Ulan

Faces
Please Subscribe to read the full chapter

#romance, #confession, #friendstolovers

 

May ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan kung paano natin ipagsiksikan ang isa’t isa sa maliit kong payong.

Sakto ang buhos ng ulan sa bugso ng sarili kong damdamin, parang Habagat na nag-aalimpuyo. Alam ko namang hindi ko pa nararanasan ‘yung proverbial butterflies in your stomach, kahit noon pa. Bumabagsak lang ang puso ko sa ilalim ng tiyan ko at napipigil nang panandalian ang aking paghinga. Umaakyat ang dugo sa mukha ko at para akong sinikmuraan sa kaba. Brutal ang kilig, sa totoo lang.

Pero, pareho nito ang thrill na nararamdaman ko sa Wild River na ride sa amusement park. ‘Yung dahan-dahan kang dadalhin sa tuktok at bigla kang ihuhulog pababa—para kang lumilipad kahit saglit lang. At uulitin mo nang ilang beses para makabisado mo ‘yung pakiramdam.

May madalas sabihin sa mga ganito eh: ‘parang naiwan ‘yung kaluluwa ko sa tuktok!’ Siguro nga naiwan ang kaluluwa ko sa’yo.

Nababasâ na ang braso ko dahil sa pagtulo ng tubig galing sa payong mismo, dahil nga hindi tayo kasya. Ikaw na rin ang naghawak sa payong ko dahil tumitiklop ka na sa kakayuko sa tangkad mo.

“’Yan kasi, hindi nagdadala ng payong,” pang-aasar ko sa’yo.

Ngumiti ka sa’kin sabay sagot ng, “Sira eh.”

Nakakalunod ka. Para akong nahihilo sa pagkalutang habang nakatitig lang ako sa’yo. Gusto kong nandito lang tayo, magkatabi sa ilalim ng maliit kong payong na walang laban sa malakas na ulan.

Habang nakasapo sa sarili kong damdamin, hinayaan kong anurin ng daloy ng tubig-ulan ang isip ko. Hindi na ako nagulat nang sa’yo ito mapadpad.

Nararamdaman kita kahit na iniwas ko na ang tingin ko sa’yo. Hindi ko nga lang alam ang laman ng isip mo. Kinakain na ako ng kaba sa mga oras na ito. Pero napagtanto ko na, kung hahayaan kong lumipas ang pagkakataon na wala akong ginawa, baka habang-buhay kong pagsisihan.

“Jill…” 

Lumingon ka agad pagkabanggit ko sa pangalan mo. Tinaasan mo lang ako ng kilay, at humimig ng mahinang “Hmm?” bilang tugon. Sa lakas ng buhos ng ulan, hindi ko na rin narinig ‘yung tunog. Nakita ko na lang ang magkadikit mong mga labi at ang mga mata mong nakatuon na pala sa’kin.

Mas malakas ang kalabog ng dibdib ko kesa sa pagdadabog ng ulan sa kawawang nylon ng payong natin.

“Jill, I like you.”

At bumulusok na ako pababa. Naiwan ang kaluluwa sa tangwa ng ligtas na distansya sa pagitan nating dalawa. Nahulog ako kasama ng puso ko. Handa akong mabalian ng buto, han

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Congratulations