Fin_

One night. Two break ups.


 

 

Sikat ang pinapasukang fast food chain ni Yeri—halos limang buwan na siyang pumapasok sa McDo sa may Guadalupe at halos iba’t ibang customer na rin ang naobserbahan niya. May mga estudyante, bata, matanda, pamilya, solo flight, barkadahan at siyempre ang pinaka kinaiinisan niya ay ‘yung mga mag-couple na paboritong break up spot ang McDo. Tila totoo ‘yung mga nakikita niyang post sa fb dati noong ‘di pa siya pumapasok sa McDo. Kala niya kasi ay scripted lang ‘yon para makakuha ng likes, reactions at iba pa. Pero sa limang buwan na pag-tratrabaho niya roon ay halos ilang break-up scene na ang natunghayan niya, lalo na noong una niyang masaksihan ang isang magkasintahan na kala mo ay na sa isang pelikula sila. Isang cheating incident lang naman ang napanood nilang lahat.May babae kasing sumulpot at binuhusan ng juice ang isang lalaki—walang hiya ka, kaya ka pala busy dahil may iba ka nang tinatrabaho! Naging magulo na ang pangyayari, buti na lang at dumating ang manager nila upang ayusin ang gulo.

Napanganga pa nga siya noon sinabi na lang sa kaniya ng isa niyang senior na si Rie na minsan lang mangyari ang gano’ng ka-cinematic na break-up scene—kadalasan talaga ay ‘yung mga nag-o-order, onting usap at iyakan sabay iwan sa pagkain. Ang ending ay nadamay ang mga pagkain.

Mga shuta na mag shota! Naisip ni Yeri, pero ano bang alam niya tungkol sa pag-ibig? Wala, pero ang alam lang niya ay sayang ang mga pagkain sa tuwing may naghihiwalay, kung puwede lang niyang iuwi ay gagawin niya—ang kaso ay hindi.

 

Sabado ngayon, dapat ay pauwi na si Yeri nang sinabihan siya na mag-extend dahil wala ang karelyebo niya ng hapon na iyon. Biglang sumulpot si Rie na ka-close niya sa lahat.

Pustahan may maghihiwalay ngayon. Bungad nito sa kaniya at tila natutuwa pa dahil makakakita nanaman sila ng mga mag-jowang secretly na nag-iiyakan or worse nagbubuhusan ng juice. Ghad, ‘wag naman sana! Wish ni Yeri.

Ang morbid mo naman, pa’no mo ba nasabi? Sandaling napatigil sila sa pag-aayos ng ilang pinagkainan at tuluyang tinuro ni Rie kung sino ang tinutukoy niya.

Huwag ka pahalata, sa kaliwa mo… sinunod naman ni Yeri si Rie sabay tingin sa kaliwa niya. Gaga ka sabi ko huwag kang pahalata eh! Bulong sa kaniya ni Rie at muling dahan dahan na tinignan ang dalawang babae na tila pinagsakluban ng langit at lupa.

Lumipat sa kabilang table sila Rie at Yeri at palihim na bumulong sa isa’t isa. Medyo malapit ito sa dalawa ngunit tila hindi sila nito napansin.

Pa’no mo naman nasabi na mag-hihiwalay sila? Malay mo mag-kaibigan ‘yan? Tugon ni Yeri kay Rie.

Napairap naman si Rie at na-realize nito na limang buwan palang ito sa kanila. Muli ay palihim na tumingin sila sa dalawa—sina Seulgi at Irene ‘yon. Last year ay nandoon ang dalawa, same table and seats na kinalalagyan nila, last year ay masaya pa sila. Pero ano nga bang kuwento nila?

 

Si Irene, tawag sa kaniya ay “beauty goddess”—dahil sa matangos nitong ilong,mapulang labi, makinis na balat at matatalim nitong mata  ay talaga namang   madalas itong maanyayahan sa mga beauty pageant ngunit madalas niyang tanggihan ito dahil wala naman siyang interes sa mga ganoong bagay, katulad ng mga lalaki na madalas siyang ayain makipag-date na lagi niyang tinatanggihan sapagkat wala naman siyang ineteres sa mga hakdog kung tawagin niya.

Buti na lang ay sa lahat ng mga makukulit niyang manliligaw ay si Seulgi na ka-block niya ang namayagpag. Noong una ay ayaw niya rito dahil kasing kulit ni Seul ang iba niyang manliligaw na lalaki, pero naisip niya na wala nga naman na manliligaw ang hindi makulit—mapa-babae man o lalaki. Buti na lang ay type niya si Seul. Mas matangkad ito sa kaniya, matalino, maganda at isa pa ay magaling itong sumayaw. Pinaka paborito niya ay ang mga mata nito na sa tuwing ngumingiti siya ay tila hindi ito makakita dahil sa singkit nitong mga mata at higit sa lahat muka itong bear. My bear nga ang pangalan nito sa contacts niya.

 

Naalala ni Irene noong September 23 ay kakatapos lang mag-birthday ni Seul at kakabati lang nila. Nag-karoon kasi sila ng maliit na hindi pagkakaunawaan bago ito mag-birthday, kaya naman noong mismong birthday ni Seul ay magkaaway sila. Pero dahil pareho silang marupok ay hindi na nila natiis ang isa’t isa at napagdesisyunan na lang nila na magkita after.

 

Inilapag ni Seul ang order nilang dalawang Mcfloat at bff fries, na sa harap niya si Irene na marahang inoobserbahan siya bawat galaw.

Na-conscious naman siya kaya napasubo nalang ito ng French fries, matalim pa ring nakatingin sa kaniya si Irene. Naalala niya kung may iba pa ba siyang mali na nagawa rito. Napawi ang ang seryosong mga tingin sa kaniya ni Irene nang tumawa ito nang nakakaloka, buti na lang sa pandinig niya ay musika ito.

Muka kang bata na napagalitan ng magulang. Panimula ni Irene, kinuha nito ang kaniyang McFloat upang uminom at nagsimulang  kumain.

Sira! Iniisip ko kasi kung may mali ba akong nagawa na hindi ko pa nahihingan ng tawad. Totoo, parang bata minsan mag-explain si Seul dahil minsan ay may hand movements ito kung mag-kuwento, pati na rin ang bawat reaction nito ay madaling mabasa.

‘Di napansin ni Irene na lumalalim na pala ang mga titig niya kay Seul. Wala, na-miss lang kitang asarin. Medyo nahiya pa siyang aminin, dahil noong huling nagasaran sila ay nauwi lang ito sa tampuhan. Pareho silang natahimik at napangiti sa isa’t isa. At dahil sigurado na si Irene kay Seul at ayaw niya nang pakawalan ang taong kasing lambot ng marshmallow ang puso at kasing liwanag ng araw ang mga ngiti; naisip niyang sagutin ito sa pinaka-dramatic na paraan. Teleserye lang ang peg!

 

Kakaubos lang nila ng drinks at fries nila at kakatapos lang din magkuwento ni Seul tungkol sa kaniyang birthday na hindi kumpleto dahil hindi niya kasama si Irene. Tatanungin na sana ni Seul si Irene tungkol sa regalo niya nang bigla itong mag-salita, na tila ikinagulat niya.

Hindi kita type. Unang sabi ni Irene, sa loob niya ay natatawa na ito lalo na nang makita niyang napatigil si Seul.

 

At pinagpatuloy niya ang pagsasalita at sinabi lahat ng flaws na nakita niya kay Seul: na kinalaunan ay minahal na rin niya. Ganon naman diba? Kapag tunay kang nag-mamahal hindi lang puro magagandang ugali ang mamahalin mo, pati na rin ang pinakaiinis nilang ugali. Sabi nga nila—there is always two sides of a coin. 

 

Higit sa lahat ang buraot mo! Huling sinabi ni Irene. Hindi mabasa ang muka ni Seul, para bang gusto nitong maglaho at magpakain sa lupa. Naisip niya na ganon pala ang tingin sa kaniya ni Irene, at tila alam niya na kung saan ito patutungo—hindi siya nito sasagutin.

 

Ganon ba? Sorry if ever na I wasted you—naputol ang sinasabi niya dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumapo sa kaniyang mga labi ang mga labi ni Irene na dati lang niyang inaasam na mahagkan. Sa pagkalugmok niya kanina ay hindi niya napansin na lumipat na pala sa kaniyang tabi si Irene, sa ginawa nito ay daig pa nito ang adik sa sobrang pagka-high ganon ang epekto ng isang Irene kay Seul. Hindi agad nag-sink-in kay Seul kaya para hindi siya mahirapan ay nilinaw na lahat ni Irene.

Oo, may mga traits ka na ayaw ko noong una—pero sa tagal ay pati ‘yon minahal ko na. Mahal na kita Seul, kahit na ang buraot mo o kahit na hilig mo ‘kong i-prank. Sa hinaba ng sinabi ni Irene ay ang salitang mahal na kita, Seul ang paulit-ulit na nag-echo sa kaniya. Kaya bigla siyang napatayo at nag-sisigaw ng Sa wakas, may girlfriend na ako sa loob ng McDo kaya lahat ng customers pati na rin ang mga crew ay napatingin sa kanila at masaya silang binati. Kung maririnig lang nila ang mabilis na pagtibok ng puso ng dalawa ay baka mabingi sila sa lakas.

 

Yiee! Kiss naman d’yan! Kantyaw ng isang customer na siyang sinuportahan ng lahat.  Kaya naman kung kanina ay si Irene ang nangunang humalik ay ngayon si Seul naman. Wala nang hiya-hiya.

Mahal kita, Irene Bae. At tuluyan na niyang hinagkan ang babaeng minsan niyang pinangarap at araw-araw niyang minahal, mahal at mamahalin pa.

 Naghiyawan naman ang mga taong nakasaksi sa matamis nilang pagmamahalan. Noong araw na iyon ay naisip ni Rie na sa wakas, hindi break-up scene ang nasaksihan niya.

 

Ah, so andito sila last year? Pero this year andito sila ulit para mag-break na? Ayaw mag-assume nila Yeri at Rie pero sa mga nakita nila ay mukang tama ang hinala nila. Tulad ng iba, mukang maghiwalay din ang dalawa.

 

Sabi nila lahat ng sobra ay nakasassama. Pero diba, wala namang sobra o kulang sa totoong nag-mamahal? ‘Yan ang naisip ni Irene ngayon, habang kaharap si Seul na ngayo’y nakatungo—hindi magawang tumingin nang diretso.

 Halatang may gustong sabihihin si Seul na matagal na nitong tinatago.

I guess nasobrahan ako? Naisip ni Irene.

 

Sa isang taon nilang pag-sasama ay tila naging mabilis ang lahat, maraming nagyari. Tulad nga ng sabi ng iba sa kanila: sa una lang sila sasaya. Lalo na kay Irene na hindi pa tuluyang nakalalabas sa totoong mundo na naghihintay sa kaniya. Hindi kasi out si Irene sa pamilya niya, at close friends lang nila ang nakaalam sa kung anong meron sa kanila buti na lang ay sa side ni Seul ay out sila. Ang huling pagkakataon na naging matapang siya ay noong sinagot niya si Seul nakaraang taon sa parehong kinauupuan nila ngayon.  Pero ang totoo buong pagsasama nila ay naduwag siya.

Sa wakas ay nagawa nang tumingin sa mga mata ni Irene si Seul. I’m sorry, Rene… gusto kong ipagmalaki kung anong meron tayo. Pero hanggang kalian ba ako maghihintay? Diretso, parang palaso na  tagos hanggang sa puso ni Irene ang mga sinabi ni Seul.

 

Hindi ba sapat na tayo lang muna ang makaalam? Alam niyang nagiging makasarili siya sa mga sinabi niya, pero ang hiling lang naman niya ay onting oras upang ihanda ang sarili niya.

Hinndi na nakapagpigil si Seul at ‘di nagalinlangan na sabihin ang mga salitang hindi niya masabi noon.

Ang sabi ko noon ayoko nang itago kung anong totoong ako, dahil nakakasal. Noong naging tayo hindi ko naman inasahang… Nag-unahan ang mga luha sa pagbagsak sa kaniyang mga pisnge, pinilt niyang hindi manginig o pumiyok. Sa ilalim ng lamesa ay hawak-hawak niya ang kaniyang sariling kamay upang pigilan ito sa pangiginig at dahang dahang itinuloy ang kaniyang sinasabi.

Hindi ko inasahang masasakal ako dahil pakiramdam ko nandoon ulit ako sa madilim na parte ng pagkatao ko na ayaw ko nang balikan.

Tulad ni Seul ay tumulo na rin ang mga luha ni Irene, kung naririnig lang ng ibang customer ang pagkabasag ng mga puso na minsang umibig…

I don’t want you to be with me inside my closet, I just want you to wait me outside my closet. Gusto niyang sabihin, ngunit ‘di magawa tila may pumipigil sa kaniyang mga dila na pakawalan ang mga salitang tunay niyang iniisip.

Instead, ibang tanong ang naibato niya. Hindi mo na ako mahal? Gusto niyang bawiin ang tanong, gusto niyang sampalin ang sarili dahil mukang mali ata ang nagging desisyon niya—ngunit huli na ang lahat.

 

Pinilit ni Seul na punasan ang mga luhang walang kasing kulit sa pagtulo. Gusto niyang makahinga, at para gawin ‘yon ay kailangan niya nang piliin ang sarili niya. Kahit na alam niyang masasaktan ang babaeng una niyang minahal.

Sorry let’s break up.  

Apat na salita. Apat na salita na tuluyang bumasag sa puso nilang dalawa

Mahal kita. Pareho nilang iniisip pero, pareho nilang ‘di masabi. Hindi na nakatiis si Irene—tuluyan na itong tumayo at umalis.

Palabas na ng Mcdo si Irene nang may babae siyang nabangga na mukang papasok naman sa loob.

 

 

Kita nila Rie at Yeri ang pangyayari. Buti nga at hindi sila nahalata na nakikinig dahil sa tagal nilang naglilinis.

 

Ano, sabi sa’yo eh. Tapik ni Rie kay Yeri na hindi alam kung malulungkot ba o matatawa sa nakikita niya ngayon. Kumpara kasi sa ibang couples na iniiwan ang pagkain after break-up ay nakita nila si Seul na parang batang pinagalitan tapos inalok na kumain. Ganon ang itsura nito, mabagal nitong nginunguya ang French fries habang pinipigilang humikbi.

 

Ang tanong ay mauubos kaya niya ‘yan lahat? Tanong ni Yeri kay Rie. Sa tagal nilang pagkukunwaring naglilinis ay pareho silang napansin ng manager.

Ang sagot? Walang nakakaalam.

 

 

Oy Yerm! Tawag ng babaeng nakabangga kanina kay Irene. Siya si Wendy ang housemate ni Yeri, madalas sila ay parang aso’t pusa pero kahit ganon ay mahal nila ang isa’t isa (as friends).

Napataas ng kilay si Yeri nang makita niya si Wendy. Simple lang ang suot nito: black hoodie, ball cap at jeans. May dala rin itong payong senyales na umulan sa labas.

Ginagawa mo rito Wanda?  Ang sabi kasi nito sa kaniya ay may lakad ito, hindi niya inakala na dito ito pupunta.

 

Inalis ni Wendy ang cap na suot niya sabay ayos sa kaniyang blonde hair.

Tumingin muna sa palagid niya si Wendy, sinusubukang hanapin ang ka-meet-up niya. May nakilala kasi ito sa isang dating app, nag-kita na sila noon at ilang buwan na ring nag-da-date. Ramdam ni Wendy na nahuhulog na sila sa isa’t isa, kaya naman sinabi niya rito na gusto na niyang seryosohin ang lahat; ngayon ay napagdesisyunan nilang magkita.

Patapos na ba shift mo? Samahan mo ako. Tanong niya kay Yeri.

 

Eh? Extended shift ko hanggang 7:30 PM.

 

Sige, basta sabay tayo umuwi if ever. Pumunta na siya sa counter at nag-order muna ng makakain nila.

 

 

Natapos na ang shift ni Yeri at andoon pa rin si Wendy, halos hindi pa nito ginagalaw ang order niya kanina except sa McFloat na ubos na kaya walang habas nitong kinakagat ang straw: marahil dahil sa sobrang bored.

 

Kinalabit ni Yeri si Wendy na ngayo’y medyo naiinis dahil sa late niyang kausap. Out ko na. Wala pa rin si Joy mo?  

 

Ugh! Kaya nga eh, sabi niya malapit na raw sila. Mismong pagkasabi niya ay natanaw ni Yeri sa may entrance si Joy—kasama ang isang lalaki. Bakas sa muka ni Yeri ang pagtataka kaya naman tinignan ni Wendy kung anong nakita niya. Papalapit na sa kanila sina Joy at ang lalaking kasama nito, agad namang napangiti si Wendy sa dalawa.

 

Sorry talaga, nagpatila pa kasi kami ng ulan. Agad naman lumapit kay wendy at hinalikan ito sa pisngi, sinusubukan nitong magpa-cute knowing na hindi siya nito matitiis. At dahil nga marupok siya ay agad na napawi ang inis niya nang dahil sa isang ngiti.

 

Grabe, halos mag-iisang oras ka nang late tapos kiss lang? Hirit naman ni Yeri na kanina pa nauurat sa nakikita niya, ‘di kasi niya maintindihan pero may kakaiba siyang nararamdaman. Muntik pang magbangayan sila Yeri ay Joy kaya agad na sinenyasan ni Wendy na iwan muna silang tatlo, sumunod naman agad siya sabay lipat ng ibang puwesto.

 

Nang tatlo na lang sila ay agad silang umupo, na sa harap ni wendy si Joy at ang lalaking kasama nito.

Siya ba ‘yung papakilala mo sa akin? Panimula ni Wendy sabay tingin sa lalaki. Simple lang din manamit ang lalaki—naka white shirt ito at black jeans.

Agad namang inabot ng lalaki ang kaniyang kamay tsaka nagpakilala bilang Sungjae, magalang naman itong inabot ni Wendy.

Kala ni Wendy ay sa mga pelikula lang nangyayari ‘yung slow-motion effect, ngunit tila bilang tumigil ang mundo niya at napaisip sa sinabi ni Joy. Wends, boyfriend ko si Sunjae. Sungjae, si Wendy ‘yung ilang buwan ko nang ka-date.  Pag kasabi no’n ni Joy ay nagpalitan pa sila ni Sunjae ng tingin, habang si Wendy naman ay natulala sa kanilang dalawa, si Yeri naman ay abala sa paggamit ng cellphone niya.

 

All this time kabit ako? Side ? Naisip ni Wendy, na-realize niya na kaya pala hindi siya nito kayang ipakilala sa iba, maski man lang sa friends niya na ginawa niya kaya nga magkakilala sina Yeri at Joy. Pero nagtataka siya kung may alam ba si Sungjae sa mga nangyayari, dahil tila hindi man lang ito nagulat—walang bakas ng inis o galit.

 

Ha? Kabit mo ko? Shoot, nasabi rin niya. Pero hinihiling niya na sana ay ‘hindi’ ang sagot, pero ano ang dapat na sagot?

 

I don’t know if you are aware sa open relationship, pero me and Sungjae have that kind of set-up… Sinimulan na ni Joy ang pagpapaliwanag at sandaling tinanong kung ayos lang ba si Wendy dahil for the first time ay Nakita niya itong naiiyak. Ngunit agad namang pinunasan ni Wendy ang mga luha niya, ayaw niya munang pangunahan ng emosyon nang hindi naririnig ang paliwanag nila.

 

Well clearly, I’m clueless? Nanghihina man siya ay sinikap niyang mag-salita.

Ah, kasi bali… kung sa pagkain diba may paborito tayong pagkain pero hindi naman lagi ‘yun lang ang kakainin mo diba? So parang sa open relationship, we are official but not exclusive... Sa wakas ay si Sungjae naman ang nag-lahad ng detalye, marahan niya itong pinaliwanag upang maintindihan ito ni Wendy na ngayon ay lalong naguluhan.

 Parang puwede ka ring tumikim ng iba—ganon ‘yung open relationship. Siniko ni Joy si Sungjae sa pahabol niyang statement habang medyo napanganga naman si Wendy sa mga narinig niya. Lalo lang siyang naguluhan dahil may ganon ba? Diba kapag mahal mo walang sharing, dahil hindi naman pagkain ang tao, o isang laruan na kapag may humiram ay ok lang.

 

Hindi kinakaya ng utak at puso  ni Wendy ang mga narinig niya, kaya kinuha niya ang gamit niya at lumapit kay Yeri upang sabihin na uuwi na sila.

Nakita ni Yeri na mugto ang mata nito, nagtataka siya kung bakit ngunit ‘di na lamang muna siya nagsalita.  Bago sila tuluyang umalis ay humarap muna si Wendy sa dalawa.

Alam niyo..sabi nila matalino raw ako, pero sa mga narinig ko ngayong gabi.. napailing pa ito at hinayaang tumulo  ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.  Ngayong gabi..natatanga ako sa mga narinig ko.

 

Hindi niya gets. Mahal ba siya ni Joy kahit na may boyfriend na ito, o kahit man lang minsan ay nagging attracted bai to sa kaniya?

Sa huling pagkakataon ay tinignan niya si Joy, hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Subalit sa huling pagkakataon ay punong-puno ng pag-mamahal at sakit ang kaniyang mga mata.

 

Mukang na-reach ang maximum quota ng break-up scene na nasaksihan ni Yeri that day. Gulong-gulo pa rin siya, sa huli ay lumabas na sila ni Wendy sa McDo at umuwi. Mas Malala pa ata ito sa dating nasaksihan niya, dahil mas ramdam niya ang sakit dahil marahil ay kaibigan niya ang nasasaktan. Kaya pati siya ay nasasaktan.

 

Basta ang naisip niya lang na kapag nag-mahal siya ay talagang iiwasan niya ang McDo, para sure na walang hiwalayan.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet