Please comeback...

ARE YOU COMING BACK?
Please Subscribe to read the full chapter

“The usual pa rin po ba Ma’am Dara?” 

Nginitian ko si Jennie, paborito kong barista.

“1 hot latte and cream cheese doughnuts for beautiful Dara!” Ulit nya sa orders ko. 

“Thank you Jennie” ngumiti ako dito at naglakad na sa paborito kong pwesto, pinakadulong part sa tabi ng glass wall.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa lugar na to. I should be on my office, signing papers for my upcoming project launch. Pang ilang araw na nga ba nangyayare to? Ah oo nga pala, simula nung pinili mong sundin yung utos ng tatay ko. Nasan ka na kaya? Iniisip mo rin kaya ako? I doubt it, baka busy ka sa bago mong client.

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala kong ilang taon na pala ang lumipas, ilang taon ka na nga palang wala. Ilang taon na akong umaasa na isang araw babalik ka at tutuparin mo yung mga pangako natin sa isa’t isa. Umasa ako, umasa ako sayo kahit alam kong sa una palang wala ng kasiguraduhan na babalik ka pa.

“Beautiful Dara!” napatingin ako sa counter ng marinig ko ang pangalan ko, nakangiti akong tumayo at kinuha ang order ko.

Napayuko naman ako nang mapansin ang ilang costumer na nakatingin sakin. Damn that nickname that you always give Jennie to write on my cup whenever nandito tayo. Binilisan ko na lang ang paglakad ko at umupo ng tahimik sa aking inuupuan kanina.

Napangiti ako pagkatapos kumagat sa aking cream cheese doughnut, tss… it’s your favorite na naging paborito ko na din dahil ito naman yung lagi mong inoorder tuwing pumupunta tayo dito. Pati sistema ng panlasa ko naapektuhan mo na din… kinuha ko ang cellphone ko. napangiti na lang ako ng mapait ng mukha mo ang bumungad sa screen ko, ikaw pa din pala ang wallpaper ko… hindi ko pa rin napapalitan. Ang ganda ng ngiti mo dito, naalala ko sabi mo pa nung kinukuhanan kita “Nakadepende sa kaharap ko yung smile ko” you really have flowery words that only I can recived.

Pinagmasdan pa kita ng ilang minuto bago ko pindutin ang password na syempre kunektado na naman sayo… 0226 birthday mo. Sabi mo kasi nung matapos kong makalimutan sa panglimang pagkakataon ang password ko ay ilagay ko yung memorable sakin na hinding hindi ko makakalimutan so without you knowing, I put your birthday, the most memorable day of my life kasi dun ipinanganak ang isang katulad mo. I received some message from Minzy and Bom asking me where the I am right now, maybe toxic na naman sa office or nandun yung makulit kong manliligaw. Hindi ko na lng sila pinansin at lumipat sa aking email, hoping to see your mail there but to my disappointment, wala ka pa rin paramdam duon. 


“Wala pa din?” 

Napatingin ako sa nagsalita, ngumiti ako dito ng mapait.

“as if naman chinicheek ko diba?” inirapan ko sya. “Hindi ka ba busy sa kitchen at napadpad ka  sa table ko?” I asked and offer him my doughnuts.

“Ako na nga nagbake nyan,  baka pwede cash naman” natatawa nitong sabi “Total balita ko maglalaunch na naman kayo ng bagong itatayong mall”

“Wag nga ako Jiyong, alam kong mas madami pang laman wallet mo sakin” Natatawa kong ismid.

Si Jiyong, barkada mo na barkada ko na din. Naalala ko pa nung una ko kayong nakita, akala ko may relasyon kayo yun pala hindi kayo talo. Ikaw babae ang gusto, sya lalaki naman din ang tipo. Bat di na lang kaya kayo nagpalit?

“Dara diba alam naman natin kung anong klase ang trabaho ni Chaerin…” bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan mo, hanep, wala ka pa rin kupas sa pagpapatibok ng puso ko. “She is top agent, malamang she’s on her mission”

“Tanginang mission yan, tatlong taon?” Mapait kong sabi.

“Sayo nga apat eh” Jiyong look at me knowingly.

“Miski email? Text wala? Walang paramdam?”


“ Baka naman bawal”

“o baka wala naman na talagang balak bumalik” sabi ko at pilit na ngumiti.

Baka nga, baka wala ka na ngang balak bumalik pa. Siguro nung araw na nangako kang babalik, yun din siguro yung araw na unang beses kang nagsinungaling sakin.

“Tama, hindi na siguro sya babalik” 

Kasabay ng pagkasabi ko non ay ang pagligpit ko sa mga gamit ko. Tumayo ako at nagpaalam na kay Jiyong. Masakit. Masakit isipin na baka ganun na nga ang nangyare sa amin ni Chaerin. 


Pagpasok na pagpasok ko sa aking opisina ay agad bumungad sa akin si Bom. Taimtim nya akong tinitigan kaya tinaasan ko sya ng kilay.


“Hindi ka ba napapagod?” tanong nya ng makaupo na ko. Umupo din naman sya katapat ko.

“hindi ako galing dun” patay malisya kong sabi habang binubuksan ang aking laptop.

“kahit may amus ka pa ng doughnut?” sabi nya habang nakatingin sa labi ko.

Agad naman akong napahawak sa sinasabi nyang amus ko at ilang saglit pa ay narinig ko na ang malakas nyang pagtawa.

“Sis I’m just testing you!” tumatawa nyang sabi.


Walang gana ko naman ibinababa ang aking kamay. Nakakainis talaga to si Bom.

“so dun ka nga galing?” tanong nya and this time alam kong wala na kong kawala.

“nagcrave lang ako ng coffee” sabi ko at tinuon ulit ang pansin sa laptop.


“you know you can’t lie with me. Bukod sa magpinsan tayo, sabay tayong lumaki” She crossed her legs tapos tinignan nya ako ng mabuti.


Napabuntong hininga na lang ako at sinara ang aking laptop.

“I don’t know Bom, alam ko naman na hindi na sya babalik pero bat ganun?” tumingin ako sa labas kung saan kita ang mga maliliit na gusali ng metro manila. “My heart is still hoping na baka one day, maalala nyang nangako sya sakin na babalik sya”

Nabalot kami ng katahimikan, tila ba ay hinahayaan lang ako ni Bom na damhin lahat ng hinanakit ko sa dibdib. 

“If I don’t know Chaerin, I would think that she really ghosted you but sis, we all know that the girl is head over heels sayo. I’m sure sooner or later, uuwi din yun sayo”


Hindi ako umimik kasi kahit ako, hindi ko na rin mapaniwala yung sarili ko na babalik ka.


“Remember what she said? You are her home”

 

“Kailangan mo pa ba talaga umalis Chae?” tanong ko sayo. Nasa sasakyan mo tayo, huling araw mo na ngayon ng pagiging bodyguard ko. Kanina pa tayo nakarating sa bahay ko pero hindi mo inaalis ang pagkakahawak mo sa kamay ko.

“I have to, it’s an order” malungkot mong sabi.

“Kaya mo?” alam kong ang selfish ng tanong ko.

Hindi ka umimik, may mga luhang pumatak mula sa mata mo. Hindi ko na napigilan kaya napaiyak na lang din ako. Ang lungkot, sobrang lungkot.

“Hindi ko alam… ang hirap ng ganito” umiiyak mong sabi “kung ako lang ang masusunod, hinding hindi ako aalis sa tabi mo”

I let you cry, ang sakit sakit makita kang ganyan. 

“If only I can disobey your Dad, if only I can turn my back sa mga taong tumulong sakin. If only I can

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet