Oble

The University Files

Oble.

Word count: 3,094 
Setting: UP Diliman
AU: Isko!Kaisoo (BA Film Jongin; BA
 Linguistics) 


 

Si Jongin, palabiro yan.

Mahilig mang-irita. Di yan titigil sa panloloko, pang-aasar, at pang-eepal hangga’t di ka pa naluluha sa inis. Madalas hinahayaan nalang siya ng mga tropa niya, yung mga co-drummers niya sa pep squad sanay na sanay na jan, tipong kausap niya nalang na yung pader minsan.

“Tawa nalang kayo guys,” madalas na bulong ni sehun sa tuwing nagbibiro yung baliw niyang bespren “kawawa naman, minsan lang mawalan ng eyebags yan.”

Well, totoo naman din kasi. Sobrang minsan lang hindi pagod tong batang toh. Seryoso naman siya kung kailangan maging seryoso, sa acads man yan o sa training. Tahimik pag pagod mentally, tulog pag pagod physically. Kaya pag nadadatnan ninyo yang hyper at gising na gising ang diwa, aba matuwa nalang kayo para sakanya. “Nakapagpahinga ang gago” ani nga ni sehun.

Pero kasi hindi lahat ng tao kasing patient ni Sehun at lalong hindi lahat ng tao nakakaranas ng side na toh ni Jongin. Sa mga ka-close niya lang siya ganito kasi get real naman, hindi siya mang-gagago ng kahit sinu-sino lang. Syempre para sa mga acquaintance level niyang kaibigan, chummy chummy muna siya, pa-good shot.

Kaya malas nalang ni Kyungsoo, sobrang close nila. Kasing close siguro nila ni Sehun, pero iba. Iba talaga.

Yung panga-asar ni Jongin sakanya, Iba rin. Malala friends. Hindi talaga siya tinatantanan.

Noong una siguro nakikitawa pa siya, at siguro may halong konting kilig pa noon. Di parin siya makapaniwala na nagging ka-close niya ang nag-iisang crush ng bayan na si Kim Jongin, UP pep squad drummer at college scholar ng BA Film.

Pero ibang storya na yan. Basta ang point, after all the GE-s and break times together, lumevel up na ng todo ang friendship nila. And at the same time, nangibabaw na rin yung inis ni Kyungsoo sa kilig niya. Kasi puta naman, oo na maliit na siya move on ka na Jongin, next joke please.  

“Kung di ka lang talaga malakas sakin matagal na kitang hinulog sa bell tower.” Ang madalas niyang mantra sa sarili.

Never pa namang umabot sa point na nagalit si Kyungsoo, at dahil dito lumakas loob ni Jongin. Di niya alam bakit, pero pag si Kyungsoo kasi ang sarap sarap inisin. Di niya alam kung dahil gusto niyang makita yung sobrang cute na itsura nito kapag nakakunot ang ilong at nakangiwi sa inis, o dahil gusto niyang magkadahilang lumambing pagkatapos para humingi ng sorry.

Si Kyungsoo panaman, siya yung tipong madaling mapikon. Kaya Jongin loves the fact na isa siya sa mga exceptions. One of the few people who can get away with it. (Awing-awa nalang siya kina Chanyeol at Baekhyun kapag sila nakakatikim ng himagsik at galit ng BA Linguistics  major na si Do Kyungsoo).  

Pero isang araw, mejo nagcross the line ata siya sa pagbibiro. Alalang alala niya yung araw na yon, June 19, kalagitnaan ng summer break sa UP (bwisit na acad calendar shift yan). May mga sunflowers na sa may univ ave kasi malapit na graduation.

Noong araw na yon, kakagaling lang nila sa lunch date nila sa Trinoma (ayon kay Jongin, date yon, walang kokontra) nang naisipan nilang dumalaw sa UP para masilayan yung sunflowers in full bloom. Nilibre siya ni Kyungsoo ng taho habang nakatambay lang sila doon sa may oblation. Buti nalang mejo hapon na noon at hindi na gaano katirik yung araw.

“Mas matangkad pa ata yung sunflower sayo, soo.” Hirit ni Jongin mataops niyang itapon yung taho niya.

“Ewan ko sayo.” Sagot nalamang ni Kyungsoo, di niya na talaga alam gagawin niya sa lokolokong toh. 

“Lapit ka, picture tayo.”

“Baliw! Anjan lang si oble o ayaw mo bang grumaduate?”

“Arte naman neto, naniniwala ka talaga sa mga ganyan? Dali na! Picture lang!”

“Ayoko, mag-isa ka jan.”

“Oh come on, ano gusto mo? Front seats sa CDC? Ticket sa pep rally? Momol sa lagoon?”

“Makipagmomol ka sa puno at kainin mo yang ticket mo, ang gusto ko, grumaduate on time. Jan ka nalang sa sunflower magpapicture, tutal baka 2020 ka pa makapagpapicture jan.”

“Foul. G-graduate ako on time, watch me.”

Pagkasabi neto ni Jongin bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa mga sunflowers na nasa island ng univ ave. Hindi na napigilan ni Kyungsoo na ngumiti habang pinapanood niya itong mag-selfie kasama ang mga bulaklak na halos kasing tangkad niya lamang.

“ohmygod, ginawa nga?? Parang tanga talaga to oh.” Ang mahina niyang bulong sa sarili.  

Lalong lumakas yung tawa niya nang makita niyang kung anu-ano pang mukha at posing ang ginawa ni Jongin sa mga pictures niya. Note to self: manghingi ng kopya, for blackmail purposes.

Triumphant yung ngiti ni Jongin habang naglalakad siya pabalik kay Kyungsoo. Nang umupo ulit siya sa tabi neto, panay ang tawa niya habang nags-scroll through sa gallery niya, to the point na mejo naweweirdohan na si Kyungsoo. Ganon ba ka funny itsura niya sa picture? May mas f-funny na ba sa mga baduy sa selfie ni kuya Junmyeon?

Hm. Amoy seafood. Naisip ni Kyungsoo. Amoy seafood talaga. Smells fishy.

“Patingin.” Mahinang paalam ng nakatatanda habang pilit na sumisilip sa screen ng kaibigan.

Si Jongin naman, for the sake of skinship, lalong inilalayo ang cellphone. “Ayoko nga. Ayaw mo magpicture e.”

“Eh, Jongin sige na, please?” ngiwi ni Kyungsoo habang inaabot ang nakataas na cellphone

“Pacute?”

“tang- patingin lang jusko!”

“Sigurado ka?”

“Oo nga!”

“Sige nanga, lakas mo sakin e.”

Nang iabot ni Jongin ang cellphone, agad-agad niya itong hinablot at in-unlock (matagal nang shinare sakanya ni itim yung password niya, 9493 daw. Wow. Di obvious). Hindi niya talaga magets kung ano nakakatawa, kasi sa pagabot palang ni Jongin, mukhang pigil na pigil na sa pagtawa.

Pero sa ilang segundong pag unlock at pagscroll through ng gallery, biglang namutla si Kyungsoo dahil gets na niya. Gets na niya, at p u t a n g i n a lang.

Dahan dahan siyang napatayo sa inuupuan niya. Somewhere in the background ang lakas ng tawa ni Jongin pero wala na talaga siyang pakialam kasi busy siya sa pagtitig sa picture na nakalitaw sa cellphone.

Walang Jongin. Walang sunflower.

Merong Kyungsoo. Merong Oblation.

Picture ni Kyungsoo na nakaupo sa harap ng oblation.

Hindi siya makakibo. Nanlaki ang mga mata niya habang nagkaroon siya ng mini flashback ng buhay niya dito sa UP, ng mga pagpupuyat para sa finals, ng mga pagpipila para sa enlistment, ng mga pananakip para sa kagaguhan ni Jongdae.

“Huy! Di ka na gumalaw! Naging statuwa ka na rin ba?” ang patuloy na pang-iinis ni Jongin. Sumasakit na tiyan nya kakatawa nang mapansin niyang nagfreeze nalang bigla si Kyungsoo.

Habang pinupunas niya yung kanyang tears of joy, nilapitan niya ito.

“Uy game sige delete ko n-“

Hindi na nakumpleto ni Jongin yung sasabihin nang mahawakan niya ang balikat ng kaibigan. Nagulat nalamang siya nang maramdaman niyang nanginginig ito, at syempre, bigla siyang nag-alala.

“Soo, okay ka lang?” mahina niyang tanong. Nilapitan pa niya ito para silipin ang expression.

 

Oh no.

Oh Shet. 

Is he crying?

Patay tayo jan Kim Jongin.

 

 “MADEDELAY AKO!!!!! JONGIN KIM, YOU, SOLID!!!!”

 

***

 

So ayun, matapos ang araw na yon, June 19, kalagitnaan ng summer break sa UP, na-demote si Jongin sa hierarchy ng pagkakakaibigan nila ni Kyungsoo, at sa ngayon, nasa wag mo ko kakausapin o hahawakan level siya. Mas mababa pa ata sa level nila noong una silang nagkakilala. Galing galing.

Not a very good place to be in, inaamin niya. Pang 8 araw na niyang hindi nakikita si Kyungsoo, at apparently, naaapektohan na ang performance niya sa training, base sa walang tigil na pagrereklamo sakanya ni Sehun ngayon.

“Hoy umayos ayos ka may cheer na tayo in two weeks.” Ang sabi ng nakababata.  “sinira mo na reputasyon mo kay kuya Kyungsoo wag mo naman idamay yung reputasyon mo dito bilang lead.”

“Sehun ano ba gagawin ko…di parin ako kinakausap ni Kyungsoo.”

“Tanga ka kasi bat mo naman ginawa yon? Lam mo namang matindi paniniwala si kuya sa mga ganyan.”

“E biro lang naman kasi!”

“Yan ka nanaman sa mga biro biro mo e, bilis ng karma no?”

“Pano ako magssorry kung ayaw naman niya akong kausapin?”

“Lumuhod ka.”

“Seryoso kasi.”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Yan. Yang mukha mong yan, yan na mismo ang biro.”

Sa gigil ni Sehun, nabato niya ng di oras yung medyas na sinusuot niya. “Swerte mo sanay na ko sayo kundi matagal ka nang nawalan ng isa pang kaibigan.”

Swerte?! Ang sigaw ni Jongin sa isipan, Swerte rin ban na amoy alipunga tong medyas mo?!

 

Needless to say, dahil wala rin naman naitulong si Sehun sa advice, ginawa na lamang niya ang lahat-lahat.

Buong summer break, halos hindi niya nakita si Kyungsoo. Halos nabaliw siya kakaworry, dahil seenzone nanga siya sa lahat ng social media accounts niya, seenzone pa siya sa totoong buhay. Hopia.

Dumating ang enlistment period, sinubukan niyang i-PM si Kyungsoo.

 

-Friday 1:36am-

Soo, kamusta CRS? Nakakuha ka ba ng units? :( 

 

Mga ilang minuto ang nakalipas bago narinig ni Jongin ang pamilyar na ping ng facebook messenger box. Agad agad niyang inabandon ang @BabyAnimalPics twitter page para icheck ang reply ng kaibigan.

 

Ikaw ba?

 

Nothing more, nothing less. Mejo nahurt si Jongin pero ok lang siya, ok lang talaga.

 

Keri na…Naka 15 na ko. Isa nalang siguro pipilahan ko. Sabay tayo sa enlistment? Libre kita after?

 

Kagat kagat ang daliri, pinanood ni Jongin ang paulit ulit na pag-appear ng ‘typing’ symbol sa ibaba ng box. Ang haba ata ng reply ni Kyungsoo, ganon ba kadami nakuha niyang subjects?

 

Mukhang swinerte ka nanaman a, ano maginhawa naman tayo after? Para maiba naman sa iskomai?

 

Napabuntong hininga nalamang siya sa reply niya. Hindi pang-maginhawa yung laman ng wallet niya, at mas lalong hindi pang dalawang tao, pero kung ito ang kailangan upang maayos ang relasyon nila ni Kyungsoo, sige, kahit gaano pa kamahal puntahan nila.

Presyong mahal, balewala kung kasama mo naman taong mah-

 

6 units lang ako, majors. Nagsisimula na sumpa mo saken. _|_ Salamat talaga, not.

 

Napatitig si Jongin sa reply.

6 units???

First time ni Kyungsoo magkaroon ng ganitong kababang bilang ng units mula sa CRS. For the past academic years, 9 units na ata pinakamababa niyang nakuha. Sa lahat banaman ng naging sem nila, bakit ngayon lang siya minalas ng ganito?

Kasalanan niya ba talaga toh?

“Nananadya ka aba ha?” Galit na bulong ni Jongin sa laptop niya kung saan nakadisplay yung website ng CRS at ang kanyang glorious 15 units.

 

Sorry talaga, soo. Tutulungan kita pumila sa Tuesday. Promise.

 

***

 

Sinubukan niyang magpagood shot sa favorite niyang Linguistics major.

Sa 7 am GE class nila together, (Yung pinilahan ni Jongin para kay Kyungsoo, yun na din kinuha niya para sa last 3 units niya. Galawang breezy) pinipilit na niyang agahan ang pagpasok para lang makapagreserve ng seat ni Kyungsoo sa tabi niya, kahit halos iuntog na niya ulo niya sa pader sa antok.

Nagkaroon na sila ng maagang GE together in the past. Normally, si Kyungsoo lagi ang mas maaga pumasok, at sa tuwing dumadating si Jongin sa klase laging may pamilyar na itim na Jansport backpack na nakapatong na sa reserved niyang upuan.

Jongin’s definitely not a morning person, at alam ni Kyungsoo yon, kaya minsan magugulat nalang siya na bukod pa sa pagrereserve ng seat, dinadalhan siya ng simpleng almusal. Madalas pandesal na pinalamanan ng cream cheese at may kasamang chocolate na milk magic (kasi ayaw ni Jongin ng kape).

Kakainin ko pa sana mamaya, pero sayo nalang. Ang madalas na alibi ni Kyungsoo.  

Hindi lang nasabi ni Jongin, pero throughout that one sem, kahit gaano pa kaaga pasok niya, masilayan niya lang si Kyungsoo, buo na araw niya.

Kaya ang saklap lang nung fact na pumasok siya sa first day ng GE nila this sem at walang nakareserve na seat sakanya. Napilitan siyang umupo sa may harapan, habang si Kyungsoo nasa bandang gitna, may katabi nang iba.

 

***

 

Sinubukan niyang magpaka cold shoulder.

May isang point, na mejo nainis na rin siya sa pagka-NR ni Kyungsoo. Kaya naisip niya nalang na two can play at that game.

Walang pansinan kung walang pansinan. Deadma kung deadma.

Nag-sorry na ko ang paliwanag niya sa sarili niya, Kaya siya na bahala kung tatanggapin niya o hindi.

“Para naman kayong mga bata.” Ang sabi ni Baekhyun, isang Broadcast Communication major na ka-committee ni Jongin sa Cineastes. “Jusko, Yung isa, ibang level ang pagka-annoying, yung isa naman, grabe mapikon. Hay when you’re meant to be nga naman oo.”

“Nagsorry na ko Kuya Baek. Wala na tayong magagawa kung gawa sa bato yung puso non.”

“Oh please, don’t be dramatic. Wag ka na mag-alala, lalambot din yan in no time. Bato-batohan lang yang si Kyungsoo, but we both know that he’s head over heels for you.”

Pagkasabi nito ni Baekhyun, biglang namula pisngi ni Jongin. Sinubo niya yung isang buong siomai sa bibig niya at iniwasan nalang ang mapangasar na tingin ng kaibigan habang nginunguya ito.

“So…” imik muli ni Baekhyun matapos ang ilang minuto ng katahimikan (himala).

“Hindi mo pa ba balak yan ligawan?”

Ang immediate response ni Jongin? Masamid.

Natawa nalang si Baekhyun habang pinapanood niya itong magrecover.

“Pano ko liligawan e galit nga sakin!!!”

“Ah, so ibig sabihin may balak ka nga?”

Sinubo na ni Jongin yung huling siomai sa bibig niya, “…Secret.”

 

May knowing spark sa mga mata ni Baekhyun nang palabiro niyang sabihin, “Jan nagsimula lolo’t lola ko e, sa secret secret na yan.”

 

***

 

Sinubukan niyang manlibre.

Sinubukan niyang magpaimpress.

At puta sige, Oh Sehun, Sinubukan niya na ring lumuhod.

 

Pero kahit anong gawin niya, hindi parin bumabalik sa dati kalagayan ng relasyon nila ni Kyungsoo.

Ubos na ideas ni Jongin at matatapos na ang second week ng sem ng may galit parin sakanya ang matalik niyang kaibigan (ka…ibigan?).

To say he’s desperate is an understatement.

At unang naramdaman ni Kyungsoo kung gaano kadesperado si Jongin nang marinig niya ang biglang sabog ng notifications sa phone niya.  Tuluyan nang naistorbo ang mahimbing niyang pagtulog nang marealize niya na hindi ito tumitigil, kung kaya’t minabuti na niyang bumangon at icheck kung ano nanaman kailangan nitong lokong toh.

32 unread messages (and counting), at lahat pare pareho lang ang laman.

 

Soo, usap tayo.

 

Napahikab nalamang si Kyungsoo. Sinagot niya ang mga text, dahil naisip niya na the faster he answers the sooner he gets to go back to sleep. (Tchaka, slightly nakakaworry na gising pa si Jongin sa mga oras na toh, pero di na niya aaminin yon.)

 

Di ba pwedeng bukas nalang? 2am na Jongin.

 

Matapos niyang mapindot ang send, sinandal niya muna ulo niya sa pader para umidlip ulit ng saglit. Salamat naman sa Diyos, tumigil na sa pags-spam si Jongin.  

 

Hindi pwede. Usap tayo.

Tungkol sa?

Alam mo na tungkol saan. Kyungsoo sorry na, hindi mo parin ba ako papatawarin?

…matulog ka na Jongin. 7am pa pasok naten bukas.

Hindi. Hindi ako matutulog hangga’t sabihin mong okay na tayo!

Baliw ka ba?

Para sayo? Oo.

 

Hala siya. Kinagat ni Kyungsoo ang kanyang labi at huminga ng malalim. Bawal kiligin.  

 

Jongin tama na.

Kyungsoo, please naman. Nagbibiro lang naman talaga ako non. Matagal ko nang dinelete yung pictures.

Matutulog na ako.

Kyungsoo naman!! Kung di pa naten tapusin tong away na toh ngayon hindi mon ako makikita sa graduation!!

 

Kyungsoo squints his eyes sa huling reply ni Jongin. Ilang minuto ang lumipas bago niya kinonclude na hindi niya gets. Kaya wala na siyang ibang maisip na ireply kung hindi:   ??

 

Ayoko gawin toh.

 

Muli, isang confusing response. Hindi niya parin gets.

 

Jongin ano ba pinagsasabi mo.

Tatalon ako.

 

Tatalon? Saan?

Segundo ang dumaan bago may isang ideyang pumasok sa isipan ni Kyungsoo.

Isang hindi magandang ideya.

Agad na bumilis kutob ng dibdib niya. Napuno siya ng nerbyos at dali dali niyang tinype ang reply niya.

 

HA GAGO KA?? GAGAWIN MO BA YUNG INIISIP KONG GAGAWIN MO?

Sorry, Kyungsoo. Sorry talaga.

 

Sa puntong ito nanginginig na ang mga kamay ni Kyungsoo. Nagmamadali siyang tumayo mula sa kama upang magsuot ng manipis na jacket at ng tsinelas. Takot ang bumalot sakanya nang basahin niya ng paulit-ulit ang text ni Jongin. Tumakbo siya sa palabas ng pinto, while frantically typing away on his phone.

 

JONGIN KIM. KUNG ANO MAN YANG BALAK MO TIGIL TIGILAN MO YAN. NASAN KA?!

 

Dumoble ang bilis ng kutob ng dibdib niya ng hindi na nagreply muli si Jongin. naman- Inisip niya lahat ng lugar na maari niyang makita ang kaibigan. Sa AS kaya? Mataas taas din 4th floor. Malabong sa film, 2nd floor na pinakamataas doon. Baka naman sa CAL? Paano naman siya nakapasok sa mga building e gabi na? Jusko baka sa dorm niya mismo. Jongin!!!

Halos maluha-luha na si Kyungsoo nang isend niya ang sunod niyang text.

 

OO NA PINAPATAWAD NA KITA! BABALIK NA SA DATI JONGIN! DIBALE NANG MADELAY, BASTA NANJAN KA LANG SA TABI KO!

 

Ding!

Too late. Nagawa ko na.

 

Tinitigan niya ng matagal ang mga salitang nagfflash sa phone screen niya. Huminto siya sa paglalakad. Tangina multo na ba to-

Di matagal matapos niyang marecieve yung reply, biglang naflood yung inbox niya ng mga photos na sunod sunod na isinesend ni Jongin. Nilapit niya sa mukha niya ang screen dahil mejo madilim ang mga kuha. Konting Segundo ng pagproproseso at nanlaki mata niya sa nakita niya.

Merong tumatalon na Jongin. Merong oblation.

Merong jump shot ni Jongin sa harap ng oblation.

 

Sabi sayo tatalon ako e.

 

Di alam ni Kyungsoo kung tatawa nalang ba siya o iiyak.

 

O ayan, ayan, ayan pa o! Peace sign! Duck face! Oble pose! Jeje pose! Lahat na! Ayan na, ayan!

 

Nagscroll through si Kyungsoo sa lahat lahat ng litratong pinadala ni Jongin. At totoo nga, lahat ay puno ng mukha niya at ng oblation. Iba ibang pose ang ginagawa ng binata, yung iba sadayang sobrang corni, hindi na napigilan ni Kyungsoo tumawa. Siguro, out of relief na rin.

Mukha siyang tanga, tumatawa mag-isa sa may harap ng dorm, way past curfew (natiyempo niyang nag-cr si manong guard, what’s good), with no one else in sight.

Iba talaga si Jongin Kim, Iba talaga ang epekto niya. At ngayon lang siguro natutunan ni Kyungsoo na he wouldn’t have him any other way, kahit gaano pa kabaliw.

 

Kyungsoo Do sabay na tayong madedelay!!!! Patawarin mo na ko please!!!

 

Ang effort mo ah. Kala ko ba hindi ka naniniwala sa mga ganyan?

Hindi nga. Pero kung naniniwala kang madedelay ako, para sayo, madedelay ako.

Wag naman sana. 

Soo :( Kyungsoo. Sabay tayong ggraduate. 

Namiss ko kalokohan mo, Jongin. 

Talaga? Namiss mo ko? 

Sabi ko kalokohan mo hindi ikaw.

Pareho na din yun. So…does this mean…?

Oo. Okay na tayo. 

TALAGA?! 

Wag makulit :-) Madaling bawiin.

Salamat Soo!!! Salamat at sorry talaga, sorry sorry sorry x 100. Di ko na gagawin yun ulit. Behave na ko. Sorry! 

Sorry rin, dahil naging stubborn ako...O, Ano, cclaim ko na maginhawa treat ko? :)

 

***

 

Sa sumunod na umaga, abot impyerno eyebags ni Jongin.

Pero di bale na, dahil abot langit naman yung ngiti niya nang makita niyang may isang itim na jansport bag na nakapatong sa reserved niyang upuan, katabi ng isang tulog na Kyungsoo. 

May date pa sila sa maginhawa mamaya (ayon kay Jongin, date yon, walang kokontra). 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lynxaeri
#1
Chapter 1: KILIG AMPU ASJDJDKEKDMDMDJDKWKWODIEJDMS
kimjonginah #2
Chapter 1: Naiiyak ako sa sobrang kilig nyeta sana chaptered isko kaisoo na lamg to pero huhuhuhu tangiba yunh ngitiko rin ngayon abot langit
frozenwinternotes
#3
Chapter 1: Ajsjdfkkf sobrang funny hahahah i love these isko kaisoo stories. Please make moreeeeeee if you have time~
saemriel
#4
Chapter 1: i cant stop laughing... grabe...ayos toh...bumabalik yung mga college moments ko... sobrang opposite ng angst sa pushing daisies... love it!!!! galing authornim! more please!!!!!!
kaisooer_
#5
Chapter 1: PUTAANSHWHSHSH I LOVE YOU DANDUANAI SH