Banwa

Faces
Please Subscribe to read the full chapter

#psychologicalthriller, #mystery

 

I

madilim ang mga matang tumititig pabalik sa akin mula sa salamin. malalim, matalim, at matagal. pakiramdam ko ay nakatigil ang oras. magta-tatlong minuto na ang nakalipas.

"jillian, hindi ka pa ba sanay?"

ngumiti ang mukha sa salamin pagkatapos lumabas ng mga salita sa bibig nito. naramdaman ko ang sarili kong mga labi na gumuguhit paitaas.

hindi na yata ako masasanay, sagot ko. sa isip ko, sa tao sa harap ko, o sa kung sino man ang makakarinig—hindi ko na sigurado. matagal na akong bilanggo sa sarili kong katawan.

"hindi ka pa rin ba sanay?" inulit ng kaharap ko ang tanong.

naputol ng malakas na mga katok sa pinto ng kwarto ko ang mga ingay sa isip ko. lumabas ako ng banyo at tumitig sa nakasaradong pinto, nalunod sa mga tunog ng pagtama ng kamao sa kahoy.

"hoy, jillian! gumising ka na nga dyan. tanghali na!"

tumingin ako sa wallclock sa kabilang panig ng kwarto, nakasabit sa ibabaw ng mesa sa kanan ng bintana ko. katapat ng bintanang ‘yon ang kama, kaliwa ng pinto.

alas-nuebe impunto ng umaga. muli kong ibinaling ang tingin sa pintong kahoy.

may narinig akong humahalakhak. pero alam kong ako lang ang tanging nakakarinig non.

"nandyan na po, tita," mahinang sagot ko sa mga katok. ilang saglit pa ay humupa na rin ang mga ito.

 

II

habang naglalakad ako ay ramdam ko ang alinsangan ng tanghaling-tapat sa kalye. mausok dahil sa mga sasakyan. punung-puno ng ingay dahil sa mga taong nakahambala. nakakatuliro. umiikot ang paningin ko.

"naroon lang ako. lagi lang naman akong naroon."

alam ko naman.

"pumunta ka na doon. naghihintay ako. huwag mo akong paghintayin nang matagal."

alam ko naman.

yan lang ang bagay na tumira sa utak ko sa loob ng halos tatlong taon.

yan lang ang alam ko.

 

III

hindi na naman ako tumuloy sa klase.

napadpad na naman ako sa lumang bahay sa dulo ng bukid. mas malapit na ito sa susunod na barangay kung tutuusin. pinangunahan na naman ako ng mga paa ko.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Congratulations