2nd Replay

Lintik na pag-ibig, parang kidlat. Nakakamatay.
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi's POV

 

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung literal na pa-shout out ko sa library. Paano ko ba naman makakalimutan ang nangyari eh tuwing papasok kami may malaking print out sa harap ng table ng librarian na "Sa library may batas. Bawal mag-ingay, bawal sumigaw. Or else, pwede ka na lumabas" Grabe iniisip ko na lang kawawa siguro mga naging classmate ni manang nung elementary, panigurado siya tiga-lista ng noisy.

 

Anyway, sobrang weird na talaga ng nangyayari sa'kin lately. 'Di ko alam kung coincidence lang ba lahat pero alam niyo yung deja vu? 'Yan. Ang dalas ko maramdaman the past weeks, lalo na pag kasama ko si Jisoo. Tulad na lang nung isang araw....

 

[shingaling ngaling ngaling....ngaling....ngaling.....]

 

(flashback sound effects yan, 'wag kayo magulo)

 

"Okay, don't forget to make your group for the activity. Deadline's next monday. Class dismissed." Bilin pa ni sir Pans bago siya lumabas, katatapos lang ng first period namin. Hindi talaga Pans ang pangalan ni sir, we just call him that well because--

 

"Uy tara sa canteen, 'di pa ko nakapag-breakfast nagugutom na ko." Tinignan ko si Yeri na nakatayo na sa harap ko. "May 30 minutes pa naman bago next period at tsaka sigurado late na naman yun si sir Dems"

 

Oh we love to give codenames sa mga prof namin para kung may makarinig man ng pinag-uusapan namin, safe kami. So sir Dems is short for sir Demonyo. You'll see later why.

 

"Ha? 'Di ka ba magrereview? May test tayo sa kanya diba?"

 

"Hala may test??" nilingon ko si Jisoo na ready na rin sana lumabas.

 

Kung si yeri gets ko pa na hindi magrereview, tamad naman talaga yan pero si Jisoo? Makakalimutan na may exam? Now that's unusual.

 

Muntik na ako makipag lips to lips sa desk ng armchair ko sa lakas ng batok ni Yeri.

 

"Luh ginawa ko sayo??" inis na tinignan ko ang saralin na nakaamba namang hahampasin na naman ako at narinig na tumawa si Jisoo.

 

"Anong tamad ha?! Excuse me ikaw pa nga nangongopya sakin kahapon, sabi mo pa ililibre mo ko ha tinakasan mo lang naman ako nung uwian" nakapamewang pa siya habang sinasabi -- nagra-rap na nga ata siya, nagagaya na siya sa kpop girls niya.

 

"Hala Yeri nababasa mo isip ko???" 

 

"Gaga ka Seul, sinabi mo yun out loud" Ah, hehe ganun ba, muntanga ako dun slight "and about the test, seryoso ba?"

 

"Oo nga. Sinabi yata ni sir last time baka nakalimutan mo lang or di mo narinig?" nagtataka na rin ako kasi its very unlikely na may miss si Jisoo na academic related, kulang na lang eh jowain neto yung notes niya. Kelan nga ba yun sinabi ni sir? O baka sakin lang nabanggit? Wow, special yan?

 

"Maybe.... Oh well it wouldn't hurt to review my notes, Yerms maya na tayo pumunta ng canteen"

 

Wala na rin nagawa si Yeri at bumalik sa upuan niya, nagsimula na rin siya magbasa. 'Di ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gombaechu
Hello! Na-overwhelm ako nung pagcheck ko may 7 subscribers na ko, di ko talaga inaasahan na may magbabasa nito kaya for you guys, here's an update!! THANK YOU NG MARAMI 🥺

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: hala ang cutie po ng story HAHAHAHAHA can't wait sa mga susunod na events hihi :D