one of two

Pagtingin
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Sis, anuna,” taas ng kilay ni Jennie kay Nayeon who is currently stirring her cup of coffee. “Anong anuna? Walang ganun,” sagot niya.

Si Irene naman na katabi ni Jennie ang nagsalita, “Happy 8 years, sis!” bati nito nang dumating ang isang waiter na may dalang isang slice ng cake.

Nayeon rolled her eyes at her friends. Today marks the 8th year of her stupid crush on her very manhid best friend na si Jeongyeon.

She closed her eyes—hindi niya alam kung ano yung gusto niyang mangyari. Masaya naman siya sa situation nila ngayon ni Jeongyeon, mag best friends, speed dial number 1 nila ang isat isa and she couldn’t ask for more. Less heartache nalang siguro? She shrugged her shoulders and when she opened her eyes, nakatingin pa rin sa kanya ang dalawang kaibigan.

“Sis, 2 years ka palang naming kilala pero in those 2 years sinasamahan ka naming mag-celebrate—not that we’re complaining ha, since free naman ang food and all,” Jennie paused to point at the pasta in front of her, “pero- anuna? Kailan kayo magkakaganap?”

“Gaga,” she shook her head, slicing the cake and took a bite of it. “Okay na ako sa ganitong set-up,”

Irene leaned on her seat, “So you’d rather stay single forever?” she crossed her arms. Nayeon pouted. Matagal na rin kasi siyang kinukulit ni Jennie and Irene about Jeongyeon—kung wala ba raw siyang balak mag-confess and all of that. Halata naman din daw na gusto siya ni Jeongyeon pero ayaw pa rin ni Nayeon, ayaw niyang isugal ang pagkakaibigan nila. Mas mabuti na yung ganito—at least hindi siya takot na mawala si Jeongyeon sa kanya.

“Ebarg ka naman sa single forever, ‘di ko rin alam sa totoo lang. Basta okay na ako sa ganito.”

Jennie shifted on her seat, “Teka nga, so wala kang planong jumowa?”

“Meron naman!” saway niya sa kaibigan, “May dumarating naman pero hindi ko alam, hindi nagwowork out? may isa na sana kaso ayaw niya kay Jeongyeon. Kaya I cut him off. Package kami ni Jeong, buy 1 take 1 ganun.”

“Sabihin mo nalang kasi na kaya hindi nagwowork yang mga landi mo kasi hindi sila si Jeongyeon,” Irene rolled her eyes. “2 years ka pa naming kilala sis pero ilang beses ka na naming sinasamahan everytime broken hearted ka sa kay Jeong.”

Inirapan sila ni Nayeon, “Hoy! Kung hindi ko kayo niyayakag sa inuman ‘di niyo mamimeet mga jowa niyo ngayon noh?!”

True nga naman. Nakilala ni Irene si Seulgi nung sinundo niya si Nayeon na lasing sa isang bar—magka-table lang kasi sila buhat ng madaming tao that night and since may mga jowa na yung mga kasama nila sa inuman ay iniwan nila si Nayeon kay Seulgi, hoping na may mangyari sa kanila. Lasing na lasing si Nayeon that night and dahil hindi namang ganoong tao si Seulgi ay dinala niya ito sa isang coffee shop malapit sa bar. Buti na lang at tumawag si Irene and since Nayeon’s too drunk to answer ay si Seulgi na ang sumagot. Few months later ay naging sila na.

Dahil doon ay nakilala ni Jennie si Lisa na tropa ni Seulgi. Sa simula pa nga ay ayaw pa ni Jennie kay Lisa kasi nakukulitan siya dito at sobrang corny pa ng mga pick-up lines nito sa kanya—and of course, she’s straight as nung time na ‘yon. ‘di naman siya sinukuan ni Lisa hanggang sa naging sila na. Medyo nahirapan si Jennie sa pag-aadjust nung naging sila ni Lisa since hindi siya sanay sa tusok-tusok dates nila ng jowa. Cute naman si Lisa and she’s glad na hindi siya nito sinukuan and for understanding Jennie’s maarte side. Sa lahat ng naging jowa niya si Lisa lang ang patient enough to understand her constant mood swings, her viewpoint of things, and sa lahat ng mga nalandi niya si Lisa lang yung hindi pinipilit ang sarili nito sa kanya. Lisa gives her space and time whenever she needs it even though she didn't ask for it ay alam na agad ni Lisa kung ano ang gagawin.

“Point,” Jennie made a face. “Still, 8 years is a long time, sistur. Make a move na kaya or something!”

“Jen,” Irene placed her hand on Jennie’s knee, “Hayaan na natin ‘yang si Nayeon, ‘di naman natin mapipilit ‘yan. Kung saan siya masaya g nalang. Pero,” she paused to look at Nayeon, “Tumatakbo ang oras, girl. If you don’t grab her then someone else will, sige ka.” banta nito with matching turo sa kaibigan.

Nayeon sighed. Ilang beses na kayang nangyari ‘yan. Siyempre, may itsura si Jeongyeon, mabait pa sa lahat, star player pa ng basketball team kaya madami talagang nagkakagusto sa kanya. In the span of 8 years, nakailang jowa na rin si Jeongyeon pero palaging olats ang kaibigan, mostly because of Nayeon (secretly proud siya sa fact na ‘yan) kasi pinagseselosan nila si Nayeon. Pinagsabihan naman niya si Jeong (kahit meseket) na lalayo muna siya tuwing may nilalandi si Jeong pero si Jeong yung ayaw. Like what Nayeon told her friends awhile ago—buy 1 take 1 silang dalawa. Pag hindi kaya ng mga bebe ni Jeongyeon ang closeness nila ni Nayeon, matic ayaw niya na rin sa kanila. She needs someone who is mature enough to understand their friendship.

Someone na kayang tanggapin na mas pipiliin ni Jeongyeon si Nayeon kesa sa magiging future  jowa niya.

Kilig naman si Nayeon pero deep inside nung sinabi yun sa kanya ni Jeong pero sinapak niya ito when she heard of it sabay sabi, “Tanga ka talaga! Ano ako nanay mo?!” tumawa lang si Jeongyeon sa kanya tas sinagot siya ng, “Gago, kaya nga ‘Nay’ tawag ko sa’yo di’ba?!”

Nayeon took a deep breath, “Oo, alam ko.” she sipped her coffee, “Basta! Enough about me,” she waved her free hand dismissively at her friends, “May chismis ako about sa ex ni Seul!”

Mag-isang naiwan si Nayeon sa café. Sinundo na rin kasi ng mga jowa  nila sina Irene at Jennie. Hinihintay niya nalang si Jeongyeon – sabi ni Lisa may meeting pa mga captains pa kaya naiwan si Jeongyeon (basketball player din kasi si Lisa)

Sumilip si Nayeon sa may entrance at nakita niyang pinapark na ni Jeongyeon ang kanyang motor. Pinagpatuloy niya ang kanyang report the moment she heard the door open signalling Jeongyeon’s arrival.

“Hi, Nay! Sorry ngayon lang, taena tagal matapos ng meeting.” Umupo na siya sa harapan ni Nayeon. Sumenyas siya sa waiter and tumango lang ito sakanya.

Napansin ni Jeongyeon ang nangyari. “Nawala lang ako ng ilang oras may niloloko ka na namang bago,”

“Siraulo ka, tay!”

Dumating naman na yung waiter at tinignan ito ng masama ni Jeongyeon pero nagbago ang tingin nito ng inabutan siya ng smoothie.

“Para sa’kin ‘to, Nay?” turo nito sa smoothie. Without bothering to look Nayeon answered her, “Oo, wait ka muna saglit malapit na'kong matapos.”

“Yun oh, thanks!”

Kaya tinatawag ni Nayeon ng Tay si Jeong since Nay tawag nito sa kanya short for Nayeon. Jeongyeon made it sound like she’s calling her mother kaya it was just fair for the smaller woman to call her Tay. ‘di na rin naman pumalag si Jeongyeon and it has been like that ever since they were in elementary.

“So, musta naman araw mo?” tanong ni Nayeon sa kay Jeongyeon habang kumakain sila sa favorite karinderya nila na nasa tapat lang ng dorm ni Nayeon.

“Daming ganap today katamad,” reklamo nito, “May pinost na namang assessments due next week tapos MWF training since malapit na yung interschool tournament.” Pagkatapos niyang magsalita ay hinigop niya ang sabaw ni Nayeon. “Tay, akin yan!” ilalayo na niya sana ang mangkok pero naubos na ni Jeongyeon ang hinihigop niyang sabaw.

“Wala na ubos na, Nay.” Tawa nito. Tinignan lang siya ng masama ni Nayeon, “Hayop ka talaga! Bili mo nalang ako ng bago!” tulak nito kay Jeong na sumerrender na. “Oo na,” tumayo na’to at nagpunta sa may tindera kung saan naka-display ang mga ulam.

Nakangiting tinignan ni Nayeon si Jeongyeon. Taragis naman, Jeongyeon. Taena mo manhid mo gago

Mean Girls GC

Jennie Smith : hoy nayeon, stop staring. she’s gonna melt lmao

Nayeon George: yuck stalker! san ka

Jennie Smith: dumaan lang kami hahaha bakla ka umamin ka na kasi

Nayeon George: ulul enjoy your date kids! Use protection!

Irene Wieners: ux2 nyo momol vid namin ni seul?

Jennie Smith: bye

Nayeon Goerge: Naol

Binababa na niya ang phone niya nang nakaupo na ulit si Jeong sa harapan niya. “O eto na ah, wala na'kong utang sa’yo.”

“Buti naman at alam mo.” irao niya sa kaibigan.

Meanwhile, kakarating lang ni Jennie at Lisa sa condo ni Irene. Naabutan nila si Seulgi sa may lobby at sumabay na sila paakyat.

“Beb, anong meron?” tanong ni Lisa kay Jennie. Nagtataka rin si Seulgi bakit kasama ni Jennie si Lisa. Usually kasi pag tumatambay si Jennie sa condo ng jowa niya e siya lang naman mag-isa.

“Basta.” Ngiting sagot ni Jennie kay Lisa. The taller woman didn’t ask her anymore. She just shrugged her shoulders nalang din sa kay Seulgi.

“Wag niyo ‘tong ipaalam kay Jeongyeon at Nayeon, okay?!” banta niya sa dalawang kasama sa elevator. They nodded in understanding. Nakakatakot si Jennie pag galit—Lisa and her friends are a living testament of that.

“Hi po,” magalang na bati ni Lisa kay Irene nang makapasok sila sa unit nito. Agad siyang tumabi sa jowa niya sa may sofa. Pinapanuod nilang magyakapan sina Irene at Seulgi.

“Tayo din kaya?” yayakapin na sana ni Lisa ang jowa but Jennie just pushed her away. “Later na beb, mas importante ‘tong pag-uusapan natin.”

Lisa shrugged her shoulders. “Bawi ka mamaya ah?”

Jennie tried so hard not to smile. “Sure.”

Irene awkwardly cleared . “Landian aside, let’s get straight to the point.” Nakaupo na rin ang mag-jowang Irene at Seulgi sa harapan nila. Jennie crossed her legs as she waited for the other woman to talk.

“May nilalandi ba ngayon si Jeongyeon?” tanong ni Irene sa mag-tropa. Nagsitinginan sila before sumagot si Seulgi. “Wala naman ata. Busy ‘yon since malapit na tournament e.”

“Usually after tournament na yung mga landian keme since dun mashoshowcase yung plays mo and stuff like that.” Dagdag ni Lisa. Jennie raised an eyebrow, “Aba, alam na alam mo ah?”

“Beb, ganyan naman talaga pag may tournament. Tsaka since may jowa na ako di naman na ako lalandi pa ng iba.” Pag-assure nito sa kanya. “Pag-usapan nalang natin yan mamaya,” tinignan niya ulit si Irene.

“May gusto ba si Jeong kay Nayeon?” rektang tanong ulit ni Irene. Lisa and Seulgi's mouth formed an O.. Gets na nila yung sudden meeting.

Sila rin kasi—matagal na nilang napapansin na may special something si Jeongyeon kay Nayeon pero ayaw lang nilang i-confront siya about it since hindi naman nag-oopen up sa kanila si Jeong—and most of the time may nilalandi ito kaya hindi nalang nila pinapakialaman.

“Ah, kaya.” Hinawakan na ni Lisa ang kamay ni Jennie. “’di naman kasi nagsasabi samin si Jeong e. Pero ramdam namin na very special si kumareng Nayeon sa kanya.”

“I’m quite sure na we’d all agree na they’re like a married couple.” Seulgi added. Nginitian lang siya ni Irene. “Wag niyo ‘tong sabihin kay Jeongyeon ah pero 8 years na kasing may gusto sa kanya si Nayeon.”

Seulgi and Lisa’s eyes widened.

“Ha?”

“Gago, legit?”

Jennie and Irene bobbed their heads. “Yes, ayaw man naming manghimasok but I think it’s high time for us to get involved since it’s obvious naman na wala silang plano to make a move.” Jennie played with Lisa’s hand.

“Two years na rin naming kilala si Nayeon and wala pa rin talaga. Ket anong pilit namin ayaw niya since takot siyang ‘di rin siya gusto ni Jeongyeon.”

Lisa, was the first one to recover from the shocking revelation. Naisip niya kasi na it’s the other way around—na si Jeongyeon yung may lihim na pagtingin sa kay Nayeon since hindi naman niya nakikita na ganun si Nayeon—yung type na magtago ng ganung kalaking sikreto. And to think na walong taon niya yung tinatago—a lot has probably happened back then, she’s sure of it.

“Gagi, 8 years.” Lisa whistled, “Manhid naman ni Jeong kung hindi niya napansin?”

“Si Jeongyeon ‘yan fren,” Seulgi leaned on the couch, “Baka nakakalimutan mong sobrang oblivious niyan sa mga bagay bagay—kaya andaming nagkakagusto sakanya dahil diyan.”

Lisa agreed, “Damn, Nayeon though, who would have thought?”

“What do you mean?” Jennie faced her girlfriend. “Pagkakilala ko kasi kay Nayeon is someone confident e? like, yung walang kinatatakutan? G lang kung g. Di ko lang akalain na kaya niyang magtago ng nararamdaman niya kay Jeong for that long.”

“True.” Seulgi pointed a finger to her friend, “’di naman sa negative ako dito ah, pero ‘di ba naisip ni Nayeon na mag move on nalang? Dami na ring dumaan na babae kay Jeong e, sakit siguro nun.” Seulgi felt sad at the thought of Nayeon hiding her feelings. Ganyan din yung naramdaman niya nung nagkagusto siya sa straight best friend niya nung high school. (na schoolmate niya rin ngayong college) Mahirap magtago ng feelings especially if it's a romantic one—you need to act strong para hindi halata na nasasaktan ka na pala.

 “Alam niyo naman ‘yang si Nayeon, apaka-taas ng standards. Tsaka pinagseselosan ng mga suitor niya si Jeong. Napakalaking red flag yun sakanya.” Jennie answered. “I think the same goes for Jeong, nakwento na rin samin 'yan ni Nayeon e when we asked her bakit walang nagtatagal na babae sakanya.”

“Meaning—sila talaga ang nakatakda para sa isat isa,” tawa ni Lisa. “Tangina ni Jeong, 8 years ampota.” She shook her head at the thought, “I’m in!” ngiti niyang sabi, “They both deserve each other.”

Seulgi grinned, “Wala na rin akong ibang match na naisip para kay Jeongyeon. Si Nayeon lang din talaga. Sama niyo na rin ako.”

Inirapan siya ni Irene, “As if naman you have a choice?” tinaasan ng kilay nito si Seulgi, “The moment nung nalaman niyong may gusto si Nayeon sa tropa niya, matic na kasama kayo sa Oplan Nay at Tay.”

“ONAT.” Tawang sabi ni Lisa at Seulgi.

“Papunta na raw si Jeong,” sabi ni Lisa pagkapasok nito sa sasakyan ni Seulgi. Simple lang naman ang pinapagawa ng mga jowa nila—ang kulitin si Jeongyeon to say something about her feelings sa kay Nayeon… side plan na rin nila ang to tease Jeongyeon with Nayeon whenever there’s a chance.

“Malinis na ba unit mo?” tanong nito kay Seulgi na tinignan siya ng masama. “Gago simula nung naging kami ni Irene palagi ng malinis ‘yon. Para akong nasa dorm since may bi-weekly check-up si Irene.”

Lisa laughed- nung hindi pa kasi si Irene at Seulgi ay sobrang kalat ng apa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Chapter 1: Congratulations
grizzlyjeong #2
Chapter 2: Ahhh ang gandaaa! Sana more to come pa ang mga ganito esp 2yeon huhu

TAWANG TAWA 'KO SA SHS KARINA PART HAHAJSKALSKDB
jeaven23
#3
Chapter 2: Cute story.
Thank you author nim for sharing. Bihira kasi akong makakita ng tagalog fic na sila bida
aseulthetic
#4
💗💗💗
gazwashere
#5
Chapter 2: ako na mangunguna para sa mga readers: sana all may tay and/or nay sa buhay!!! ingat ingat ko sa inggit din pala ako mamamatay 🥲
WangYooShin #6
Chapter 1: Grabe nakakakilig naman Author
erzcaps27
#7
Chapter 1: Grabee doon pa lang sa "Nay & Tay" na tawagan nila nakakakilig na.