First Impressions, Do They Last?

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 2

First Impressions, Do They Last?

 

 

“Ready?” tanong ni Winter sa kasama niyang kanina pa tahimik sa passenger seat matapos niyang makapag-park.


 

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Ning bago harapin ang katabi. “Sila ang dapat na mag-ready sa ganda ko.”


 

Mahinang natawa si Winter. Feeling maangas lang kasi 'tong katabi niya. Sa daming beses na hinatid niya si Ning, bilang lang sa isang kamay ang mga pagkakataong naging tahimik ang sasakyan niya. 


 

Mukhang kabado nga ata talaga siya. 


 

“Tara na?” Aya ni Ning sa kanya. 


 

Nang makitang naging marahan na ang kaninang kabadong paghinga ng kasama, napagdesisyunan niyang patayin na ang makina. Akmang bababa na sana siya ng sasakyan nang mapansing may problema ata ang pasahero niya sa seatbelt.


 

“Nagloloko na naman?” Natatawang tinuro ni Winter ang seatbelt ng katabi. 


 

Mukhang dumagdag pa nga sa stress ni Ning ang seatbelt niya. Pasensya na lang. 


 

“May galit talaga ‘to sakin.” Hinila ni Ning nang may kalakasan ang seatbelt niya na agad namang pinigilan ni Winter. 


 

“Ikaw lang naman ang umuupo diyan.” Mahinang natawa si Winter bago lumapit sa kanya. “'Wag mo na hilahin. You might hurt your hand. Ako na.” 


 

“Tara?” Aya ulit ni Ning kay Winter nang matanggal na niya ang seatbelt mula sa pagkaka-ipit nito. 


 

Nasa harapan sila ngayon ng opisina ng BEKA, ang napag-usapang meeting place nila Ning at ng representative na tumawag sa kanya.


 

Tango lang naman ang naging sagot ni Winter sa kanya. Tulad ng nasabi niya noon, wala naman siyang dapat ikakaba. Nandito lang naman siya para suportahan si Ning sa mga trip niya sa buhay.


 

No matter how weird they get sometimes.


 

Pumasok na sila ng building at tahimik na naghintay sa lounge area. Sabi ng representative na contact ni Ning, bababain daw sila nito in ten minutes. Nag-message na rin si Ning para ipaalam na nakarating na sila.


 

“Nervous?” tanong ni Winter sa katabi. Napansin niya kasing hindi na ito mapakali simula noong naupo sila rito sa sofa.


 

“Konti na lang. Wala naman nang choice, nandito na eh. Idadaan ko na lang sa ganda. At excuse me, pinili kaya nila ako. Ako ang bukod na pinagpala sa babaeng lahat,” mayabang na sagot ni Ning sa kanya, with matching hair flip pa. 


 

Minsan talaga ay napapaisip si Winter kung saan nanggagaling ang lakas ng loob at confidence ni Ning sa mga ganitong bagay. 


 

Sabi nga ni Ning sa kanya dati, “Confidence is y.” Baka nga ito na ang panahon para seryosohin ang advice niya. 


 

Hindi nagtagal ay may babaeng lumapit sa kanila. And holy , ang ganda niya.


 

Actually, calling her pretty is an understatement. 


 

Kahit siguro pagsama-samahin ang mga adjectives na synonymous sa pagiging maganda, kulang pa rin ang mga ito para bigyang hustisya ang angking ganda ng babaeng nasa harap nila. 


 

“Hi! I hope I didn’t make you wait for too long,” nakangiting bati nito sa kanila. 


 

Palipat-lipat din ang tingin nito sa kanilang dalawa. Malamang ay nag-iisip kung sino sa kanila ang Ning Yizhuo na tinawagan niya.


 

“I’m Irene, BEKA’s representative. I believe I was in contact with Ms. Ning….?” 


 

“Uhm, ako po ‘yun. Hello, I’m Ning.” Nahihiyang pakilala ni Ning sa sarili niya. 


 

Malayong-malayo sa kilala niyang may pakana ng confidence is y na mantra.


 

Mukhang hindi lang sa kanya may epekto ang magaganda.


 

“Oh wow, hello! It's nice to finally meet you.” Isang malawak na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Irene.


 

“And who do we have here?” baling naman ni Irene kay Winter habang bahagyang nakataas ang isang kilay.


 

Which, of course, intimidated Winter. 


 

Alam niya naman sa sarili niyang kahinaan niya ang magaganda. Pero mas may ilalala pa pala kapag may kaharap ka ng maganda tapos medyo masungit pa. 


 

“Ah, si Winter po,” sagot ni Ning kay Irene nang hindi naka-imik agad ang kasama. Marahan niya rin itong hinila papalapit sa kanya. “She’s with me.”


 

Naka-recover naman si Winter nang ibaba na ni Irene ang kilay niyang nakataas kanina. Binigyan din siya nito ng isang malawak na ngiti. 


 

Nakakapanghina naman. 


 

“I see. It's nice to meet you rin, Winter.” Sandali namang nawala ang atensyon ni Irene sa kanila nang tumunog ang cellphone nito.


 

Nagtagpo ang mga mata nila ni Ning.


 

“You okay?” Winter mouthed at her.


 

Tumango lang si Ning bago pasimpleng bumulong kay Winter. “Ang ganda.” 


 

Mahinang napatawa si Winter na naging dahilan ng pag-angat ng tingin ni Irene mula sa cellphone niya. Agad na binalik ni Winter ang seryoso niyang mukha kanina.


 

“Great. I just received a message na the girls are ready na,” anunsyo ni Irene sa kanila. “I’ll lead you sa meeting room.”


 

Tahimik lang naman na sumunod ang dalawa kay Irene. Nang magkaroon na ng kaunting distansya sa pagitan nila, hinarap ni Winter ang katabi. 


 

Inilahad niya ang palad niya sa harap ni Ning. Agad naman itong kinuha ng kasama.


 

Napansin ni Winter na malaya nang nakakangiti si Ning ngayon. Mukhang humupa na 'yung kaba at tensyon sa katawan nito kanina. 


 

Now, Winter feels at ease.


 

Hand in hand, they made their way forward—with every step leading Ning closer to meeting her favorites.


 

*****


 

Pagpasok nila ng meeting room, may tatlong tao nang naghihintay sa kanila. Sinenyasan sila ni Irene na maupo na. 


 

Napansin ni Winter na medyo nanlalamig ang kamay ni Ningning na hawak niya, senyales na pinapangunahan na naman ito ng kaba. Bumitaw siya rito at dumiretso sa itinurong mga upuan ni Irene. Hinila niya 'yung isang upuan para kay Ning. 


 

Na malamang ay hindi nakalagpas sa paningin ng mga tao sa silid. 


 

Nang nakaupo na ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto, nagsalita na si Irene. 


 

“Good morning,” nakangiting bati niya sa lahat. “Before we formally start, I guess a few introductions won’t hurt, ano?”


 

Napailing na lang siya dahil ramdam naman niyang nagkakahiyaan lang naman silang lima. “Fine, I’ll start. I’m Irene, BEKA’s representative. I met these two na kanina,” turo niya sa pwesto nila Ning. “Mind introducing yourselves, ladies?” 


 

“Ah, hello. I’m Ning. Ako po ‘yung nanalo sa anniversary special.”


 

“'Wag ka nang kabahan samin, kami lang 'to,” natatawang sabat ng katabi ni Irene sa kanan. “But hi, Ning. Thanks for meeting us here kahit medyo short notice. I’m Wendy nga pala, also part of BEKA’s team. Madali lang namang tandaan, apat lang kami.”


 

“Nice to meet you po,” sagot naman ni Ning dito. 


 

“Likewise.” Nginitian siya ni Wendy bago humarap kay Irene. “Rene, diba isa lang ‘yung kasama sa feature?” Nagtatakang tanong nito sa katabi habang palihim na sumulyap sa naging instant plus one ni Ning ngayong araw.


 

Tinapik ni Ning ang hita ng katabi. Tahimik lang kasi itong nagmamasid simula pa kanina.


 

“I’m Winter.” Biglaang bulalas niya. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya. 


 

“Hello, Winter.” Mukhang mabait naman ang naging pagbati ni Wendy sa kanya. Pero hindi niya pa rin mapigilang hindi ma-distract dahil unang-una sa lahat, ang ganda rin niya.


 

“It’s nice meeting you, too, but I’m afraid we have to make this meeting exclusive for Ms. Ning only. I'm sorry,” seryosong sabi ni Wendy sa kanya. 


 

Nakuha naman agad ni Winter ang gustong iparating ni Ms. Wendy sa kanya. 

 

 

Na okay, hindi ako pwede rito. Okay, ayaw ni Ms. Wendy na nandito ako. Okay lang. Wala naman kasi ako dapat dito. 


 

Tatayo na sana siya para lumabas ng silid pero natigilan siya nang magsalita ‘yung babaeng nakasuot ng itim na baseball cap sa tapat niya.


 

“She can stay.” 

 

 

Matapos niyang magsalita, tinanggal niya ‘yung cap niya na sagabal sa view ni Winter para makita ang kabuuan ng mukha ng katapat niya.


 

At nang na-ipatong na niya ang sumbrero sa mesa, hiling ni Winter ay mas nakapaghanda pa siya bago tignan muli ang babaeng kaharap niya. 


 

Ulit, holy . 


 

Ilang beses pa ba siyang mapapamura sa isip dahil sa mga magaganda ngayong araw?


 

Marahang hinawi ng katapat niya ang kanyang buhok habang kagat ang ibabang labi nito bago muling magsalita.


 

“Hello, I’m Rina,” pakilala nito sa sarili habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Winter.


 

Nakaka-conscious naman.


 

“Again, she can stay. I don’t think there's any reason for her to leave. How about you, Gi?” tanong niya sa katabi niya.


 

At sa ika-apat na pagkakataon ngayong araw, holy , indeed.


 

Requirement ba talagang maging maganda para maging parte ng BEKA? Iyan ang gustong itanong ni Winter kanina pa. 


 

“Yeah, okay lang. I don't see any problem with it naman. The more the merrier! By the way, I’m Gigi. Nice to meet you two!” masiglang bati nito kina Winter at Ning na nasuklian naman ng tipid na ngiti ng dalawa.


 

“Okay. Sorry about that, Winter. I hope wala kang hard feelings sakin. Just doing my job lang kanina,” apo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po