Hinayupak couple

KALOKOHAN WITH RED BELBET

Wendy's POV: 

umaga nanaman at parehong mukha ang aking nakita, minsan, nakakasawa na talagang masilayan ang mga demonyong mukha nila, ansarap tapakan, charot! mabait ako, kasing bait ko yung dragon sa barney.

 

"Sooyoung unnie, patulong naman ako!" sabi ng nakakabata naming kapatid, si son yerim, sino ba pa? Ang walang alam kung hindi lumandi ng kapwa niyang babae ngunit hindi masagot sagutan ang math equation

"Txnginang to! Sakin ka pa nagpatulong! Nananadya ka ba?! Hindi ko nga masagutan ang 1 plus 1 tapos x and y pa itatanong mo sakin?! Layas!!" inis na inis na sabi ng leader niya, halos may lumabas na nga na mga apoy sa ilong niya, palibhasa, sa impyerno siya nakatira, joke lang ulit, pvta bakit ba? Walang pakialaman.

 

"walang kwenta, katangahan, bobo, walang alam, inutil, idiot!" parang nag rap si yeri sa sunod na sunod na sinsabi niya e pare pareho lang naman ang ibig sabihin non.

"maka tanga naman to! May pa idiot pa, hindi mo nga alam spelling nun, atska hindi mo nga din alam ang pinagkaiba ng left and right!" ganti ni sooyoung, na halos tumalsik na ang laway niya sa galit.

 

"may pinagkaiba ba yun?" kumunot ang noo ni yeri, na para bang ang lalim ng iniisip niya

"oo nga no?" napaisip din ang kanyang leader, at ayan nanaman, lumalabas nanaman ang katangahan nila, minsan, napapaisip nalang ako kung kapatid ko ba talaga sila, oh pinagpala lang talaga ako ng katalinuhan

"mga hangal! Ang right ay kung saan tayo nagsusulat, ang left kung saan tayo hindi nagsusulat, akin na nga yan equation na yan!" hinablot ko sa pinaka batang kapatid ang notebook niyang may 5 basic equations, sus! Algebra lang naman pala.
 
"eh pano kapag left handed?" napatango si yeri sa tanong ni sooyoung, napatigil ako sa seryosong session ko sa pagsagot ng math at tumingin sa kanila
 
"edi baligtarin! Susme! Mag hugas ka na nga don ng pingan sooyoung! Para paraan kananaman para hindi ka makapag hugas eh!" tinadyakan ko siya na medyo mahina (kung pwede ko lang lakasan, siguradong magdidiwang ang buong barangay) 

 

 

"Asan si seulgi? Kumuwa ka nga ng lagare yerim, pag baligtarin natin ang kamay ng kaliweteng yon" parang walang narinig si Joy pero nanlaki ang malaki ko nang mata na mas may ilalaki pa sa sinabi niya


"SON SOOYOUNG MAG HUGAS KA NA NG PINGAN! ISA!"

 

"Naku aya, nagbilang na!" sabi ni yeri at dali daling padabog na lumayas si sooyoung, bumubulong pa siya, panigurado may ritual nanaman yon sa harap ng mga pingan.

"oh tapos na! Huehuehue" proud na proud kong ibinigay kay yeri yung notebook niya, pinaghirapan ko at todong piniga ang utak ko kung meron man.

 

"ano to bakit puro "Jesus" ang sagot?" nakataas ang kilay niya habang ako ay nakangiti dahil alam ko na tama ako!

 

 


"because Jesus is always the answer.."

 

 

 


 pagkatapos ng malaking ngiti ko ay nakaramdam ako ng malakas na sapok sa ulo ng notebook.

 

"pvta ka! Sayang ang mga medals na inuuwi mo! Panigurado galing yon sa recto! May pa 95 ka pa sa card! Pero di mo man lang masagot to! Bwisit na yan!"

 

"namo yeri pinaghirapan ko yan, kung ayaw mo edi ikaw magsagot, bwisit na batang to!" nag walk out nalang ako at napagisipan ko na pumuntang library (tanga, national bookstore yan) , maganda dito, nag mumukha akong matalinong bata, huehuehue.

 

 

 

"ano ba pwedeng basahin?" tumingin ako ng ibat ibang libro, at sa masamang palad may nalaglag akong medyo manipis na libro, kasing nipis lang naman siya ng encyclopedia

 

 


"pxtanginang encyclopedia! Sinong walang hiyang nilalang ang nakalaglag ng tangamang librong to, isusumpa ko!"
 
 
 sigaw nung babae na nakakuha ng attention ng lahat ng mamimili na agad kumaripas ng takbo papalabas, pati nga yung gwardiya muntikan ng lumabas, narinig ko pang tumili ng pang babae!

 

 

 

Agad akong tumingin kung sino ang nagwawalang leon, at nung nagkatinginan kami, ang nanalinsik niyang mata ay lumambot, at sa mga oras na yon, alam kong siya na yon. Tinitigan ko siya na para bang siya na ang karapat dapat para sakin, lumapit ako sakanya ngunit nakita ko ang ngiti sa mukha niya.

"buti ok ka lang..." niyakap ko yung.....

 

 

 

 

 

 

 


 encyclopedia 

 

 

 

at hinimas himas na parang oso yung pabalat nito, habang nakangiti ng todo kulang na nga lang mawasak ng labi ko yung pisnge ko.

 

 

 

 

"txngina! Inuna pa yung walang kwentang libro eh mas maganda pa naman ako! San ba ko nagkulang?!" akala niya siguro, hindi ko siya naririnig

 

 

 

"di mo ba ako tatanungin kung ok lang ako?!?" tinitigan niya ko na parang papatay siya ng tao buti nalang ay nakapatay na ko... Ng ipis!

"mukhang ok ka lang naman, bat ko pa tatanungin?" kumirap ako ng mata, mga dalawa. HAHAHAHA.

Lalong nagkasalubong yung mata niya, akala ko nga pumasok siya sa loob ng katawan ko.

"at ate gurl, alam mo kung san ka nagkulang? Sa height!" tumakbo ako papuntang cash register ngunit narinig ko ang pahabol niya

"ulok! Kamukha mo si olaf, tska Joohyungina mo, sagad! mas matangkad pa ko sayong pandak ka!!!" tumakbo paalis si wendy sa babaeng sinapian, buti nalang at maganda siya kaya worth it naman yung mga titig na mga nakukuha ng mga umag

"tinitingin tingin niyo?!" Sigaw niya na puno ng galit sa boses, lahat ng workers dun nagulat, yung isa nga nadapa pa eh, sakto sa mukha! 

"ma'am, bayaran niyo po yung libro" sabi nung babaeng naglakas ng loob kaya naman walang nagawa si Irene kaya sumunod nalamang at nagbayad ng 1.5k para sa librong yan, inuwi niya ang napaka kapal na ecyclopedia sa dorm nila, pagpasok agad niya ay bumungad ang isang oso na plat

 

"para san yan?" Tanong ni Seulgi na nagtataka, hawak hawak ang pringles sa maliliit niyang kamay

 

"para sayo, pukpok mo sa ulo para naman gumana utak mo if ever na meron pa" 

 

kasing lamig ng yelo na sabi ng matandang babae

"ang kapal ng mukha mong asar asarin ako, samantalang ikaw na nga lang nakikitira at gamit ng gamit ng fabric softener dito?! Yung totoo? Mas madalang ka pa atang mag lundry kesa mag toothbrush!" Paghihimagsik ng oso, kaya naman walang nagawa ang ating aling maliit kung hindi tumahimik habang umuusok ang ilong ni Ddeulgi.

 

"sorry okeh? Sarreh" pagkatapos nun, pumunta na siya sa higaan niya kung saan binigay sakanya ni seulgi dahil napakalaki ng bahay nito, kung gaano kalaki ang araneta collisium, ganun kalaki ang kwarto na binigay sakanya.

At buong magdamag, tumitili at may ritual na sinisigaw si Joohyun, hindi mo ba alam kung sinasapian ito or sadyang kinikilig lang ng maalala niya ang napakagandang babaeng kumuha ng puso niya at syempre medyo inis dahil mas inatupag pa nito yung walang kwentang encylopedia na binili niya pero hindi niya naman gagamitin dahil hindi siya makaintindi ng lenggwahe ng mga aliens, tagalog lang dapat at hangul ang pwede dito.
Samantala sa ibang parte ng mundo, Si wendy binuksan ang pinto ng kanilang bahay at pagkakita niya sa dalawa ay agad siyang bumati ng punong puno mg galak
"Son Sooyou-- aray! Puvtaxna!" napamura nalng bigla ang babaeng nakaramdam ng malakas ng sapok sa ulo, partida dalawang mabibigat ang dumapo sa ulo niya, ika nga, the more the merrier

 

"HAHAHAHAHAHA!" humagalpak ng tawa ang dalawang demonyo, habang hinihimas ni Wendy yung ulo niyang tinamaan, halos lumabas na nga ang panga ni Yeri kakatawa

"ano kwento mo?" sabi ni Sooyoung ng mahismasan na siya ng very very light

 

 


"yun na nga kase, may nakita ko sa bookstore ng libro"

"Gagx! Syempre libro, bookstore nga eh, alangan naman makakita ka ng candies diba?!" pagwawala ng pinakamatangkad sa kanilang magkakapatid

 

 

"sabi ko sayo sayang ang pagpaparal nila mamc at papc diyan eh!" dagdag pa ni Yeri

"aba mga hangal nato! Sino ba kaseng pukpok ng pukpok ng ulo ko?! Alog tuloy ng alog!" paghihiganti ni wendy

 


"oh siya, ano nga kaseng kwento mo?" pagiintriga ni sooyoung na umupo sa tabi ni yerim

 

 

 

"nakakita ako ng magandang dilag..."

 

 

 

 

"pvta ano daw?" halos dumugo ang ilong ni Yeri sa lalim ng salita niya

"i got this yeri" naka proud grin pa si sooyoung habang nakatingin kay yerim

 

 


"hoy, magsalita ka nga ng maayos!" pinalo ni Sooyoung ang pinakamatanda sakanila, kawawa talaga si seungwan sa storyang to, bugbog sarado siya sa mga kapatid niya, napa poker nalang si yerim.

 

 


"nakakita ako ng magandang babaeng, grabe ang ganda niya..."

 

 


"syempre maganda nga eh alangang namang pangit!" naiinis na si sooyoung sa kapatid niya.

 

"at aminin mo, nagustuhan mo, kaso may problema, tama ako?" sabi ni yeri, na sobrang accurate ng hula

"ang galin mo dun ah!" nagulat ang malaking mata ni wendy na mas lalo pang lumaki

 

 


"tama hula ko" na shookt din si Yeri habang si Joy ay proud na proud

"may future ka dai!" sabi ni Sooyoung, sabay palo sa shoulders nito, mapanakit talaga siya dito, pake niyo ba? Walang makakapigil dahil pabebe to.

 

 

"anong problema?" sabay na tanong nung dalawa
 

"nalaglagan ko siya ng libro eh, encyclopedia pa ata yun" napakamot si wendy ng noo niya na mas malapad pa sa airport

 

 

 

"Putaengama!"

"gagi ka, HAHAHA!"  diretso tawa ang dalawang demoyo, sinapian na sila.

 

 

"tapos alam niyo yung mas nakakahiya? Yung libro yung inuna ko!"

 

 

"oh sinong tanga? HAHAHA, sino ba naman kaseng animal ang uunahin ang libro kesa sa tao!" sabi ni Yeri na nakahiga na sa lapag

"bahala kayo, mga walang silbi!" nagwalk out si Wendy papuntang kitchen upang magluto kaya kumaripas agad ng takbo ang dalawa


-------------------------------------------------------

"antagal naman ng hinihi--"


"Ayun si Seulgi unnie!" turo ni Yeri, habang nagdidiwang ang dalawa niyang kapatid ng makita nila si Seulgi.. Na may kasamang familiar na babae

"pvtangxna!" bulong ni wendy at lumaki nanaman ang kanyang malaking mata na mas papalakihin niya pa pag nagugulat siya

 

 

"Siya yun mga hangal!" tumalikod agad agad si wendy

 

 

 

"anong siya?" nagtataka si Sooyoung

 

 


"siya yung nalalaglagan ko ng lib---"

 

 

 

"Hi sons pamilehhhh!" masayang bati ng osong naka eye smile, akalain mo yun? Nakakapag eye na pala ang mga hayop

Pagharap ng tatlo dahan dahan, agad na nagmeet ang mata ni Irene at ni Wendy

"Pvta ikaw nanaman??!" dinuro duro ni Joohyun si Wendy, na kumunot ang noo

 

 


"anong ako nanaman? Ina ano kita?!" pag aarte niya na akala mo walang kasalanan kay Irene, bago pa magka world war 3 ay umawat si deulgi

"magkakilala pala kayo? At dahil dyan, kayo ang magsama, since kayo ang magkakilala" dire-diretso sabi ng oso, dinaig pa si eminem sa pagra-rap kaya walang nagawa ang dalawa kung hindi magsama dahil umalis na ang tatlo at iniwan sila sa napakalaking mall, hindi naman nila to kabisado

Walang kumikibo sakanilang dalawa, sobrang awkward ng atmospera, kung hindi lang siguro maingay sa mall, naku!

 

 

 


"teka nga, pipi ka ba? Hindi ka makapag salita!" huminto si Wendy habang tinitigan si Irene

 

 


"hindi ka din naman nagsasalita eh!" pagbawi ni Joohyun, na tumitig din sa mata niya pero di kinaya ng katawan niya yung ganong mapupungay na mata kaya tumingin siya sa paligin ligid niya

"kakasalita ko lang kaya!" nag pout si Wendy, at for the first time and forever~ there'll be music there'll be love~ 

Lumabas ang pagka childish ni wendy! Guess what? Nakita yun ni aling maliit na agad napasabi ni cute sa utak niya lanmang, buti sa utak lang diba?

 

 


"aish, teka teka! Kailangan natin magusap ng maayos!" sabi ni Wendy kaya tumigil ulit sila sa paglalakad

 

 


"buti naisip mo" bulong ni Irene, na seryoso paren ang itsura, nakakatakot nga kase kanina may batang tuwang tuwa, nakita nito yung kagandahan  ngunit nakakatakot na mukha ni Irene tumakbo ito habang umiiyak.

"narinig ko yun!"

 

"syempre may tenga ka" kalmado na sabi ni Joohyun, kaya naman naubos nanaman ang pasensya ni Wendy at naisipan niyang tumalikod at lumakad paalis ng nakaramdam siya ng malalambot na kamay, na akala mo bata ang kamay, agad na nagwala sa hawla ang puso ng wendy sa di malamang dahilan ng...

 

"ako si Bae Joohyun, Irene for short, Maganda for the best" sabi niya na sure na sure siya sasinasabi niya, hindi man lang to ngumiti, sa isip isip ni wendy

 

"maganda daw..." oo maganda kang hinayupak ka

 

 


"anong sabi mo?"

 

 

"ha? Wala, sabi ko, ako naman si Son Seungwan, may kapatid ako si Seungtwo, Seunthree, at si Seungfour, ok corny, bye"
 
 
 tumalikod agad nun si Wendy na namumula ang pisnge, hindi niya tuloy nakita ang ngiti na lumabas sa labi ni Joohyun.

 

 

"dun tayo sa VR!" hinatak ni Wendy si Irene sa loob ng madilim na kwarto, at pinili niya ay yung nakakatakot na VR, masaya daw kase, ang hindi niya alam matatakutin si Joohyun, mukha lang siya nakakatakot pag seryoso ang itsura niya pero kabaligtaran yon

"ahhhh!" agad na dumapo ang kamay ni Joohyun sa ilong ni wendy. Oo, sakto ito sa ilong. 

"Pxta fren, YUNG KAMAY MO!" hindi sumagot si Joohyun pero tinangal nito ang kamay niya na naka sabit sa ilong kanina ni wendy, yakap yakap ang nyebe na nabingi sa kakatili niya

"panginoong Jesus, salamat at natapos na din ito!" Sigaw ni wendy kaya naman nakuha niya ang atensyon ng mga dumadaan

"ang ingay mo!" hinatak ni Joohyun si wendy papalabas sa game zone.

Lahat ng paligid ng mall ay nalibot na nila, patagal ng patagal ay mas lalo silang pinagtatagpo ng tadhana at dahil pagod na si otor magsulat ay gusto niya na itong matapos

"HOY DAGA AT PUSA! MAKINIG KAYO SAKIN MAY IMPORTANTE AKONG SASABIHIN" sigaw ni wendy kaya naman agad agad umayos ang dalawa niyang kapatid na handang makinig sakanya
 
 
 
"anong dama mo?" sabi ni Joy

 

 

"Dama? Di ba ayon yung-" 

 


"ANO DI KAYO MAKIKINIG SAKIN?!TAPOS ANO? MAG AAWAY NANAMAN KAYONG DALAWA SA HARAP KO?HA?!GANON?" 
Parang demonyong sumigaw si wendy sa galit at nawala ang banat ni yeri na joke, dahil wala naman talaga siyang banat eh, wala kaseng maisip na joke ang author

"oh anong chika ba kase?" sabi ni Yeri 

"tingin ko kase"

"ay may mata ka pal-- oo nga sabi ko, makikinig kami" mag pipilosopo pa sana si Joy ngunit nakatangap ito ng titig na parang papatay ng tao
 
 
 
 

"tingin ko kase mahal ko na si Joohyun.."

 

"wha da freuck?!" sigaw ni Joy na ikinagulat ni wendy, buti nalang di narinig ni yeri

 


"Sino si Joohyun?"

 

"ang tanga mo! Yung babaeng maganda na kasama ni Seulgi sa mall!" Binatukan ni Joy si yeri sa ulo, muntik na ngang dumapo yung noo niya sa lapag eh

"fowtah! Masaket!" tinadyakan ni Yeri si Joy 

"oo sige, thank you, andaming niyong naitulong!" Padabog na lumayas si wendy, sarado ang pinto.

"ayan tuloy, nag walk out kasalanan mo tong demonyo ka!"

"demonyo ka din!" pagbabawi ni Joy


"oh di sige, mag demonyuhan tayo!"


Habang nagkaka world war 3 sa bahay ni wendy, pumunta ang paa ni wendy sa tapat ng bahay ni Joohyun. Oo, naging close naman sila, pero ganon parin ang pakikitungo nila, palaging asaran, bangayan, pero mas ok na siya kesa sa dati, mas lalo silang close ng nakita nilang umiiyak ang mag isa

"oh bakit may taong niyebe dito? Summer palang ha" ang unang lumabas sa bibig ni Joohyun na nakatangap na malutong na mura

"GaGO"

Tumawa si Joohyun at pinapasok si Wendy sa bahay niya dahil baka matunaw siya sa nag babagang kainitan sa labas
 
 
 
 

"napadalaw ka?"
 
 
biglang nagbago ang atmospera lalo na ng nakita ni Irene ang seryosong mukha ni wendy
 
 
 
 

"ano kase..." napakamot ito sa noo, kaya ang kyut niyang niyebe
 
 
 
 
 

"ano?"


"Gusto ko sanang umamin..." na mula bigla ang cheeks ni Joohyun, eto na kaya? Narinig ba ba ang panalangin niya? Hindi ba aksaya ang mga inalay niya sa care bear na sinabi ni Seulgi na kapag nag wish ka eh matutupad? Eto na ba yon? 

"na???" hindi na kaya ng kalamnan ni Joohyun yung katagalan niya, kaya napangiti ito

 

 

 


"gusto ko sanang sabihin na meron ka namang sariling pwet bakit hindi mo hawakan" seryosong sabi ni wendy na pabiro, nawala ang ngiti sa labi ni Irene at agad kinuha ang unan at hinagis ito kay wendy
 
 
 
 
 
"LAYAS!" 

"oy joke lang, di ka mabiro!"

"Mama mo di mabiro, alis!" tinutulak ni irene si wendy papalabas

"eto na nga, pvta, andito ko para sabihing mahal kitang hinayupak ka, at Oo! Maganda ka! Mas maganda ka pa sa paa ko!" hindi alam ni Joohyun kung kikiligin ba siya dahil na compare siya sa isang paa, pero di bali, pareho lang naman sila ng nadarama

"pagkatapos mo kong sigaw sigawan?! Tapos nilaglagan mo pa ko ng encyclopedia na 10 kilo ang bigat?!?" Nakayuko lang si wendy, na guguilty siya, feeling niya rejected siya. Ok lang, diserve ko siguro na mareject, kasalanan ko din naman, ang tanga mo kase, ang dami mong--

Nanlaki ang mata ni Wendy ng nakaramdam siya ng labi sa kanyang sarili mismong labi.

Pvta hinalikan niya ko?!?!
 
 
 
 
"Hinayupak ka, mahal din kita!"
 
 
paraheng may ngiti sa labi ang dalawang bagong mag ka sintahan
 
 
 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Miss87 #1
authornim..english version please ☺
koalawrites
#2
Chapter 2: Hahaha laughtrip
Doyouknowswag #3
Chapter 2: Tangina daw sabi nung bata
Doyouknowswag #4
Chapter 1: May tagalog pala ditue. hahahaha
moonbliss
#5
Chapter 1: Ang sakit ng cheeks ko kakangiti dito kasi nagpipigil ako ng tawa since gabi na. Mygaddd, napakalutong ng mga murahan nila HAHAHAHHA >O<
mellifluouswan
1729 streak #6
Chapter 1: nothing beats a story written in tagalog talaga hahahaha.
Juiceyo
#7
Chapter 1: "para sayo, pukpok mo sa ulo para naman gumana utak mo if ever na meron pa"

kasing lamig ng yelo na sabi ng matandang babae

"ang kapal ng mukha mong asar asarin ako, samantalang ikaw na nga lang nakikitira at gamit ng gamit ng fabric softener dito?! Yung totoo? Mas madalang ka pa atang mag lundry kesa mag toothbrush!"
raindeeer #8
Chapter 1: Bwseeet HAHAHAHAHA nakakaloka to xD
JoblessGayology
#9
Chapter 1: Putangina da best talaga Tagalog hahaha.