Marks

Basta, Ewan, Kahit Ano: The Podcast
Please Subscribe to read the full chapter

Episode 19

Marks

 

Kahapon, napagsabihan si Lucky ng mga magulang niya.


 

Hindi naman na bago ang eksenang ito sa bahay nila. Sabi nga ng Tito Luis niya, hindi naman daw ito nakakagulat dahil nasa edad na rin si Lucky ng kakulitan. Dagdag pa ng Tita Weng niya ay normal lang naman daw ito dahil nagsisimula pa lang si Lucky sa pagdiskubre ng mga bagay na kinahihiligan at maaari pa niyang kahiligan sa mga susunod na taon.


 

Mahilig gumuhit si Lucky. 


 

Ngunit sa dinami-dami ng uri ng papel at sketchbooks na binili ng mga magulang niya para sa kanya simula noong makita nila ang talento nito sa pagguhit, walang ni isa sa mga ito ang napili niyang guhitan kahapon.


 

Ang napili lang naman niyang pagpraktisan ay ang kanilang bagong pinturang dingding sa kwarto.


 

Sabi ng Tito Luis niya, aasikasuhin na lang niya ang pagpapa-ayos sa dingding para takpan ang mga guhit pagkatapos ng bagong taon. Mas mahalaga raw na matuto si Lucky mula sa pangyayaring ito. Mukhang naintindihan naman ni Lucky ang mga sinabi ng tatay niya. Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila, nangako siyang hindi na raw ito mauulit (kahit na may kaunting duda si Winter dito). 


 

Hindi bago ang eksenang ito para kay Winter dahil may ganito rin siyang eksena noong bata pa siya. Pero hindi naman siya kagaya ni Lucky.


 

Hindi siya katulad ni Lucky na biniyayaan ng talento sa pagguhit. Gusto niya lang talagang subukan na markahan ang dingding ng kwarto niya.


 

Kung bakit? Wala lang. Walang partikular na rason. 


 

Napagsabihan din siya ng mga magulang niya noon. Pero dahil hindi naman siya katulad ni Lucky, umulit siya. 


 

At katulad ng balak ng Tito Luis niya sa susunod na araw, ang bawat bakas ng guhit na iniwan niya ay naikubli ng pinturang satin na pinili ng tatay niya (na dalawang beses na nangyari, dahil nga inulit niya).


 

Pero siguro nga ay hindi lahat ng marka ay maaaring itago ng ilang patong ng pinturang satin.


 

Kung mga guhit sa dingding lang din naman ang magiging basehan, walang duda na pwedeng-pwede silang burahin. 


 

May solusyon na nakahanda. Agad na mawawala. At ang katapat? Ilang lapat lang ng pinturang satin. 


 

Pero minsan, may mga markang makukulit din. Mahirap tanggalin. Naiiwan. Nananatili kahit anumang pilit mong alisin.


 

Tulad na lang ng iniwang marka sa kanyang kaliwang tuhod ng pagsemplang niya habang nagbibisikleta sa Burnham Park noong pitong taong gulang pa lamang siya. Biro pa nga ng tatay niya ay hindi na nila kailangan pang bumili ng souvenir dahil may sigurado naman na siyang iuuwi pagbalik nila ng Maynila.


 

Hindi naman niya alam na magiging lifetime souvenir pala ang dala niya.


 

At kung may mga uri ng markang tila ipinagsisigawan sa mundo ang presensiya nila (tulad na lang ng nasa tuhod niya), mayroon din namang mga uri na tahimik. 


 

Tahimik, pero hindi ka papatulugin. Tahimik, pero iisipin mo nang paulit-ulit.


 

Dahil kahit na hindi nila ipagsigawan sa mundo na, “Tumingin ka rito, nandito ako!”, nakakabingi naman ang pagdagundong ng mga kaakibat nitong alaalang umukit sa kanila. 


 

At sa tingin ni Winter, ito ang uri ng markang pinakamahirap kalimutan. 


 

*****


 

Pagmulat ng mga mata ni Winter, ngiti agad ni Rina ang sumalubong sa kanya. Sino ba naman siya para ipagkait kay Rina ang ngiti niya, hindi ba? 


 

Simula nang naging pag-uusap nila noong Pasko, pakiramdam ni Winter ay mas lalo lang lumalim ang kung anumang nararamdaman niya para kay Rina. 


 

At kasabay ng patuloy na paglalim nito ang lalo pa niyang tumitinding kagustuhan na mas maging malapit kay Rina.


 

Malapit. 


 

Ang unang uri ng lapit na nag-udyok sa kanya na hatulan ng forced eviction ang unan na pilit niyang inilagay sa pagitan nila ni Rina noong unang gabing magkatabi silang natulog sa kama. 


 

Malapit.


 

At ang ikalawang uri ng lapit na hindi saklaw ng mga bagay na nakikita at nahahawakan. 


 

Tahimik na naglalagi sa pagitan ng mga palitang ngiti at mga salitang hindi na kailangan pang bitawan. 


 

“Hi,” halos pabulong na bati ni Rina sa kanya. “Good morning.”


 

Kung ganito rin naman ang sasalubong sa kanya sa bawat umagang haharapin niya, bakit pa siya matatakot na hamakin ito, diba? 


 

“Hello,” bati ni Winter pabalik. “Good morning.”


 

“Are you excited for today?” Nakangiting tanong ni Rina. Umusog pa ito lalo papalapit sa kanya (kung may ilalapit pa nga ba ang posisyon nila sa ngayon). 


 

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Winter. Napaisip tuloy siya kung may plano ba sila ni Rina mamaya na nawala sa isip niya. 


 

“It's your birthday na mamaya.” 


 

Oo nga pala. 


 

Bisperas na ng bagong taon ngayon. Ibig sabihin, isang taon na naman ang lumipas sa buhay niya. At isang panibagong taon na naman ang haharapin niya. 


 

At ibig sabihin din nito ay ilang magkakasunod na gabi na rin silang natutulog ni Rina nang magkatabi sa kama niya (na walang unan sa pagitan nila). 


 

“Okay lang.”


 

“Try to sound enthusiastic naman!” Pabiro siyang hinampas ni Rina sa tiyan. Natawa na rin sila pareho.


 

Excited naman talaga si Winter. Una, dahil sa mga pagkain na ihahanda ng nanay niya mamaya. Sigurado siyang present sa attendance check ang mga paborito niya dahil ganun lang talaga magmahal ang nanay niya. 


 

Pangalawa ay dahil ito ang unang kaarawan niya na kasama si Rina. At kung hindi naman siguro ipagkakait sa kanya ng mundo, baka naman pwedeng isama niya na rin sa birthday wish niya ngayong taon ang makasama pa rin si Rina hanggang sa mga susunod. 


 

Si Rina ang unang bumangon sa kanilang dalawa. Saglit nitong inayos ang kanyang mahabang buhok (na sa tingin naman ni Winter ay hindi na kailangan dahil ang ganda niya pa rin) bago hilahin si Winter patayo. 


 

“Ayaw ko pa…” reklamo ni Winter at agad siyang bumalik sa pagkakahiga. At for extra dramatic effect, nagtakip pa siya ng unan.


 

“Come on, bangon na,” natatawang sabi ni Rina bago marahang hilahin ang unan na nakatakip sa mukha ni Winter. “Tita Winona told me that we’re coming with her daw today.”


 

“Saan?” bakas ang gulat sa mga nagtatanong na mata ni Winter. “Kailan niya sinabi? Bakit di niya ako sinabihan?” 


 

“I don't know the details yet, Win. She just told me last night before she went to sleep.”


 

Sinubukan ulit ni Rina na hilahin si Winter patayo. 


 

“Buti naman isasama niyo na ko.” 


 

“Tita said ang drama mo raw kasi. Ayan tuloy, you're coming with us na this time,” nakangising sabi ni Rina. 


 

Bakit naman parang nakakaabala pa siya. Birthday niya kaya mamaya! 


 

At dahil may birthday pass siya ngayon (kahit technically, hindi niya pa birthday pero papasa na sa ibang timezones), pwede naman siguro siyang mag-inarte nang kahit kaunti. 


 

Bumalik si Winter sa pagkakahiga. 


 

“Winter,” seryosong sabi ni Rina. “We're gonna be late. I don't want to keep Tita Winona waiting. Get up na.”


 

“Six minutes lang.”


 

“We have to get going na.” Isa pang ulit ni Rina sa pangungumbinsi kay Winter. 


 

“Six minutes pa.”


 

“Six?” pag-kumpirma ni Rina sa narinig kay Winter na binigyan naman siya ng isang thumbs up bilang sagot. “Why six?”


 

Mapanghamon siyang hinarap ni Winter. “Bakit naman hindi?”


 

“I don’t know with you. When people ask for more time to stay in bed, it’s usually five kasi. Right?”


 

“Wow,” nagkunwari namang nagulat si Winter sa narinig bago mapang-asar na nginitian ang kaharap niya. “Ilan na ba ang naging katabi mong matulog, Rina?”


 

Inirapan siya ni Rina bago batuhan ng pinakamalapit na unan sa kanya. “I’m using Gigi as a reference kasi!”


 

Natawa lang naman si Winter. Natutuwa talaga siyang asarin si Rina nitong mga nakaraang araw. 


 

“Why are you looking at me like that? Go use your six minutes or whatever that is!” 


 

Natatawang napailing na lang si Winter bago marahang hilahin si Rina pabalik sa tabi niya. 


 

“Now what?” tanong ni Rina nang magkatabi na ulit sila sa kama, gaya kaninang pagkagising nila. 


 

“Well I guess in that case, same naman kami ni Gigi. Okay na sakin ‘yung five minutes.” Napangiti si Winter nang mapansin ang unti-unting pagsilip ng pagkalito sa mukha ni Rina. “Dati.”


 

“Dati?” Mas lalo lang nagtagpo ang mga kilay ni Rina. “And now?” 


 

“I need an extra minute for this.”


 

“For what?”


 

“This.”


 

Inayos ni Winter ang kumot na pinaghahatian nila hanggang sa mabalot nito nang husto ang kanilang mga balikat. 


 

“We’re not doing anything, Win,” mahinang sabi ni Rina. “We’re just… here.”


 

“Exactly,” dahan-dahang pinikit ni Winter ang kanina niya pang bumabagsak na mga mata. Kahit na nakakagising naman ang ganda ni Rina, inaantok pa rin talaga siya. “Just here.”


 

Kung paano naging halos kalahating oras ang kanilang six minutes na usapan, alam naman ng lahat kung sino ang dapat na sisihin at balikan. 


 

*****


 

Totoo nga pala na may plano ang mama niyang lumabas ngayong araw. Kanina kasi, noong sinabi ni Rina na aalis daw sila ngayon, medyo nagduda na siya. 


 

May birthday surprise kaya sila para sa akin? 


 

Hindi naman siya umaasa. At hindi rin naman siya sigurado kung gugustuhin niya ngang masurpresa siya. 


 

Her past birthdays were celebrated just the way she wanted them to be. Light, familiar, and comfortable, in the presence of the people she cares about the most.


 

Mukhang hindi naman nalalayo sa nakasanayan na niya ang magiging selebrasyon niya ngayong taon. 


 

Pagkatapos nilang mabilisang mag-ayos ng mga sarili (salamat talaga sa alarm ni Rina at nagising pa sila), sinalubong na nila ang nanay niyang kanina pa naghihintay sa sala. 


 

“Akala ko ayaw niyo na kong kasama eh,” biro ng nanay niya matapos silang batiin ni Rina. 


 

Apologetic naman na nagsimulang magpaliwanag si Rina. “That's not it, Tita. Ang tagal po kasing bumangon ni Winter. We're sorry, we really didn't want you to wait.”


 

Kung makapagsalita naman si Rina, akala mo hindi rin ginustong tumabi. 


 

“Buti naman isasama niyo na ko ngayon, Ma. Kasi kung hindi, magtatampo na talaga ko,” pabirong singit ni Winter bago puntahan ang sabitan kung nasaan ang susi ng sasakyan niya. 


 

Nahagip naman niya ang saglit na tinginan ng mama niya at ni Rina, na parang may alam silang dalawa na hindi niya alam. 


 

“Anong meron?” nagtatakang tanong ni Winter. 


 

“Nothing,” maloko siyang nginitian ni Rina bago marahang tapik-tapikin ang kaliwa niyang balikat. “Go get your keys.”


 

Ilang minuto rin ang lumipas bago sila tuluyang makapagdesisyon sa magiging seating arrangement nila sa sasakyan. 


 

Naalala tuloy ni Winter 'yung pag-aayos din nila ng seating arrangement noong pumunta silang apat sa Rizal. 


 

Muntik na talaga siyang magtampo noon, kasi bakit parang wala ata sa mga kaibigan niya ang gustong tumabi sa kanya? 


 

Tapos naalala niya 'yung “Beside Winter” na isinulat niya sa papel, at ang maswerteng nakabunot nito na laman ulit ng passenger seat niya ngayon. 


 

Hindi lang naman pala sa sasakyan aabot ang “Beside Winter” niyang paandar noon, dahil ilang gabi nang sa tabi niya natutulog si Rina ngayon. 


 

Medyo mahirap palang magpigil ng kilig ngayong nasa likod lang nila  (at hindi rin naman nito tinatago ang kanyang paminsan-minsang pagtingin) ang nanay niya. 


 

Ilang beses na rin niyang nahuli mula sa rearview mirror ang tingin ng nanay niya. 


 

Una, nang in-adjust ni Winter ang upuan at seat belt ni Rina. Hindi naman na ito bago para sa kanilang dalawa. Kahit naman noong mga panahong hindi pa sila ano—(ano bang tawag dito, malandi siguro), ganito na siya kay Rina. 


 

Kung sakaling si Ning o si Gigi rin naman ang mapunta sa ganitong sitwasyon, gagawin niya pa rin naman ito. Wala namang bago. 


 

Pangalawa, nang inabot sa kanya ni Rina ang tumbler niyang may laman na paborito niyang timpla ng kape. Simula kasi noong nalaman ni Rina na may preference siya sa kape niya, naging interesado na ito sa paggawa nito. 


 

Salamat na rin siguro sa pagiging madaldal ni Ning dahil nadulas ito sa kanya isang gabing magkausap sila tungkol sa mga future plans ni Ning para sa café. 


 

Huli na ang lahat bago pa mapigilan ni Ning ang sarili—galing na mismo sa kanya na out of nowhere, nag-message daw si Rina sa kanya na nagpapatulong tungkol sa pagtitimpla ng kape.


 

Medyo mayabang na si Winter sa parteng ito, syempre. 


 

At pangatlo, nang iabot ni Winter ang cellphone niya mula sa console para hayaang mamili si Rina ng kung anumang kantang gusto niyang patugtugin. 


 

Palihim na sumulyap si Winter sa mama niya nang magsimulang tumugtog ang kantang pinili ni Rina. Malawak ang ngiti nito habang nakatanaw nang malayo sa bintana. 


 

Ibinalik din agad ni Winter ang kanyang atensyon sa kalsada. Tuluyan nang nabalot ng pamilyar na boses ng Carpenters ang sasakyan nila. 


 

Isang mabilis na sulyap sa katabi niya, na mukhang proud at satisfied naman sa naging music choice niya. 


 

Dahil kung nagpapalakas man si Rina sa mama niya ngayon, mukhang effective at successful naman siya. 


 

Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa restaurant na gustong subukan ng mama niya. Bagong bukas lang daw ito (mga dalawang linggo pa lang ang nakakalipas) pero mabilis na umugong ang pangalan nito sa kanilang barangay, at karamihan ng mga naging feedback ng mga nakapunta na ay masarap at sulit nga raw dito. 


 

Kaya naman gustong malaman ng mama niya kung totoo nga ba ang balita. Swerte na lang siguro na makakalibre pa sila ngayon ni Rina. 


 

Magkatabing umupo sina Winter at Rina habang nasa harapan naman nila ang mama niya. Pagkatapos kunin ng waiter ang orders nila, wala nang umimik sa kanila. 


 

Pero hindi mapakali si Winter. 


 

She's used to the quiet. It's always been like that for her. If she's asked to choose between engaging in small talks or sharing the silence, of course, it would always be the latter. 


 

But maybe, just maybe, it's about time for her to speak up first. 


 

Pero mukhang hindi na kailangan dahil nauna nang magsalita ang kaharap niya. 


 

“How's your stay sa amin so far, Rina?”  


 

Halos automatic naman ang pagngiti ni Rina sa naging tanong ng mama niya. Napansin din ni Winter ang bahagyang pag-relax ng mga balikat nito kumpara kanina noong wala pang naglalakas ng loob na magsalita sa kanila. 


 

“Nothing but great po, Tita. I'm enjoying everything so far. The place, the food, and the people…wala po akong masabi but j-just thank you.” Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Rina bago ibaling ulit ang tingin sa kaharap nila. “Thank you po ulit for letting me stay.”


 

“Like I said, I don't think may say naman ako…” Malokong tiningnan si Winter ng mama niya. 


 

Ito na naman siya. 



 

“Syempre meron, Ma,” mabilis na sagot ni Winter. “Bahay mo kaya 'yun.”


 

“Sa bagay,” natawa na rin ang mama niya. Pati si Rina, nakisali na. “But I'm happy that you're having fun here, Rina. It's been a while since may ipinakilala sakin si Winter.”


 

“Ma.” 


 

Ang unang babala. 


 

Pasimpleng pinandilatan ni Winter ang mama niya. Parang natatakot na siya sa mga susunod na sasabihin nito.


 

May sasabihin pa sana ulit ang mama niya pero napigilan ito nang dumating ang orders nila. Pasimpleng nginitian at pinasalamatan ni Winter ang waiter na naghatid ng mga pagkain nila. Ang galing lang kasi ng timing ni kuya. Tamang-tama lang ang dating niya. 


 

Because in the first place, they went here for the food. Regardless of whatever her mom's plans are, they went here for the food. 


 

Kaya bago pa man nila harapin ang kung anumang agenda ng mama niya ngayong araw, at least busog sila. 


 

Agad namang kinuha ni Winter ang mga utensils na gagamitin nila at inihanda ang mga ito para sa mga kasama niya. 


 

Lingid sa kaalaman ni Winter na ang dahilan ng maliit na ngiting naglalaro sa labi ni Rina habang pinagmamasdan siya ay ang alaala ng unang dinner nilang magkasama. 


 

Ito 'yung dinner nilang apat pagkatapos ng video shoot nila sa BEKA. Ganito rin kasi ang eksena noon. Kahit na bago pa lang silang magkakakilala, maasikaso na talaga si Winter sa mga kasama niya. 


 

Maybe this would just be another story she'd tell Winter sometime in the future, but Rina was honestly quite doubtful of Winter's actions then. 


 

Is she just trying to be nice? 


 

O baka naman nagpapasikat lang si Winter sa kanya, kung magiging ilusyonada man siya.  


 

But then came their lunch outs. Which were then followed by more dinners. Then came their midnight runs. And which eventually became all the random trips and food choices in between. 


 

And for all those times, Winter never missed. Talk about consistency. 


 

“You seem to…” Winter's mom trails off, as if finding the right words to build her sentence properly. “You seem to take care of each other well.”


 

Agad na inangat ni Winter ang tingin niya mula sa pasta na nasa harap niya para salubungin ang nag-aabang na tingin ng mama niya. 


 

“Syempre naman, Ma.” Winter tries to lighten up the mood in the hopes of delaying the topic that's about to open itself anytime now. 


 

Ngayon na ba talaga, Ma? Pwedeng ubusin ko muna 'yung pasta? 


 

“Ganun naman talaga kapag magkaibigan, diba?” pahabol na tanong ng mama niya. 


 

Pasimpleng inabot ni Winter ang kamay ni Rina sa ilalim ng mesa. 


 

Malamig. 


 

Hindi naman malakas ang aircon sa loob ng restaurant pero malamig ang kamay ni Rina na hawak niya. 


 

“Ma.” 


 

Ikalawang babala. 


 

“Bakit?” nakangiting tanong ng mama niya. “Nagtatanong lang naman ako.” 


 

The last thing Winter wants to happen is for Rina to be uncomfortable in any way. She doesn't want to put Rina on the spot. 


 

What Winter doesn't realize is that she's already drawing patterns on Rina's hand in an attempt to ease the building tension up a bit. 


 

Winter knows that her mom's just getting started. And she's not stopping anytime soon. 


 

And if her mom is going to give them the talk right now, then so be it. 


 

It's about time that she speaks—


 

“Yes po, Tita. Win and I are…” Rina looks at Winter hesitantly, breathes in deeply, then looks back at Winter's mom bravely. “We're good friends po.”


 

“Oh?” bakas sa mukha ng kaharap nila ang pagkagulat. Napa-iling mun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
krnmuse
Thank you po sa promotion! Grabe na kayo. ☹️

Comments

You must be logged in to comment
Yashbread
#1
miss u T---T
franzii
#2
Chapter 20: it’s 5am, i’m wide awake, and squealing sa kilig. grabe. kinda hate myself from putting off reading this for so long huhu but definitely worth the wait! everything just feels so real and romantic. the characterization is spot on. the slow burn is slow burning. i love the pace. feel mo talaga yung development ng relationship and feelings nila to one another. from being so shy and unsure, to being confident and secure… grabe ;_; i love this so much. thank you for writing and i hope you still continue this when you can hehe i’m so invested na and reading this on rina’s birthday definitely makes the day more special! happy rina day 💙
hiver_pogi
#3
i miss u, balik ka na 😔
lesyeuxderj #4
Chapter 19: miss na po final answer
dork_seulgi_k
875 streak #5
Chapter 20: 🥺
gok3_d
#6
Chapter 20: tinapos ko talaga basahin kahit ano na yun na nga
Eybrelros #7
Chapter 20: Nakakamiss naman na dto. Mag 1yr na silang ldr haba naman ng trial card kelan ba mag expired yan😔
kwinter
#8
Chapter 3: help im still at the restaurant
arisse_ #9
miss u po
kwinter
#10
hello po