Chapter 1

Alas-Kwatro Na
Please Subscribe to read the full chapter
SEUNGWAN

 

 

“Bakit Irog ang tawang mo sakanya?”

 

Napangiti ka nalang bigla na para bang nahihibang ka na ng tinanong iyon.

 

“Para matakot yung susubok na ligawan siya, saka doon naman din kami mapupunta. Dapat advance ka.”

 

 

Tinigitigan mo lang siyang nakikinig ng mainam sa sinasabi ng guro niyong nagtuturo sa harapan.

 

Maganda

 

Masipag

 

Competitive

 

Pero may pagka-masungit..

 

Ay, bakit mo nga ba nagustuhan si Joohyun? ah... kasi childhood crush mo hanggang ngayon.

 

Hindi mo na naririnig yung sinasabi ng Ekonomiks Teacher niyo sa harapan dahil abala ang atensyon mo sa kanya.

 

Ah..dahil pinangako mo sa sarili mo na liligawan ko siya kapag malaki na kayo..

 

Bigla kang napako sa upuan mo ng lumingon siya sa direksyon mo dahil naramdaman niya na may nakatingin sakanya.

 

Walang reaksyon siyang tumingin ng saglit at binalik ulit kay Teacher Hyo, nakahinga ka ng maluwag dahil iba ang impact niya sayo.

 

“Sa harapan ang atensyon, hindi kay Joohyun.” Bulong sayo ni Seulgi sa tabi mo.

 

Napangisi kang tumingin kay Seulgi, “Kasalanan ko bang mas interesado ako kay Joohyun?” Banat mo kaya nakatanggap ka ng suntok sa kaibigan mo.

 

“Irog ko...” Bulong mo bago lumipat ang tingin mo sa harapan. “Ang ganda mo palagi.”

 

Buti nalang at hindi humaba ang kuwento este ang pagtuturo ni Teacher Hyo, nakaunat ka na ng katawan pagkatapos ng second subject niyo ngayong araw.

 

Naalala mo bigla na valentines na sa susunod na araw, bibili ka sana ng chocolates para kay Joohyun kaso napaka common na gift iyon. Gusto mo special at bago para sakanya, pero ano bang special at bago iyon?

 

Tumayo ka na agad ng makita mo siyang palabas na ng classroom niyo, recess na kaya’t sasamahan mo na siya.

 

“Irog ko! Wait mo ako!”

 

Napahinto siya at tumalikod para lingunin ka na nakatayo sa tapat bg pintuan ng classroom niyo habang siya ay nasa kalayuan na.

 

Tumakbo ka ng mabilis para hindi na siya paghintayin ng matagal at agad mo siyang inakbayan ng makalapit ka na.

 

“Santos, please focus your attention in front. Okay lang na titigan mo ako pero dapat ilagay mo sa oras, know your priorities.” Sermon niya habang naglalakad kayo.

 

“Opo...” Sumusukong sagot mo, tama naman ang sinabi ni Joohyun kaya dapat sumunod ka.

 

“May ka-date ka na sa valentines?” 

 

“Wala pa and wala akong balak makipag-date. I’m just gonna relax and chill alone.”

 

Dahil dito ngumiti ka, baka hindi mo muna iistorbohin siya sa araw na iyon pero ibibigay mo parin ang regalo mo para sakanya.

 

“That’s good to hear.”

 

“Hindi mo ba ako yayain?”

 

“Hindi siguro pero ibibigay ko nalang regalo ko, pahinga ka nalang muna tutal wala naman masyado tayong gagawin that day.”

 

Ngumiti siya pero hindi umabot sa mata niya, baka umaasa siya na yayain mo siya pero siguro nga tama yung ginawa mo..bahala na.

 

“Irog.”

 

“Hmm?”

 

“Inaantok ako, bili muna tayo ng pagkain mo tapos balik agad tayo sa room. Idlip muna ako.”

 

“Sige. Puyat ka ba?” Nagaalala niyang tanong, huminto siya sa paglalakad at tumayo sa harap mo para tignan ang mukha mo.

 

Kinikilig ka naman dahil concern siya, dagdag pa yung paghawak niya sa pisngi mo at paghaplos sa noo mo para tignan kung may sinat ka ba.

 

“Nagpatulong kasi si Bambi sa homework niya kagabi, eh syempre as her ate tinulungan ko siya.” Bahagya kang humikab, nararamdaman mo ang antok sa mata mo.

 

“Wag mo nalang kaya akong samahan? bumalik ka nalang sa room at umidlip.” Suhestisyon niya.

 

“Nandito na tayo, halika na.” Hinawakan mo yung kamay niya at naglakad na kayo ulit.

 

Kakaunti lang ang binili niyang pagkain kaya’t nakabalik kayo agad sa room, pagkabalik niyo ay agad ka ng umupo at tumungo sa upuan mo.

 

Kinuha mo yung bag mo at pinatong sa desk mo at dito mo nilapat ang ulo mo para magsilbing unan.

 

Biglang narinig mo ang tunog ng upuan sa tabi mo, may umupo.

 

“Idlip ka lang, i’ll just wake you kapag nandiyan na si Ma’am, okay?”

 

Boses ni Joohyun ang narinig mo pero hindi mo magawang iangat ang ulo mo dahil para ka ng mahihilo sa sobrang antok.

 

Nagawa mo nalang ay tumango ng hindi inangat ang ulo mo. Biglang may nagtakip ng kung ano sa iyo, bahagya mong inangat ang ulo mo at tinignan kung ano iyon.

 

“Tinakluban kita ng jacket para hindi ka malamigan.” Nakatingin sayo si Joohyun habang nakapatong ang braso niya sa desk ng inuupuan niya at nakalagay ang pisngi niya sa kamao niya. 

 

Napangiti ka parin kahit inaantok ka na, “Salamat, Irog..”

 

 

 

 

Nakasama mo ng lumaki si Joohyun kaya’t sobrang laki ng parte niya sa buhay mo, ilang beses mo ng nakitang siyang umiyak.

 

Kabisado mo na din siya na parang pati kamay niya ay kabisado mo na.

 

Hindi mo talaga masisi ang sarili mo na magustuhan siya, bukod sa childhood crush mo siya ay parang talo niyo pa ang mag-asawa sa sobrang tagal niyo ng magkakilala.

 

Hindi naman kayo close pero magkaibigan kayo, kasama niyo na sila Seulgi dati pa. At kahit na mas ka-close ni Joohyun si Joy ay dahil sa bestfriend mong si Seulgi naging malapit ka kahit papaano sakanya.

 

Siya yung nakaraan na babalikan mo kahit makalimot ka man.

 

“Happy Valentines Wan, may chocolates ka ba diyan? baka naman..”

 

Ayan na nagpaparinig na sila Byul, Lisa at Seul. Nasa gym kayo ngayon para sa short announcement ng principal. May mga booths ng nakatayo sa buong school niyo pero nasa gym parin kayo.

 

“Walang chocolates pero i baked cake, nasa room. Pero saglit lang ibibigay ko muna kay Irog yung ginawa kong bunny na stuff toy at letter.”

 

 

“Ay puta, sana all!”

“Gago swerte talaga ni Joohyun!”

“Manok ko ‘yan!”

 

 

Kantiyaw ng mga kaibigan mo wala ka ng magawa kung hindi ang tumawa, bumalik na kayo sa room para ibigay sa mga kaibigan mo yung cake dahil para sa kanila naman talaga iyan.

 

“Salamat sa cake Wan.” Sambit nila habang pinagkakaisahan yung cake sa upuan ni Seulgi. Mamaya ay aalis din itong mokong na ‘to dahil may date nga sila ni Joy.

 

Nang makita mong nakasandal ang ulo ni Joohyun sa upuan niya habang natutulog ng mahimbing agad kang lumapit dito ng dahan-dahan at sinipit yung bunny at letter sa bag niya, hindi mo na ginising at baka kasi pagod siya.

 

Halos walang tao sa room niyo dahil lahat sila ay nasa labas. Mamaya pa ulit start ng klase niyo kaya sinusulit na nila ang oras.

 

Hinatak mo yung upuan sa tabi niya at umupo ka dito, babantayan mo lang siya hanggang sa magising na siya.

 

Ito pala yung sinasabi niyang relax lang siya sa valentines.

 

Tinanggal mo yung jacket mo at pinulupot ito sa katawan ni Joohyun na mahimbing parin natutulog kahit na medyo maingay yung nga kaibigan mo sa likod. Ang lakas ng AC kasi sa loob ng classroom niyo eh.

 

Lumapit ka ng konti kay Joohyun na nakanganga ng natutulog, you chuckled.

 

Hinawi mo yung buhok na humaharang sa maganda niyang mukha, nakatitig ka lang sa mukha niya.

 

“Ang himbing naman ng tulog mo Irog,” Bulong mo para hindi siya magising. Kinuha mo agad yung cellphone mo at kinuhaan siya ng litrato habang tulog.

 

“Wan, alis muna kami. Kayo na munang bahala dito sa room, wag mong gigisingin yan ah?” Aniya ni Joy kasama ang mga kaibigan mo na palabas ng classroom niyo.

 

“Opo boss.” Sagot mo at lumabas na silang apat.

 

Biglang namulat ang mata ni Joohyun sa mahinang ingay na ginawa mo.

 

“Good Morning Irog, sarap ng tulog ah.” She chuckles sabay suntok ng mahina sa braso mo.

 

“Sira, nag sagot kasi ako ng assignment sa alanganin na oras kaya’t napuyat ako.”

 

Sinandal mo yung ulo mo sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 1: Ahhhhh sobrang kilig neto hayopppp HAHAHAHA
speac_sci
#2
Chapter 1: naghihintay pa rin at patuloy na hihitayin ang update mo master
Seunwannie21
#3
Chapter 1: Kilig ako pero mas kikiligin ako kung sasagotin syani joohyun
marayul #4
Chapter 1: Yey another kakakilig na wr tagalog fic, sa wr na lang talaga ko naasa ng kilig hahahaha
speac_sci
#5
Chapter 1: sheyt naol talaga
Yoooon
#6
Chapter 1: Bigyan na ng label yan. Hahahaha 😂
Hiraya39
#7
Chapter 1: Saan ako makakahanap ng Seungwan ko???😭😭😭
xoloveskimmy1 #8
Chapter 1: more jusko penge din ng irog aaahhh. when kaya
Paparapakyaw #9
Chapter 1: shet kelegs naman ako doon HAHAHAHAHA SANA OL MAY SEUNGWAN SANA OL IROG SANAOL WENRENE
avocado_toast #10
Chapter 1: gagi nakakakilig HAHAHAHAHA sana all irog