Ephemeral

Faces
Please Subscribe to read the full chapter

#fakedatingau, #hurtcomfort, #angst, #romance

  Part One

"I tried to forget you;
sunk all your memories in the river,
but the waves keep tossing them back."

— No One Tells You How Easy It Is To Fall In Love Or How Hard It To Stay There, Emi Mahmoud

 

Jill broke away, taking in two, three inhales and expelling them slowly one after the other as she tried to stabilize her breathing before she huskily whispered, "I don't know about you, but this feels like the farthest thing from a love story."

Mace smiled, sighing after a moment. "Yeah. This attempt is shot to hell," she replied, before sealing their shared thoughts with another kiss. That was the only other time they shared this kind of intimacy together, after being in this unconventional situation for several months now. The very first time was on the same night they first met.

 

 

"And?"

Si Jill naman ngayon ang nakataas ang kilay kay Ysa. "Anong and?"

"'Yun na 'yun?" dismayadong tanong ni Ysa. Kaka-relax lang ng kilay niya nang umpisahan nila ang topic of conversation, pero ngayon ay nakakunot na namang muli ang noo niya dahil pa-mysterious masyado ang kanyang mentor.

Iritadong kinamot ni Jill ang blunt niyang bangs, bago ito suklayin ulit para iayos gamit ang mga daliri. "Sino ba kasi ang nagsabing sumama ka dito? Dapat ba 'pag nag-leave ako, magli-leave ka rin?"

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ysa, nagpipigil ng bahagyang irita dahil baka makalimutan niyang superior niya ang kausap niya. Sa trabaho naman, matinong kausap si Jill. Pero kapag pala sa labas ng trabaho, ang hirap magtimping pingutin ang Senior Managing Director ng kanilang kompanya. "Sorry na po," sarkastikong sabi ni Ysa.

Natatawang umirap si Jill, feigning annoyance. "Hindi mo pa rin sinagot 'yung tanong ko. Bakit ka ba kasi sumama dito?"

"Well, 'di ba sabi mo sa'kin, you owe me," sagot lang sa kanya ng subordinate niya, matter-of-factly. "Ito na 'yun. I'm getting what I'm owed."

"Wow. As if napaka-importante ng bakasyon kong 'to para kunin mo pa sa'kin, ha." In the back of her mind, parang may blackmail undertones yata ang sinabing iyon ng kanyang sobrang usiserang Chinita Princess protégé. Kahit kakasabi lang nito na almost tinutubos niya ang alone-time ni Jill as part of her payment for a good deed na parang kaluluwang isinangla na ang hinihingi nito sa kanya, ay naka-maintain lang ang parehong doll-eyed, innocent expression sa mukha ni Ysa na mistulang permanent resting face nito. Pakiramdam ni Jill ay pinaglalaruan siya ng kausap, what with her knowing Ysa is capable of master manipulation tactics like the one she's currently experiencing, whilst insisting that she's just doing things as things are intended to be done. "But honestly, you're right anyway," Jill relented.

"Oh, see?" agree ni Ysa. Tumuro pa sa mentor bago bumalik sa kinakain niyang barbeque. Ibináon iyon ng Junior Managing Director pagkatapos nilang kumain ng hapunan sa parehong restaurant na pinuntahan nila kaninang umaga, pagkadating nila sa resort. Masarap ang sinangag doon kaninang breakfast kaya naisip ulit ni Jill na doon na lang ulit mag-dinner after she had settled in sa binook niyang kwarto for her one week stay. Kasalukuyan nilang ninanamnam ang papalamig na hangin at pinagmamasdan ang unti-unting paghahalo ng violet at orange ng dapit-hapon sa malayo, habang pawala nang pawala ang liwanag ng araw.

"'De, pero seriously, nagwo-worry lang naman ako. Baka mamaya maglakad ka na lang sa dagat nang tuloy-tuloy a la ia Woolf, eh, that's why I'm asking," no-holds-barred na pag-offer ni Ysa ng explanation. Nanlaki na lang ang mga mata ni Jill and scoffed in disbelief sa audacity ng loka-lokang kasama.

"Ako? Magpapakamatay?" dramatic na napasinghap si Jill, as if hindi makapaniwala kay Ysa for even hinting at that. "She drowned in a river, by the way," pahabol niyang pag-correct sa sinabi nito.

"Okay, pero dagat 'tong nasa harap natin. So what's your point?" Ayan na naman si Ysa sa kanyang pagiging smart-mouth. "All I'm saying is, with how you recounted your story, parang sakit na sakit ka pa rin, Mami."

Napapalatak ng dila si Jill, walang humor sa mapanlibak na kombinasyon ng ngisi at tawa niyang pilit. "Sakit na sakit? Ako? Dahil saan? Dahil lang sa—"

"Sa summer fling mong hindi mo makalimutan. Hay, nako," umirap si Ysa. "Ms. Jill, I take your words seriously kaya! When you wanted to confide with me about your mishaps sa halos buong one month mo dito sa resort na 'to, hindi ko na makalimutan how desparate and in pain you were. Kaya never kong tatalikuran ang pangako kong maging shoulder to cry on, a person you can entrust your most vulnerable moments with—" oops! Biglang tapak ni Ysa sa brakes dahil kailangang kumambyo at mukhang she just struck a nerve. All of a sudden, wala nang humor sa piercing eyes ni Ms. Jill at lalong naging matalim ang tingin nito sa kanya. She had to backtrack quickly. "Sorry. I know it's complicated with the situation we are in. I know. Pero, Jill, I just want to make sure na even though you're still techincally a boss, outside work, with personal matters, I want you to know you can always rely on me as your friend."

After holding the deathly glare she shot at Ysa for a few more seconds, Jill's gaze eventually softened. "Hindi ko nga siya fling, teh."

Ysa could finally relax her shoulders again. "Okay, and? I heard you the first time pero hindi mo nga kasi tinatapos 'yung kwento mong bitin. Ano 'to, by installment 'yung plot? Parang utang, hulugan? Five-gives, ganon? What happened next?"

"Gagang 'to, apurada! Like I just said," Jill rolled her eyes, as she emphasized the word just to her co-worker, "using the exact words she used to describe it—the attempt was shot to hell."

Well, because it was, for the most part, just a sorry excuse to justify her desperate need to move on. A ridiculous experiment that oh-so graciously and mercifully gifted her not one, but two consecutive heartbreaks. Jill learned a valuable life lesson, which taught her that trying to move on from a broken heart by further breaking your heart only proves useful at making sure you have a, guess what? A broken ing heart.

"Tsk! Bakit niyo naman ba kasi napag-desisyunang mag-ganyan-ganyan," pa-sermon na saad ni Ysa, pagkatapos ay kinagat ang kumukunat na palang barbeque. Kanina pa iyon nakatunganga sa kamay niya dahil busy siyang usisain ang ka-trabaho. "Gaya nga ng sinabi sa'kin ng lola ko sa mother's side, kapag naglaro ka ng apoy, mauubusan ka ng posporo!"

"Pauso ka teh! Hindi ba, kapag naglaro ka ng apoy, pwede kang masunog, or something?"

"'Yung lola ko kausapin mo, Mami," sunod-sunod nang kinagatan ni Ysa ang barbeque hanggang sa maubos. Hawak niya pa rin ang stick dahil walang malapit na basurahan. Ginamit na lang niya ito upang mag-drawing sa buhangin ng etits at isulat ang mga katagang "Sad ghorl ka ghorl?" sa ibabaw ng arrow na nakaturo sa right, kung saan nakaupo sa tabi niya si Jill. Sinamantala niya ang pagkakataong nakatulala sa malayo ang kausap at ang side profile lang nitong nahaharangan ng hanggang balikat at itim na itim nitong buhok ang nakakasaksi sa ginagawa niya. Wala nang gaanong liwanag sa labas dahil halos nakababa na nang tuluyan ang araw na mistulang nagtatago lang sa likod ng malawak na dagat. "Pero alam mo, curious pa rin talaga ako eh. Of all the things na pagti-trip-an niyo, bakit mga sarili niyo pa?"

At may point si Ysa doon. Sa totoo lang, hindi rin alam ni Jill. "Siguro gaga lang talaga ako."

"At sa lahat ng gaga, ikaw pa 'yung talunan." Palihim na sumilip si Ysa kay Jill para tignan ang magiging reaksyon nito pagkatapos niyang ma-realize kung ano ang lumabas sa bibig niya. "What I mean is, uh, because you lost your silly little game, right?" pautal niyang habol to soften whatever blow Jill just took from her words. Taklesa ang gay, I fear.

"Yeah, I did," pasuko na lang na sagot ni Jill. "Gaga ka, Ysobel Noble, ha. Namumuro ka na talaga."

"Sorry na talaga, Jill!" sigaw ni Ysa as if in prayer at tila nagmamakaawa, pagkatapos ipagdaop ang mga palad niyang iniharang sa kanyang kausap at sa nakasara niyang mga mata. Patayo na nakausli ang stick na nakaipit sa pagitan ng kanyang mga kamay.

"Pero aminin mo naman, Mami," umpisa ulit ni Ysa pagkatapos matagumpay na pigilan ang boss na magkaroon ng idea na gamitin ang hawak niyang barbeque stick sa mga paraang hindi magandang i-describe. "'Apaka-masochist ng dating na babalik ka pa rito, what with all that happened between the two of you here. For the reminisce ang person! Tapos ang pakla naman ng memories. 'Di ko maintindihan ang trip mo."

Na-realize ni Jill, na despite the fact that Ysa kept assaulting her with her, albeit correct, pero parang nananadyang words, ay wala siyang balak whatsoever na makipag-argumento dito. Maybe she knew she was only speaking the truth. And now that Ysa had mentioned it, as she stared at the fading colors of the sky, with the moon slowly ascending above the ocean's dark waters, and as she remembered the feeling of the sand beneath the soles of her sandals, she, too, wondered what it was about the place—the "mapaklang" memory—that was worth going back to.

"Magugulat ka ba kung sasabihin kong hindi ko rin maintindihan?" jill more so stated than asked. May wistfulness sa boses niya na parang nangangarap siya nang gising, and whatever was on her mind at the moment was pulling her away, far from the now. Ysa noted this, and despite having the urge to poke fun at it again, to try to make the atmosphere more lighthearted, she resisted. Gusto niyang sabihin na, mas magugulat ako kung naiintindihan mo, actually. But then again, ano pa ba ang surprising sa roleta-ng-clichés of a story na meron itong si Jill. Kaka-Netflix niya 'yan eh.

Ysa, instead, wanted to know something that Jill seemed to purposefully leave out of context. "Mami, sigurado ka bang kaya mo siya hinahanap-hanap eh dahil mahal mo nga siya, o dahil nasaktan ka niya?"

Suddenly, may wise words yatang lumabas sa matabil na bibig ni Ysa. Siya pa rin ba 'yung parehong taong nagdo-drawing ng tite sa buhangin kani-kanina lang? Nag-iba yata bigla ang ihip ng hangin. "Anong seasoning nung barbeque na kinain mo? Tumatalino ka yatang kausap," biro ni Jill.

Pigilan ang sarili, Ysa, okay? Kahit na mukhang ready nang makipag-bardagulan ang boss, alam niyang fragile pa rin ang mental at emotional state nito. She wanted to get to the bottom of things without forcing Jill, or making her feel overwhelmed with her questions. While keeping the same interest, she tried to ignore Jill's subtle jab at her intellect for the sake of "letting loose," as she'd like to put it.

"Hehe," pekeng pagtawa ni Ysa habang uma-acting na nahihiya. "Matalino naman talaga ako, Ms. Jill. Kanino pa ba ako magmamana? Siyempre sa'yo lang naman, 'di ba?"

Jill didn't react. Instead, she just looked at her, a deadpan expression on her face. Afterwards, she exhaled. Long and heavy, as if gusto niyang paginhawain ang pakiramdam niya. "Ikaw, Ysa. Ano sa palagay mo?" tanong niya. There's this dreaminess in her voice again, as if sa malayong lupalop mahahanap ang sagot sa lahat ng katanungan niya ngayon, and she's desparately looking for them in the opposite direction. Luhaan, sugatan, at hindi mapakinabangan. Wasak na wasak ang puso ni Jillian Yuson.

Naaalala na naman tuloy ni Ysa 'yung moment na 'yun, nung tinawagan siya ni Jill out of nowhere. Gabi, kakauwi niya lang galing trabaho. Sa pagkakaalam niya ay may tatlong araw pang natitira sa vacation leave ng kanyang mentor kaya mag-isa niyang inatupag ang lahat ng trabaho para sa buwan na iyon. Thankful si Ysa rito for bringing out the best in her, kaya she was prepared for the gigantic task at hand. Pero grabe naman seryosohin ni Madam Jill ang "the worst experiences teach the best lessons," hindi naman niya in-expect na sa kalbaryong project pala gustong ituro sa kanya ng mentor ang kahalagahan ng fortitude. Emi!

And so, expecting that Jill was taking care of herself for the entire month of the leave she filed and vacationing to the fullest, Ysa was as confused as she was worried when she found herself driving to the hospital, responding to Jill's urgent and anxiety-inducing phonecall. At take note, ha. Pinapunta siya nito sa hospital sa siyudad, malapit sa tinitirhan nito, at hindi sa resort kung saan dapat ito nag-s-stay. What was Jill doing here, back in the city, days before her vacation leave was due to end?

That night, as soon as Ysa walked into Jill's hospital room, she saw for the first time how her friend, her colleague, her boss and mentor, grieve. At the time, she didn't know why Jill looked so hopeless and miserable, but she knew this was one side of her she didn't want anyone else to see. It was this side of her that allowed Ysa to see her in a different light that Jill made sure, not even the most important people around her would be able to witness. Jill told her it was for the same reason they were important to her. She didn't want to let them down, so she couldn't show them a version of herself that was all kinds of messed up.

"Sa palagay ko, hindi ka pa rin natututo," Ysa answered truthfully. Kahit na pagandahin niya pa ang gusto niyang sabihin, kahit palamutian niya pa ng chrysanthemum at bogambilya ang mga salita niya, ang totoo ay masakit talaga ang katotohanan. Brutal na kung brutal. "Hinahanap mo 'yung solusyon sa parehong lugar kung saan nagsimula 'yung problema."

Ayaw na yatang kausapin ni Jill si Ysa. Nakakatakot ang mabilis na pagbabago sa mga binibitawan nitong salita. Pero between this Ysa and the taklesang matabil ang dila, she couldn't decide which was the better option. Either way, Ysa was Ysa, and she's stuck with her for the duration of her stay in that resort, kaya Jill's just gonna get what she's given.

"Insanity, was it?" Jill thought out loud. "Doing the same thing over and over again but expecting a different result is insanity."

"More so, parang beating the dead horse," tumingin sa itaas si Ysa, tila iniisip ang mga susunod na sasabihin. Pagkuwa ay muli itong tumingin sa kanyang paanan at inabala ang sarili habang parang may tinatabunan o hinuhukay na kung ano sa buhanginan. "Kasi hindi ka naman nag-e-expect ng result, I don't think. You seem to just do it for the sake of doing it. Kaya lang, like the dead horse, tegi na nga eh. Hindi na nga pumapalag. So, ano? Napagod ka lang, pero wala ka pa rin namang napala. Like the first time." Bumuntong-hininga si Ysa, parang nakaramdam siya bigla ng hindi maipaliwanag na kapaguran. Bumigat ang ulo niya. Nangalay ang leeg niya. Ipinatong niya na lang ang bába sa kaliwang kamay niyang nakasampay sa mga tuhod, at itinupi pa lalo ang sarili para ilapit sa kanyang dibdib ang mga biyas. Pina-komportable niya ang sarili sa ibinolang katawan. Months of overworking herself seemed to have finally caught up to her.

"So, ano, let go ko na ba? Move on?" pinilit ni Jill na haluan ng tawa ang sinabi niya. Kaso sobrang hina at awkward kaya lalo lang siyang nagtunog nagmamakaawa.

Tinignan lang siya ni Ysa with that same harmless doll-eyed stare. Hindi mabasa ni Jill kung nangunguwestiyon ito o nag-aalala. She was sure of one thing, though. Ysa did take her seriously, kahit pa siya na mismo ang bara-bara kung itrato ang sarili.

Bahagyang iniangat ni Ysa ang tingin, para mas maayos na masipat ang lahat ng emosyong ipinipinta ng mukha ng kausap. "Jill..." she softly whispered.

Isa-isa nang binubuksan ang mga ilaw ng mga cottages na nakapalibot malapit sa dalampasigan kung saan sila nakasalampak. Unti-unti nang bumabalik ang liwanag sa kanilang paligid, kahit na hindi pa rin sapat para makita nila nang buo ang isa't isa. May mga parte ng mukha ni Ysa na nakatago sa aninong hindi natatamaan ng ilaw. Umihip ang banayad na hangin, na naramdaman ni Jill na tumagos sa suot niyang manipis na button-down shirt at nanuot sa buto niya.

Nakatitig pa rin si Ysa sa kanya, habang unti-unti niyang nararamdaman ang bigat ng makahulugang paninipat sa kanya nito. Sobrang bigat na parang elepanteng nakadagan sa balikat niya ang simpatiya ng kaibigan. Nakaramdam siya ng desperasyon mula rito, na parang gusto siya nitong iligtas sa kung saang impiyerno niya natagpuan ang sarili, pero nakakasulasok ang pinaghalong dismaya at guilt dahil alam naman niyang ang impiyernong 'yon ay ang sarili niya rin.

"Ano ba kasi talagang nangyari?" malumanay ang pinaghalong pamimilit at panghihimok sa tono ng boses ni Ysa.

 

 

She really was staring at her, Jill could finally positively conclude. Akala niya namamalikmata lang siya, o baka assumera lang siya, pero kanina pa pala talaga siya tinititigan ng babaeng may pulang buhok with overgrown bangs na nakatakip na halos sa mata nito. Kailangan na nitong magpagupit, pero mas kailangan nito na huwag tumitig sa mga taong hindi naman niya ka-close.

But, for good measures, dahil she was still unsure if she was being rudely scrutinized or if she was just being paranoid, Jill scanned the entirety of the shore, taking in the view as she did so, noting the number of people sharing this scenery with her at the moment—dami, summer nga naman kasi, bakasyon—pati na rin ang kalmang dagat at ang napaka-romantic na picturesque spectacle that was the sunset spilling all over the horizon. Slowly, discreetly, her eyes traveled from left to right until finally, nahagip nang muli ng kanyang peripheral vision si Ms. Girl, at ayun! Huling-huli sa 4K, nakatitig nga ito sa kanya. Kunot ang noo at halos naka-pout ang makapal na lábing kinulayan ng pula. 

She has to be staring at her, Jill thought, dahil wala namang ibang nandun sa likod o gilid niya na worth intently looking at like that. Ilang metro ang layo nila sa makeshift stage ng mga bandang nagpe-perform as part of a music gig na malapit sa entrance ng resort. Wala ring pyro dancers dahil mamayang gabi pa 'yun, kapag tuluyan nang dumilim. Ni wala nga siyang katabi sa bar dahil nasa dulo na siya nito, at kahit ilang dipa lang ang layo ng babaeng ito sa kanya, ay nakumpirma na ni Jill na silang dalawa lang ang nakatambay sa bar ngayon. Agad na nag-aalisan ang mga customer na bumibili ng inumin. Mas maraming pwedeng puntahan para ma-enjoy ang dagat at papalubog na araw kaysa tumunganga at umupo at mag-people-watch kagaya ng ginagawa niya ngayon.

Pero itong si Shawty sa gedli, mukhang si Jill ang ginawang source of entertainment para sa gabing iyon.

"Hi beh, okay ka lang?" Jill asked as she approached the red-haired girl. Napaismid ito sa kanyang ginawa, at imbes na kabahan man lang ay lalo lang siyang tinitigan nito. Ay, wow. Ang tigas ng mukha, in fairness. "Teh? Gandang-ganda ka ba sa'kin? 'Di ba tinuro ng mother mo na masama ang tumitig sa strangers?"

"Bakit naman masama?" tanong ni girl pabalik, na lalo lang ikinagulat ni Jill. Napaisip din siya, sa totoo lang, kung bakit nga ba, and she tried hard to scour through her bangenge brain finding answers.

"Kasi teh, rude 'yon," simple niyang sagot. "You make people uncomfortable." 'Di pa ba obvious? Jill wanted to ask, pero nakalimutan na niyang iboses ang karugtong ng sagot niya. Sa halip ay nagpatuloy na lang siya sa pagtungga ng kung anuman ang iniinom. Napatingin siya sa hawak na beer, at sinalubong ang mga mata niya ng pamilyar na pula ng Red Horse. Ah, isip ni Jill. Oo nga pala. Nagpapakalango nga pala siya sa alak, nagbabaka-sakaling sapat ang ilang litro para palitan ang dugong dumadaloy sa puso niyang hindi na nagre-respond nang maayos. Kumbaga sa kotse, kulang na ang pag-restart ng baterya para muli itong umandar, dahil sa sobrang dami ng sira ay kailangan na niyang bumili ng bagong sasakyan. "'Di nagti-think," bulong ni Jill sa sarili, halatang aburido sa babaeng magulo kausap. "Sayang, pretty ka pa naman."

"Maoy ka na kasi. Mukha ka nang busabos," biglang sabat ng malditang kausap sa stream of thoughts ni Jill. "Sayang din, pretty ka pa naman."

Luwa ang mata ni Jill sa tabil ng dila ng dalaga. Inasahan na niya na may pagka-haragan ito mula umpisa pa lang, pero nangri-realtalk na ang lola niyo, at hindi matanggap ni Jill na sa babaeng ito pa talaga nanggaling ang unsolicited na pag-reality check sa kanya. Despite herself, napatingin na rin si Jill sa sarili, conscious na pinapanood siya ng babaeng katabi, habang pilit niyang sinisipat ang hitsura sa front-facing camera ng phone niya. Liparan ang tutsang ng bangs ni Jill sa kung saan-saang direksyon; mugto ang mata niya na akala mo puyat sa kakaiyak, o nag-iiiyak dahil sa puyat. Lagpas-lagpas na sa bibig niya ang velvet lipstick niya na nakalimutan niyang burahin bago tumungga sa nguso ng bote ng Red Horse. Kulang na lang magsisigaw siya ng "Crispin! Basilio! Mga anak ko!" sa mga taong dumadaan sa harapan nila. Hindi na napigilan ni Jill ang tablan ng hiya. Okay, mali na minata siya mula ulo hanggang paa ni Ms. Stranger nang hindi man lang siya binalaan sa estado ng kanyang sarili. Malay ba niya. Pero mali rin naman siyang nag-assume na pine-personal siya ng babae.

'Yun nga lang, walang balak mag-sorry si Jill. Ang pride ay sabon at hindi dapat isinusubo, let alone nilulunok.

"Oh, eh bakit mo 'ko tinitignan? Masama bang magmukhang disheveled and a little unkempt? Uso naman ngayon ang statement fashion ah," depensa ng gagang si Jill.

"Anong statement ng fashion mo, huwag tularan?" nasamid sa sariling tawa ang babae. Naghugis baliktad na crescent moons ang mga mata nito, mukhang ang bait-bait at mala-anghel habang tumatawa, pero mala-demonyo naman ang ugali.

"Pakyu ka ah," talunang saad ni Jill. "Baka nakakalimutan mong may sandata ako. At hindi ako natatakot na gamitin ito," dagdag niya habang isinesenyas ang hawak na bote ng beer.

"Naku 'day, baka mauna ka pang bumulagta bago ka pa makaamba," sagot nito, at tinawanan lang siya lalo. "Ikaw pa 'tong may pa-you make people uncomfortable na nalalaman, tapos mumurahin mo lang pala ako."

"Bakit ba? Lasing ako eh."

"Sus."

"Bakit ba?" kumunot ang noo ni Jill. Sobra naman yata ang pag-show ng interest ni madam for someone simply sharing concerns, or feeling scandalized, para sa taong mukha daw busabos para sa kanya kuno. Ano bang gusto nito sa kanya? "Trip mo ba 'ko? Crush mo 'ko, 'no?"

"Ew," may panlilibak sa tono ng sagot ng babae na hindi ikinatuwa ni Jill.

"Wow, sorry ha. Hiyang-hiya naman ako sa'yo," offended na tugon niya.

"Let me guess," sabi ng demonyita out of nowhere, "boyfriend mo? Or ex-boyfriend?"

Binigyan lang ni Jill ng stink eye ang babae na tila nag-monologue na. Nagpatuloy ito. "Imposible namang family o financial problems 'yan. Kung wala kang pera, hindi ka magso-soul searching sa resort. Or what if girlfriend? Girlfriend, 'noh?"

"Tantanan mo na nga ako," iritadong saad ni Jill.

"So, girlfriend nga?"

"Hindi 'day, world peace. Pinoproblema ko ang corruption ng gobyerno. Okay na?"

"Iniwan ka 'no?" pekeng napasinghap ang dalagang may makapal na bangs. Naaaning talaga si Jill dahil siya ang napupuwing para dito. "May bago?"

"Pipikunin mo ba talaga ako, ate? 'Yun ba talaga ang misyon mo sa mundo?"

"Base sa ugali mo, siguro napuno na 'yun sa'yo. I think ikaw 'yung sobrang carefree, tapos siya 'yung mag-isang nagbubuhat ng relationship niyo."

"Putang—"

Nag-alab ang dibdib ni Jill, na parang may naghagis ng Molotov cocktail sa kaibuturan ng puso niya dahilan upang magliyab siya mula sa loob. The last thing she would have wanted was to pick unnecessary fights against mannerless strangers driven insane by their uneventful lives. She fought the urge to throw the beer bottle at the woman's face, careful not to make things harder for herself. She was the type to always be mindful of consequences, sober man o bangenge. But the redhead woman was making the typically unconscious response an arduous chore for Jill.

Akmang aalis na si Jill para iwan nang tuluyan ang walang kwentang conversation, pero bigla na namang nagsalita ang babae at nakuha muli ang kanyang atensyon. "Huwag ka munang umalis. Samahan mo muna ako dito."

Hindi na nakapagpigil si Jill at sa isang iglap ay naramdaman niyang sumabog ang damdamin niya. "Ang kapal naman ng mukha mo. Pagkatapos mo akong insultuhin, magre-request kang magpasama sa'kin. Manigas ka d'yan. Mamatay ka sa lungkot!"

"Baka mauna ka pang mamatay kesa sa'kin," naiiling na sagot ng babae, na lalong ikinapula ng tenga ni Jill dala ng pinaghalong nag-aalimpuyong galit at kalasingan. "Sige na, hindi na kita iinisin, promise."

"Bakit ba?!" sigaw ni Jill. Bakit ba hindi na lang siya lubayan ng babaeng 'to?! Gaano ba kahirap na humingi ng isang tahimik na gabi, kahit isang tahimik na oras lang, mula sa universe!? Sobrang hirap ba nun? Sobrang mahal na ba ng peace of mind para i-tax pa si Jill kada minutong gugugulin niyang nananahimik at walang ibang buhay na pinapakialaman?!

Imbes na ma-turn off, o 'di kaya ay matakot, tinignan lang siya ng babae with amusement in her heavily mascaraed eyes. Panigurado ni Jill ay iniinsulto na naman siya nito sa isip. Tinungga na lang niya nang tuluyan ang nangangalahati niyang bote ng alak. Para siyang toddler na lumalagok nang maingay habang kumukuha ng hangin bawat lunok. Halong pait, banas, at poot, ang nalasahan niya sa kanyang dila. Gusto niyang masuka. Hindi na niya alam kung pang-ilang bote na niya iyon ngayong gabi. Wala siyang pakialam.

"If you want, we can forget together," banayad na alok sa kanya ng babae. Muntik nang masamid si Jill kung hindi lang niya tapos nang umumin ang beer. 

"Anong forget together na sinasabi mo naman d'yan? Hoy, indecent proposal ba 'yan?"

"Pwede bang friendship lang muna? Athlete ka ba? Olympic jumper to conclusions ka yata eh," biro, o hindi biro, ng babae. Ewan na ni Jill. Mukhang masama lang talaga ang ugali ng kausap niyang ito.

"Bakit ko naman tatanggapin 'yang alok mo?" tanong ni Jill sa babaeng may pulang buhok.

"Because you're alone. And I'm alone," sagot ng kanyang kausap. "We could both use some company."

Company pala ha. Nagningning ang mga mata ni Jill sa bigla niyang naisip. Muli siyang bumaling paharap sa dalaga bago sumagot. "Fine. Then let's keep each other company. As a matter of fact, may naisip na akong gagawin natin. And I'm under no impression na tatanggi ka, right, since idea mo 'to?"

"Sure. What is it?"

"Let's play a game," Jill said, pausing momentarily. "Let's be each other's girlfriends. Sino man ang unang ma-in love, talo. Sino mang unang umayaw, talo."

"What kinda game is that? 'Yan na ba ang usong pick-up line ngayon?" naiiling na tanong ng babae. "Ang boring."

"Think of it as a social experiment," patuloy ni Jill. "Tsaka we need the distraction. Sabi mo nga, I'm alone. And you're alone. We need something to keep ourselves entertained."

"Sus. Ang dali lang niyan eh. Straight ako. Hindi ako mai-in love sa'yo."

"'Yun naman pala eh. So ano, payag ka?"

"What's in it for me?"

"I don't know, bragging rights? Ikaw naman ang may gustong samahan kita in the first place. Nagle-lay lang ako ng ground rules para naman may mapala rin ako."

"Or pwede namang tumanggi ka na lang."

"Nah, too late. I'm in. Kasalanan mo 'yan."

Napailing na lang lalo ang dalaga. "Sige. Pero sana alam mong matatalo ka."

"We'll see," Jill smirked.

 

 

Part Two

"My definition of love is being robbed in an alley eight times in a row and hoping that there’s something about today that makes all of this different."

— To The New Boyfriend, Rudy Francisco

 

If Jill were to ask her what she truly thought, Ysa wouldn't have hesitated telling her that she understood. Her mentor and friend needed time to process her emotions; maybe going back to the place where she got hurt in the first place would help her cope. Still, Ysa couldn't help but wonder if exposure therapy is for everyone, especially if the point of said therapy is something akin to drinking poison in the hopes of building up the tolerance, only for the realization to set in two seconds too late, kapag naghihingalo ka na kasi nalason ka na nga nang tuluyan. Surely, Ysa ascertained, there is a reason why poison is poison.

That was what Jill thought too, at first. Na dito sa resort nag-umpisa lahat ng sakit na pinagdurusahan niya ngayon. Na dahil kay Mace kaya siya nagkaka-ganito. When in reality, all of this have started long before the two of them met. Maybe meeting someone like Mace made the pain hurt more. Maybe Jill thought she found her escape, only to find out that Mace would bring her a different type of misery she so blindly accepted—no, wholeheartedly embraced.

 

 

Hindi rin ganito ang idea ni Jill ng game nila when she first suggested it, whatever the game was supposed to be anyway. She expected something else, something wild, maybe even something dramatic. Pero hindi—ito lang sila ngayon, nakaupo sa porch ng cottage na nirentahan niya, umiinom ng beer habang nagpapatugtog ng depressing music.

"Ito na 'yun? Boring ah," komento ni Ategurl.

"Ikaw lang naman 'tong paniwalain eh," sagot ni Jill bago lumagok ng malamig na beer mula sa bote nito.

"So wala ka talagang balak panindigan ako, ganun?"

"Lakas."

"Ano nga? Paano ba maging girlfriend mo?"

"'Yan naman ang gusto ko sa'yo, hindi umaatras."

"Puro ka lang pala salita eh."

"Oo na, oo na. Ikaw na ang woman of her words. Gusto mo lang yata makalibre ng beer kaya ka sumama sa'kin eh."

Dumila lang si Ategurl kay Jill, pilyang "belat" na itinumbas sa pang-aakusa niya. Ngayong natahimik sila ng kalahating segundo, napaisip rin si Jill kung ano nga ba talaga ang point ng laro nila. At more importantly, paano ba nila uumpisahan 'yon? 

"Kung..." she started, weighing how the words felt in her tongue as she spoke. The girl's attention fell on her as she waited for her to continue. "Kung nag-break na kayo ng jowa mo, tapos naging kayo ulit, anong anniversary date ang susundin niyo, 'yung una niyong anniversay date o 'yung bago?"

"Ito naman, kabago-bago ng relasyon natin, break agad ang iniisip mo."

"Tange."

"Mas tange you."

"Ano nga?"

Tumikim muna ng beer ang kasama ni Jill bago sumagot. Tila sabay na nilalasahan ang argumento at alak. Sabi niya, "Malamang, 'yung bago. Common sense naman, teh."

"Eh 'di ba, sayang naman 'yung luma? Tsaka, 'di ba kayo malilito nun, ang daming petsang tatandaan?"

"Siyempre, kakalimutan mo na 'yung una. Nag-break nga kayo, 'di ba? Ano bang mga tanong 'yan, pang-kinder?"

"Gaga ka! Pumasok ka na sa relationship, kinder ka pa lang?"

The girl shrugged, tapped the underside of her chin with the back of her hand and jokingly said, "Sorry ka. Ligawin."

"Mukha nga. Parang 'di mo alam magbasa ng map."

Despite Jill's purposeful pang-iinsulto, just to get Ms. Ligawin riled up, all she got was a nonchalant huff and silence. They slowly settled into the atmosphere of Jill's phone speakers blasting an indie-pop song about two lovers slowly drifting apart and the smell of booze wafting in the air. In an attempt to break the ice, the girl started again. "So? Pa'no na maging girlfriend mo?"

Napamuni na si Jill. What does it mean to be her girlfriend nga ba? What does it take to be with her? Ang lakas naman maka-perfect ng mga tanong. Eh kung tutuusin, hindi ganun kahirap maging girlfriend niya. Low maintenance pa nga siyang jowa eh. Loyalty, faithfulness, and honesty, on top of love, would be enough to keep her committed. Siyempre, all in reciprocity. She's ready to serve up what she asks for. Hindi naman rocket science ang pag-ibig para sobrang maging komplikado. "Basta nandyan ka lang palagi for me," generic na sagot ni Jill.

"Baliw," ungot ng kasama niya. "Pa'no tayo maglalaro niyan kung ang sabog mo kausap?"

"Sorry," Jill said, suddenly flustered. "'Di ko naman in-expect na seseryosohin mo pala 'yun."

"Sabi na nga ba eh," the girl responded, may hint ng pang-aasar sa tono. She took a swig of her beer before she continued. "Iniwan ka 'no?"

Natigilan si jill. She let a strained exhale out of her lips. A wave of anxiety threatened to crash over her, and in fear of exposing herself, she absentmindedly leaned in to kiss the red-haired stranger. And even after realizing what she's doing, she didn't stop. To her surprise, the girl didn't make a move to distance herself either. Jill could already feel the tears running down the sides of her cheeks, making it even harder for her to pull away. Unexpectedly—o baka naman naggugulat-gulatan lang siya—ay napansin ni jill na unti-unting lumalalim ang palitan nila ng halik. Nag-agaw ang confusion at umiinit na pakiramdam sa puso niya, sa may bandang ibaba, malapit sa tiyan, parang sa puson na nga yata 'yon. Biglang bumilis ang kanina pang malakas na kalabog ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Congratulations