tama ang manghuhula

Ang Ideal Date ni Momo
Please log in to read the full chapter

Pagdaan nila sa bulletin board, kumuha si Momo ng papel mula sa isang maliit na kahon.

 

“Tuparin ang iyong ideal date”

 

“Mina, pasyal tayo sa Manila!”

“Momo, bigla-bigla ka yatang nagpa-plano ng lakad…”, nagtatakang sagot ni Mina.

“Basahin mo ‘to”, sabi ni Momo sabay abot ng papel. Tumigil silang maglakad sa may hagdanan para basahin ni Mina ang limang salitang nakasulat sa papel. Pagkalipas ng ilang sandali, nagsalita na rin si Mina.

“Sa Manila ang ideal date mo? At bakit ako? Hindi mo ba ‘yan natupad noong kayo pa ni Rosè?”

“Alam mo naming seryoso kami mag-aral ni Rosè, kaya puro coffee shop lang napupuntahan namin.” Humalakhak si Momo na parang may halong kapaitan.

“Biro lang,” habol pa niya, “Hindi lang siguro siya kasing lakwatsera ko. Kung hindi kami sa coffee shop, doon lang kami sa condo niya, manonood ng mga Korean drama at…” tumigil sa pagsalita si Momo.

Mabuti nalang at hindi tinuloy ni Momo ang kwento niya dahil hindi na maipinta ang mukha ni Mina. Aminado naman siyang nagseselos siya. Mga tatlong buwan na mula nagkahiwalay sina Momo at Rosè pero nababalisa parin siya kapag napag-uusapan ang ex ni Momo.

 

Hindi makatulog si Mina noong gabing iyon.

Peste talagang kahon ‘yon.

Pati kahon sinisisi. Nakalagay ang kahon sa bulletin board sa labas ng guidance office. Nadadanan nila ‘yun pagkatapos ng klase nila kapag Biyernes. Sa kahon na iyon, makakakuha ng maliliit na papel na layon magpasaya sa mga mag-aaral. Minsan may payo, minsan may sipi. Kadalasan, may mga gawain para makipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa isa’t isa. Katulad na lamang ng papel na nakuha ni Momo kanina.

 

Pesteng kahon.

Walong buwang nakalipas, doon din nakuha ni Momo ang papel na may nakasulat na “Batiin mo ang crush mo”

Doon nagsimula ang pag-iibigan nila Momo at Rosè.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising si Mina sa tunog ng kanyang cellphone. Nakita niya sa orasan na alas-sais pa lamang ng umaga. Sabado ngayon at gusto pa sanang magpahinga ni Mina.

 

Sinong tatawag ng ganito kaaga, bulong niya sa sarili habang minumulat ang mga mata.

 

Nawala ang antok ni Mina nang makita kung sino ang tumatawag. Si Momo.

 

“Momo?”

“Mina! Punta tayong Manila? Tara!”

“Ha? Ngayon na?

“Oo? May iba ka bang lakad?”

 

Wala. Pero teka. Ano ‘to? Ano isasagot ko?

Natataranta si Mina. Oo, gusto niya makasama si Momo. Palagi namang masaya ang mga lakad nila kahit na kaibigan lang ang turing sakanya ni Momo. Pero ang lakad na ‘to ay ang ideal date ni Momo. Malamang ay hindi mapakali si Mina. Baka lalo pa siyang mahulog sa kaibigan, kung may ilalalim pa ang pagkahulog niya.

 

“Pwede sa ibang araw nalang? Uulan mamaya eh. Sayang lang.”

“Paano mo nasabi? Mukhang maganda naman ang panahon ah.”

“Kasi sabi ko.”

Narinig ni Mina ang halakhak ni Momo sa kabilang linya.

“Hindi ako naniniwala sa mga babaeng nagda-dahilan ng “kasi sabi ko”, pero iba ka talaga, Mina. Sige, pero sa susunod na maganda ang panahon, sasamahan mo ako?”

“Oo.”

“Hihintayin ko ‘yan. Paalam.”

“Paalam.”

 

Mga tatlumpung minutong nakahiga at nakatingin sa kisame si Mina. Hindi naman niya ginusto magtaray. Hindi lang kasi niya naiintindihan kung ano ang dahilan ng kanyang pagkabalisa. Naramdaman niyang uminit ang pisngi niya habang kausap si Momo kanina. Gusto niya rin makasama si Momo. Siguro gusto niya rin magpanggap na kasintahan ni Momo. Kahit isang araw lang. Pero alam niya rin na baka sa huli ay masaktan lang siya. Baka hindi naman siya ituring ni Momo bilang kasintahan.

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

“Momo.”

“Ano yun?” tanong ni Momo paglingon sa katabi, na napatigil sa kanyang kumikinang na ngiti. Napa-buntong hininga si Mina. Bakit ba ako kinakabahan?

“Diba sabi ni Ma’am Bae may conference siyang pupuntahan sa Huwebes kaya wala tayong klase? Hanggang alas-diyes lang klase natin nun. Bakit hindi tayo mamasyal sa Manila noong araw na ‘yun?”

Kitang-kita ang saya sa kislap ng mata ni Momo.

“Talaga? Sige! Gagawa na ako ng itineraryo natin.”

Oo naman. Kung ngiti mong about hanggang tainga ang makikita ko, tatanggi pa ba ako? ang dapat isasagot ni Mina, pero hindi nalang siya nagsalita.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay hinila na ni Momo si Mina patungo sa sakayan ng jeep.

“Tara na Mina! Kailangan natin sulitin ang araw na ito!”

Mukha siyang bata. Bilib nalang ako at hindi sumasakit ang panga niya sa kakangiti niya.

 

Nakatulog si Mina sa fx. Hindi niya rin alam pero parang hele ang pagsakay niya sa mga

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
barron_8 #1
Chapter 1: Yeyy!!! Tagalog!!! Ang ganda ng kwento mo!! :D
Reacth #2
Chapter 1: Author-nim Eng version please, I think your story interesting but I can't understand it