The Feeling Is Mutual

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 3

The Feeling is Mutual


 

Mapagkakatiwalaan din pala minsan ang mga weather apps. 


 

Ngayong araw ang shoot ni Ning kasama ang BEKA Team. Nagkaroon naman ng sapat na panahon si Winter para mag-isip kung dapat ba siyang sumama sa lakad ni Ning ngayon. 


 

Unang-una kasi, nakakahiya.


 

Ilang ulit ding sumagi sa isip niya ‘yung matalas na tingin ni Ms. Wendy nang sabihan siya nitong exclusive lang para kay Ning ang meeting nila. Pero sa bawat pagpapakita nito sa pagmumuni niya, agad naman itong napapalitan ng alaala ng pag-kontra ni Rina.


 

“She can stay.”


 

Tapos automatic na ring kasunod ang nakakasilaw na ngiti ni Gigi nang sabihan siya nitong welcome naman siyang sumama kung gusto niya.


 

Hindi niya gusto. Pero hindi niya rin naman ayaw. Sa tuwing iniisip niya kung dapat ba siyang pumunta, bumabalik lang din naman siya sa umpisa. 


 

Nakakahiya nga kasi. 


 

Kaya naman kinagabihan pa lang, desidido na siya. Desidido na siyang hindi pumunta. 


 

Pero parang sinusubukan din talaga ng mundo kung hanggang saan ang tibay ng paninindigan niya nang mapadpad ang tingin niya sa weather widget na nasa homescreen niya. 


 

Around 80 percent daw ang chance of rain ngayong araw. Ano bang margin of error nito? Napa-search tuloy siya nang wala sa oras.


 

Matapos magbasa ng ilang mga research articles tungkol dito, napabuntung-hininga siya. Ano namang laban niya kung ang argumentong kaharap niya ngayon ay maituturing na statistically sound?


 

Paggising niya kaninang umaga, chineck niya kaagad ang homescreen niya, nagbabakasakaling nagbago na ito ng prediction overnight. 


 

Pero parehong mga numero pa rin ang sumalubong sa kanya pagkabukas niya ng kanyang screen. 


 

Kaya grabe na lang ang gulat ni Ning nang makita si Winter sa kanilang sala, na pasado alas-siete pa lang ng umaga ay bihis na bihis na.


 

“Saan punta mo?” nagtatakang tanong ni Ning sa kanya. 


 

Nagsabi na kasi si Winter kagabi na hindi niya masasamahan si Ning sa shoot ngayong araw. Nang tinanong ni Ning kung bakit, simple lang naman ang naging sagot ni Winter.


 

“Personal choice.”


 

Tanggap naman 'yun ni Ning. Nirerespeto niya ang desisyon ni Winter. Kaya palaisipan pa rin talaga kung bakit mas naka-postura pa ang kasama kaysa sa kanya. 


 

“Ah.” Napahawak si Winter sa batok niya at naglihis ng tingin kay Ning. Parang mas gusto niya na lang atang tingnan ‘yung view sa labas ng bintana. “Hatid na kita.”


 

“Kaya ko namang mag-commute? Tsaka anong nangyari sa personal choice mong hindi sumama?” paalala ni Ning sa naging pag-uusap nila kagabi. 


 

“Maulan daw ngayon eh,” rason ni Winter sa kanya.


 

“Ang weird mo ngayon ha.” Pinanliitan siya ng mata ni Ning na halatang litong-lito pa rin sa nangyayari. “Pero go. Sino ba naman ako para mag-inarte pa.” 


 

Natatawang sabi ni Ning bago dumiretso sa kwarto niya para kunin ang iba pang mga gamit.


 

“Alis tayo in ten minutes!” sigaw ni Winter na wish niya lang ay seryosohin ni Ning dahil napakabagal pa naman nitong mag-ayos ng sarili.


 

Sana nga lang ay tama ang naging desisyon niya ngayong araw. 


 

*****


 

“Hintay muna tayo konti, okay lang ba? Baba tayo kapag medyo tumila na.”


 

“Yup,” sang-ayon ni Ning. “Nag-message na rin naman ako kay Ms. Irene na nandito na tayo sa baba. Nagpapatila lang.” 


 

Tama pa naman ang naging prediction ng weather app niya. So far. 


 

Kaya tamang desisyon lang na ihatid si Ning ngayon. For her safety, of course. 


 

“How are you feeling?” tanong ni Winter. 


 

“Good. Hindi na rin ako masyadong kinakabahan unlike the first time natin dito. Kaya ko nang iladlad sa kanila ang tunay na ako.” Kinindatan pa siya nito na may kasamang mapang-asar na ngiti.


 

“Wag.” Parang nandiri namang iwas ni Winter ng tingin sa kasama. 


 

“At bakit naman?” 


 

“Baka mapalabas ka ng opisina.” 


 

“Nakakairita ka talaga.” 


 

Nang medyo humina na ang ulan, inabot na ni Winter ang ever ready niyang payong sa backseat. Nagtanggal siya ng seatbelt at naunang bumaba para payungan si Ning mula sa passenger seat.


 

Dahil ‘yung usual na three-folds na payong lang naman ang dala niya, tanggap niya nang mababasa talaga ng ulan ang kaliwang balikat niya. 


 

Inanggulo niya kasi ‘yung payong kay Ning. Okay lang naman dahil naka-jacket siya. Si Ning naman ‘yung may shoot ngayon. Kailangang maging presentable pa rin ang kanyang itsura mamaya kahit na nakaka-haggard din talaga ang ulan.


 

Nang mahatid niya si Ning sa lobby, agad na rin naman siyang nagpaalam dito. Akmang bubuksan niya na ulit ang payong niya nang mahagip ng paningin niya si Gigi na hingal na tumatakbo papunta sa kanila.


 

“Winter, you came!” excited na sabi nito sa kanya bago humarap sa kasama niya. “Hello, Ning!”


 

Binati rin naman ito pabalik ni Ning with matching energy. Niyaya naman sila agad ni Gigi na pumasok na sa loob dahil lumalakas na naman ang ulan. Nang maramdaman niyang hindi sumunod si Winter sa kanila, nilingon niya ito pabalik.


 

“Hey, what are you waiting for? Mababasa ka dyan. Let's go inside na!” aya ni Gigi sa kanya.


 

Nahihiya namang napangiti si Winter. Akala yata ni Gigi ay sinadya niya talagang sumama ngayong araw. Nandito lang naman siya para ihatid si Ning. 


 

For her safety, of course. 


 

“Ah, actually paali—”


 

Ngunit hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon ni Gigi na makapagsalita dahil agad itong lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at marahang hinila papunta sa pwesto ni Ning na mukhang nag-eenjoy lang naman sa pinapanood niyang eksena.


 

“You can stay in the studio muna. Looks like the rain isn't gonna stop soon. Baka magkasakit ka pa.” 


 

Hindi naman na maka-angal si Winter dahil mukhang genuinely concerned naman si Gigi sa kanya.


 

Nagpahatak na lang siya hanggang sa makarating sila sa studio.


 

*****


 

Ito ang unang beses na nakarating sila ni Ning sa studio.


 

Noong huling beses nilang pagpunta sa opisina, hanggang sa meeting room lang naman sila umabot. Nag-offer naman si Irene na i-tour sila rito (kahit sabi niya ay maliit lang naman daw at wag silang mag-expect nang bongga) kaso lang ay may biglang “urgent matter” daw siyang kailangang asikasuhin.


 

Kaya ngayon, parang mga estudyanteng nasa field trip kung magmasid sila ni Ning sa paligid. Tama naman ‘yung sinabi ni Irene. Hindi magarbo o engrande ang studio nila. Pero sa tingin ni Winter, lahat naman ng kailangan ng kanilang team para makapag-function nang maayos ay nandito.


 

May mga ilang bagong mukha rin silang nakaharap. Sabi ni Gigi, mga staff daw nila ‘yun na tumulong na maghanda ng set para sa kanilang unang video feature. Napangiti naman si Winter nang mapansin ang napaka-homey na feel ng napili nilang set design ngayong araw.


 

Winter thinks that it suits their concept so well.


 

Naaalala niya tuloy ‘yung ilang mga episodes na napakinggan niyang kasama si Ning. Kung gaano ka-relevant at timely ‘yung mga naging topics ng episodes nila, kung paano nagiging magaan at malaya ang mga pag-uusap nila, at kung bakit patuloy pa rin siyang nakikisabay sa pag-aabang ng release tuwing Biyernes kahit hindi naman talaga siya matatawag na “fan” nila.


 

“Winter?”


 

Hindi niya namalayang kanina pa pala tinatawag ni Gigi ang pangalan niya.


 

“Winter?” mas malakas na ulit ni Gigi.


 

Natauhan naman siya agad at humarap kay Gigi. “Hi, sorry. Ano ulit ‘yun?”


 

Magaan naman siyang nginitian ni Gigi. “Mukhang malalim ‘yung iniisip mo.”


 

Tipid siyang nginitian ni Winter pabalik. “Hindi naman.”


 

“If you say so.” Marahang tinapik ni Gigi ang kanang balikat niya. “But I hope they’re nice things lang. So you can relax a bit.”


 

Pabirong tinuro ni Gigi ‘yung noo niya. Agad niyang binago ang ekpresiyon niya sa mukha. Nagkaroon lang naman siya ng trip down to memory lane sa utak niya featuring BEKA. 


 

Nakakahiya.


 

“Anyway, I just want to check how you’re feeling. Malamig ba? You got a little bit wet from the rain pa ata kanina.”


 

“Okay lang ako. Thanks for asking, Gigi.”


 

Tulad kanina, magaan ulit ang naging ngiti ni Gigi sa kanya. “You can stay there sa couch muna while we’re shooting. Make yourself comfortable. Tell me if you need anything. Actually, kahit sino from us. Even the staff. Tell them if may kailangan ka.”


 

Mukhang tama naman ang sinabi ni Ning. Mabait nga sila. O mas tama sigurong sabihin na siya.


 

Si Gigi lang. Missing in action pa kasi ‘yung isa.


 

Napansin ata ni Gigi na napatingin si Winter sa likod niya kaya agad itong nagsalita. “Oh, are you looking for her? She’s gonna be here soon. I think Rina's still preparing sa likod. She always takes time talaga for preps.”


 

Nagulat naman si Winter sa sinabi ng kausap niya. Grabe naman si Gigi. Hindi naman niya hinahanap si Rina.


 

Hindi na rin nagtagal bago lumabas sina Rina at Ning mula sa dressing room. Mukhang nakapag-retouch na rin naman si Ning mula sa hassle na dala ng ulan kanina. Saglit silang nagkatinginan ni Ning bago ito ngumuso sa balikat niya. Sumenyas ito na parang may pinipindot at gumuhit din ng pa-kwadrado. 


 

Ah, picture. 


 

Ilalabas niya na sana ang camera niya nang maramdaman ang presensiya ni Irene sa tabi niya. 


 

“What are you doing?” tanong sa kanya ni Irene. 


 

Hindi naman maiwasan ni Winter ang kabahan sa naging tono ng tanong ni Irene.


 

“Okay lang po bang kumuha ng pictures nila?” halos pabulong na niyang tanong kay Irene. Bukod sa kaba, bumalik na naman ‘yung hiya niya dahil nandito na naman siya sa studio kahit wala naman talaga siyang official business dito. 


 

Napaisip naman si Irene. “Hmm, something like BTS shots ba?”


 

“Pwede po. Pero mostly for memories lang po ni Ning.”


 

Hindi naman n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po