Chapter 1

That

"Close your eyes!" Sigaw ni Baekhyun sakin habang may hawak na mahaba pero manipis na brush. Para sa eyeshadow yata.

 

"Inaantok naman ako Baek, e." Reklamo ko sabay hinawakan ang wrist niya para matigil siya sa ginagawa niya.

 

"Kim Taeyeon, wag ka ngang bwisit. Pumikit ka na. Kailangan maganda ka mamaya sa party mo. Sasaktan na kita e. Hala! Pikit!" Iritado niyang sabi sakin. Wala na kong nagawa kung hindi ang pumikit na lang.

 

Birthday ko ngayon. Not my debut. Actually, 20th birthday ko to. Pero kasi nga, dahil ang arte ni Baekhyun, talagang ipinaglaban sa parents ko na gusto ko raw ng party. Eh ang totoo niyan, siya ang may gusto. Tss, magkakaron kasi siya ng dahilan para maimbitahan yung mga kaibigan kong lalaki.

 

"Wow, may igaganda ka pa pala. Thanks to me. Ang ganda ng gawa ko!" Sabi niya na medyo pinupuri ako pero mas pinupuri yung 'skills' niya. He calls it his 'special skill' kasi ang pangit pangit ko daw tas napapaganda niya ko.

 

Napakasama ng ugali ng baklang ito pag dating sa akin. Pero pag kasama na namin sila Chanyeol wagas ang pagiging mabait. Hmp.

 

Nakita kong nagsimula na rin siyang ayusan ang sarili niya. For this night, hindi daw siya mag memake up ng bongga. Baka daw matalbugan niya ko. Bwisit na bading to.

 

"What do you think?" Tanong niya sakin pagkatapos niyang magayos.

 

Nakakairita tong baklang to pero I have to admit. Ang gwapo niya ngayon.

 

"Ang gwapo mo, Baek!" Sabi ko habang natili at natalon.

 

"Aba, inaasahan kong 'maganda' ang word na sasabihin mo. Iniinsulto mo yata ko e. Sabunutan kaya kita dyan!?" Nakaamba na siya nung sinabi niya yan. Tinawanan ko na lang siya at napailing.

 

He's my bestfriend. And obviously, he's gay. Pero hindi alam ng lahat. Ako lang nga yata ang nakakaalam e.

 

Di ko alam kung kailan ko siya naging kaibigan, basta simula nung nagkaisip ako, ang alam ko ay kasama ko na siya. Kaya nga hindi ko na napigilang mafall sa kanya.

 

He's gay, alright? And everything is ing cliché. So wattpad-like ang kwento ng buhay ko. Pero unlike dun sa mga wattpad story na yun, alam ko na my gay bestfriend will never fall for me.

 

In love kasi to dun sa kaibigan naming si Chanyeol. Chanyeol is a very nice guy. Bagay sila ni Baek. Kung naging babae lang nga si Baek ay paniguradong pinatulan na siya ni Chanyeol. Panigurado ring magiging best couple sila. Kakabahan ang JaDine, LizQuen, KathNiel, at AlDub.

 

As usual, katulad sa lahat ng parties na ginaganap sa side man ng family ko o sa side ng family niya, palaging kami ang magka partner.

 

"Taeng, kita mo? Kita mo ba? , nagniningning si Yeol kahit na gabi! Ang hot niya pa sa suot niya. , malalaglag yata itlog ko." Bulong niya sakin habang nakaupo kaming dalawa sa isang table kasama sila mommy at mommy niya. Nasa kabilang table sila Yeol na nasa tabi lang ng table namin kaya kitang kita niya.

 

"Glinue mo ba ng maayos? Baek, ayokong maghanap ng nawawalang itlog. Aapakan ko yan pag nailaglag mo." Bulong ko rin sa kanya.

 

" kasi talaga! Tignan mo. Ugh tumatawa siya! he's laughing. Ang gwapo ni Yeol. Ayoko na, mahihimatay yata ako." Pagkasabi niya nun ay kunwaring nanghina siya. Dahil nga bumubulong siya sa tenga ko, nung umarte siya ay napunta sa leeg ko ang mukha niya. I'm wearing a tube dress and ! Damang dama ko ang init ng hininga niya sa leeg ko!

 

Damn it, Byun Baekhyun!

 

"Taeng, ayoko na. Ang gwapo talaga. Ang hot paaaaaaa~" Nung pagkasabi niya ng 'paaaa', halos mangisay na ko sa kinauupuan ko. His lips on my bare neck is making me crazy! Dumadampi ito paminsan minsan kaya hindi na ko makapag isip ng maayos.

 

"B-Baek.." Sabi ko na parang tanga. Why did it came out like he's doing something weird to me? Jusko, nakakahiya.

 

"Ano?" Tapos umayos na siya ng pagkakaupo.

 

"Wala." Napatingin din ako sa mesa nila Chanyeol at napansin kong nakatingin sakin si Sehun, isa pa sa mga kaibigan namin. Nginitian at kinawayan ko siya at bumaling ulit kay Baek na tulala pa rin kay Yeol.

 

Natapos ang party around 12 am. Nagpaalam na isa isa ang mga bisita. Sinabihan ako ni Baekhyun na magpaalam kela mom at dad para pumunta sa bahay nila. Mag iinom daw.

 

"Kasama sila?" Tanong ko sa kanya nung napansin kong parang wala pang planong umalis sila Chanyeol.

 

"Huh? Hindi. Tayong dalawa lang. And you dont have to bring your car. Dala ko yung akin." Aniya na naging dahilan para pumalakpak ang tenga ko sa tuwa. Yey! Alone with the love of my life!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet