Kiss Mark
Me and YouChapter 15: Kiss Mark
LISA
Hindi ko alam kung anong nasa isip nitong Sowon na to at nagpapapansin parin kay Jennie hanggang ngayon. Sa totoo lang sobrang naaasar talaga ako. Ganito pala pakiramdam non. Hindi pa kami before pero ang sama ng loob ko. Pero ngayong kami na, parang gusto ko sumabog sa inis. Sobrang kapal ng mukha. Define makapal talaga.
Sa tingin ko, kaya hindi rin kaya maging rude sakanya ni Jennie kasi kahit papano may pinagsamahan sila pero nakakagago lang din naman tong taong to, wala na sila e sumusulpot parin.Inassure naman sakin ni Jennie na wala ako dapat ika-selos oo na sige siguro o.a lang talaga ako pero nakaka irita parin. Bawal ba yun? Anyway, ayun, umupo naman kami sa field at tumambay habang free time namin, lunch to actually pero pareho namin hindi feel kumain ngayon kaya nandito lang kami.
First time na kaming dalawa lang ang tumambay dito. Syempre may ibang students din na padaan-daan pero hindi yung usual na groupo kaming nandito. Si Seulgi mukhang lumelevel up nadin kay Irene, balita ko madalas na silang magkausap Akalain mo nga naman, pareho kaming looking from a-far dati pero mukhang nag iba ata ang ihip ng hangin. Wala rin naman nagbago kay Wendy, ayun, matakaw parin siya as usual.
"San tayo mamaya after class?" Tanong niya sakin. "Ah, eh may rehearsal kami nila Seul eh. San mo ba gusto pumunta?" Tanong ko sakanya. "Kahit saan basta kasama kita." Sabi niya naman sabay ngiti. munti naman din ako mamula pero slight lang naman. "Antay nalang kita, sabay na tayo umuwi. Samahan moko sa bahay." Sabi niya naman.
Napalunok naman ako kasi tuwing maaalala ko ang bahay nila, naaalala ko yung mga nangyari nung weekend. Muntik muntik narin yun buti at may natitira pa akong self control sa katawan kung hindi sa tingin ko talagang may mangyayari samin. "Sige. Anong gagawin natin sa inyo?" Sabi ko naman "Mag-aaral." Sabi niya tumawa naman ako. "Ikaw, kung ano-ano nasa isip mo" Sabi niya naman sakin sabay hampas sa braso ko. "Aray naman! Masakit!" Sabi ko sakanya sabay pout. "Luh, mahina lang kaya yun." Sabi niya sakin.
"Anong mahina, anlakas kaya non, baka mag pasa oh, grabeee" Pang aasar ko naman sakanya. "Sorry na" Paglalambing niya habang nakangiti. "Yoko nga. Kiss ko muna." Sabo ko sakanya sabay tawa. "Anlandi mooo!" Sabi niya. "Oo, pagdating sayo." Sabi ko sabay kindat. tumawa naman siya ng malakas pero kiniss niya rin ako.
"Isa pa?" Sabi ko naman sakanya "Ayoko, abuso ka. tama na yung isa." Sabi niya. "Pleeeeaaase" Sabi ko naman habang hawak ko ang kamay niya. Hindi rin naman siya nakatiis at kiniss niya ako ulit. Ngumiti naman ako sabay nag thank you
Comments