Repetition

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 16

Repetition

 

Isang maaliwalas na Huwebes ng hapon. 


 

Bukod sa maganda ang panahon, isa rin to sa mga bihirang pagkakataon na pareho silang nasa unit lang ni Ning buong maghapon. Sakto rin dahil nagkaroon ng bagong libangan si Ning kamakailan lang. 


 

Nahilig si Ning sa panonood ng mga decluttering videos sa YouTube. At malamang, dahil nasa iisang bubong lang naman sila, walang takas si Winter. 


 

At ang una nilang napagdiskitahang halughugin ngayong araw: ang kanilang shared bookshelf. 


 

Noong lumipat sila sa kanilang unit, kasama sa mga dala nila ang ibang mga gamit (na hindi pa nila kayang pakawalan noon) mula pa noong mga panahong nasa unibersidad pa sila.


 

Abala si Winter sa pagsasalansan ng mga piling librong gusto niya nang iwan. Napagdesisyunan niyang dalhin na lang pag-uwi sa kanilang probinsya ngayong Pasko ang karamihan sa mga hindi naman niya nagagamit (o hindi na balak na gamitin pa sa susunod).


 

Habang tahimik na nagliligpit, napangiti si Winter nang makita ang isa sa mga librong ginamit niya noong freshman pa siya.


 

Isa ito sa mga required nilang basahin sa paborito niyang klase sa ilang taon niyang pananatili sa unibersidad. Naalala niya kung gaano siya ka-excited na pumasok kahit na abot-abot ang pagod niya dahil malayo ang pinanggagalingan niyang gusali para lang makaabot sa klaseng ito. 


 

Hindi rin makakalimutan ni Winter ang ilan sa mga iniwang kataga ng instructor niya sa naturang kurso noong naging topic nila sa klase ang tungkol sa iba't-ibang paraan kung paano maaaring malikhaing gamitin ang mga salita. 


 

Sabi kasi ng instructor niya, kapag madalas mo raw na inuulit ang isang salita, minsan, nawawalan ito ng halaga. 


 

Rina. 


 

Natigilan si Winter sa pag-aayos ng mga libro. Napailing siya. Napansin niya kasing napapadalas na ang pagdaplis ng pangalan na 'yan isip niya nitong mga nakaraang araw. Aminado siyang minsan, hindi niya rin talaga mapigilan. 


 

Rina. 


 

Tuwing may random tips mula sa isang writing community (na hindi niya naman sinusubaybayan dati) na napapadpad sa feed niya. 


 

Rina. 


 

Tuwing may nakikita siyang lumang litratong kuha niya mula sa mga nagdaan niyang proyekto na sa tingin niya ay magiging interesado si—


 

Rina. 


 

Teka lang, hinga muna. 


 

Pilit niyang ibinalik ang isip sa alaala ng kanyang paboritong klase noong freshman year. Sa pagkakatanda niya, may karugtong pa 'yung sinabi ng instructor niya.


 

Na kapag madalas mo raw na nakikita, minsan, nakakasawa na. 


 

Nitong mga nakaraang linggo, mas naging madalas ang mga pagkikita nila ni Rina. May mga pagkakataon naman na silang apat ang lumalabas nang magkakasama (lalo na kapag gustong mag-destress ni Gigi), pero mas marami pa ring beses na silang dalawa lang ni Rina ang nagkikita. 


 

Mga pagkikitang hindi na kailangan ng malalim na rason para mangyari tulad ng dati—isang simpleng aya, mapa–text o tawag man na hangga't pwede at kaya ng oras, nagagawan ng paraan. 


 

Kaya sa tingin ni Winter, nagkamali 'yung instructor niya. 


 

Dahil kung totoo ngang nawawalan ng halaga ang isang salita kapag ito'y palaging inuulit, bakit naging mas matimbang na tuwing naiisip, naririnig, at nasasabi niya ang Rina? 


 

At kung tunay ngang nakakasawa kapag may lagi kang nakikita, bakit sa bawat pagkikita nila ay mas lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang makasama ulit si Rina? 


 

Ibinalik niya sa kanilang bookshelf ang librong hawak niya. Mukhang kailangan niya itong basahin ulit. 


 

*****


 

“Ning,” mahinang tawag ni Winter sa kasama niyang masarap na ang pagkakahiga sa sofa. Hindi kasi sigurado si Winter kung nakatulog na ba ito dahil may nakapatong na unan sa kanyang mukha. 


 

Kakatapos lang ng kanilang unang decluttering session. Ilang oras lang naman ang nilaan nila para rito pero pakiramdam ni Winter, isang buong library na ang nalinis nila. 


 

“Bakit?” iritang ungot ni Ning. “Patulog na ko eh. Bwisit ka.”


 

“Wag na nga.” Pabirong binato ni Winter ng unan si Ning. “May kwento pa naman ako.”


 

Agad na napabalikwas si Ning mula sa pagkakahiga. “Hoy?! Ano 'yan?” 


 

“Tignan mo, napaka-chismosa.”


 

Umayos na ng pagkakaupo si Ning. “Kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil na chikahin ka recently. Hirap na hirap na ko! Namumuro na kayo simula pa noong birthday namin ni Gigi!” 


 

“Bakit?” hamon ni Winter sa kanya. “Sure ka bang tungkol diyan 'yung kwento ko?” 


 

“Ay hindi ba 'yun 'yung kwento mo? Kung hindi, salamat na lang pala.” Pabalik na sana sa pagkakahiga si Ning nang pigilan siya ni Winter. 


 

“Ito na nga.” Tumayo si Winter mula sa pagkakaupo sa lapag para tabihan si Ning sa sofa. 


 

“Alam ko namang kailangan mo ko sa mga usapang ganyan,” mayabang na sabi ni Ning. “So kayo na?” 


 

Wala talagang preno ang bibig ni Ning minsan. 


 

“Parang ewan naman 'to kausap,” reklamo ni Winter. 


 

“Eh ano ba kasing dapat na itanong ko? Ganun talaga, straight to the point. Isang tanong, isang sagot!” 


 

“Hindi,” mabilis na sagot ni Winter bago pa man may masabing iba si Ning. 


 

“Bakit hindi pa?” 


 

Napahawak sa kanyang sentido si Winter. Parang sasakit pa nga ang ulo niya kay Ning. Napaisip tuloy siya kung tama bang mag-open up ngayon sa katabi. 


 

Pero sa bagay, kanino pa nga ba siya lalapit? Malamang, doon sa subok na. 


 

“Joke lang, ang seryoso mo naman!” natatawang bawi ni Ning sa tanong niya. “Pero may kasunod ba 'yang ‘Hindi.’ mo?” 


 

“Hindi…ko alam,” alanganing sagot ni Winter. 


 

Binato siya ni Ning ng unan sa mukha. “Ayaw ko ng mga ganyang sagutan!” 


 

“Makinig ka muna kasi.” Inis na nilayo ni Winter ang iba pang mga unan na abot-kamay lang ni Ning for her safety. “Ang ibig kong sabihin, hindi ko pa alam kung anong dapat gawin.”


 

“Pero gusto mo?” seryosong tanong ni Ning. 


 

“Alin?” 


 

“Tingnan mo, ikaw 'tong parang ewan kausap.” Inirapan siya ni Ning. “Si Rina malamang! Bakit? May iba pa ba?” 


 

“Wala.”


 

Gusto niya raw ba si Rina. Kung tutuusin, madali lang naman sagutin 'yung tanong na binitawan ni Ning. Oo o hindi lang naman ang pwedeng pagpilian. 


 

Ilang araw niya na rin naman itong pinag-isipan. Ayaw niyang maging padalos-dalos sa kanyang mga desisyon. Dahil mapa-oo o hindi man ang maging sagot niya rito, hindi lang naman siya ang maapektuhan nito. 


 

At wala naman nang iba pang mas may kilala sa sarili niya kundi siya. At kung mas papatagalin niya pang ipagkait sa sarili niya na tanggapin ang katotohanan, baka mas lalo lang siyang maguluhan. 


 

“So?” tanong ulit ni Ning. 


 

Malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Winter bago harapin si Ning para sagutin ang tanong nito ng isang determinadong, “Oo.”


 

Hindi mapigilan ni Winter ang mapangiti. Ngayon, hindi na lang siya ang may alam. Ang gaan lang sa pakiramdam. Kapag pala sigurado ka sa nararamdaman mo, ang sarap lang ulit-ulitin.


 

Hindi nakakasawa. At sa bawat pagbigkas nito, lalo lang lumalalim ang halaga. 


 

“The only right answer.” Tinapik-tapik pa siya ni Ning sa balikat na para bang proud na proud ito sa narinig niya. “So ang next kong tanong: kailan mo sasabihin sa kanya?” 


 

“Hindi ko alam,” nahihiyang sagot ni Winter. “Hindi naman kailangan.”


 

“Ha?!” Napalakas ang tapik ni Ning sa balikat niya. 


 

“Wait lang kasi. Okay lang naman sakin na ano, na ganito.” Nilihis niya ang tingin mula kay Ning bago muling magsalita. “Hindi naman kailangan na gusto niya rin ako.” 


 

“Hoy, Winter. Hindi kita pinalaking ganyan!” 


 

“Sa ngayon,” mariing sagot ni Winter. “Mararamdaman ko naman siguro kung ano, kung pwede. Pero ayoko muna siyang i-pressure about it.”


 

“Kahit ang landi landi niyong dalawa.” Pabiro siyang inirapan ni Ning. “Di niyo lang siguro napapansin kasi para kayong may sariling mundo, pero kami ni Gigi, nasusuka na.”


 

Natawa naman si Winter. “Pero seryoso, Ning. I like where we are right now. At kilala mo naman si Rina. I'm sure we'll talk about it when we're both ready. Kung anuman 'yung meron kami…kung meron nga ba.”


 

“Bakit tunog talo ka na dyan? Umayos ka nga!” 


 

“Ayaw ko lang na sobrang umasa tapos wala naman pala,” depensa ni Winter sa sarili. “Basta ngayon, alam kong sigurado akong gusto ko siya.”


 

Ang sarap pala talagang sabihin. 


 

“Gets naman. Ayaw ko lang din ng repeat history para sa'yo as a concerned bestie. Mabuti na ang maingat. Mamaya pasakitin mo na naman ulo ko.” 


 

“Hindi ganun si Rina,” mabilis na sagot ni Winter. 


 

“Alam ko.” Nginitian siya ni Ning. “Kaya nga I'm rooting for the both of you.”


 

“Thanks, Ning.” Nginitian siya ni Winter pabalik. “Ayan, updated ka na ah. Wala na kong utang na kwento. Kaya wag mo na kong artehan.”


 

“Hoy, hindi pa 'yan tapos,” pagbabanta ni Ning. “Kailangan ko ng updates hanggang maging kayo na. Dapat una ko sa pagputok ng balita.”


 

Napailing na lang si Winter. Ang hirap naman ng hinihingi ni Ning. 


 

Kahit nga siya, hindi pa rin sigurado kung aabot ba sila doon. At una sa lahat, may posibilidad man lang ba na mangyari 'yun? 


 

Isang tao lang naman ang pwedeng makasagot ng tanong niya. Sino pa nga ba kung hindi si—


 

From: Rina

(4:38 PM) hey, winter. are you busy right now? 


 

Oo, busy sa pagbibida kay Ning na gusto kita. 


 

Pero syempre, hanggang sa isip niya lang muna 'yan. May hangganan rin ang tapang niya. Baka diretso blocked messages ang abutin niya kay Rina kung sakaling 'yan agad ang i-reply niya. 


 

From: Winter

(4:39 PM) Hindi naman. Bakit? 

 

From: Rina

(4:40 PM) do you want to drop by sa studio? :) 

 

From: Winter

(4:41 PM) Ngayon? Pwede naman. Pero bakit? 

 

From: Rina

(4:42 PM) i'm alone eh. gigi left early :(


 

Sino ba naman si Winter para paghintayin pa si Rina kung ginamitan na siya nito ng “:(”? 


 

Tumayo siya sa sofa at ibinulsa ang phone na hawak niya. Nagtataka lang naman siyang tiningnan ni Ning. 


 

“Anong meron?” tanong ni Ning sa kanya. 


 

“Alis lang ako.”


 

“Saan ka punta?” excited na tanong ni Ning. “Sama ako!” 


 

“Wait.” Agad na hinarangan ni Winter si Ning nang akmang tatayo na ito. “Sit.” 


 

“Ginawa pa nga akong aso!” 


 

Natawa naman si Winter. “Bawal.”


 

“Bakit? Saan ka ba pupunta?” Magkasunod na tanong ni Ning sa kanya. 


 

“Kay Rina.”


 

“Napaka-arte.” Pabirong tinulak ni Ning si Winter palayo. “Oh go! Maglandian kayo! Nakakahiya naman sa inyong dalawa kung sasama pa ako!” 


 

Lalo lang namang natawa si Winter. “Date na lang tayo bukas.”


 

“Ayoko ng may kahati, Winter. Please lang.”


 

“Oh tingnan mo, mas maarte ka pa sakin!” 


 

“Alis na!” Tulak ulit sa kanya ni Ning na ngayon ay natatawa na rin. “Landi well!” 


 

*****


 

Mabilis na nakarating si Winter sa opisina ng BEKA. Dahil medyo napapadalas na rin naman ang mga pagpunta niya nitong mga nakaraang linggo, kilala na rin siya ng security rito. 


 

Diretso siyang naglakad papunta sa elevator (na para bang matagal na siyang tenant dito) nang may tumawag sa atensyon niya. 


 

“Winter?” 


 

“Ms. Irene,” gulat na bati ni Winter sa babaeng nasa harap niya. “Hello po.”


 

“What brings you here?” 


 

Wala talagang kupas ang ganda ni Ms. Irene. Kahit na medyo nakakatakot nga lang.


 

“Ah, si Rina po,” nahihiyang sagot ni Winter. “She asked me to come here.”


 

“Talaga?” ngayon, si Ms. Irene naman ang nagulat. “Akala ko umuwi na rin siya. Nakasalubong ko kasi si Gigi pauwi kanina. Anyway, alam mo naman kung saan diba?” 


 

“Ah, opo.”


 

“I figured. By the way, I noticed na I have been seeing you a lot here lately.” Nginitian siya ni Ms. Irene. “Sige, I'll go ahead na. Ingat kayo ni Rina pauwi. I'm assuming susunduin mo siya?”


 

Ang dami namang sinasabi ni Ms. Irene. 


 

“I hope I'm not being intrusive,” apologetic na sabi ni Ms. Irene. “I just know na it's her car’s coding today, kaya nga I'm surprised na hindi siya sumabay kay Gigi earlier. Anyway, I really have to go na. You two take care.”


 

Matapos ng kanyang munting encounter kasama si Ms. Irene, dumiretso na si Winter papunta sa studio room. Nakaawang ang pinto ng silid kaya naman tanaw niya na agad ang pigura ni Rina. Mahina siyang kumatok para ipaalam na nakarating na siya. 

 

 

“Rina?” 


 

“Winter?” nakangiting bati ni Rina sa kanya. “Come in na.”


 

Nakaupo si Rina sa kanyang swivel chair. Bakante ang isa pang swivel chair sa tabi niya (na malamang ay para kay Gigi dahil sa nakaburdang G sa sandalan nito). Agad na lumapit si Winter para maupo sa tabi ni Rina bago ilapag ang paper bag ng Coffee, Tea, or Me na dala niya sa mesang nasa harapan nila.


 

“Whatʼs this?” tanong ni Rina nang makaupo na si Winter sa tabi niya.


 

“Kape.”


 

“I know, Winter. I saw the paper bag.” Pabiro siyang inirapan ni Rina. “I meant what for?” 


 

“Wala lang,” kibit-balikat na sagot ni Winter. “Baka lang gusto mo. If ayaw mo, ako iinom.”


 

Mabilis na hinablot ni Rina ang paper bag nang akmang aagawin ito ni Winter sa kanya. “No, you bought this for me. So, this is mine.”


 

Natawa naman si Winter. Wala naman talaga siyang balak mang-agaw. Hindi niya naman binili 'yun para sa sarili niya. Binuksan ni Rina ang paper bag at agad na napangiti nang makita ang laman nito. 


 

“How did you know that I like this one?” Rina takes the cup out of the bag. 


 

“Na-order na ‘yan ni Gigi dati,” nagsimulang magpaliwanag si Winter, “Akala ko nga sobrang need niya ng kape that day kaya dalawa ‘yung order niya. Tapos sabi niya para sa’yo raw. Naalala ko lang.”


 

Nang hindi inalis ni Rina ang tingin sa kapeng hawak niya, kinabahan na si Winter. Hindi niya tuloy mapigilan ang magtanong. “Mali ba?” 


 

“No.” Nakangiting umiling si Rina bago siya harapin. “I'm just happy you remembered.”


 

Rina can still vividly remember the first time she had this drink. It was also here in the studio, an afternoon when she and Gigi were preparing for one of their episode releases. She remembers opening up to Gigi about how she feels like Winter still isn’t that comfortable being alone with her.


 

It just feels surreal to be in the very same space where she used to voice out her worries about Winter, who happens to remember her favorite Coffee, Tea, or Me drink the first time she heard of it.


 

“Nakakatakot naman ‘yang tingin mo.” Pansin ni Winter dahil kanina pa palipat-lipat ang tingin ni Rina sa pagitan niya at kapeng hawak nito. 


 

“Why?” Nakangiting tanong ni Rina. “How do I look at you ba?” 


 

“Na parang may ginawa akong masama.” 


 

“I'm telling you now that it's far from that.” Rina chuckles lightly before drinking from her cup of coffee. “I just remembered something lang.” 


 

“Kasama ba ko sa memory na 'yan?” mapanghamong tanong ni Winter sa kanya. 


 

Rina smiles smugly. “You're the star of it actually.”


 

“Spill nga kung totoo.”


 

Rina laughs. “It's nothing important naman. I remembered lang na Gigi and I used to talk about you. Here. Same setup. In these same chairs.”


 

“Kayo ha.” Pinanliitan siya ng mata ni Winter. “Pinag-chichismisan niyo ko.”


 

“You wanna know what we talked about?” asar sa kanya ni Rina pabalik. 


 

“Sasabihin mo ba?” 


 

“Only if you want me to.”


 

Winter reaches for the sides of Rina's chair and pulls it closer to her swiftly (thanks to the wheels, maybe). Her hands stay on the armrests of Rina's chair, making it impossible for Rina to escape her hold (and maybe her eyes, too). 


 

“Gusto ko,” mariing sagot ni Winter.


 

“W-wha—”


 

“Ano 'yun?” mapang-asar na tanong ni Winter nang mapansin ang agad na pamumula ng mga pisngi ni Rina. 


 

Kung may pagkagulat man sa mukha ni Rina kanina nang maglapit silang dalawa sa isa't-isa, agad lang din itong nawala at napalitan ng mapaglarong ngiting kabisado na ni Winter.


 

“We were talking about how you were so nice and all to Gigi tapos you were masungit to me.” Rina moves her face closer to Winter's. “Gigi even implied na maybe it's because you don’t like having me around. Of course, I didn’t believe her. Kasi bakit naman?”


 

“Ang yabang naman,” biro ni Winter.


 

“So, during that time, I was just thinking about ways on how to prove her wrong and eventually get closer to you.” Rina taps Winter's cheek gently. “I was successful, right?”


 

Napabitaw si Winter sa kanyang pagkakahawak at mabilis na itinulak palayo ang upuan ni Rina mula sa kanya. 


 

Kailangan niya munang huminga. 


 

“What?” Napuno ang studio room ng malakas na tawa ni Rina. “It's you who pulled me in and now you’re pushing me away?” 


 

Pasalamat na lang talaga si Winter dahil may gulong ang mga swivel chairs. 


 

After regaining her composure, Winter clears to ask Rina the question she's been wanting to ask since she received her text earlier. “So, bakit di ka pa umuuwi?” 


 

Sinubukan ni Winter na ilihis ang kanilang usapan. Mahirap na. Baka mapunta pa sa usapang pareho nilang hindi pa handang harapin sa ngayon. 


 

“About that…” Rina stands up to walk towards the other desk where her laptop is. “I was trying to write pa kasi. I’m kinda stuck… I think. I don’t know, the ideas are just right here but I can’t put them into words pa. I really don’t know, Winter. I don’t know why it’s suddenly so hard.”


 

Winter nods in understanding. “Pahinga ka rin kasi. And don’t be too hard on yourself.”


 

“I’m trying to.” Rina gives her a reassuring smile. “You sure you aren’t busy? I want to stay a little pa kasi. Baka may mapiga pa.”


 

Winter shakes her head. “Samahan na kita. Wala naman na akong iba pang gagawin.”


 

Rina settles back in her seat. “Are you sure you don’t mind? You might get bored though.”


 

“Pinapunta mo kaya ako,” natatawang sagot ni Winter. “Just do your thing, Rina. Akong bahala sa sarili ko.”


 

Hinayaan ni Winter si Rina na ituloy ang pagsusulat habang itinuon naman niya ang atensyon sa kanyang cellphone. Nagpadala rin siya ng maikling text kay Ning para ipaalam na nakarating siya sa BEKA nang buo't buhay. 


 

Pasimple ring nagnanakaw ng tingin si Winter sa katabi. In her defense, gusto niya lang namang siguraduhing okay si Rina. Paminsan-minsang nagtatama ang mga mata nila kapag nasasaktuhan ni Winter na nakatingin na pala si Rina sa kanya. 


 

Halos isang oras din ang nakalipas bago huminto si Rina sa pagsusulat. Napalakas din ang pagsara nito ng laptop niya na dahilan naman ng pagkagulat ni Winter. 


 

“Sorry.” Rina chuckles. “I think I reached my productivity limit for the day.”


 

Winter laughs in return. “Mukha nga. Gutom ka na ba?”


 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po