wakas.

isasayaw ka sa ulap
Please Subscribe to read the full chapter

Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa namumulang mga pisngi ng dalaga pagkabukas ng pinto. Siya'y napatigil ng sandali sa kinatatayuan bago ngumiti.

Sa nagdidilim na paligid, maririnig ang kalabog ng musikang itinutugtog sa gymnasium ng eskwelahan.

Habang nakaupo at nakamasid sa mga nagsasayaw na magkakapareha, napagisipan ni Wendy na umakyat sa rooftop, bakit hindi diba? Wala namang pumipigil sa kanya.

Kaya narito siya ngayon, pasikot-sikot ang tingin sa ibaba, pinagmamasdan ang mga magkapareha na nasa hardin. Natigil lamang ang kanyang pagmuni-muni nang makaramdam ng kalabit sa balikat.

"Oh Seul, andito ka." Napatingin lamang ang babae sa bagong kasama na nakangiti ng malaki, na nagdulot upang umangat ang mga pisngi at mawala ang mga mata dahil sa kaumbukan nito.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Seulgi habang umuusog sa gilid ng dalaga. Tiningnan niya ng mabuti si Wendy nang hindi ito sumagot at sinundan ang mga mata niyang nakapako sa hardin.

"Nabored kasi ako dun sa sayawan," biglang sabi niya, tumingin siya kay Seulgi. " Ikaw ba, bakit ka andito?"

Ipinatong ni Seulgi ang kanyang braso sa bakod ng rooftop bago ilinagay ang kanyang baba sa kamay. Ang malagkit na tingin ng dalaga ay nagdala ng mala rosas na kulay sa nanlalamig na mga pisngi ni Wendy.

"Huy ano ba, kinikilig ako." Sabi niya, sabay tawa. Ang nakakatanda naman ay ngumiti lamang habang inilalapit pa lalo ang mukha sa namumulang dalaga sa kanyang tabi.

"Nawala ka kasi sa baba, kaya hinanap kita." Bulong ni Seulgi. Naramdaman naman ni Wendy ang kanyang mainit na paghinga, na nagsanhi ng matinding kalabog sa kanyang dibdib.

Dumaan ang ilang segundo-minuto pa nga yata-na walang sinuman ang nagsalita. Ninamnam ng dalawa ang tahimik na sandali, ang ngayong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
dubustan
#1
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1439763/1'>wakas.</a></span>
"Hindi naman inakala ng oso" this one got me cackle