Finale: Me and You

Me and You
Please Subscribe to read the full chapter

Finale: Me and You

 

Three years ago, was the first time I laid eyes on you. Three years ago mula nung mahulog ako sayo. Ika nga, nag slow-motion ang paligid mula nung makita kita. Parang commercial lang. Parang blur lang tapos ikaw lang yung nakikita ko. Yung mga ngiti mo, sobrang cute. Tapos pag dumadaan ka sa harap ko, pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Lalo na pag may mga school events, sobrang saya ko kasi mas matagal kitang makikita. Hindi ko lubos akalain na dadating tayo sa point na to. 

 

Ikaw at ako. Mahal kita, at mahal mo ako. Parang pakiramdam ko nanalo ako sa lotto. Pero hindi rin naging madali sa umpisa kasi naman sobrang selosa mo. Nung una, cute pero sumobra ka. Hindi ko rin naman narealize na kaya ka nag seselos kasi pakiramdam mo nagkukulang kapa sakin. That's not the case. Imaginine mo naman, tatlong taon kita naging crush. Tapos ngayon, tayo na. May hihilingin pa ba ako? Masaya na akong malaman na yung feelings ko para sayo narereciprocate and more. 

 

Ibang-iba ka sa mga nakilala ko. Hindi dahil talagang crush na kita noon pa. Hindi ko ma-explain pero yun talaga eh. Alam mo yung kasabihan pag siya na. Alam mo nalang talaga. Wala ng tanong tanong. Yun yung na-feel ko sayo. Oo, alam ko, hindi perfect yung relationship natin pero, saan ka ba nakakita ng perfect? Boring lang din. Kaya sa tingin ko kung mamahalin kita, mamahalin kita ng buong-buo kasama na dun yung katopakan mo at mood-swings mo. 

 

Ako na nga ata ang pinaka suwerteng babae sa school natin. Sa lahat ng pwede mong magustuhan, sakin ka napatid. At ikaw naman, ang tingin mo sakin marami kang kaagaw. Puro pangit naman hehehe maliban nalang kay Krystal na talagang pinag ugatan ng matitinding pagseselos mo. Maganda naman talaga siya. Kaso mas maganda ka parin sakanya sa mga mata ko.

 

Minsan nga naiisip ko, lahat siguro ng pagbubunganga sakin ng nanay ko may kapalit na magandang bagay. At ikaw yun. Alalang alala ko parin nung makita niya yung chikinini sa leeg ko. Hindi ko na nakwento yun dito pero abot langit na sermon ang inabot ko dun. Sabi ni mama maaga daw akong magkaka anak sa mga pinag gagagawa ko. Hindi pa nga daw ako marunong sa gawaing bahay magpapabuntis na daw ako.

 

Gusto ko sanang sabihin na wala siyang dapat ika-bahala dahil hindi naman nakakabuntis ang mga daliri. hehehe pero syempre, sa isip ko nalang yon. Sa totoo lang, gustong gusto ka nga ni mama. Bakit daw hindi ako gumaya sayo. Matalino ka daw, maganda mag damit hindi katulad ko na maton pumorma. Magalang ka din daw hindi ulit katulad ko na balasubas sa mga mata niya. Sa tingin daw niya makakahanap ka ng disenteng lalaki hindi ulit katulad ko na nagpapakasarap sa chikinini. Hindi niya alam ikaw pala ang lumalapastangan sa katawang lupa ko and responsable sa namumukadkad kong chikinini hehehe chikinini by nini.

 

Ansarap sanang sabihin na alam ko lahat yon na matalino ka, maganda at disente. (Disente on the outside, not so innocent on the inside) Lahat talaga ng bagay na gusto ko sa isang babae, nasayo na. Nasayo na ang lahat ika nga ni Daniel Padilla. Pati ang puso ko. shet ang corny ko. Pero yun talaga eh. Kahit anong gawin ko, ikaw talaga. Ikaw lang talaga ang laman ng puso ko at wala ng iba. 

 

"Oh bat magkasama kayo? Okay na kayo?" Tanong sakin ni Seulgi habang magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa tambayan namin sa likod ng bahay nila Wendy. "Oo, okay na kami." Sabi ko naman "Tinamaan ka talaga ng pag ibig napaka rupok mo!" Sigaw sakin ni  Seulgi habang pa ngisi ngisi naman siya. "Hoy Jennie, wag mo ng uulitin yon ha! Hindi ka na welcome dito pag inulit mo pa yan kagagahan mo." Banta naman ni Seul sakanya. Bestfriend ko rin talaga tong hayop na to kahit abnormal alam kong concerned din siya sakin. 

 

"Di na ko uulit. Hindi ko kaya mawala friend mo sakin." Sagot naman ni Jennie na ikinapula naman ng pagmumukha ko. "Tangina Lisa haba ng buhok mo abot hanggang mindanao pagupit mona hayop ka!" Pang aasar naman ni Wendy  sabay tawa. "Odi, hindi na pala heartbreak session to. Akala ko pa naman dadamayan ka namin sa pag iyak mo hayop hinanda ko na yung mga advise ko sayo e. nakuha ko pa naman yon sa facebook quotes kala ko magagamit kona" Sabi naman ni Seulgi.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
LiNiLalisa1502
Yung subscriber count ko dito 69 ampota HAHAHAHAHA MY MIND. MY GAD

Comments

You must be logged in to comment
Jenlisa_yah
#1
Chapter 22: <3
Jenlisa_yah
#2
Chapter 21: UWu. to forever and infinity with you! Thank you , Ganda ng story na to! :* Yes , more college Tagalog AU!
Jenlisa_yah
#3
Chapter 20: Wow haahhahaahha sana pwedeng ganyan rin irl mag balikan hahaha isang pleaseeeeee Lang tsaka pa cute :((
Jenlisa_yah
#4
Chapter 19: Minsan talaga di na cute yung sobrang selos:(
Jenlisa_yah
#5
Chapter 18: Ah sige hahaha quits na kayo . K.ok langnamna :)) ha ha
Jenlisa_yah
#6
Chapter 17: May gusto kasi SI Krystal sayo eh. Sus ayosin nyo nga yan
Jenlisa_yah
#7
Chapter 16: AY USTO KO YAN POSSESSIVE HEHE MORE CHIX MORE MORE
Jenlisa_yah
#8
Chapter 15: Ayownnnnn oh GO JENNIE KIM HAHHAHAHHAHA pa inosente inosente pa tong SI manoban eh
Jenlisa_yah
#9
Chapter 14: "YoU gaVe Me tHe RiGhT tO CalL u MiNe " okay bye sige para akong Tanga dito kinikilig ashdjjfjfk
Jenlisa_yah
#10
Chapter 13: Hahhahahah trut awkward ng fil kaya English nalang hahahhahahahah