final.

Vicious Love

Main Characters:
Nam Joo Hyuk as Andrei
Lee Sung Kyung as Audrey

 

 

xx-xx

 

 

 

September 26, 2009

 

 

 

"Audrey be careful!" Sigaw nang batang si Drei ng mapansin niyang napapabilis na ang pagpadyak ni Audrey sa kaniyang bisekleta. Kasalukuyan silang naglalaro sa playground ng subdivision na kinatitirhan nila. Maliit pa lamang si Andrei at Audrey ay palagi na silang magkasama at tila hindi na mapaghihiwalay dahil sa nabuong pagkakaibigan ng dalawa.

 

"Hay nako, Drei! And KJ mo talaga kahit kailan!" Sigaw naman pabalik ni Audrey at binelatan ang nerbyoso niyang kaibigan. Tumaa siya kaya napalitan din ng ngiti ang kaninang nakasimangot na mukha ni Drei.

 

"Huwag ka ngang kabahan diyan! I got this!" Dagdag niya pa upang masigurong hindi na mag-aalala ang kaibigan. Nakumbinsi na sana si Drei ngunit hindi napansin ni Audrey na may malaking bato na nakaharang sa dadaanan niya.

 

"Audrey watch out!" He warned her but it was too late. Na-outbalance si Audrey at agad na sumalampak ang bisekleta sa semento na siyang ikinahulog rin niya. Nang nakita ni Drei ang aksidenteng sinapit ng kaniyang kaibigan ay agad siyang tumakbo palapit dito at tiningnan kung okay lang ba ito.

 

"Dugo. Drei, dugo!" Naiiyak na sigaw ni Audrey. Takot na takot siya sa dugo, lalo na ngayon na marami-rami ang dugong lumabas mula sa kaniyang nasugatang binti. Wala ng ibang nagawa si Drei kundi ang yakapin ng mahigpit ang kaniyang kaibigan.

 

"Hey. It's okay. Shh. Calm down," Malumanay niyang sabi habang kino-comfort ng mabuti si Audrey.

 

"It stings. It hurts a lot," narinig ni Drei ang paghikbi niya. Sumimangot ang kaniyang mukha at tiningnan ng mabuti ang best friend niyang namimilipit sa sakit. Agad niyang pinunasan ang mukha nitong basang-basa na dahil sa pinaghalong luha at pawis, atsaka ito hinalikan sa noo. Palagi itong ginagawa ni Drei lalo na kapag humaharap sa emotional breakdown si Audrey.

 

"Tara na. Umuwi na tayo't gamutin natin yang sugat mo," sabi niya at ngumiti. Tumango si Audrey at ng sinubukan niyang tumayo, agad na kumirot ulit ang kaniyang sugat kaya napasigaw siya sa sakit. 

 

Nakita ni Drei na hirap na hirap ang kaniyang kaibigan kaya nag-squat siya sa harapan nito at tinapik ang kaniyang likuran.

 

"Piggy-back ride?" Nakangising alok niya. Audrey's face brightened because she loves it when Drei offers her a piggy-back ride. "Malapit ng mapunit yang mukha mo kakangiti. Alam ko namang paborito mo to eh," sa halip na sagutin niya ang pang-aasar ng kaniyang kaibigan ay agad na sumakay si Audrey sa likuran ni Drei at inakap ng mabuti ang leeg nito.

 

"Aish. May plano ka bang patayin ako? Alam mo bang ang higpit-higpit ng pagkakahawak mo sa'kin?"

 

"Hindi!" Birong sabi ni Audrey at tumawa ng malakas kaya napatawa nalang din si Drei. Ngunit natigilan ito ng dumampi ang mga labi ni Audrey sa pisngi niya.

 

"Drei, thank you. What would I ever do without you," sabi nito at isinandal ang ulo sa balikat ng best friend niya. Nakaramdam si Drei ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib ngunit binalewala lang niya ito at bumuntong-hininga.

 

"Huwag ka munang mag-thank you. Hindi ko pa nagagamot yang sugat mo. Sa susunod kasi mag-ingat ka!" Sermon niya. Hindi niya alam na nakatulog na pala si Audrey. Nang marinig niya ang mahinang paghagok nito ay ngumiti na lamang siya at napailing.

 

"Sige. Matulog ka lang diyan. Hinding-hindi kita papabayaan," bulong niya. Simula bata pa lang ay may pagtingin na siya kay Audrey ngunit hindi niya masabi dahil mas pinahahalagahan niya ang kung ano man ang meron sila ngayon. Destiny na ang bahala sa kanilang dalawa.

 

 

 

Present Time

 

 

 

ANDREI'S

 

 

 

"ANDREI! GUMISING KA NA! PUCHA TALAGA OH MALE-LATE NA TAYO!!!" Binalewala ko ang taong kanina pa putak ng putak at nagtalukbong ng kumot. Tangina talo pa alarm clock ko sa nakakarinding boses ng babaeng 'to!

 

"AH GANUN? HAHAHA! DI KA TALAGA BABANGON AH? TEKA LANG!" Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya napahinga ako ng maayos sa pag-aakalang umalis na siya. Ngunit maya-maya pa ay bumukas na naman ulit ang pintuan at...

 

SPLASH!

 

"TANGINA!!!" Sigaw ko ng makaramdam ako ng lamig. Pucha tinapunan pala ako ng isang tabong tubig ni Audrey! Agad akong napabangon at nakita ko siyang nasa sahig tumatawa.

 

"HAHAHAHA! WOOO! YAN LANG PALA KATAPAT MO EH PINAHIRAPAN MO PA AKO!!!" Sabi niya habang tumatawa pa rin ng malakas. Napahilamos ako ng wala sa oras at tinapunan siya ng unan.

 

"TANGINA MO TALAGA AUDS!!!" Mura ko sa kaniya. Tumayo siya at itinapon pabalik sa'kin ang unan.

 

"AGA-AGA MINUMURA MO NA AKO!" Sabi niya at nagkukunwaring nagtatampo. Napairap nalang ako at akmang yayakapin siya ng pinigilan niya ako.

 

"Oops! Di pwede! Basang-basa ka oh! Baka madumihan uniform ko no!" Nandidiring sabi niya.

 

"Auds, basa lang ako. Hindi ako madumi!" Nakakainsulto talaga to minsan eh. Agad naman siyang tumawa at ibinuka ng mabuti ang kaniyang mga bisig na tila hinihintay akong kumapit at yumakap sa kaniya. Napatunganga ako, hindi alam kung ano ang gagawin.

 

"Drei, ano ba? Yayakapin mo ba ako o tutunganga ka lang diyan? Dali na! Nakakangalay kaya!" Pagrereklamo niya ng hindi nawawala ang kaniyang mga ngiti. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at agad siyang hinila papalapit sa'kin. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang sa mukha pero agad naman itong napalitan ng isang matamis na ngiti. Hinawakan ko ang bewang niya at niyakap siya ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang mga kamay sa aking likod na tila ba pinaparamdam sa'kin na kahit kailan ay hinding-hindi siya magsasawa sa mga yakap ko.

 

"Ang swerte ko talaga sa'yo, alam mo yun?" Tanong niya. Tumawa ako ng mahina at tumango.

 

"Oo. Araw-araw mong sinasabi sa'kin yan," sabi ko. Nanatili kaming ganun ng ilang mga minuto. Wala sa'ming dalawa ang nag-atubiling putulin ang pagyayakapan namin. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami, wala lang sa'min tuwing nagyayakapan kami. Purong pagkakaibigan lang talaga. Ngunit nang lumipas ang panahon, unti-unting nagbago ang nararamdaman ko para sa babaeng ito. Hindi ko alam kung paano o bakit, pero nagulat nalang ako ng isang araw, naging maganda nalang siya sa paningin ko. Oo, maganda naman talaga siya pero hindi ko pa na-appreciate ang kagandahan niya noon. Ngayon ko lang napansin na kahit itabi at ikompara mo pa siya sa ilang bilyong babae dito sa mundo, siya pa rin ang makakakuha ng atensyon ko.

 

"Drei, maligo ka na. Ang baho-baho mo na," biglang sabi niya na siyang sanhi para kumalas ako sa pagyayakapan namin. 

 

"Hah! Ang higpit nga ng pagkakayakap mo sa'kin eh tapos sasabihin mong ang baho ko na? Aba! Baka gusto mo ng kili kili power!!!" Sigaw ko at inipit ang mukha niya sa kili-kili ko.

 

"Yuck, Drei! Lumayo ka nga! Amoy asim! Yuuuck!" Natatawang pag-iinarte niya.

 

"Hahaha! Oo maliligo na po, mahal na prinsesa! Magpalit ka ng uniform!" Pagpapaalala ko bago ako pumasok sa cr.

 

"Opo mahal na hari!"

 

Ganiyan ang nakagisnang routine namin ni Audrey. 5:30 pa lang ay agad na iyang papasok sa loob ng kwarto ko upang gisingin ako. Kapag 5:45 na at hindi pa ako gising, tinatapunan niya ako palagi ng isang tabo ng tubig. Pagkatapos ay magmumurahan kami at magyayakapan ng ilang minuto at since mababasa din siya, she made sure na magdala ng extra uniform para makapagbihis. I look forward to that everyday because seeing and hugging her first thing in the morning gives me energy to face a new day. 

 

Pagkatapos kong maligo ay kumain na kami ng almusal at magkasamang pupunta sa school. Since walking distance lamang ang bahay namin mula sa paaralan ay syempre, nagba-bike kami. Duh nakakapagod kayang maglakad kahit walking distance! 

 

"Drei, nagawa mo na ba assignments natin?" Tanong ni Audrey habang hinihintay akong matapos sa pag-lock ng mga bike namin. Agad kong hinalungkat ang bag ko at inabot sa kaniya ang tatlong extra notebook para sa kaniya.

 

"Oh eto. Para sayo yan. Ginawan na kita kasi alam ko namang tamad ka gumawa ng sarili mong assignment! Atsaka, you're welcome," sabi ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti. Her smile reached her eyes and I'm thankful because I made her happy again. She jumped up and down atsaka nagtip-toe para halikan ako sa labi. Oo. SA LIPS.

 

"Thank you talaga Drei! I love you talaga! Mwa mwa mwa!" Nanggigigil niyang sabi at paulit-ulit akong hinalikan sa lips. Matapos ay nauna na siyang pumasok sa loob ng paaralan habang ako ay tila bang naging estatwa sa aking kinatatayuan.

 

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit niya ako hinalikan sa lips ng para bang wala lang when in fact ay hindi kami magka-relasyon. Best friends with benefits kami. Oy wag green ha! Marami namang ibang benefits eh, di lang naman ano. Yung ano... ehehe. So eto ang explanation nun, kissing on the lips means na thankful kami to be with each other. Yan ang code namin sa mga kiss. When I kiss her on the forehead, it means na I want her to feel that she's safe with me, that I am willing to protect her no matter what. When she kisses me on the cheeks, it means na masayang-masaya siya pag kasama ako. When we kiss on the lips, yung smack lang ah, it means na pinaparamdam namin sa isa't isa na sobrang swerte naming dalawa dahil sa naging mag-best friends kami. BEST FRIENDS HA? BEST FRIENDS.

 

Hinawakan ko ang aking mga labi. It still feels like the first time, I thought. Napangiti nalang ako at agad na pumasok sa campus. Malapit na sana akong makarating sa classroom ng nakita ko si Audrey na pinagkukumpulan ng mga "admirers" niya. Sa tinding selos at galit sa mga lalakeng iyon, agad na kumulo ang aking dugo at agad silang nilapitan. Ang kapal naman nila para agawin sa'kin ang babaeng minamahal ko. Hinila ko si Audrey papalayo sa kanila at dinala sa loob ng classroom. Sakto wala pa kaming masyadong classmates.

 

"Drei? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.

 

"Ikaw? Okay ka lang ba? Hinawakan ka ba nila? Hinarass? Ano?!" Pag-aalala kong tanong habang tinitignan ng mabuti ang kaniyang katawan in case na hinawakan siya ng mga gagong yun.

 

"Drei! Kalma ka lang, okay? Okay lang ako. Di nila ako hinawakan o dinapuan ng maruruming kamay nila. I'm okay, Drei. Don't worry," she said sweetly enough to comfort me. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan itong hinaplos. I closed my eyes at naramdaman kong kumalma na ako.

 

"Stop worrying over those stupid guys. Hinding-hindi nila ako makukuha kasi diba nga promise ko sa'yo, ikaw lang ang lalake sa buhay ko?" Pag-aassure niya sa'kin. Tumango ako na para bang na-enchant ako sa sinabi niya. Para akong aso na pinapakalma ng master ko. Honestly, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa promise niyang yan. But, that promise gave me hope. Yan ang nagbibigay sa'kin ng pag-asang maaari kaming magkatuluyan sa huli. Iyan ang pinaghuhugutan ko ng lakas at pag-asa sa pang-araw-araw na minamahal ko siya.

 

"Tara na. Umupo na tayo at dadating na ang ibang classmates natin at si prof anytime," dagdag niya. Kinurot muna niya ang mga pisngi ko bago niya hinawakan ang kamay ko upang hilahin papunta sa magkatabing upuan namin.

 

Matapos ang last period namin sa umaga ay agad kaming tumungo sa canteen ng magkasama upang kumain ng tanghalian. Papasok na sana kami sa canteen ng marinig namin ang sigaw ng dalawang babae, kasabay rin ng sigaw ng mga kabarkada ko.

 

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napairap.

 

"Heto na naman tayo..." bulong namin. 

 

"See you this dismissal?" I asked her. Tumango siya ng nakasimangot. Akmang aalis na sana ako ng pinigilan niya ako. Napatingin ako sa naka-nguso niyang mga labi atsaka tinuro ang kaniyang noo.

 

"May nakalimutan ka ata," pagtatampo niya. Agad naman akong napailing at tumawa sa ka-kyutan niya. Napatingin muna ako sa mga tao sa loob, saka-sakaling may nakatingin sa'min pero ng mapansin kong wala ay agad ko siyang ninakawan ng halik sa noo. She smiled brightly and waved at me bago pumunta at sumama sa kaniyang dalawang girl best friends. Habang ako naman ay tumungo sa kinauupuan ng barkada ko.

 

"Uy Drei! Kanina pa kami naghihintay dito sa'yo ah. Tara order na tayo ng pagkain gutom na gutom na kami!" Sabay-sabay nilang pagrereklamo. Ang aarte talaga ng mga to. 

 

"Sige ba. Teka, kaninong libre ba ngayon?" 

 

"Dahil Thursday ngayon, syempre, kay Luis!" Sabi ni RJ kaya napatawa kaming apat, pwera nalang kay Luis na parang nabagsakan ng haligi ang mukha. 

 

"Oo na! Tangna ba't pa kasi ako pumayak diyan sa libre-libre na yan!"

 

Sinamahan na lamang ni RJ si Luis sa counter upang tulungan itong magdala ng tray. Ay nga pala, lima kaming magbabarkada. Ako, si Luis, RJ, Liam at Tommy. Di naman sa pagmamayabang ah, pero masasabi kong sikat kami dito sa school dahil pwera nalang sa kakisigan at kagwapuhan namin ay sadyang matalino din kami. /pogi pose/

 

"Oh eto na ang pagkain niyo, mga kamahalan! Nakakapucha kayo," pagmumura sa'min ni Luis. Binalewala na lang namin siya at nagpasalamat sa blessings na ibinahagi niya sa'min. Nagsimula na kaming kumain habang nagkekwentuhan.

 

 

 

AUDREY'S

 

 

 

"Uy, Auds! Okay ka lang? Kanina ka pa panay ng tingin kay Andrei ah?" Pagtatakang tanong sa'kin ni Cheska. Agad naman akong napatingin sa kaniya.

 

"Ha? Ah oo! Tinitingnan ko lang kung kumakain siya ng maayos," palusot ko. Napakibit-balikat nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

 

"Hay nako, Auds. Kaya mukhang spoiled yan sa'yo eh kasi tinatrato mong baby!" Mataray na sabi ni Gabby. Kahit kelan talaga ang bitter talaga neto kay Andrei. Kung wala lang tong boyfriend oh, matagal ko na talagang iisipin na may gusto siya kay Drei.

 

"Tumigil ka nga!" Saway ko sa kaniya kaya binelatan niya lang ako. "Eh sa mahal ko yung tao eh..." bulong ko. Napatingin silang dalawa sa'kin at agad naman akong natakot dahil baka narinig nila iyon.

 

"May sinabi ka, Auds?" Sabay na tanong nilang dalawa. Phew. I sighed in relief. Akala ko mabubuking nila ako.

 

Oo tama kayo. Simula't sapul pa lang, minahal ko na si Andrei. Mahal ko siya hindi lamang bilang best friend, kundi bilang higit pa sa pagiging matalik na pagkakaibigan namin. At alam kong ganun rin ang nararamdaman niya para sa'kin. Hindi man niya masabi ng harap-harapan ngunit damang-dama ko sa bawat titig na binibigay niya sa'kin at sa bawat pagyakap at paghawak niya sa'kin na tila ba mayroong kuryente na dumadaloy sa pagitan naming dalawa. I can feel and see the sparks whenever we look at each others eyes or when we hold each others hands. I can also see sparks fly when we share kisses.

 

Yung sinabi ko sa kaniya kanina, yung tungkol dun sa promise ko, I mean it. I really mean it. I can't imagine a life without him. Kahit ilang lalake pa ang magkumpulan sa harap ko, siya at siya lang talaga ang hahagipin ng mga mata ko.

 

I love him. I really do. Pero takot ako. Takot akong sumugal sa pag-iibigan namin. Kasi kahit na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa, alam naming may mali pa rin sa pag-iibigan naming dalawa. That's why even though we are aware of our emotions, mas pinipili naming pigilan ito for the same reason.

 

"Hello? Earth to Audrey!" Sabay na sigaw ni Cheska at Gabby kaya napabalik ako sa realidad. 

 

"Girl, kanina ka pa nakatingin sa kawalan. Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Gab atsaka hinawakan ang noo ko.

 

"Wala ka namang lagnat," dagdag niya. Napabuntong-hininga nalang ako at nagdesisyon na humingi ng payo mula sa kanila.

 

"Girls, huwag kayong maingay ha. May sasabihin sana ako," nagkatinginan silang dalawa at agad na sumeryoso ang mga mukha nila. Tumayo sila atsaka hinila ako papunta sa tambayan namin na kami lang ang nakakaalam.

 

"Ano iyon? Sabihin mo na bago pa mag-ring yung bell," nagmamadaling tugon ni Cheska. I heaved a deep sigh atsaka sinabi ko sa kanila ang lahat.

 

"Teka lang... Auds, seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gab. Na foresee ko na ang reactions nilang dalawa so hindi na ako magtataka kung hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

 

"God, Auds. Paano na iyan?"

 

"Kaya nga I shared it with you eh. Baka sakaling may maitulong kayo," mahinang sabi ko at napakagat na lamang ako sa labi dahil sa nahihiya ako.

 

"Auds, you already know what's right diba? Kung mahal mo, edi ipaglaban mo. Matuto kang sumugal, Auds. Here let me tell you something. Alam kong napaka-secretive kong tao at matagal niyo ng gustong malaman yung love story namin ni Nate. To tell you frankly, we aren't legal. Both our families disagree with our relationship. Kesyo ang bata-bata pa daw namin para pumasok sa isang relasyon, kesyo hindi daw ako deserving para kay Nate, ganern ganern, pero look at us now. We're together because we fought for our love. Sumugal kami, Auds. Even if it means betraying our own family. We did it because of love. Siguro maraming manghuhusga sa'min dahil sa pinili naming desisyon. But trust me, if you know that you won't regret the decision you made, it is very worth the risk," nanginginig na sabi ni Gab. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya kasabay doon ang pag ngawa ni Cheska sa gilid.

 

"Pucha, Ches! Nagmomoment kami dito tapos ikaw! Ayoko na!" Inis na pinunasan ni Gab ang mga luha niya kaya napatawa nalang ako. Sa ngayon ay hindi pa nakaka-relate sa'min si Cheska kasi hindi pa siya nagkaka-boyfriend at wala siyang crush. Sa tingin ko mag mamadre siya.

 

"Hoy wala akong balak mag madre ha! Tangna to kung makatingin oh!" Sambit niya atsaka ako tinapunan ng wet wipes. We all laughed at each other. Matapos naming mag heart-to-heart talk ay nagyakapan kaming tatlo. Timing din at nag-ring na yung bell, indicating that lunch time's over.

 

"Balik na kayo sa classroom niyo. Huwag niyo na akong ihatid," sabi ko sa kanila. Nagpumilit pa sila pero sunod-sunod kong nireject ang offer nilang ihatid ako sa classroom. Magkaiba din kasi kami ng building kasi I am a year older than them. Senior na ako habang sila ay juniors pa lang. 

 

"Audrey!!!" Rinig ko ang pagsigaw ng isang napaka-pamilyar na boses mula sa'king likuran. Agad akong lumingon sa kaniya at napangiti ng nakita ko siyang tumatakbo papunta sa'kin. Habang papalapit siya ay hindi ko mapigilang tingnan ang gwapo at maamo niyang mukha. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang nakakatunaw niyang ngiti na kusang nabubuo sa tuwing nakikita niya ako. Mahal na mahal ko siya. Gusto kong sumugal para sa'ming dalawa... pero ang hindi ko mapigilang isipin ay, susugal din ba kaya siya?

 

 

 

ANDREI'S

 

 

 

"Audrey!!!" Sigaw ko ng makita ko siyang naglalakad mag-isa papunta sa classroom namin. Nag-alala ako ng hindi ko siya makita kanina matapos kong kumain ng lunch kaya maaga akong lumabas sa canteen para hanapin siya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng makita ko siya. Pumunta ata sila sa tambayan nilang magbarkada na mismo ako eh hindi ko alam kung saan banda.

 

Habang papalapit ako sa kaniya ay nahalata kong titig na titig siya sa'kin. May dumi ba ako sa mukha? O sadyang gumwapo na ako sa paningin niya? Palagi niya kasi akong sinasabihang panget eh. Tumigil ako sa aking pagtakbo para titigan din siya sa mga mata niya. I can see stars twinkling inside her eyes. I can see the whole universe just by looking in her eyes. I can see... I can see... love?

 

"Drei..." bulong niya. It was still audible enough for me to hear it. Nanatili kaming ganun ng ilang minuto at nagpapasalamat ako dahil vacant namin ngayon. Kami nalang ang natitirang estudyante na nasa labas ng classroom kaya bago pa kami makita ng mga teachers ay napagdesisyunan kong hilahin siya papunta sa likod ng maintenance.

 

"Auds? May gusto kang sabihin?"

 

"Drei... sumugal ta'yo," hininaan niya ang boses niya kaya nagdadalawang-isip ako kung tama ba ang pagkakarinig ko o hindi.

 

"S-sumugal? Gusto mong mag-sugal?!" Gulat kong tanong. It doesn't make sense!

 

"Tanga! Sabi ko SUMUGAL TAYONG DALAWA! HINDI MAG-SUGAL!" Inis niyang bulyaw sa'kin. Napakunot naman ang noo ko. 

 

"Pareho lang naman iyon diba?" Tanong ko ulit na siyang sanhi para sampalin niya ang noo niya.

 

"Pucha ang slow mo talaga, bes! Grabe ka! Nakakagigil ka!" Inis na inis na talaga siya sa'kin. May nagawa ba akong masama bukod sa pagiging slow ko? Huhuhu.

 

"KAUSAPIN MO NALANG KAYA AKO NG DIRETSO, AUDREY! NAKAKATANGINA DIN KASI HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG GUSTO MONG IPAHIWATIG!"

 

"TANGINA MAHAL KITA!" Halos matumba ako ng dahil sa sinabi niya. Teka lang, nanaginip ba ako? Teka lang talaga. Kukurutin ko muna ang braso ko.

 

"Aray!" hiyaw ko. Binuka ko ang mga mata ko at oo nga... hindi ako nananaginip. Totoo talaga na nangyayari to sa'kin.

 

"HOY ANO NA?!" Nakalimutan kong nasa harapan ko pala si Audrey. Napansin kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata na tila ba natatakot siya sa maaari kong sabihin. Ngunit hinayaan kong tangayin ako ng emosyon at nararamdaman ko para sa kaniya. Magsasalita pa sana siya ng hinablot ko ang kaniyang mukha at hinalikan siya ng madiin sa labi.

 

Naramdaman ko na natigilan siya dahil sa ginawa ko ngunit agad naman siyang natauhan at hinalikan ako pabalik. I smiled throughout the kiss. Humiwalay ako at pareho kaming naghahabol ng hininga. I pulled her so close to me and hugged her tightly.

 

"Sumugal tayo," I repeated her words from before. I saw her head bob up and down. Tumatango siya habang humihikbi. I kissed her forehead and whispered, "Mahal din kita, alam mo ba yun? Kung hindi, ngayon alam mo na."


 

 

 

THIRD PERSON'S

 

 

 

Nagdaan ang ilang araw, buwan at taon, nanatiling magkarelasyon si Andrei at Audrey. They are almost a perfect couple, however, they could never show it to anyone. They could never show off how deeply in love they are with each other. 

 

Hanggang sa napagdesisyunan ng pamilya ni Andrei na ipakasal siya sa anak ng business partner nila. Hindi siya makapaniwala na makakapagdesisyon ng ganiyan-ganiyan lang ang kaniyang mga magulang. At ng ibinahagi niya ito sa kasintahan, ay nabasag ang puso niya ng makita niya itong sumalpak sa sahig kakaiyak.

 

"Auds... Di mo naman ako hahayaang mapunta sa iba diba? Ipaglalaban mo naman ako diba?" Naiiyak na ring sabi ni Andrei. Kanina pa siya hindi kinakausap ni Audrey dahil panay iyak lamang ang dalaga.

 

"Ands..." nanginginig na bulong ni Audrey. Agad siyang linapitan ni Drei at yinapos ng sobrang higpit. "I can't... I can't let you go. I'm sorry," patuloy pa rin ang hikbi niya. Napaiyak na ng tuluyan si Andrei dahil sinabi na ni Audrey ang gusto niyang marinig.

 

"Iyan lamang ang hinihintay kong sasabihin mo, Auds. Lalaban tayo. Aalis tayo dito. Magpapakalayo tayo," sinabi ni Andrei ang plano niyang pakikipagtanan kay Audrey at agad namang sumang-ayon ang dalaga. Mayroon naman na silang naipon kahit na kakatapos lang nilang mag-college.

 

Nang dumating ang araw na pinakahihintay nila, nagtagumpay sila sa kanilang plano at pumunta sa malayong lugar kung saan ay mahirap silang hagilapin ng kanilang mga magulang. 

 

"Audrey? Salamat ha? Thank you for not leaving me behind. For not giving up on me. Salamat kasi hindi mo ako hinayaang magpakasal sa iba," he whispered before kissing her forehead.

 

"Thank you. Dahil sumugal ka. Thank you kasi you took the risk together with me. Hindi ko inakalang aabot tayo sa point na ganito, but it is true. Na kapag sigurado kang hindi mo pagsisihan ang desisyon na pinili mo, everything will always be worth the risk," she answered him as she looked up to him and planted a soft kiss on his lips.

 

Sa mata nilang dalawa, sila ay nagmamahalan ng totoo. Sila ay nagmamahalan ng sobra. Pero sa mata ng ibang tao, sila ay immoral at may pag-iibigang hindi makatarungan at legal.

 

Sa mata nilang dalawa, sila ay ang kapares ng isa't isa.
 

Sa mata ng iba, sila ay magkadugo. Magkapatid. Magkakambal.

 

 

-fin-
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
izaraaries #1
Why its in tagalog