Chapter 1

The Sleeping Beast

Chapter 1

***

   Binuksan ko ang malaking pinto at nakita ang isa’ng lalaki na nakahiga sa isang napakalaking kama. Mukhang natutulog ito, Oo nga, natutulog ito. Maamo ang mukha nya. Napakaamo.

   Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya saka ito tinitigan. Maputla ang balat nya, sobrang itim na ang buhok nya. Nilayo ko na ang mukha ko saka umupo sa tabi nya. “Kailan ka kaya magigising?” tanong ko at sinuklay ang buhok nya gamit ang mga daliri ko. “Ano kaya ang pangalan mo?” Sabi ko at hinaplos ang napakalambot nya’ng pisngi.

   Nilapit ko muli ang mukha ko sa mukha nya, wala naming masama kung nanakawan ko sya ng halik, hindi nya naman malalaman dahil tulog sya. Mas lalo ko’ng nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Sinuri ko ang mukha nya at napatigil sa labi nya. Mas lalo ko’ng nilapit ang mukha ko at naglapat ang mga labi namin. Para’ng maykuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

   Hindi ko alam ung bakit koi to ginawa pero mayparte ng puso ko ang gusto nito.

 Hanggang ngayon, nakalapat pa rin ang mga labi namin ng bigla’ng mu-mulat ang mata nya. Nakatitig sya sa akin kaya napaatras ako. “Sino ka?” tanong nya. “Pasensya na, hindi ko sinasadya.” Nagpapanic ko’ng sabi at tumalikod upang lumabas ng kwarto pero hinawakan nya ang braso ko. “Soo.” Sabi nya. Halatang malungkot ang boses nya, puno ng pagmamahal at sinseridad ito. “H-Hindi po ako si Soo, pasensya na.” Sabi ko habang nakayuko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya at lumabas ng kwarto habang sya ay naiwan’g nakanganga, halatang hindi nya alam ang nagyayari.

   Kahit ako, hindi ko alam ang nangyayari. Kanina lang, nasalaot ako, namamangka, ang natatandaan ko lang ay tumabingi ang bangka na aking sinasakyan at nahulog ako. Un lang ang naaalala ko. Pagmulat ko ay nasa harap na ako ng malaking pinto  ng kwarto na ito.

   Nagmamadali ako’ng lumabas ng pasilyo ng may nakasalubong ako’ng babae, maganda sya at maputi, nakasuot rin sya ng magarang damit. “Hi.” Sabi ko at nilampasan sya. Halata’ng nagulat sya sa inasal ko at kumunot ang noo nya pero kahit ganun, ang ganda pa rin nya.

   Hindi ko alam kung nasaan na ako basta ang alam ko ay nasa-isang kwarto ako, may Jacuzzi ito na napakahaba. Sinuri ko ang buong kwarto at namangha ng Makita ang iba’t-ibang klase ng dekorasyon. Lumapit ako sa Jacuzzi at tinitigan ito. May mga pink rose petals ito kaya hindi sya masyadong malalim. Lumuhod ako saka uli ito tinitigan. Laking gulat ko na may lalaki ang umahon rito. Medyo may kabataan sya at kamukha nya ung kanina na tumawag sa akin na Soo. “Soo, ano’ng ginagawa mo dito? Bawal ka rito.” Sabi nya. “S-Sino ka?” takot ko’ng tanong at umatras pero lumapit sya. “Soo. Si Wook ito” sagot nya.

 

 

 Teka? Ano daw? Wook? Ang alam ko lang na Wook ay ang the 8th prince Wook sa labing-apat na magkakapatid. “Prince Wook!?” gulat ko’ng tanong habang nakatitig sa kanya. Unbelievable. Tumango lang sya at sinubukang lumapit sa akin pero lumayo ako at tumakbo papaalis.

   Habang tumatakbo ay maynakabangga ako’ng babae na nakatirintas. “Lady, kanina pa po kayo hinahanap ni Myung Hae.” Sabi nya at hinawakan ang dalawa ko’ng kamay pero tinago ko agad ito sa likod ko. “Ano?” tanong ko. Sino’ng Myung Hae? Para’ng hindi naman namin sya napagaralan sa history ah? Naku, makabalik lang talaga ako, susugurin ko ung history teacher na iyon. “Pinapatawag po kayo ni Lady Myung Hae.” Sabi nya uli.

   Ano ba ang nangyayari? Nasaan ba ako? Am I in the past? Not possible. Sino ba talaga ako? Tiningnan ko ang sarili ko at napansin na nakasuot ako ng kulay pink at napakagarang bistida. Nakakalito. Nahihilo na ako dahil sa sobra’ng pagkalito. Bigla nalang lumabo ang paligid at unti-unti ng dumilim ang paligid.

To be continued…

***

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
FDRParales
Please vote and comment, and be a fan! thanks! mwah mwah!

Comments

You must be logged in to comment
miss_yuki
#1
Chapter 1: Really hope i can read this.
Anyway author nim, fighting and add tag iusinger