More than Enough

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 12

More than Enough

 

Frontrunner ngayon sa pang-umagang balita ang pamilyar na eksena ng mga magulang na naghahatid at nagpapaalam sa kanilang mga anak sa unang araw ng eskwela. 


 

Palihim namang napangiti si Winter dahil hindi nalalayo rito ang sitwasyon nila ngayon.


 

Ngayong araw nakatakda ang ganap na pagbabalik ni Winter sa kanyang trabaho. Mamayang hapon pa naman naka-schedule ang flight nila papuntang Mindoro pero umaga pa lang ay sinabihan na siyang kailangan niyang mag-report na sa opisina. 


 

“Winter, ‘yung mga bilin ko sa’yo ah. Kumpleto na ba gamit mo? Update mo ko lagi sa ganap niyo. Mag-text ka kung hindi kaya ng data. Kung kumain ka na ba, ilang isda na nakita mo, nalunod ka ba—”


 

“Ikalma mo nga.” Marahang hinawakan ni Winter sa braso si Ning para putulin ang kung anumang balak pa nitong sabihin. Nakailang ulit na rin kasi sila sa mga paalala niya simula pa kanina.


 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Ning bago bitawan ang isa sa mga bag ni Winter na tatlong beses na niyang binusisi ang loob. “Fine.”


 

“Hindi naman ito ang unang beses na aalis ako, Ning. Hindi ka pa rin ba sanay?”


 

“Ikaw ba naman kasing pestehin ng ilang buwan tapos biglang mawawala. At hoy, wag ka nga! Syempre concerned ako kasi mawawalan ako ng driver!”


 

“Oo nga pala. Alam ko namang ‘yan lang habol mo sa akin,” malungkot na sabi ni Winter. Napatigil naman si Ning sa ginagawa niya at agad na hinarap ang kasama.


 

“Uy, Winter.” Hinawakan niya si Winter sa braso at tiningnan ito nang may pag-aalala. “Alam mong joke lang ‘yun, diba?”


 

Ibinalik lang ni Winter ang tingin sa kanya pero hindi pa rin ito nagsalita.


 

“Winter...”


 

Dahan-dahang umarka ang labi ni Winter nang mapansing nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata ng kaharap niya.


 

Tuluyan nang natawa si Winter nang umiwas ng tingin si Ning sa kanya. 


 

“Oo naman. Niloloko lang kita. Bawi-bawi lang.” 


 

“Napaka mo talaga kahit kailan.” Agad namang nagpunas ng mata si Ning. “Bwisit ka akala ko ganun talaga nararamdaman mo. Obvious naman sigurong nag-panic ako. Pinakaba mo kong hayop ka.”


 

“Grabe ka naman sakin! Pero dapat alam mo naman na 'yun, Ning.” Lumapit sa Winter sa kanya at marahang hinawakan ang mga kamay niyang abala sa pagpupunas ng luha.


 

“Na?” 


 

“Na I’ll never think of you that way. I know that we don’t say cheesy things sa isa’t-isa kasi hindi naman tayo ganun.” Pareho silang natawa sa sinabi ni Winter. “But I hope you know that I won’t be where I am right now without you.”


 

“Wag ka na ngang magpa-iyak! Kitang kakapunas ko nga lang!”


 

Winter lets out a soft chuckle before pulling Ning closer to her, enveloping her into a tight hug. With Ning’s face on Winter’s shoulder, she’s now free to let it all out. 


 

Walang Winter na mang-aasar sa kung anumang magiging itsura niya.


 

Ning hugged her even tighter. And she can’t pinpoint exactly why her emotions are at peak today. 


 

Maybe because their conversation suddenly reminded her of everything she’s gone through with Winter so far. It might also be because of her best friend’s reassurance that she has, indeed, cemented a part in Winter’s life that is hard to surpass. 


 

Or simply because having Winter away for a week means a week of lonely dinners and car rides home.


 

Winter sways their bodies gently, an honest gesture to say that, “It’s all gonna be okay.”


 

They pull away from each other a little while later. Their eyes meet—one pair glistening with tears and the other’s just there, waiting and welcoming. Ning gives her a hearty laugh.


 

Because when words fail to do their job, sometimes, a warm hug is enough.


 

*****


 

“Welcome back, Winter!” Masiglang bati ang sumalubong kay Winter pagkaapak niya sa kanilang opisina. 


 

Naabutan niyang nakaupo ang kanyang “boss” sa kanyang swivel chair na may malawak na ngiting lalong nagpasingkit sa kanyang mga mata.


 

“Hello, Ate Seulgi,” nakangiting bati ni Winter sa kanya. Tumayo si Seulgi at agad na lumapit para yakapin siya.


 

“I’m so glad you’re back. Na-miss ka namin dito. Nabawasan kami ng magaling.” 


 

Mahinang napatawa si Winter sa narinig. “Di mo ko madadaan sa ganyan.” 


 

“Seryoso nga.” Humiwalay na si Seulgi sa kanya. “Kaya sobrang excited ako when you agreed to do this project. Akala ko di ka na talaga babalik. Tapos iiwan mo na kami. Ready na kong umiyak.”


 

“Sinabihan kaya kitang babalik ako. And you know me for years now. You know that I always keep my word,” Winter said confidently. She also looked at Seulgi in disbelief.


 

Bakit parang wala naman ‘tong tiwala sa kanya?


 

“I know, I guess I just got scared. Ang tagal kaya ng pinaalam mo! But I was really hoping that you'll come back to us. Soon. And now you're here.” Seulgi smiles at her and motions for her to take a seat. “By the way, aware ka naman na may mga bago tayong kasama diba? Nasama ko naman sa email na sinend ko sa’yo?”


 

“Yup.” Winter takes the seat. “And they’ll be under my watch. Sabi mo.”


 

“Right.” Seulgi leans back on her chair and briefly spares a glance on the door behind Winter. “We’re just waiting for you, actually.”


 

Seulgi gestures for the people waiting outside her office to come in. Winter stands up to greet them properly.


 

“And you're finally meeting Winter. I’m sure you’ve heard a lot about her. Sakin pa lang eh,” mayabang na sabi ni Seulgi. “Winter, they’re the new members I mentioned to you. Ryujin and Yeji.”


 

“Hello, Ryujin.” Winter shook Ryujin’s hand firmly before turning to face Yeji. “And hello rin sa'yo, Yeji.”


 

Seulgi motions for them to take their seats before speaking again. “You’ll be working on this project for a while. I hope you studied the details I sent prior to today. Winter, you have my full trust on this one. As for you, RJ and Yeji, this will be a good opportunity for you to learn and gain experience. But don't forget to have fun of course!”


 

Sandali rin nilang pag-usapan ang mga detalye tungkol sa kanilang flight mamaya at ang susundin nilang schedule buong linggo. Nagbigay din ng ilan pang mga paalala si Seulgi ukol sa kanilang proyekto, at mga bagay na kailangan nilang ma-isumite sa pagtatapos nito.


 

“Winter,” tawag ni Seulgi sa kanya bago siya tuluyang makalabas ng pinto. “I know I don’t need to remind you about this but I just want to say it again. Do well and take good care of them.”


 

Napatingin si Winter sa dalawa niyang kasamang nauna nang lumabas sa kanya. Sinalubong siya ng mga nahihiyang ngiti mula kina Yeji at Ryujin, na parehong nakamasid at nakaabang sa susunod niyang gagawin.


 

Winter is suddenly reminded of her younger self years ago. She remembers the very first time she set foot in this office. Looking at these two brought back a fragment of the multitude of emotions she once felt before. 


 

She remembers feeling the overwhelming sense of fulfillment everytime she wakes up knowing that she’ll be doing things she’s most passionate about. But she also remembers being nervous a lot, mainly because of the uncertainty of not knowing what lies ahead. 


 

And although the path towards navigating a place unknown to her wasn’t easy, it became a lot more bearable because she didn’t have to walk through the unfamiliar places alone.


 

Because Seulgi was there.


 

Winter thinks that Seulgi is a great mentor, companion, and friend (as what Seulgi insists to call their relationship even at work). She never let Winter feel like she was superior to her (if their titles are considered, well of course, she is). 


 

Seulgi is the kind of mentor you’d want to have when everything feels new and you don’t have the slightest idea where to start. 


 

Now, the opportunity to do the same is given to Winter. And she wants nothing more than to become that person for Ryujin and Yeji. 


 

A mentor, companion, and friend (if they’d let her) like Seulgi, or even better.


 

“I will.” Winter nodded and gave her mentor, companion, and friend the most appreciative smile she could muster before finally closing the door.


 

Sinabihan niya sina Ryujin and Yeji na magkita na lang sa lobby in fifteen minutes. May kailangan pa rin kasi siyang daanang equipment na naiwan niya sa cubicle niya. Nakakahiya naman kung paghihintayin niya sila nang wala man lang pasabi.


 

Unang araw pa naman nilang magkakilala. Ayaw naman niyang magkaroon sila ng hindi magandang impression sa kanya.


 

Nang makaalis na sina Ryujin at Yeji, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa. Kanina pa rin kasi ito vibrate nang vibrate. Nanlaki naman ang mga mata niya nang mabasa ang sunud-sunod na mga notifications na nasa kanyang screen.


 

Una na rito ang isang maikling text mula sa kanyang Mama. 


 

From: Mama

(9:47 AM) Ingat ka Winter ha… miss u anak. Proud na proud si mama sayo.. Love you! 


 

At mga chats mula sa mga taong dahan-dahang nagiging permanenteng bahagi na ng buhay niya. 


 

GC: SPICE GIRLS 🔥 

 

Gigi: take care and have fun, winter!!! don’t forget our pasalubong ha 😙

 

Ning: winter yung mga bilin ko ah

 

Ning: kapag umuwi kang may kahit isang gasgas lang sinasabi ko sayo kahit boss mo yun susugurin ko sa opisina si Seulgi


 

Natawa naman si Winter sa message ni Ning. Napaka-OA talaga. Akala mo hindi sila nag-drama kanina. Agad siyang nag-type para makapag-reply sa mga pinadalang mensahe ng mga kaibigan.


 

Winter: Thank you, Gi. Message me lang if may gusto kang pasalubong specifically. :) Try ko hanapin. Haha

 

Winter: At ang OA lang, Ning. Malaki na ako! Memorize ko na rin mga bilin mo. Kanina mo pa inuulit sakin.

 

Ning: pero baby pa rin kita :((((

 

Winter: I’m literally older than you.

 

Gigi: HAHAHAHA you’re so cute


 

Dahil na rin siguro sa uri ng trabahong ginagawa ni Winter, hasang-hasa na ang pagiging observant niya sa mga bagay-bagay. Madali niyang nakikita kung may mga bagay na wala sa lugar. O sa ibang pagkakataon, kung may mga bagay na dapat ay nasa lugar tulad ng nakasanayan, pero wala. 


 

Una sa lahat, hindi naman siya hinahanap ni Winter.


 

Napansin niya lang.


 

Hindi naman ibig sabihin nito ay may kulang. At hindi rin naman sigurong masamang magtanong kung bakit wala. At dahil nga wala, natural lang naman na kasunod na tanong nito ang, “Nasaan?”


 

Rina: omg i jwu :( ingat ka, Winter!!


 

Ayan. Nandiyan.


 

Mas maliwanag pa sa ilaw na mula sa kanyang screen ang ngiting mabilis na kumawala sa labi niya. Hindi niya naman na pala kailangan pang maghintay ng sagot kung sagot na mismo ang lumalapit sa kanya.


 

Winter: Thank you, Rina. :)


 

At kung sinuswerte ka nga naman, minsan, may bonus pa.


 

Rina: come home to us safely. :>

 

 

*****


 

They will be working on a project mainly focused on promoting and protecting the Philippine waters. This is gonna be one of Winter’s biggest project involvement to date, which she’s also given the opportunity to lead. It has a pretty wide scope—rivers, wetlands, and seas. Due to its magnitude and foreseen impact, a lot of eyes are on their team.


 

The project’s first phase will focus on Philippine reefs.


 

Their first assignment is to share stories about Apo Natural Park, the largest coral reef in the Philippines (and also the second largest in the world), making it one of the most popular dive spots in the country.


 

Unlike Winter, this isn’t the first diving experience for both Ryujin and Yeji. 


 

Mas sanay naman kasi talaga si Winter sa mga bundok dahil na rin sa mga past projects na na-assign sa kanya.


 

“Okay na ba mga gears niyo?” tanong ni Winter sa mga kasama niya. Nakakuha naman siya ng tipid na ngiti mula kay Yeji at isa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po