A Weird Day For Irene

It’s Beautiful Life
Please Subscribe to read the full chapter

Sinarado ni Irene yung pinto ng apartment niya, dinouble check bago naglakad. 

 

I feel i became a zombie~

 

Napahinto siya sa paglalakad, may tumatawag. Kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya tsaka nagpatuloy maglakad. 

 

“Double time naman Ate, kanina pa kami naghihintay dito sa entrance. Ayaw kaming papasukin ni Chanyeol.” Boses agad ni Yeri ang narinig niya, napabuntong hininga siya ng malaman na nasa Zoo nanaman sila Yeri. Isa siya sa mga zookeeper. Isa sa mga nag-aalaga kay Pitit, isang beluga.

 

“Tinatakot niyo kasi si Pitit kaya ayaw ni Chanyeol papasukin kayo.” Tawa niya nang makalabas na siya sa building agad siyang sumenyas para pumara ng jeep.

 

Nang makarating na siya sa Zoo nakita niya na agad sila Yeri at Karina, itong dalawang bata talaga. Mapapahagod nalang talaga siya sa sentido niya, masasaway niya si Karina pero si Yeri? malabo. 

 

“Bibisitahin lang namin si Petit tapos uwi narin kami, hindi pa nga kami nakakapasok mukhang pagod ka na ng makita ko kami.” Ngumuso si Yeri sabay cling sa braso ni Irene.

 

Good Morning to me, she thought.

 

_____________________________________________

 

It’s almost dark outside the building and the hallway is quiet than usual. Pagkakalanseng nalang talaga ng susi na pinapaikot ni Irene sa daliri niya ang nagpapaingay. 

 

Palakad na siya sa hallway kung nasaan ang apartment niya ng may maaninag siya sa pigura katabi ng pinto ng apartment niya, may nakatayong babae sa tapat. Nakatayo lang hindi gumagalaw.

 

“Ehem, Miss kailangan ko ng tulong?” Tawag niya sa babae ng makalapit na siya dito.

 

Napalingon sa kanya ang babae, napaka-putla ng mukha nito at mukhang ilang layer ang nilagay na lipstick sa labi nito. Ngumiti ang babae sakanya bago binalik ang atensyon sa pintuan na nasa tapat niya, like there’s something interesting about it.

 

“Okay ka lang?” 

 

Wala 

 

“Adik ka ba?” Pero hindi niya magawang tanungin.

 

Nilingon siya ng babae ngumiti ito, “Sorry, i think you find me weird. I’m Wendy, your new neighbor. Tinitignan ko lang kung gaano kaganda ang design na ito.” Turo nito sa pintuan, pare-parehas lang naman ang design ng pintuan ng mga apartment sa building.

 

Naka-droga yata talaga ‘to

 

“Sobrang putla mo naman, okay kalang ba talaga?” Nag-aalalang tanong ni Irene kahit medyo na weweirdohan na siya dito.

 

Ngumiti ito making her cheeks puff, cute naman pala. 

 

“Don’t worry about my skin, it’s natural.” Sagot nito bago binuksan yung pinto at pumasok sa loob. 

 

It’s her cue to enter her apartment also but before she could go inside dumungaw yung ulo ni Wendy sa pinto at tinawag siya.

 

“Anong pangalan mo?”

 

“Irene. Sorry hindi ko pala nasabi name ko.” 

 

“Goddess of Peace, ang ganda. Maganda ka din don’t worry.” Ngumiti ulit ito bago nilusot pabalik ang ulo sa pintuan.

 

Weird but cute

 

____________________________________________

 

Nagising si Irene mga bandang alas-kwarto ng umaga nag timpla ng gatas at nagluto ng breakfast niya, mamaya pa ang pasok niya kaya’t relax muna siya. 

 

News Flash, Lumaganap ngayon sa social media ang nag-viral na isang bata na nagsasayaw sa taas ng rooftop. Madaming naalarma sa nangyari at buti nalang ay nakuha ang bata mula sa rooftop. 

 

Itona ang pinaka-weird na araw para kay Irene, napaka pabayang magulang naman iyon at paano naka-akyat doon yung bata? 

 

Pinatay niya nalang yung TV, nakarinig siya na may kumakatok sa pintuan niya, hindi gaano kalakas pero naririnig parin. 

 

Sino naman kaya ang kakatok sa pintuan niya ng ganitong oras? 

 

Nagulat siya kay Wendy na nakatayo sa harap ng pintuan niya may hawak na tupper wear na may nakalagay na cookies. Inabot ni Wendy ang cookies sakanya.

 

“Ahmm...” Kumamot sa ulo si Wendy, “I try to bake once again, and also thanksgive ko na sayo dahil ikaw yung bago kong kapitbahay.” Pagpapatuloy ni Wendy sa sasabihin.

 

Napangiti naman si Irene ng makita siyang medyo nahihiya, pero teka? gumawa ba siya ng ganitong oras?

 

“Kailan ka pa gumawa ng cookies?”

 

“Ah..kagabi ngayon ko lang nabigay pina init ko ulit para masarap.” Tumango si Irene at bumaba ang mata niya sa kamay ni Wendy, may kulay purple sa daliri nito. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 1: Huhuhu update otor plsss
Paparapakyaw #2
Shutabelles bakit ngayon ko lang nakita 'to 😩😩😩
dubustan
#3
Chapter 1: Oh im so curious about seungwan's character here hmm but anyways, joohyun sanaol mahal HAHAHHAA