end

Orchids

 

Hindi naman sa galit ka sa kanya pero sa tuwing nakikita mo ang paglapat ng paa niya sa naka-tiles ninyong lapag ay hindi mo maiwasang makaramdam ng init ng ulo.


Lalo na kapag sinasalubong ka niya ng makinang niyang ngiti. Buong mukha halos sumabog na sa pula. 


"Hello, Joohyunie!" Bati niya sayo at sumalampak sa sofa sa mismong tabi mo.


Mukhang good mood ang loko, sabi mo sa sarili mo. 


Mas malawak kasi ang ngiti niya kumpara sa pang-araw-araw niyang ngiti na binabati sayo. Hindi sa pinagmamasdan mo sya, kapansin-pansin lang talaga.


Anak siya ng dalawang bestfriend ng mama mo kaya kahit gusto mo siyang palayasin ay hindi mo magawa lalo na at nasa hardin lang ang mama mo ngayon, nagdidilig ng kanyang alagang orchids.


"Anong masamang hangin nanaman ang nagtaboy sayo dito?" hindi ka pa man niya inaasar ay naka on na agad ang depensa mo.


"Wala naman, namimiss na kasi kita." panimula niya sa panunukso sayo at sinabayan pa ng paggalaw ng maganda niyang kilay. 


Nope, hindi mo talaga siya pinagmamasdan. 


"Ikaw ba di mo ko namimiss? Gusto mo ng hug?" binuka pa niya ang mga braso niya sayo na binato mo lang ng unan.


"Aray! Ganyan ba kapag tumatanda na, nagiging bugnutin?" lalo ka lang naasar kaya hinampas mo ulit siya ng unan.


"Ilang buwan lang ang tanda ko sayo!" 


"Pero sa height natin mukhang mas matanda ako no?" Tatawa tawa pa ito habang pinaghahahampas mo siya ng unan.


"Kung aasarin mo lang ako, puntahan mo nalang si mama sa garden, aakyat na ako sa kwarto!" dali-dali mong niligpit ang nagkalat mong pocket books at kumaripas paakyat sa silid mo. 


At habang kumakaripas ka, naririnig mo ang mala-sanggol niyang tawa. 

Nakita niya kasi yung namumula mong pisngi. 


"Damn you, Seulgi." bulong mo pagkatapos mong mai-lock ang pinto mo. 


Ganito naman palagi ang eksena tuwing weekends, hindi ka pa nasanay. 


Kung hindi alas-nuebe ay ala-una ng sabado dumarating si Seulgi sa bahay nyo para "bisitahin" kayo ng mama mo. 


May quotation marks kasi hindi ka naman kamo niya binibisita kundi sinisira niya lang ang araw mo. 


Tuwing sabado, mag-isa lang siya sa bahay nila kasi parehong may trabaho ang dalawa niyang nanay na bff ng mama mo. 


At dahil bff ng mama mo ang mga nanay niya, nagpresenta na itong sa inyo muna si Seulgi tuwing sabado para hindi ito nababagot. 


Nahiga ka na sa kama mong at nalaro ang katabi mong medium size na bunny stuff toy na pinangalanan mong Benny.


Napabuntong hininga at napailing nalang si Seungwan dahil sa creativity mo nang minsan siyang makitulog. 


Binigay nga pala iyan sayo ni Seulgi. Napakunot tuloy ang noo mo at napa-isip kung paano kayo napunta sa sitwasyon niyo ngayon na puro asaran. 


Ibang-iba sa dati na naliligo pa kayo ng sabay sa cr. Well, seven palang kayo noon pero kahit na. 


Dikit na dikit kayo nung high school sa pagkakatanda mo. Binigay niya sayo si Benny after mong manalo bilang Ms. Intramurals ng batch nyo bilang regalo. 

Sabay pa kayong nag-enroll sa iisang university. 


Ah. Bigla mong naalala, ikaw nga pala yung unang lumayo ang loob. 


Nagsimula yun nang malaman mong may girlfriend siya. 

 

Hindi ka homophobic, lahat na ibato sayo pero hindi ka talaga homophobic. Duh, mahal na mahal mo nga ang parents ni Seulgi. Happy'ng happy ka pa kapag bini-baby ka nila kesa sa anak nila. 


Siguro kasi nakikita mong, may iba nang gumagawa ng mga bagay na ikaw ang gumagawa para sa kanya. Hindi na ikaw ang nagpupunas ng pawis niya; nagbabaon ng tubig para sa kanya tuwing may dance practice siya at hindi na rin ikaw ang una niyang pinupuntahan pagkatapos ng bawat dance performance niya. 


Feeling mo hindi ka na niya kailangan. 


At kahit hindi mo aminin, naiinis ka kasi gusto mo yung mga ginagawa mo para sa kanya noon. Matagal mo nang ginagawa iyon at gusto mong ikaw lang ang gumagawa ng mga iyon at ngayon, hindi mo matanggap na sa isang iglap lang may pumalit na sa pwesto mo. 


Kahit ayaw mo, naging malamig na ang pakikitungo mo sa kanya. 


Mas lalo ka namang na-inis dahil kahit bumuga ka pa ng nyebe, mabilis ka niyang natutunaw.


Ganun pa rin ang pakikitungo niya sa iyo, malambing at nakakataba ng puso. 


Kaya palagi kang nakakatanggap ng irap at mga side comments sa mga nagiging girlfriends niya. 


Manhid ba siya o walang pake? Minsan mong natanong sa isipan mo. 


Naudlot ang pagmumuni-muni mo nang katokin ng mama mo ang pinto. 


"Joohyun, dyan na muna sa kwarto mo si Seulgi, pupuntahan ko lang yung inorder kong bra sa natasha. Uuwian ko nalang kayo mamaya ng jollibee." sabi ng mama mo at bago ka pa makasagot ay tinulak na niya si Seulgi sa loob. 


Ano bang silbi ng lock kung may susi naman si mama? bulong mo. 


"You still have Benny?" masayang tanong niya sa iyo. 


Bilang dakilang nerbyosa, naibato mo tuloy ang kawawang si Benny sa sahig. 


Tinignan mo ang tila nasipang tuta na ekspresyon ni Seulgi na dali-daling dinampot ang nasabing kunehong laruan. 


"Bakit mo siya binato! Kawawa naman si Benny." pinagmasdan mo siya habang pinapagpagan ang kuneho na hinalikan pa sa noo.


Namumula ka nanaman. Doon mo rin kasi hinahalikan si Benny tuwing matutulog ka na sa gabi. 


"So? Akin na nga siya!" Hinablot mo sa kanya ang kuneho at tinabi sa kama mo. 

 

"Pag-alis ni mama, lumabas ka ha!" utos mo. Mula nang magkagirlfriend na siya ay hindi na siya nakapasok ulit sa kwarto mo hanggang ngayong araw. 


Parang walang narinig si Seulgi at nilibot ang may katamtamang laki mong kwarto. 


Malaki ang pinagbago ng kwarto mo mula nang huli siyang makapasok dito kaya sinipat niya bawat sulok. 


"Ang ganda na ng ayos ng kwarto! Sobrang laki ng pinag-bago. Hindi sa sinasabi kong pangit yung dating disenyo ha, mas mature lang tignan yung ngayon." puna niya habang tuloy pa din sa pagsiyasat sa mga nakadisplay mong abubot.

 

"It's been years nang makapasok ako dito." rinig mong sabi niya. 


Hindi mo nalang siya sinagot at nagpasya kang matulog. 


At nang mawala na ang kamalayan mo ay siyang pag lapit sayo ni Seulgi. Lumuhod siya sa tapat mo at dahan-dahang hinawi ang nagkalat mong buhok. 


"I miss you so much.. Kung alam ko lang na magkakaganito tayo sana hindi nalang ako nagpadalos-dalos." she smiled softly saka ka dinampian ng halik sa noo. 


Maya-maya ay mahinang pagsara ng pinto nalang ang maririnig. 

*

Hindi mo alam kung anong nangyari pero nang mga sumunod na sabado ay hindi na ulit bumalik sa inyo si Seulgi. 

 

Pati ang mama mo ay nagtataka din dahil nakitulog pa siya sa inyo bago umalis ng linggo ng umaga. 


Hindi nyo naman makontak ang parents niya dahil mas naging busy ang mga ito. 

 

Kahit sa unibersidad na pinapasukan mo ay mailap ito. Tinanong mo na si Seungwan at ang iba nyo pang mga kaibigan tungkol sa kinaroroonan niya pero walang makapagbigay ng sagot. 

 

Tatlong sabado pa ang lumipas at hindi pa rin siya nagpaparamdam kahit kanino man sa inyo. 


Bumalik naman ang ala-ala mo sa huli niyong pag-uusap noong makitulog siya sa kwarto mo. Naging matigas ka kasi ng tanungin ka niya kung bakit lumayo ang loob mo sa kanya. 


"Nakakasawa ka na kasi." pabiro mo lang sana itong ipinahayag pero nang hindi na ito kumibo ay inisip mong baka dinamdam niya ang sinabi mo. 


Namimiss mo na ang mga sabadong dumadalaw siya sa inyo. Panay ang tanong mo sa mama mo kung may balita na ba sa kanya ngunit palagi nalang nalalaglag ang ngiti mo kapag umiiling siya. 


Dahil hindi ka mapalagay, inamin mo kay Seungwan ang dahilan ng paglayo mo kay Seulgi. Nilabas mo lahat ng saloobin mo at wala kang tinira. 


"Hindi kaya may gusto ka sa kanya?" Para kang binuhusan ng yelo sa tinanong ng kaibigan mo sa iyo. 


"Ha? Hindi ko sya gusto. Namimiss ko lang siya." depensa mo pa. 


"Are you sure?" 


Deny ka ng deny buong linggo sa sarili mo hanggang sa marinig mo ang isa sa mg ex ni Seulgi na kinukwento ang relasyon nila dati sa kasama nito nang minsang makasabay mo sila sa restroom. 


At sa bawat sweet moments na mabanggit ng ex niya ay para kang inaapoy ng selos. Ang hindi mo kinaya ay nang ikwento pa nito ang first kiss nilang dalawa. 


Binalibag mo talaga ang pinto ng cr at kumaripas ka ng takbo habang nagpupunas ng luha. 


"Stupid Seulgi!" hikbi mo pa. Pinagtitinginan ka na ng ibang studyante.


Hinanap mo agad si Seungwan na natagpuan mo sa rooftop kung saan siya madalas magtago para magsulat ng tula para sa crush niyang si Sooyoung.


"Gusto ko sya, gustong gusto ko sya na halos suntukin ko na yung ex niya kanina." para kang bata na nagsusumbong sa nanay. 


Welcome na welcome ka naman sa bisig ni Seungwan na pinapatahan ka. Kinwento mo sa kanya ang eksena sa cr at nang matapos ka ay nakangiti lang siya sa iyo, pinunasan ang luha mo at sinabing magiging okey din ang lahat. 


Ang swerte talaga ni Sooyoung kung alam niya lang, isip mo. 


Nang sumunod na sabado, mag-isa ka lang sa bahay nyo dahil pauwi na ngayon ang tatay mong galing saudi at susunduin siya ng mama mo sa airport. Hindi ka na pinilit sumama dahil mahihilo ka lang naman daw sa loob ng kotse. 


Hindi ka magaling sa mahahabang byahe. 


Kaya ayan ka ngayon, dinidiligan ang halaman ng mama mo. Pero mas kinadiligan mo ang tanim niyang orchids na violet para pag pinost mo sa instagram, maganda ang tubo nito. 

 

Abalang-abala ka sa ginagawa mo na hindi mo napansin ang pagbukas at pagsara ng gate niyo. 


Nagulat ka nalang nang paglingon mo sa kanan mo ay bumungad sa iyo ang taong hinahantay mo ng ilang linggo. 


"Hi." Bati niya kasabay ng malapad pa rin niyang ngiti. 


Papaulanan mo na sana siya ng suntok at masasakit na insulto nang mapansin mong nakasimento ang kaliwa niyang braso. May mga pasa din siya at band aid sa mukha at kanang braso. 


"Anong nangyari sayo?" pasigaw mong tanong sa kanya saka siya binatak papasok sa loob ng bahay ninyo. 

"Aray!" Hiyaw niya nang mahawakan mo ang pasa niya sa kanang braso. 


"Magpaliwanag ka!" walang anu-ano mong utos nang maka-upo kayo sa sofa. 


Hindi ka mapakali at maluha-luha ka na dahil sa itsura niya ngayon. Kung hindi lang dahil sa lapag ng ngiti niya ay baka humagulgol ka na. 


"Pagkaalis ko nung linggong 'yon, dumating yung mga pinsan ko galing italy, gusto nilang maghiking kami tapos ayun, nung nasa falls kami, nagkayayaan na tumalon, hindi namin alam na medyo mababaw lang yung tubig sa baba kaya eto. Tatlo kaming na-ospital." napapakamot pa siya habang nagpapaliwanag. 


Nakangiti pa itong nagkukwento kaya gusto mo siyang sapakin dahil ayan ka't todo alala sa kanya kahit tapos na ang aksidente. 


"Eh bakit antagal mong nawala? Hindi ka rin namin makontak kahit sila tita!" 


"Sobrang naguilty kasi si tito dahil mga anak niya daw ang umaya sa akin sa falls kaya sa kanila niya muna ako pinatuloy, sila nag-aalaga sa akin hanggang ngayon. May pumupunta rin doong physical therapist dahil napilay din yung kaliwa kong binti. Pero ayos na ako. See," tumayo ito saka tumalon-talon para mapatunayan sayong malakas na siya bukod sa nakasimentong braso. 

 

Imbis na matuwa ka ay tumulo nalang yung luha mo at sinugod siya ng yakap. 


"Huy, bakit ka umiiyak. Ayos na ako. Sorry, hindi namin kayo nakontak kaagad, busy kasi sila mama." umiyak ka lang sa kanya. 


Nagiging iyakin ka na dahil sa kanya. 


Nang tumahan ka ay tinignan mo siya ng diretso at saka nabuo ang pasya mo. 


"Seulgi," 


"Lumayo ako kasi akala ko hindi mo na ako kailangan." nagpasya ka nang umamin. 

"Ha?" 


"Diba tinanong mo ako kung bakit lumayo ang loob ko sayo? Kasi akala ko hindi mo na ako kailangan kasi may girlfriend ka na." It's now or never, ika nga nila.


"Simula nang magkagirlfriend ka nawalan na ako ng trabaho. Hindi na ako ang priority mo." 


Nakikita mo kung paanong magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Gulat na gulat ito sa konpesyon mo. 


"Nagseselos ako." pag-amin mo saka ka nagtakip ng unan sa mukha. 


"What! Joohyun, ipaliwanag mo ng maayos." sinusubukan niyang alisin ang unan sa harap mo para makita ka niya. 


"Nagseselos nga ako sa mga girlfriends mo kaya kita nilayuan! Tapos manhid ka naman kasi parang wala lang sayo yung nagyayari!" Sigaw mo habang nakatakip ang unan. 


"Kung magcoconfess ka ng feelings mo para sakin, iayos mo naman." reklamo niya at na-offend ka naman kaya mabilis mong inalis ang unan at tinignan siya. 


"I like you! Gusto ko ako lang ang nag-aalaga sayo at ako lang ang priority mo palagi! Gusto ko yung dating tayo! Yung walang Krystal, Eunae, Mijoo, Yura at kung sinu-sino pang mga babae mo!" pagalit mong sabi. 


Sa lahat ng nagcoconfess, ikaw lang ang galit.


Kaya pagalit ka rin niyang sinagot. 


"Kasalanan mo naman kung bakit ako naggirlfriend e!" sigaw niya pabalik. 


"At paano aber?" 

"Sabi mo kay Seungwan handa ka nang makipagrelasyon kay Bogum! Huwag kang magmalinis diyan!" matatakot ka na sana dahil nagagalit siya pero ang cute niya lang kasi ngayon. Parang baby bear. 


"What are you even saying? Ako, papatol kay Bogum? Manhid ka na nga, bingi ka pa! Ang sabi ko kay Seungwan, handa na akong makipagrelasyon maliban kay Bogum! Makikinig nalang sa usapan ng iba, mali-mali pa!" tinuktukan mo sya sa ulo saka inirapan. 


"Wait, so wala kang balak sagutin noon si Bogum?" 


"Wala!" 


"Oh.." nahihiya siyang ngumiti saka napakamot ng leeg. 


"Sorry, akala ko kasi wala akong pag-asa kaya ayun." 


Wala ka nang nagawa kundi sumigaw sa unan na yakap mo. 


"Pwede bang magstart ulit tayo sa una ng confession mo?" kalauna'y pakiusap niya. 


"Nasabi ko na yung gusto kong sabihin, it's up to you already." excuse mo lang yun kasi nahihiya ka pa din. 

 

"Okey.. ah, Joohyun, simula nang malaman ko kung anong ibig sabihin ng crush, ikaw agad ang pumasok sa isipan ko. Lahat ng oras ko'ng kasama ka, sobrang saya ko. Akala ko hanggang crush lang yung nararamdaman ko sayo hanggang sa mapag-usapan ang love nang tumuntong tayo ng high school. Ikaw din ang pumasok sa isip ko ng tanungin nila ako kung may natitipuhan na ba ako." medyo nahiya pa si Seulgi kaya't hinikayat mo syang magpatuloy.


"Nilihim ko yun hanggang sa matapos ang high school kasi bestfriend kita e. Nung time na yun andaming friendship na nasisira dahil sa love na yan. Ayokong magaya tayo sa ganun kaya tinago ko. Hanggang ayun nga, narinig ko yung sinabi mo, kulang naman. Ginawa ko yung sign na tumigil na ako sa forbidden love ko para sayo kaya nagsimula akong makipagdate. Hindi ko naman alam na dahil dun, mangyayari yung iniiwasan kong pagkasira ng friendship natin." Nakatingin lang siya sa iyo habang inaamin niya ang laman ng puso niya. 


"Miss na miss na kita." 


"Namimiss na din kita, Seulgi." malambing mong sagot. 


"Ikaw pa rin yung naiisip ko tuwing tinatanong nila ako kung sino ang gusto ko." sabi niya sayo.


Malagkit na tinginan niyo ngayon. Ikaw lang pala kasi kung tignan ka ni Seulgi para kang love letter. 


"Pwede na ba tayong bumalik sa dati? Please? Baby Joohyun balik na tayo sa dati? Miss na miss na kita" she finally asked with aegyo pa na kahit itanggi mo pa ay namiss mo naman talaga.


"Yes dork." ikikiss mo sana siya sa cheeks pero may plano pala ang loko at inunahan kang halikan sa labi. 


"Hoy! Isusumbong kita kay mama! Cheeks lang muna!" 

Nakatanggap ka lang ulit ng isa pang halik sa labi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
KALOKOHAN TO HAHAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
Kylie_123 #1
Chapter 2: Kiligggg 😭😭😭
Mar857
#2
Chapter 2: Maharot talaga to Seulgi ei... Kurutin kita sa singit ei... Maharot na nga apaka binge pa...linis linis din ng tenga pingutin ko yan ei... Hahaha peo tae legit yung kilig shjddjhahshdjhdhdbsj
kang_ddeul
#3
Chapter 2: HAHAHAHAHA ang daming babae ni fafa seul! hahahahahahaha
D_Moon_212
#4
Chapter 2: Teene nemen seulgi ang harot mo!!! Dami mo chicks pogi mo masyado ha! Ayan tuloy kawawang joohyun naging biktima ng kabingihan mo haaaay naku, makikinig na nga rin lang, mali pa tsk sarap batukan ng oso nato kahit kailan talaga..tsk tsk kaiyak kasi pag iniisip ko sa POV ni baechu, mesheket den keye bes huhuhu pero atleast naman happy ending. Sino kaya dalawang mama ni seul, taeny? Kkkk o yulsic para mana si seul kay yul hahaha more seulrene juseyooo
future_mrs_liu #5
Chapter 2: Cuute!!
Chaewonx
#6
Chapter 2: ay ang cute. ;_;
seohyunkeroro
#7
Chapter 2: Lande. Pwede pwede! Bungol tong si Seulgi daming jinowa sa maling dinig. Tanggalan ng tutuli yan!
Boss-BaechuBear #8
Chapter 2: Ang cute pota hahaha
nkenravi
14 streak #9
Chapter 2: AAAAAAAAAAaaaaAAAAHHHH