Merry Christmas

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 18

Merry Christmas

 

Maagang nagising si Winter kinabukasan. 


 

Kung nangyari ito sa ibang pagkakataon, siguradong maiinis siya. Ilang oras din siyang nagmaneho kahapon tapos hindi pa siya agad na pinatulog ng huling mga salitang narinig niya kagabi. 


 

Pero bakit naman siya maiinis kung ganito ang sasalubong sa kanya pagbukas ng kanyang mga mata? 


 

Sa tabi niya, mahimbing na natutulog si Rina. 


 

Nagising siyang ilang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha mula sa isa't-isa. Nasa gitna pa rin naman nila ang unan na nilagay niya. Kaya nga lang, yakap na ito ni Rina. 


 

Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ng kaharap niya. 


 

“Good morning, Rina,” mahinang bati ni Winter kahit alam naman niyang imposibleng marinig siya ni Rina. 


 

“Hindi mo ko pinatulog ah,” bulong niya  bago ayusin ang kumot na pinaghahatian nila. Alam niya kasing mas malamig sa pwesto ni Rina dahil dito nakatapat ang aircon niya. Baka ito rin ang dahilan kung bakit nakasiksik na si Rina sa kanya. 


 

Lumayo siya nang kaunti para mas maiging mapagmasdan ang mukha ng kaharap niya. Hindi naman na ito bago para sa kanya. Ilang beses na rin naman silang naging ganito kalapit sa isa't-isa. 


 

Tulad na lang noong natulog si Rina sa kwarto niya sa condo nila ni Ning, kung kailan nag-desisyon siyang hayaan ang sariling kilalanin pa si Rina. 


 

Noong weekend getaway nila sa Rizal, kung kailan pilit niyang hinintay si Rina sa sala kahit sobrang bigat na ng mga mata niya, dahil ayaw niyang maiwan ito nang mag-isa. 


 

Noong niyakap siya ni Rina pagkabigay niya ng baby sea turtle keychain pagkagaling niya sa Apo, kung kailan una niyang naramdaman ang kagustuhan na makitang muli si Rina kahit sandaling panahon lang naman siyang nawala. 


 

Noong pinuntahan niya si Rina sa kanyang unit matapos itong tanggihan ng publishing company, kung kailan hiniling niyang sana kahit papaano, mas maging mabait kay Rina ang mundo. 


 

At noong unang beses na hinawakan ni Rina ang kamay niya, kung kailan sigurado na siyang hindi niya na ito bibitawan kailanman. 


 

At sa lahat ng pagkakataong nabanggit, simple lang naman ang gusto ni Winter. 


 

Ang mas makilala pa si Rina at iparamdam sa kanya na mahalaga siya. 


 

Tanaw ni Winter na medyo madilim pa sa labas. Masyado pang maaga. Sa ngayon, susulitin niya muna 'to. 


 

Tama lang naman ang naging desisyon niya dahil nang muli siyang magising, wala na si Rina sa tabi niya. 


 

Agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga. May kainitan na rin kasi sa pwesto niya dahil mataas na ang sikat ng araw. 


 

Kinuha niya ang cellphone niya mula sa kanyang bedside table para tignan kung nag-iwan ba ng message si Rina. 


 

Wala. 


 

Baka nasa baba lang si Rina. Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili para tingnan kung nasa baba nga si Rina. At kung wala man, para makapagtanong kung nasaan siya. 


 

Ipinatong niya ulit sa bedside table ang cellphone niya. Natigilan siya nang makita ang cellphone ni Rina sa tabi nito.


 

Kung iniwan ni Rina ang phone niya rito, ibig sabihin nandyan lang siya, diba? 


 

Pwede rin palang naiwan niya ito at nakalimutan lang dalhin. Pero kahit na, hindi naman 'yun ang dahilan ng maliit na ngiting naglalaro sa labi ni Winter ngayon. 


 

Kasi naman, bakit ba ganun 'yung pwesto ng mga cellphone nila? 


 

Parang mag-asawa. 


 

Mabilis niyang tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Inaantok pa siguro siya. Mukhang kailangan niyang maghilamos na para mahimasmasan. 


 

*****


 

Matapos mag-ayos ng sarili, dumiretso na si Winter sa baba. Naabutan niya namang nasa sala ang kanyang Lola, kasama si Lucky na nakapako ang atensyon sa pinapanood na cartoon show sa TV. 


 

“Morning po, Lola,” bati ni Winter sa kanyang lola bago umupo sa tabi nito. 


 

“Good morning, apo. Kumusta ang tulog mo?” maaliwalas na bati ng kanyang Lola pabalik. 


 

Naalala na naman ni Winter ang naging eksena kagabi at kanina pagkagising niya. Kung tutuusin, napakasimple lang naman ng tanong ng lola niya. 


 

Pero kung may natutunan man si Winter ngayong araw, ito ay ang tunay na mahirap itago ang kilig kapag sigurado ka na. 


 

At sigurado ring mahabang paliwanag ang kailangan niyang ibigay sa lola niya kung sakaling sa mga susunod na araw ay girlf—teka lang, kinikilig ulit siya! Basta 'yun, kung umabot man sila doon, handa naman si Winter na ipaliwanag at ipa-intindi sa pamilya niya ang lahat. 


 

Pero sa ngayon, sapat na siguro ang simpleng sagot lang muna. 


 

“Okay naman po.” 


 

“Mabuti naman. Mag-agahan ka na muna doon,” nguso ng lola niya sa hapag-kainan. “Nauna na kami, natutulog ka pa kasi kanina.”


 

Tumango lang naman si Winter. Pero bago tumungo sa mesa para mag-agahan, tinanong niya na ang kanina niya pang gustong malaman. 


 

“Lola, si Rina po pala? Nakita niyo po ba?” 


 

“Ay naku! Maagang umalis kasama ng Mama mo. Mamimili raw sila para mamaya.” 


 

Nakahinga naman nang maluwag si Winter nang sa wakas ay nalaman na niya kung nasaan si Rina. Pero panandalian lang ito dahil napaisip na naman siya.


 

Bakit naman niya kasama si Mama? 


 

Sinilip niya saglit ang garahe at agad na napakunot ang noo nang makitang nakaparada ang kotseng madalas na ginagamit ng mama niya kapag lumalabas ito. 


 

“Paano po sila pumunta? Hinatid po ba sila ni Tito? Nandyan po kasi 'yung kotse niya eh.” 


 

“Ay 'yung kotse mo ang ginamit nila Mama mo,” sagot ng kanyang lola bago bumaling ng tingin sa kanya nang may bigla itong naalala. “Parang si Rina ata ang nagmaneho.” 


 

Si Mama naman, inutusan pa si Rina! Nakakahiya! 


 

Pero mukhang totoo nga ang sinabi ng kanyang lola dahil wala sa garahe ang sasakyan niya. Napakamot siya sa ulo nang mapaisip kung bakit hindi niya ito napansin noong unang beses siyang sumilip. 


 

“Kumain ka na muna doon, apo,” ulit ng lola niya. “Darating din 'yung dalawa. Mabilis lang naman daw sila sabi ng Mama mo at nabili naman na niya 'yung ibang kailangan kahapon.”


 

Tumango na lang ulit si Winter bago maglakad papunta sa mesa para kumain ng agahan. Pero bago sumandok ng mainit na kanin, nagpadala muna siya ng message sa kanyang mama. 


 

To: Mama

(8:15 AM) Ma, sabi ni Lola kasama mo raw si Rina? Ingat po kayo pauwi. 


 

Mabilis lang na kumain ng agahan si Winter. Ang sarap sana ng pagkaing nakahain ngayon—tunay na tatak Pinoy breakfast. Pero hindi niya gaanong ma-enjoy dahil hindi rin siya mapalagay. Natapos na't lahat siya sa pagkain, wala pa rin siyang natanggap na reply mula sa dalawa. 


 

Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng maiwan ni Rina, 'yung cellphone niya pa. Alam niya rin namang hindi ugali ng kanyang mama na mag-check ng kanyang phone palagi kaya hindi na rin naman siya masyadong umaasa na makakasagot ito sa text niya agad-agad. 


 

Pero kahit na, nagpadala ulit siya ng isa pa. 


 

(8:41 AM) Anong oras po kayo babalik? 


 

Matapos iligpit ang mga pinagkainan, bumalik na lang ulit si Winter sa sala. Mukhang pumasok na rin sa kwarto ang lola niya dahil naiwan nang mag-isa si Lucky sa sofa. 


 

Wala nang choice si Lucky kung hindi tiisin ang pangungulit ni Winter hanggang dumating 'yung dalawang hinihintay niya. 


 

“Hi, Lucky!” masiglang bati ni Winter pagkaupo niya sa tabi ng bata. 


 

“Hello, Ate Winter!” nakangiting bati ni Lucky pabalik bago dahan-dahang inabot kay Winter ang remote ng TV na hawak niya. 


 

Napangiti naman si Winter. “Okay lang, let's watch na lang kung ano pinapanood mo.”


 

“Ayaw mo mag-watch ng iba?” 


 

“I'll watch with you.” Pabirong ginulo ni Winter ang buhok ni Lucky bago ibigay pabalik ang remote sa kanya. 


 

“Okay.” 


 

Tahimik lang silang nanonood ng cartoons ni Lucky pero maya't-maya ang pagsilip niya sa kanyang cellphone kung may reply na ba mula sa dalawa pero hanggang ngayon, wala pa rin.


 

Hindi niya maiwasang mag-isip kung bakit ang tagal naman ata nilang mamili. Bakit sabi ng lola niya, mabilis lang naman daw sila? Buong palengke na ba ang binili ng mama niya? 


 

(9:27 AM) Ma, matagal pa po kayo? 


 

Natapos na't lahat ang show na pinapanood nila ni Lucky, wala pa rin. 


 

“Where's Ate Rina?” tanong ni Lucky kay Winter matapos patayin ang TV. 


 

Same question, Lucky. 


 

“Umalis sila ni Tita Winona mo.” maikling paliwanag ni Winter. Kasi kahit naman siya, hindi niya alam kung nasaan nga ba 'yung dalawa. 


 

“What time sila babalik?” tanong ulit ni Lucky sa kanya. 


 

Again, same question, Lucky. 


 

“Darating din sila. Watch muna tayo habang hinihintay natin sila.” 


 

Hopefully. Dahil kahit ilang oras pa lang na wala sa paningin niya si Rina, miss niya na—teka, mamaya na. 


 

Grabe lang talaga si Rina. Hindi siya papatulugin buong gabi tapos pagkagising niya sa umaga, biglang wala na sa tabi niya? 


 

Napailing na lang si Winter. Ang drama niya na yata masyado. Mahirap lang talagang mangulila kapag wala namang kayo. 


 

Nilingon niya ang kasama niya sa sofa. Si Lucky na lang muna ang kukulitin niya. 


 

“Lucky.” Magaang tinapik ni Winter ang balikat ng katabi para tawagin ang atensyon nito. “What do you think of Ate Rina?” 


 

“Ate Rina?” pag-kumpirma ni Lucky na dahilan ng nakangiting pagtango ni Winter. “She's mabait!”


 

“Right,” nakangiting sang-ayon ni Winter. “Ano pa?” 


 

“Maganda!” 


 

Balak atang isa-isahin ni Lucky ang mga kalye sa paligid ng Maginhawa. Pero tama naman siya. Ang ganda-ganda talaga ni Rina. Tunay na maganda sa lahat ng posibleng paraan na naiisip niya. 


 

“That's true.” Mas malawak na ang naging ngiti sa labi ni Winter ngayon. “What else?” 


 

“She looks like a good friend to you.”


 

“Really?” manghang tanong ni Winter sa naging obserbasyon ni Lucky kahit halos isang araw pa lang naman silang nandito ni Rina. “Why do you think she's a good friend to me?” 


 

“Kasi she asked me something last night.”


 

“Last night?” Napaayos ng upo si Winter sa narinig mula kay Lucky. “Anong tinanong ni Ate Rina mo sa'yo?” 


 

“Hanap niya 'yung CR so I pointed saan,” nag-umpisang mag-kwento si Lucky, “And then bago siya pumasok she asked me if you feel cold when you sleep.”


 

“Anong sabi mo kay Ate Rina?” 


 

“I said yes!” Humagikhik si Lucky nang makitang nanlaki ang mga mata ni Winter sa narinig. “I told Ate Rina that you always bring your kumot with you!” 


 

Ito namang si Lucky, masyadong madaldal minsan! 


 

“And then?” tanong ni Winter, sakaling may kasunod pa ang kwento ni Lucky kahit natatakot na siya kung ano pang maaaring nabanggit nito kay Rina kagabi. 


 

“She said, 'Thank you for letting me know, Lucky!' and then she went in na. Mommy told us dati that good friends take care of each other. I think Ate Rina is like that.”


 

Napangiti naman si Winter sa sinabi ni Lucky. 


 

All because Rina's more than that, actually. 


 

“Ate Winter, I think Ate Rina and I are the same.”


 

“The same?” nagtatakang tanong ni Winter. “How?” 


 

“Because I give my kumot to Laya, too whenever she's cold!” proud na sabi ni Lucky na siya namang naging dahilan ng mahinang pagtawa ni Winter. 


 

“Right.” Lumapit siya kay Lucky para yakapin ito nang mahigpit. “Continue being a good brother to Laya ha.”


 

Matapos ang munting Q&A nila ni Lucky, dismayadong tinignan ni Winter ang kanyang cellphone dahil wala pa rin siyang natatanggap na kahit isang text mula sa mama niya. Gayunpaman, nagpadala pa rin siya ng panibagong message. 


 

(9:42 AM) Ma, saan na po kayo?


 

At isa pa ulit matapos ang ilang minuto. 


 

(9:47 AM) Ma replyan niyo ko :( Bakit di niyo ko sinama grabe na kayo! 


 

At ang huling text bago niya narinig ang pamilyar na pagtunog ng chimes nila na nakasabit sa pinto—hudyat na may mga bagong dating sa kanilang bahay. 


 

(9:53 AM) Pasabi po pala kay Rina ingat sa pag-drive. :) 


 

Agad na napalingon si Winter sa may pintuan at tuluyan na rin siyang nakahinga nang maluwag nang makita ang mukha ng Mama niya. 


 

“Ito naman, text nang text!” mapang-asar na bungad ng Mama niya pagkakita sa kanya sa sala. “Sandali lang naman kaming nawala!” 


 

“Ma, halos tatlong oras kaya 'yun!” depensa ni Winter sa sarili. “Ang lapit-lapit ng bilihan!” 


 

“Miss na miss naman ako agad ng anak ko,” biro ng kanyang Mama habang pinanggigigilan ang kanyang mga pisngi. 


 

“Ma, uso kasi ang mag-reply.” 


 

“Ay nakalimutan ko kasing mag-load, anak!” 


 

Napailing na lang si Winter bago tulungan ang kanyang Mama sa pagbubuhat ng mga paper bags na dala nito papunta sa kusina. 


 

Tumunog ulit ang chimes, hudyat na may bagong dating na naman. 


 

Umangat ang tingin ni Winter mula sa paper bags na kanyang hawak. Hindi naman siya nabigo. Dahil nasa harapan na niya ang kanina niya pang hinahanap-hanap. 


 

Nang magtama ang kanilang mga mata, magaan siyang nginitian siya ni Rina.


 

Nilapag muna ni Winter ang mga paper bags na hawak niya sa kitchen counter bago lumapit papunta kay Rina para tulungan din ito sa mga bitbit niya. 


 

“No good morning for me?” mapagbirong bulong ni Rina nang makalapit na si Winter sa tabi niya. 


 

Kibit-balikat lang naman ang naging sagot ni Winter sa kanya. Tahimik lang niyang dala ang mga paper bags na kinuha niya mula kay Rina at mabilis na naglakad hanggang sa makarating siya sa kusina. 


 

“Win,” tawag ni Rina sa kanya nang maabutan siya nito. Saglit lang siyang tiningnan ni Winter bago ibalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga pinamili nila.


 

Lumingon-lingon muna si Rina sa paligid para masigurong sila lang ang tao sa kusina bago tanungin si Winter.


 

“Win,” tawag ulit sa kanya ni Rina. “Why are you ignoring me?” 


 

“Hindi naman ah,” mahinang sagot ni Winter. 


 

“But you're obviously pissed about something,” malungkot na sabi ni Rina bago muling ibalik ang tingin sa kanya. “Did I do something ba? What is it? Please tell me.”


 

“Wala 'yun.” Umiling si Winter. “Maliit na bagay lang naman. Masama lang siguro gising ko.”


 

“Can you tell me why? So, I can work on it if it's something that I did.” 


 

“Hindi kasi kayo nag-rereply ni Mama.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Winter bago magpatuloy, “Tapos pagkagising ko rin kasi ano, biglang wala ka na.”


 

“I'm sorry, Win.” Dahan-dahang lumapit si Rina sa kanya at marahang hinawakan si Winter sa kanyang braso. 


 

“When I woke up kasi nakasalubong ko si Tita and she immediately invited me to come with her. I only realized when we're there na that I left my phone pala so I wasn't able to message you. I didn't know that you were texting Tita rin pala.” 


 

Tumango si Winter. Naiintindihan naman niya kung bakit. Hindi rin naman siya galit. Sadyang nag-alala lang siya para sa kanilang dalawa. Naka-ilang texts din kasi siya nang wala man lang naririnig mula sa kanila.


 

Kahit naman siguro hindi kayo, pwede namang mag-alala, diba? 


 

“Ayun lang naman. I was kind of worried but okay na since nandito naman na kayong dalawa.” Sa pagkakataong ito, inangat na ni Winter ang tingin at binigyan si Rina ng isang magaang ngiti. 


 

“Okay.” Nginitian naman siya ni Rina pabalik. “But I'm sorry pa rin. For making you worry. Next time, I'll make sure to leave you a note if I ever forget my phone again so you won't be clueless kung nasaan ako or kami.”


 

“Okay. That's more than enough for me, Rina. Thank you.”


 

“Are we good now? You're not mad na?” malambing na tanong ni Rina. 


 

“Hindi naman ako galit,” natatawang umiling na lang si Winter. Hindi naman kasi talaga. 


 

“Are you sure?” 


 

“Oo naman.”


 

“So…” bumaba ang hawak ni Rina mula sa kanyang braso papunta sa kanyang kamay. Sandali muna itong napangiti nang makita ang magkahawak nilang mga kamay bago siya malambing na tingnan. “Can I get my good morning na?” 


 

Hindi niya ata kakayanin ang lambing ni Rina ngayon! 


 

Napakagat sa labi si Winter para pigilan ang kanyang ngiting nagbabadya na namang kumawala nang wala sa oras. 


 

“I greeted you earlier already.”


 

“What? When?” nagtatakang tanong ni Rina. 


 

“Kanina, noong tulog ka pa.”


 

“You woke up first? Earlier than I did?” magkasunod na tanong ni Rina. 


 

“Mga 6 ata or earlier?” tantiya ni Winter sa oras kahit ang alam niya lang talaga ay madilim pa ng mga oras na 'yun. “Nakatulog lang ulit ako.”


 

“That's not counted. I did not hear it.” Pabiro siyang inirapan ni Rina. “I was asleep, Winter.”


 

“Okay.” Natatawa lang naman si Winter sa pag-iinarte ni Rina ngayon. “Edi good morning sa'yo.”


 

Agad na bumitaw si Rina sa pagkakahawak sa kanya. “At least try to be sweet!” 


 

“Fine, ito na nga. Seryoso na.” Sinubukang abutin ni Winter ang kamay ni Rina pero lumayo ito sa kanya. 


 

“Wait,” pigil sa kanya ni Rina. “Just to be clear, I am not forcing you.” 


 

“I know, Rina.” Hindi na mapigilan ni Winter ang ngiting kanina pang gustong kumawala sa labi niya.


 

Wala na siyang magagawa dahil sobrang cute lang ni Rina ngayon. 


 

“It's just that it feels different when you greet me in person and not on messages lang. I like hearing it from you.”


 

Sa pagkakataong ito, si Winter naman ang lumingon-lingon sa paligid para siguraduhing silang dalawa lang ni Rina ang nasa kusina. Wala rin namang tao sa sala. Wala naman sigurong iba pang makakakita. 


 

Hinawakan niya sa bewang si Rina para hilahin ito papalapit sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga tingin, binigyan niya ito ng kanyang ngiting paborito (diumano) ng babaeng nasa harapan niya. 


 

“Good morning, Rina.”


 

Halos automatic na ang pamumula ng mga tenga at pisngi ni Rina dahil sa lapit nila ni Winter sa isa't-isa. 


 

“Oh my God, Winter, your mom might see—” 


 

“Nasaan na good morning ko?” asar ni Winter habang mas lalo lang na hinigpitan ang kapit sa bewang ni Rina. 


 

“G-good morning, Win,” nahihiyang sabi ni Rina matapos mag-iwas ng tingin sa kanya. 


 

“Satisfied customer na ba?” mapanlokong sabi ni Winter. Susulitin niya na siguro ang mga piling pagkakataong siya naman ang nang-aasar kay Rina. “Or kulang pa sa sweetness?” 


 

“I hate you.” Pabirong tinusok ni Rina ang tagiliran ni Winter kaya agad naman siyang napalayo. Ang lakas kaya ng kiliti niya doon! 


 

“Oh right, I remembered. There's something I wanna ask you pala.” 


 

Lalapit na sana ulit si Winter kay Rina pero napatigil siya. “Ano 'yun?” 


 

“Wala naman. I guess I'm just interested lang in knowing how it is like…” 


 

Nakita niyang dahan-dahang umarka ang labi ni Rina. Parang hindi maganda ang kutob niya sa susunod na sasabihin nito. 


 

“Ha?” 


 

Kinakabahan na talaga siya sa susunod na tanong. Kilalang-kilala na niya ang mga tinginan ni Rina. 


 

“How does it feel like waking up next to me?” 


 

Kung nanghina man ang tuhod ni Winter dahil sa sinabi ni Rina, hindi na lang niya ipinahalata. Dahil ngayon at sa susunod pang mga umagang darating, magiging matapang na siya. 


 

“Very satisfied customer,” confident na sagot ni Winter. Wala naman na siyang ikinakatakot. Sigurado na siya. Wala nang atrasan 'to. 


 

“5/5 stars will do it again.”


 

*****


 

Pagkatapos nilang magtanghalian, sinubukan ulit ni Rina na mag-volunteer para maghugas ng kanilang pinagkainan. Nahihiya na rin talaga siya. Matapos ang ilang ulit na pagpilit at pangungumbinsi ay napapayag na rin naman niya ang mama ni Winter. 


 

Pero siyempre, hindi naman pumayag si Winter na gawin ito ni Rina nang mag-isa. 


 

Kahit na isa ito sa mga gawaing-bahay na gugustuhin niyang takasan, sino ba naman siya para palampasin ang pagkakataon na makasama si Rina, kahit sa paghuhugas ng pinggan pa?


 

“Okay na ata,” saad ni Winter matapos ayusin ang mga nahugasan nila sa rack. “May iba pa bang naiwan?” 


 

“None na,” sagot ni Rina bago magpunas ng kanyang mga kamay. “We're good na.”


 

“Okay.” Nginitian siya ni Winter bago marahang pisilin ang kanyang balikat. “Tara, sa kwarto na tayo.”


 

“Oh?” Isang mapang-asar na ngiti ang natanggap ni Winter mula kay Rina.

 

 

“Ikaw! Kung anu-anong iniisip mo! Magpapatulog kasi tayo ng mga bata!”

 

 

“I didn't say anything!” Natatawang depensa ni Rina sa kanyang sarili. 


 

“Hindi nga! Pero 'yung tingin mo!” 


 

Lalo lang namang natawa si Rina sa naging reaksyon ni Winter. Enjoy na enjoy lang talaga siya kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon para mang-asar. 


 

“Let's go na nga. Your place, right?” 


 

“Ewan ko sa'yo!” 


 

Nauna nang maglakad si Winter papunta sa taas habang tawa pa rin nang tawa si Rina na nakasunod lang sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang maalala 'yung kina-umagahan ng kanilang naging night out matapos ma-release ang video feature ng BEKA. 


 

Natatawa pa rin siya kapag naaalala niya 'yung itsura ni Rina pagkalabas nito ng kwarto niya. 


 

“I woke up in someone else's bed.”


 

“And that someone happens to be me. You slept in my bed, Rina.”


 

Ang bilis talaga ng panahon. 


 

Sino bang mag-aakala na 'yung kinaiinisan niya dati, kinaiinisan niya pa rin ngayon? 


 

Na may kasamang kilig na nga lang. 

 

 

At sino rin bang mag-aakala na darating ang araw na magigising si Winter sa kama niya nang hindi mag-isa? 


 

Kapag sinuswerte nga naman, si Rina pa ang naging katabi niya. 


 

Sa bilis ng panahon, maraming bagay na rin ang nagbago, tulad na lang ng kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Rina ngayon. Pero kung hindi naman siguro masamang humiling, sana pagbigyan siya ng mundo sa gusto niya. 


 

Na kung dumating man ang araw na hindi siya makasabay sa ikot nito, sana kamay pa rin ni Rina ang hawak niya, kahit na alam niyang kahit anong mangyari ay hindi titigil ang mundo para sa kanya. 


 

Pagkarating nila sa tapat ng pinto ng kwarto ng kambal, mahinang kumatok si Winter. “Ate Winter here. I'm coming in ha.”


 

Agad namang bumukas ang pinto at sinalubong sila ng energetic na bati ni Lucky. 


 

“Ate Winter!” 


 

Nang mapansing may kasama si Winter sa likod, bigla namang naging mahiyain ang ngiti ni Lucky. 


 

“Oh bakit behave ka bigla? Ikaw talaga.” Pabirong ginulo ni Winter ang buhok ni Lucky. Humagikhik lang naman ang bata dahil sa narinig. 


 

“Hello, Ate Rina.” Lucky grins at the person smiling behind Winter. 


 

“Hi, Lucky.” Rina greets back with equal enthusiasm. Lucky ushered them inside. 


 

Tama nga si Winter nang hinala na hindi pa natutulog ang kambal. Oras na rin kasi ng kanilang afternoon nap at alam niya namang dito nasusubukan ang pasensya ng Tita Weng niya pagdating sa mga bata. 


 

Kaya sa tuwing umuuwi siya rito, siya na ang nangungumbinsi sa dalawa na matulog tuwing hapon. Dahil gaya nga ng sabi ng Tita Weng niya, mas nakikinig pa raw ang kambal sa kanya, higit pa sa sarili nilang ina (kahit OA lang talagang mag-describe ang Tita Weng niya). 


 

“What are you reading, Laya?” Rina asks softly as soon as she's beside the shy little lady. 


 

“Dolphins.”


 

“They're cute,” Rina says before peeking at the book Laya's holding. 


 

“Did you know that I met them in person already?” singit ni Winter sa usapan nila. 


 

“Really?” Laya asks Winter, curiosity evident in her face. 


 

“Yup! Here.” Nilabas ni Wi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po