Final

Pitong Taon
Please Subscribe to read the full chapter

Paano ba sisimulan ang kwento? Paano ba sisimulan ang isang kwento na hindi mo alam malapit na palang matapos. Binitin ka ng isang pangyayari na akala mo ay may babalikan ka pa kung sakaling gusto mong umpisahan ulit ito.

 

Pitong taon na ang lumipas simula noong umalis para matrabaho sa ibang bansa, bagong graduate pa siya nun at dahil sa maganda grades niya ay agad siyang nakuhang trabaho sa isang broadcasting station sa Amerika kaya naman ay hindi na nagdalawang isip si Luhan na pumunta. Isa pa ay malaki yung sweldo sayang naman kung hindi niya tanggapin.

 

“Nak, uwi ka naman this year. Miss ka na ni mama tska kasal pala ng pinsan mong si irene,”

 

“Talaga ba ma? Sino naman daw ung kawawang lalaki ang nauto niya? Aba naunahan pa ako ng gaga mag-asawa?,”

 

“Hindi ko alam eh, ang rinig ko lang ay di pa sila matagal naging mag boyfriend ng mapapangasawa nya,”

 

“So nakita mo ba ung mukha ng mapapangasawa nya? Gwapo ba ma?”

 

“Di ko pa nga nakita, basta nak uwi ka ha,”

 

“Sige ma, susubukan ko, bye ma love you,”


 

Sa totoo lang ay gusto na din talaga ni Luhan na umuwi at magbakasyon, mabigyan lang siya ng kahit sampung araw na leave ay okay na sa kanya. Laking tuwa ni Luhan noong nalaman niyang pinayagan siya ng boss niya para umuwi at ang bonus pa  ay pinayagan siya magbakasyon ng isang buwan yun nga lang sa Abril 14  ang uwi nito at makalawa yung kasal ng pinsan niya.

 

Nagdaan ang mga araw, nakarating na din si Luhan at ngayon ay naghahanda na nito para sa kasal ng kanyang pinsan. Kahit na kulang sa tulog dahil sa mahabang biyahe ay ninais pa rin ni Luhan na umttend ng kasal, gustong gusto ni Luhan ang kasal kaya naman kahit pagod ay pupunta pa rin ito.

 

Sakto lang ang pagdating nila Luhan sa simbahan, kauumpisa pa lang at naka linya pa ang entourage sa labas ng simbahan. Nagsimula ng maglakad ang best man na mukhang pamilyar kay Luhan, kung hindi siya nagkakamali si Chanyeol ung naglalakad, bigla itong kinabahan lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib, at pinapawisan ang kanyang mga kamay. Maya-maya pa ay naglalakad na ang groom na si Sehun ngumigiti habang naglalakad papunta sa altar.

 

Si Sehun ang lalaking iniwan ni Luhan para makapagtrabaho sa Amerika, halos apat na taon din nag tagal ang kanilang relasyon noong college. Nauna lang grumaduate ng isang taon si Luhan.

 

“Sehun, natanggap ako sa isang company sa Amerika,” sinabi ni Luhan habang nanonood sila nang TV ni Sehun

 

“Sa Amerika? Pero di ka naman pupunta dun diba Han?” biglang tumahimik lang si Luhan

 

“Di ka naman pupunta diba?” tanong ulit ng kasintahan

 

“Pero Sehun sayang kasi yung opportunity, Hindi lahat makakapag trabaho agad lalo na sa Amerika at isa pag malaki ang sweldo,” Paliwanag ni Luhan

 

“Han naman, wag ka ng umalis dito ka na l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Faeries_and_Witches
#1
Chapter 1: Ansakeeeeeeet!!!! Jusko!!!!! Isang Pinoy here!!!
Selulululuhunnie
#2
Chapter 1: Damn damn I really have the feeling, sa start pa lang especially sa part na ikakasal si Irene. , pwede magkaroon ng alternative ending? T.T
Selulululuhunnie
#3
Oh, you are a Filipino? Srsly hahaha andami pala natin dito.