Sukli (Part 1)

Pahina nang Bughaw at Kalimbahin

"Wendy! Anak! Halika nga dito" narinig ni Wendy ang tawag nang kanyang Mama mula sa kanilang kusina kaya minabuti niyang lagyan nang bookmark ang word search na kanyang sinasagot. Nakangiti namang tumungo ang dalaga sa kinaroroonan nang kanyang Ina. "Ano po yun Ma?" Ani nang dalaga na nakatingin sa Ina niyang napamewang habang tinitignan ang kanyang hinahanda na sa tingin ni Wendy ay brownies.

 

"Nakalimutan kong bumili nang asukal anak. Pwede bang magpabili sayo sa mini mart nang ninang Taeyeon mo? Bibigyan din kita nang pang meryenda mo pagkatapos" tumango naman si Wendy at pumunta nang kwarto niya at mag ayos. Simpleng light blue shirt at shorts ang sinuot niya at kinuha niya din yung kanyang cellphone at iniligay sa bulsa niya.

 

"Anak, eto yung pambili mo. Keep the change ha? Ingat ka papunta dun" sambit nang mama niya at binigyan niya ito nang halik sa pisngi. "Opo Ma babalik ako kaagad" nakangiting sambit ni Wendy at lumabas nang bahay at kinuha ang kanyang bisikleta papunta sa mini mart nang ninang Taeyeon niya. Likas na palakaibigan si Wendy dahil simula nang bata siya eh madaming nababaitan sakanya dahil palagi itong nakangiti at bumabati sa mga kapitbahay at kabarangay niya.

 

"Wandaaaaaa tekaaaaa hintayin mo kameeeeee" napailing nalang si Wendy nang marinig niya yung   malakas na boses ni Byul at huminto siya saglit para lumingon at kita niyang dala ni Byul si Seulgi na nakasakay sa kanilang mga bisikleta. "Ang ingay mo talaga Byul wala ka na talagang pinagbago" sabi nang mala Oso niyang kaibigan habang huminto sa tabi niya. "Minsan nga di ko alam kung anong nakita ni Ate Solar sayo eh ang ingay mo at walang hiya" gatong ni Wendy at napatawa naman sila habang tangkang pag untugin ni Byul yung dalawa.

 

" Para kayong mga ogag kala niyo naman di kayo naiiba sakin. Atleast ako may Jowa kayo wala mga pa beergin" kunwaring napa flip nang hair si Byul na mas lalong kinatawa nang dalawa. "Maiba lang, san kaba pupunta Wanda at may pa bisikleta keme ka? Kala ko buong araw kalang naka babad sa word search at sudoku mo?" Tanong ni Seulgi habang si Wendy naman ay napailing lang sa pag landi ni Byul sa mga babaeng nakatambay sa isang tiyangge sa harap nila.

 

"Inutusan ako ni Mama na bumili nang asukal kasi nagbabake siya ngayon. Nakalimutan niya kasing bumili" sabi ni Wendy at tumango naman si Seulgi dito. "Tamang tama samahan ka namin bibili rin ako nang Pringles naubos ko na yung last long stock eh" sambit nang Oso niyang kaibigan habang pinalo niya yung sombrero ni Byul para tumigil na siya sa pakikipag landi. "Okay halina kayo at Byul tigilan mo na yan sumbong kita kay Ate Solar" sabi ni Wendy at natauhan na lamang ang kanyang kaibigan sa sinambit nito at umalis na sila papuntang mini mart.

 

Makalipas nang ilang padyak at kaliwa't kanang pag ikot sa mga eskinita ay dumating na sila sa Taeny Mini Mart na pagmamay ari nang Ninang Taeyeon ni Wendy. "Wow bagong renovate ata yung mini mart ni Tita Tae" Sabi ni Seulgi at napailing lang si Wendy sa kaibigan niya. "Oh sige magkita nalang tayo sa cashier wag kayong kumuha nang di nagbabayad. Byul ha" sambit ni Wendy at napakamot nalang si Byul sa narinig niya. "Ebarg ka Wanda eh bubblegum lang naman yun" nag pout pa siya at inipit lang ni Seulgi and mala patong labi ni Byul. "Akong bahala sakanya Wan, sige na bumili kana nang kailangan mo" napa iling nalang siya nung hinilia ni Seulgi si Byul papunta sa aisle nang mga chichirya.

 

Kumuha na si Wendy nang basket at pumunta sa section nang mga condiments. Dun ay napa face palm siya kasi di niya alam kung puti o brown sugar ang bibilhin niya. "Nako naman Wanda bakit di mo tinanong Mama mo.. hay di bale na nga" at dahil mautak siya eh kumuha siya nang tig isang kilo nang white at brown sugar at iniligay sa basket at tumungo siya sa Korean goods section at bumili nang Pepero at Honey Butter Chips. Tig dalawa kinuha niya para sulit.

 

"Asan na kaya yung dalawang yun? Bat ang tagal nila??" Nagtatakang tanong ni Wendy at naglakad na papuntang cashier. Walang nakabantay sa cashier na ikinataka nito. "Wala ba si Ninang Taeyeon?" Nag masid siya at nang malamang walang dumating eh tumawag na ito. "Um.. Ninang Taeyeon! Si Wendy po ito magbabayad ako nang pinamili ko" sambit ni Wendy at maya maya ay may narinig siyang ingay sa back room at nang magbukas nang pinto ay napa tameme siya sa kanyang nakita.

 

"Sorry di ko napansin kumakain kasi ako.. asan naba si Joy? Dapat siya dito yung nakatambay eh.." inayos nang misteryosong babae yung sarili niya at kinalikat yung computer para sa pagbayad. Nakatingin lang si Wendy sa kaharap niya at pasimpleng nilagay ang mga binili niya sa counter para ma check out na yung price nang mga ito. Di mo naman masisi si Wendy dahil sobraaang ganda nang babae sa harap niya.

 

Kahit alam niyang bakla siya eh never pa siyang nakakita nang kasing ganda nang kaharap niya. "Um.. miss? Matanong lang.. um.. asan si Ninang Taeyeon?" Tanong niya dito habang nagscan ang babae nang mga pinamili niya. "Si Mommy? Ah pumunta siya sa city may inasikaso ata. Ikaw siguro ang kinukwento niya saking inaanak niyang pogi" namula naman ang Hamster sa narinig niya at napa tawa nang mahina ang babae sakanya.

 

Cute naman niya.. Totoo pala sinabi ni mommy sakin, ang pogi niya. Aniya nang dalagang kasalukuyang nag lalagay nang pinamili ni Wendy sa isang paper bag.

 

"P-pogi?.. grabe naman si ninang hindi naman totoo yun" napakamot sa batok si Wendy at ngumiti lang sakanya ang babae. "the perception of others differ from yours. Well I firmly believe kung anong sinabi ni Mommy ko" sagot nang dalaga kay Wendy. Napa yuko naman siya sa hiya at kinuha ang wallet niya para kumuha nang perang pambayad. "U-um magkano lahat Miss?.." naputol yung sasabihin niya pero dinugtong ito nang dalaga.

 

"Irene. Wag mo na akong tawaging Miss eh magkalapit lang naman edad natin for sure. And 395.50 lahat pinamili mo" sabi ni Irene at kumuha nang 500 si Wendy sa wallet niya at binigay niya ito sa kaharap niya. Maya maya eh sinuklian siya nang eksaktong sukli at kinuha niya ito. "Alam mo, may kulang ata sa sukli mo Wendy" nagtaka naman ang hamster at binilang ang sukli sa kamay niya, sakto naman ito ah. "Ha? Sakto naman binigay mo sakin" puno nag pagtataka ang mukha niya pero nakita niyang may sinulat siya sa isang papel ar binigay niya ito.

 

"Basahin mo yan pag uwi mo" at yun na nga natunaw siya sa kinatatayuan niya dahil sa matamis na ngiting natanggap niya kay Irene.

 

Rold, ako'y pinapasundo mo naba? Bakit may pinadala kang anghel dito sa harap ko nang wala sa oras..

 

Magsasalita na sana siya nang nakita niya ang dalawa niyang kaibigan na parating sa counter. "Pasensya na Wanda, pinigilan ko kasi tong mokong nato sa pag hoard nang cornik at soju" sambit ni Seulgi at hinatak niya si Byul sa tabi niya. Napailing nalang si Wendy at kinuha ang pinamili niya. Napansin niyang wala na si Irene sa Cashier at pinalitan nang isang matangkad na babae.

 

"Alam mo, natitipuhan nang pinsan ko yung kaibigan mo" napahawak sa dibdib si Wendy nang makita niyang tumabi sakanya si Irene habang minamasdan niya ang mga taong pinaguusapan nila. "Si Joy? Alam ko na yun mag MU ata sila ni Seulgi palagi kasing nakatambay dito yan pag may libreng oras" sabi ni Wendy pero di niya maiwasang ma concious kasi ba naman nasa presensya mo ba naman ang mala diyosang nilalang.

 

Tahimik lang nilang pinagmamasdan ang mga nagaganap sa harap nila at nakita nilang lumalandi na si Seulgi at Joy habang si Byul ay busy sa cellphone niya malamang eh kachat si Solar. "Kailangan ko na silang tigilan.. baka malanggam tong mart" natawa naman si Irene sa narinig niya at napangiti si Wendy dito. "Tama ka.. saglit lang ah.. Joy! Kailangan nang umalis nang mga customer" nang marinig ni Joy ito ay dali dali niyang binigay ang paper bag sa ka MU niyang si Seulgi.

 

"Mauna na kami Irene ah" nahihiyang sambit ni Wendy at napangiti naman si Irene dito. "Sige balik ka dito ah?" Napangiti naman ang hamster at napa oon siya dito. "Sige. Bye Irene" kumaway ito at ginantihan naman siya nang kaway pabalik. Tuluyan na nga niyang hinila ang dalawang kaibigan niya palabas nang mart.

 

 

~~~~~~~~ Fast forward~~~~~~~~~~

 

Pinupunasan ni Wendy at basa niyang ulo at umubo sa kanyang upuan nang study desk niya. At habang kumakain nang brownie nang Mama niya ay bigla niyang naalala ang papel na binigay ni Irene sakanya kaya dali dali niyang kinuha ang short na sinuot niya kanina para kunin ang piraso nang papel.

 

Nang binuksan niya ito ay namula siya sa nakasaad dito:

 

"Pwede mo bakong masuklian nang text pabalik?

 

09xxxxxxxxx

 

-Irene 💗

PS: magpakilala ka ah?"

 

"rold tengkyuuuuuuu may himala talaga" sabit nito at tumalon talon sa saya dahil sa nangyari ngayon. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Manseng97 #1
Chapter 1: MORREEEERR
Paparapakyaw #2
Chapter 1: Kennat wait for the next otor-nim ☺️
owberny #3
Chapter 1: Isa paaaaaaa
-WenRene15- #4
Chapter 1: Can't wait for the next chapter =)