagbibiro lang ako!

 

“Oo eh.” Nahihiyang sabi niya.

 

Tangina.

 

Hindi ako nakapagsalita agad. Parang gusto kong buksan yung payong ko tapos maglalaho na lang ako bigla sa harapan niya na parang magic.

 

“Hindi mo naman sinabi agad.”

 

Strong ka, Minjeong.

Hindi pwedeng ipakitang nasasaktan ka.

Hinanda mo na sarili mo sa ganito ‘di ba?

Sabi mo nga okay lang, okay lang na makipag-date siya.

Okay lang na magka-jowa siya.

Okay lang, ‘di ba?

 

 

Tangina, hindi.

Kahit kailan hindi magiging okay.

 

“Dalhin mo na ‘to.” Inabot ko sa kaniya yung payong.

 

“Paano ka?” Parang nagging double meaning para sa akin yung tanong niya.

 

“Okay lang ako.” Double meaning pati sagot ko.

 

Hindi naman niya kasalanang na-fall ako sa kaniya. Ni mukha ngang wala siyang clue sa kung anong nararamdaman ko para sa kaniya, kahit araw-araw, kahit araw-araw kong pinaparamdam sa kaniya.

 

“See you tomorrow, Minjeong!” Aniya habang kumakaway sa akin at nagmamadaling umalis.

 

Pagkatapos mo akong saktan? See you tomorrow? Nakangiti ka pa?

 

Karina naman, ang sakit mong mahalin.

 

Nakasimangot akong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ng magtext si Mama. Napatingala pa ako sa langit na mukhang anytime sasabog na sa galit.

 

Mama: Bili ka muna sa grocery bago ka umuwi.

 

Nagmadali na akong mag-grocery, pero kahit anong madali ko. Paglabas ko, grabe na yung buhos ng ulan.

 

I saw Karina, may kasama siyang pamilyar na lalaki galing sa restaurant sa katapat na kalsada. Agad akong nag-iwas ng tingin, mukhang papunta pa sila sa kung na saan ako. Gagala pa siguro sa mall, gamit-gamit pa nila yung payong ko.

 

Desidido akong umalis sa kinatatayuan ko kahit pa sobrang lakas ng buhos ng ulan para lang hindi nila ako maabutan. Bitbit sa magkabilang kamay ko yung mga pinamili ko tapos yung bag ko nasa harap ko, pilit kong tinakbo papunta sa sakayan ng jeep.

 

Nanginig agad ako nang dumampi sa mga braso ko yung patak ng ulan, wrong move. Mukhang alam ko na agad na lalagnatin ako kinabukasan dahil sa pabigla biglang desisyon ko sa buhay.

 

“Anong katangahan ‘to, Winter?” Naramdaman kong may tumabi sa akin, mukhang may payong siya kasi hindi na ako napapatakan ng ulan. Pero, kilala niya ako?

 

Medyo malabo yung paningin ko gawa ng basang basa yung ulo ko, actually buong katawan, buti na lang nakahingi ako ng extra plastic na pinambalot ko sa bag ko para hindi ‘yon mabasa.

 

“Hindi ka immortal na hindi tatablan ng sakit kapag sumugod ka sa ulan, Winter. So, anong katangahan ‘to?” Pag-ulit niya. Nahimigan ko ang inis sa boses niya, at doon ko napagtanto kung sino yung nagpasukob sa akin.

 

“Wala akong payong.”  Tanging nasabi ko. Hinigit na niya sa kamay ko yung ibang plastic na dala ko.

 

“May payong ka, binigay mo nga lang sa taong may pinayungang iba.” Huh? “Gamit ni Karina ‘yong payong mo, ‘di ba? Nakita ko paglabas nila kanina.”

 

“Ah, oo. May pupuntahan pa raw siya e, naiwan niya yung payong niya, sakto namang dala ko yung akin.” Sagot ko. Hindi ako kumportableng kausap siya, kaya naman nilalakihan ko na yung hakbang ko para makarating na kami agad sa sakayan.

 

“Okay lang?” Napalingon ako sa tanong niya. “Okay lang na maulanan ka, basta safe siya?” pagtapos niya sa tanong niya.

 

“Oo naman. Okay lang” halos pabulong na yung huling sinabi ko. Akala ko aalis na siya kasi nilapag na niya yung mga plastic na hinigit niya sa ‘kin kanina.

 

Tumawa siya, “Katangahan ‘yan, Winter.”

 

“Hindi ako tanga.” Nakayukong sabi ko.

 

“Ulitin mo nga,” utusera.

 

“Hindi nga ako tanga,” inis na sabi ko saka nag-angat ng tingin.

 

Nakatingin siya sa ‘kin, “Hindi ako kumbinsido, ulit ulitin mo ‘yan ha. Baka kapag nakumbinsi mo na yung sarili mong hindi ka tanga, baka makumbinsi mo na rin ako.” Sinara na niya yung payong niya kasi may bubong naman yung sakayan. Hindi na kami mababasa.

 

Sandali siyang may kinapa sa loob ng bag niya, “Sarili mo naman, Minjeong.” Aniya saka inabot sa akin yung puting bimpo niya at naglakad na papunta sa pila ng jeep papunta sa kanila.

 

Galit na galit si Mama pag-uwi ko ng bahay, sinabi kong nakalimutan ko yung payong ko kaya nakarinig na naman ako ng mahabang sermon na,

 

“Ang payong hindi dapat inaalis sa bag! Hindi lang naman pang-ulan ang payong, kapag mainit magpayong ka rin!” Galit na sermon niya.

 

Matinding sakit ng ulo ang gumising sa akin kinabukasan, halos matumba pa ako ng subukan kong tumayo. Nanghihina pero papasok, baka Winter ‘yan? Inagahan ko pa, hindi ko na nahintay si Karina kasi hindi rin naman siya nagtext kung maghihintayan ba kami. Mas okay na rin ‘yon, malamang hindi na ako papasukin non kapag nalaman niyang masama pakiramdam ko.

 

Galing pa ng pagkukunwari kong sarap na sarap ako sa kinakain kong almusal kahit deep inside parang binibiyak yung ulo ko sa sakit. Nagpaalam agad ako kay Mama, mahirap na, baka makahalata pa.

 

Hindi pa nakatulong sa sakit ng ulo ko yung pag-alog ng jeep na nasakyan ko, kaya agad akong dumiretso sa cr pag-akyat ko ng building namin dahil nasusuka ako.

 

“Another day, another katangahan.” Halos mapatalon pa ako sa gulat ng pag-angat ng ulo ko kasi naghilamos ako, tumambad sa akin yung matabil ang dila kahapon. “Figured you’ll need this?” Aniya saka pinakita sa akin yung hawak niyang bote ng tubig at gamot na nakalagay pa sa maliit na paper bag galing mercury drugstore.

 

 

Shet. Nakalimutan ko palang uminom ng gamot kanina kakamadali at kakaingat na ‘wag mahalata ni Mama.

 

“Thanks.” Inabot ko ‘yon at mabilis na ininom. “Crush mo na ‘ko?” Biro ko sa kaniya.

 

Una sa lahat, hindi kami close. In fact, alam kong pareho kaming gigil sa isa’t-isa. Kasalanan naman niya kasi siya yung laging nauuna. Pero yung kahapon, pwede naman niya akong hayaan na maging isang sisiw na basang basa sa ulan pero pinasukob niya ako sa payong niya. May bonus pa siyang bimpo, speaking of bimpo, nilabhan ko pa yung binigay niya kagabi bago ako matulog kasi gusto kong isauli agad para wala akong utang na loob sa kaniya.

 

Pangalawa, ito. Itong pagbibigay niya ng gamot at tubig. At paano niya nalamang magkakasakit nga ako ngayon, at nandito pa siya sa cr?

 

Tumawa siya, yung tawang nainsulto sa sinabi ko.

 

“Minjeong, ang tanga mo.” Yun lang ang sinabi niya tapos iniwan na ako sa cr.

 

Pumasok ako sa at tumabi kay Ningning na para bang walang nangyari, o nangyayaring matinding gyera sa loob ng katawan ko. Pakiramdam ko nagbabatuhan sila ng apoy sa sobrang init na nararamdaman ko. Peke yata yung binigay na gamot non, hindi effective.

 

Hindi ako mapakali sa loob ng cafeteria, iniiwasan ko ring madikit ang katawan ko sa kahit na sino sa mga kaibigan ko. Oo na, wala akong planong ipaalam sa kanila na masama ang pakiramdam ko.

 

Nakalimutan yata nilang bumili ng inumin kaya kahit nanghihina ay tumayo ako at pumunta para bumili. Ang tindi pa ng kapit ko sa stall nung binibilhan ko kasi pakiramdam ko anytime babagsak ako. At hindi nga ako nagkamali, nung pabalik na ako halos matumba na ako kung hindi lang ako nasalo.

 

“Minjeong,” May halong pag-aalala sa boses nito.

 

Mabilis kong inayos ang tayo ko, “Salamat.”

 

“Thank you, Minjeong.” Nakangiting sabi ni Karina pagbalik ko sa table namin. Kikiligin na sana ako sa ngiti niya, kaya lang wala akong energy para kiligin ngayon kaya tinanguan ko na lang siya.

 

+++

Third Person

 

Winter will be lying if she’ll say na hindi niya namimiss yung best friend niya, kahit pa nasa tabi lang niya ito. Madalas na kasi itong may pinupuntahan. She will always bail on Winter kasi nauunang mag-aya yung manliligaw niya. Winter smiled bitterly, kahit naman mauna siyang mag-aya, Karina would still bail on her. Kasi hindi na siya ang favorite ka-bonding nito.

 

Karina’s favorite Chart

1 Jeno (+99)

100 Winter (-99)

 

Winter likes to steal glances of the older girl, steal dapat, pero lagi siyang nahuhuli. Karina will ask her kung bakit, ang sagot lang niya,

 

“Sinusulit ko lang, baka next time hindi na ako ganito kalapit sa’yo.” Winter jokingly said.

 

Kung dati, kapag tumatawa or ngumingiti si Karina halos isigaw ni Winter na, “Ako dahilan niyan!” sa sobrang proud niya.

 

This time, Winter will always look away. It’s starting to hit her that she was no longer needed, kasi Karina has found someone na. But that doesn’t stop her from doing the things na dati na niyang ginagawa for Karina, gaya lang ng ng simpleng pagbukas ng pinto, pagpapaypay kapag naiinitan ito, pagbili ng tubig kapag nauuhaw siya.

 

She thought Karina will realize that whatever Jeno can do, she can do it too.

 

That she doesn’t need a man, that she doesn’t need Jeno…… that she only needs Winter.

 

Kasi lahat gagawin ni Winter para kay Karina.

 

 

“Ikaw ba, Winter? Wala kang manliligaw?” Halos ibuga ni Winter yung iniinom niyang tubig ng tanungin siya ni Ningning. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot.

 

“Pero may nagugustuhan ka?” Si Aeri naman ang nagtanong. She glanced at Karina pero agad din niyang binawi na busy sa cellphone, may katext siguro.

 

Winter looked around the cafeteria para hind maging obvious yung sagot niya, nagmukha siyang hinahanap yung crush niya bago siya sumagot.

 

“Hmm… meron.”

 

Mukhang naging interesado naman sa sagot niya yung best friend niya kasi binitawan nito yung cellphone at nakinig na sa usapan nila.

 

Hindi na siya tinantanan nila Aeri mula ng sinabi niyang may nagugustuhan siya. Paulit-ulit sa tanong na, “Sino?”

 

Wala naman silang napapala kasi tikom ang bibig ni Winter sa kung sino yung nagugustuhan niya. Kahit pa suhulan siya ng paborito niyang egg nog, hindi niya sinasabi.

 

 

“Balita ko may nagugustuhan ka raw?” Nakaupo si Winter sa bleachers habang kumakain na naman ng egg nog, sumulpot na naman yung bwisit sa buhay niya.

 

“Girl, shut up!” Inis na sabi ni Winter. Tinawanan lang siya ng kausap niya.

 

“Easy, Win.” Halos kilabutan naman siya ng marinig niya yung palayaw na ginawa nung bwisit para sa kaniya. Hindi pa rin nags-sync in sa kaniya na nakukuha na nitong magbiro sa kaniya kahit pa kilala silang bwisit sa isa’t-isa.

 

“You know, the more you hide your feelings, the more they show. And the more you deny them, the more they grow.”

 

“Oh, sino namang pilosopo ang nagsabi niyan?” Tanong ni Winter.

 

“Google.” Diretsong sagot ng kausap niya. “Ang akin lang naman, what’s stopping you from professing what you feel?”

 

“Madami.” Sagot ni Winter habang nakatingin sa field. “Kung mambubwisit ka lang, next time na please.” Walang ganang dagdag pa niya, mula kasi sa puwesto niya, natatanaw niya si Karina at yung manliligaw niyang si Jeno na naglalakad sa lover’s lane.

 

“Kung ‘di na kasi pwede, iba na lang, Winter.”

 

“’Wag mo ‘kong utusan, hmp!” iritang sabi ni Winter. Natanaw naman niyang papunta sila Aeri sa puwesto niya kaya agad niyang pinagtabuyan yung kausap niya. “Alis! Chupi!”

 

“Close na kayo? Akala ko ba mortal enemy mo ‘yon?” Tanong ni Ningning ng makalapit sila kay Winter.

 

“Hindi ah, as usual. Nambwisit na naman.” Tanggi ni Winter. “Si Karina?” tanong niya kahit pa malinaw pa sa sikat ng araw na nakita niyang magkasama yung nagliligawan, itatanong pa rin niya.

 

“Magkasama sila ni Jeno.”

 

Winter’s lying on her bed, iniisip niya yung mga ganap sa mga nakaraang buwan. Ilang buwan na ring nagliligawan si Karina at Jeno, si Jeno na yung pinakamatagal na manliligaw ni Karina. Usually, hindi inaabot ng buwan yung mga manliligaw niya, kasi she knows na walang chance. Mukhang Jeno became an exception.

 

Ilang buwan na rin niyang pinag-iisipan kung aamin na ba siya kay Karina about sa feelings niya, tutal naman mukhang nagkaka-igihan na sila ni Jeno. Nagdadalawang isip lang siya kasi para saan pa? As if naman Karina would consider her feelings eh mukhang malapit na niyang sagutin yung manliligaw niya.

 

Jupanget: Umamin ka na kasi.

Winter: Tanga ka, parang ang dali.

Jupanget: Ilang buwan mo na pinag-iisipan ‘yan, Winter.

Hinihintay mo bang sagutin niya muna bago ka umamin?

Minjeong, ‘wag ganon.

Winter: Paano kung ‘wag na lang ako umamin?

Jupanget: Pepektusan na talaga kita!

Humanda ka sa ‘kin bukas!

 

“Bakit ako matatakot sa’yo, Minju?” Winter whispered.

 

Payapang nakikinig ng music si Winter sa upuan niya habang wala pang gaanong tao sa room, hindi na nga niya maalala kung kelan yung huling beses na sabay silang pumasok ni Karina. Lagi na kasing hinahatid-sundo nung manliligaw niya, ayaw naman niyang makisabay.

 

Tanga lang ako, pero hindi ako manhid. Sabi niya sa sarili.

 

“Aray, puta!” Angil ni Winter ng makaramdam siya ng malakas na hampas sa ulo niya. Agad niyang sinamaan ng tingin yung may gawa nito.

 

“Inalog ko lang, baka sakaling makapag-isip ka ng tama.” Tumatawang sabi nung humampas sa kaniya.

 

“Oo na nga, para matapos na.” Pagsuko niya, umaliwalas naman ang mukha nung kausap niya.

 

“Oh? Kelan?”

 

“Sa birthday niya.”

 

Kanina pa si Winter nakatayo sa labas ng bahay nila Karina. Kahit naman sinabi niyang ngayon siya aamin, aminado naman siyang nangangatog pa rin siya sa kaba. Nakailang rehearse pa siya sa sasabihin niya bago siya umalis ng bahay, hanggang sa daan papunta kila Karina nagpa-practice siya.

 

“Hoy!” Napalingon si Winter. “Ginagawa mo pa diyan?” tanong nito sa kaniya.

 

“What if— ” Hindi na natuloy ni Winter yung sasabihin niya kasi agad na siyang hinila papasok ni Minju.

 

Minju figured na kapag nag-isip pa ng mas matagal si Winter sa labas e umatras pa ‘to, she has been bugging Winter to profess whatever she’s feeling sa best friend nitong si Karina. Aside from her, wala naman ng ibang nakakaalam sa nararamdaman ni Winter. Kaya sino pang magpu-push dito kung hindi siya?

 

“Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano, sabihin mo lahat, ‘wag kang mag-iiwan.” Pagpapapalakas nito sa loob ni Winter.

 

 “Just know that whatever happens tonight, you can talk to me. Minjeong, do you hear me?” Tumango si Winter.

 

Minju left her after that, siguro nakiparty na. Habang si Winter? Hinahanap si Karina, she wanted to talk to her in private. Nakita niya si Karina sa may garden, with Jeno of course. Kausap nila yung parents ni Karina at sila Aeri, mukhang finally, pinakilala na niya si Jeno sa family niya. Hinintay niya munang matapos kung ano mang pinag-uusapan nila. Nang sandaling kumalas si Karina kay Jeno at pumasok sa loob, agad siyang sinundan ni Winter.

 

“Hey, birthday girl” mahinang tawag niya rito.

 

“Minjeong, hi!” Bati nito pabalik sakaniya. “Nasa garden sila Aeri, kararating mo lang? Kuha lang ako ng drinks tapos labas na tayo.”

 

She held her wrist, pareho silang nabigla sa ginawa ni Winter.

 

“Can we talk?” binitiwan niya yung pagkakahawak sa pulsuhan ni Karina, “I have something to tell you.” Halos pabulong na sabi niya.

 

Tumango lang si Karina, umakyat sila at doon nag-usap sa kuwarto ni Karina.

 

“I know this isn’t the right timing kasi birthday mo, baka masira ko pa yung gabi mo. But there’s something I’ve been wanting to tell you.” Kung saan nakuha ni Winter yung lakas ng loob niya ngayon, hindi niya rin alam. Basta gusto na lang niya mailabas lahat, gusto niyang matapos na yung pagpapanggap at pagtatago niya.

 

 

“Karina… I like you, no—I love you. I’ve always been.”

 

Karina wants to say something but Winter shushed her.

 

“I don’t need you to say anything, I just need you to listen. Kasi sa totoo lang, pagod na akong m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespanesbread
salamuch sa 100 subs >_<

Comments

You must be logged in to comment
Seoleo
#1
Chapter 1: Haysss ang ganda ng story 🤗
ikablink29
#2
Chapter 1: Sequel.. juseyo...
JCLCF4E
#3
Chapter 1: awww, this is so good.
Bones21
#4
Chapter 1: Ang cute😩 Hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo.. isang I love you lang galing ky Karina sapat nah😂
jysowee
#5
Chapter 1: hindi ko alam kung effective toh, pero a sequel po please? :'< after the push and pull, and hardships they've experienced, deserve naman nila magkaron ng chap kung saan they're finally together and happy dibaa? hehe huhu pretty pweaseeee
TYTFshipper
280 streak #6
Chapter 1: Bakit ang ganda? Parang lahat ng emosyon naramdaman ko eh 😭💕 Pero umm baka naman may kasunod po? Hahaha grabe nabitin pa ko kahit ang haba na nito lol if ever may kasunod man to otor, see you!! Pero kung wala, salamat nalang sa lahat. Char lang! Thank you talaga yun syempre! 🙏😎
supkfans
#7
Chapter 1: I want mooooooreeee this is so good
yuri_jessica
#8
Chapter 1: Ang ganda ng story keep it coming author. Thank you for this masterpiece!
jiminjeongx
#9
I don’t know why I was hoping that this would be an angst in the first part (until the confession) HAHAHA but then the turn of events and all made sense now. Thank you for this wonderful piece!
Maple03
#10
Chapter 1: Alam nyo lamog na lamog na si Jeno sa mga Winrina fic😂 dagdag narin natin si Lucas😂
Pero author na iyak ako sa huli yung tinanggan na si Jimin ng fam nya🤧.

Thank you author ganda sobraaa sana hindi eto ang huli😊 thank you ulit sa uulitin😉