Chapter 24
Orpheline ( JENLISA )
*LISA'S POV*
"Hala Seulgi, seryoso?"sigaw ni Jisoo sabay dere-deretso papunta sa kwarto niya, pagod na daw kasi si Chu at gagawa pa nga ng schooolworks.
"Hoy. Nililigawan mo pala si Tzuyu hindi mo sinasabi sakin! May pa secret admirer gaming ka pa di mo bagay!" sigaw ko sakanya at tumayo naman sila ni Irene. Pagkatapos kong sabihin yun, nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Irene. Tapos bigla siya nagwalk out.
"Lisa punyeta ka naman eh!!! Di mo man lang siya inintay umalis bago sabihin yun! Kakabati lang namin!" sigaw pa ni Seulgi habang nakakapit sa damit ko. "Ay onga no. Sensya na. Hindi ko namalayan huhu." sagot ko naman.
"Eh ang landi mo pala kasi, nagkakamabutihan na pala kayo ni Irene tas dumadamoves ka pa kay Tzuyu." kontra ko naman. "Hindi ako nagbigay nung flowers kay Tzuyu! Ano ka ba. Friends lang kami." sagot ni Seulgi.
"Nakita ka daw ni tzuyu, deny ka pa." sabi ko. "Ako nga naglagay, hindi naman kasi makakapasok sa campus yung nagbigay. Naalala mo yung nakainuman natin na taga kabilang university?" tanong ni Seulgi at tumango naman ako nung naalala ko.
"Yung soccer team na nakainom natin?" tanong ko just to make sure. "Oo. Si Son Chaeyoung." sabi ni Seulgi. "Nakiusap lang, ilang buwan daw niya kasi pinagipunan yung flowers, kaso di siya makapasok sa University kaya pinaabot niya lang sakin. Di naman daw siya papansinin ever ni Tzuyu kaya pinabigay nalang niya."
"Yung cute na maliit?" tanong ko and she nodded. "Mabait yun ah." I added.
"Oo. Tinulungan kasi daw siya ni Tzuyu one time nung nanakawan siya ng pera dyan sa tabi ng University. Tapos ayun. Tagal na pala niyang crush." she said.
"Pota. Linawin mo kay Tzuyu. Akala niya type mo siya." sabi ko. "Si Irene, type ko." sambit niya at binatukan ko siya. "Landi mo." banat ko.
"Anyare sainyo ni Irene?" tanong ko naman sakanya. "Since nung dare daw kasi ni Jennie sayo, wala na manghamak sa grupo niya na mangbully ulit kasi daw nagagalit ng sobra si Jennie. Legit nagwala daw siya after at sinabi niya na lapse of judgment daw na pumayag siya na gawing dare basta naglash out siya sakanila. Parang nag-self reckoning daw sa harap nila, tapos inisa-isa silang sigawan. Anyway, after that, naisipin akong ichat ni Irene." sabi niya pa ng nakangiti.
"Dami mo pa sinabi, sasabihin mo lang na chinat ka ni Irene okay na." reply ko naman. "Wala lang, baka lang kasi gusto mo makarinig ng mga chismis about Jennie. Hehe." Pang-iinis niya pa.
"Nga pala Lisa, tinext niya ko." sabi ni Seulgi at napatingin ako sakanya. "Nino?" tanong ko.
Comments