Kulimlim

Faces
Please Subscribe to read the full chapter

#romance, #soulmatesau

 

Ayon sa nabasa ko sa internet, sa bawat 200 na mukha na makakasalubong mo sa daan, isa o dalawa dito ang multo. Meron din akong nabasa na ang mga mukhang nakikita mo sa panaginip ay mga totoong mukha ng mga tao na nakita mo sa waking world, kahit unaware ka.

Sa dinami-rami ng taong pwedeng i-represent ng utak ko, lagi ko na lang nakikita sa panaginip ko si Maisie Kua.

Ilang araw nang tumatakbo sa isip ko ang maamo niyang mukha. Laman ng hinagap ko ang matamis niyang ngiti at ang mga matang sinlalim ng Dagat Pasipiko. Ang kulay tanso niyang buhok ang huling naaalala ko sa bawat paggising.

Ito na ba 'yung sinasabi nilang destiny? O masyado lang akong nagpapaniwala sa mga nababasa ko sa nobela at napapanood sa pelikula?

"Manang- Madam, ano pong sabi sa hula?" tanong ko.

Nakaupo ako sa kabilang panig ng table na may maliit na bolang kristal sa gitna. Balot ang naturang mesa ng violet na velvet na tela. Nasa loob ako ng kwartong hinaharangan ng parehong uri ng tela ang pintuan, nakatago mula sa mga customer ng lucky charms shop.

Sa kabilang panig ng table ang isang may 40-anyos na babae, balingkinitan pa rin ang katawan at masigla ang maputing kompleksyon at kutis. Konti lang din ang mga linya nito sa mukha. Mahaba ang itim na buhok nito at mariing idine-detalye ng itim na eyeliner ang mga mata. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at distressed jeans. Puno rin ng singsing ang mga daliri at iba't ibang uri ng pulseras ang magkabilang pulsuhan. May suot siyang kwintas na may amethyst crystal na pendant.

"Barbie na lang ang itawag mo sa'kin," paalala ng manghuhula.

Kung magiging honest ako, hindi talaga hitsura ni Barbie ang naiisip ko tuwing sasabihin ang mga salitang "psychic medium". Mas mukha pang bandista ang babae sa harap ko.

Don't believe everything the media sells siguro. Hindi lahat ng depictions sa movies, accurate.

"Ah, Ma'am Barbie—"

"Barbie na lang."

"Ayun na nga po. Barbie, ano pong sabi sa hula?" kabado akong napakamot ng noo dahil sa hiya. 

Nakalatag ang mga baraha—tarot cards—ni Barbie sa harap niya. Nasa gitna ang mahiwagang bolang crystal, na akala ko noong una ay dapat nag-eemit ng puting liwanag—pero to my disappointment, siyempre, ay isang ga-tasang clear na babasaging bola lang.

Hindi ko maintindihan ang mga baraha. Nakikita ko lang ang mga imahe ng tao, at kung anu-anong simbolismo ng mga bagay na nakapaligid dito. Bukod don, wala nang nagme-make sense sa'kin.

Inilakad ko ang mga mata ko sa paligid. Double purpose ang kwarto. Para sa mga psychic at tarot readings, at bodega para sa kahon-kahong stock ng iba't iba abubot na ibinebenta sa lucky charms shop ni Barbie.

Simple lang ang kulay beige na pader ng kwarto, walang kung anu-anong dekorasyon. Aaminin kong marami-rami nang napapabulaanan ang mag-iilang minuto pa lang na firsthand experience ko sa isang hula session.

Tumingin ang medium sa bolang kristal. Binalasa niyang muli ang tarot deck. Inilapag ang ikalimang baraha sa dulo ng hanay.

"Sabi mo hindi mo talaga kilala 'tong babaeng napapanaginipan mo?" tanong ni Barbie, tuon ang atensyon sa mga baraha.

"Opo."

Parang kinabahan ako sa tanong ni Barbie. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala. Baka mamaya kinukulam na pala ako o ano.

Likas kasi akong mapamahiin. Or more accurately, naniniwala ako sa mga itinatakda ng Universe. Naniniwala ako sa isang Higher Power na hindi Diyos, pero hindi entirely free will lang. Alam kong may something in between. Pwede ring tadhana, kung magiging cheesy ako.

Pero kung itinadhana nga ako sa taong ito, importanteng malaman ko na ngayon pa lang.

"Ang tawag sa meron kayo ay past life connection," ang pumutol sa train of thoughts ko. Kinuha ni Barbie ang isa sa mga baraha at iniharap ito sa'kin. Baliktad na 3 of Cups.

"Nasa gitna ng spread ang 3 of Cups. Nasa umpisa ang baliktad na 10 of Cups, at nasa dulo ang Lovers," dagdag ni Barbie, habang itinuturo ang mga sinasabing cards. "Sa pagitan ng 3 at 10 of Cups ang Tower, at sa pagitan ng 10 of Cups at Lovers ang 9 of Swords—lack of sleep, state of contemplation and stress."

Tumango-tango ako sa seryosong mukha na nakatingin sa'kin. Ngumiti ako kay Barbie, pero alam kong alam niya na wala akong naintindihan.

"To put it simply," ibinalik ni Barbie sa gitna ng spread ang 3 of Cups. "Pabaliktad ang storyline na ikinukwento ng pile mo. Isang happy ending na nagwakas sa dalawang estrangherong hindi pa nagkikita."

"P-po?" Parang mas lalo yata akong nalito.

"Ang ibig sabihin nito ay may posibilidad na kakilala mo ang taong ito sa isa sa mga past lives mo. Probably even a soulmate of yours. Ngayon, in this lifetime, alam ng mga kaluluwa niyo na nasa iisang plane of existence kayo. Kung gusto mo siyang makita, best to look out for someone that looks like her in the waking world."

"Ah, eh, teka lang po, Miss Barbie…" nag-alangan ako dahil sa pagkalito. "Technically po, basta hanapin ko lang siya… in real life… Eh paano po iyon, Ma'am…"

"Ano ka ba, madali na lang 'yon. Kilala mo na siya," ngumiti si Barbie sa'kin na parang tiwalang-tiwala sa kakayahan kong maghanap ng missing person na sa panaginip ko lang nakita.

"Ano pong mangyayari kapag hindi ko siya nakita?" biglang napuno ng pag-aalala ang puso ko.

"Sa totoo lang, wala namang magiging problema don. Wala nga ring problema kung napapanaginipan mo siya, eh. Pero bakit ka nga ba nandito? Curious ka lang ba?

Curious? Oo. Natatakot? Medyo. Pero may something sa loob ko na sinasabing kung hindi ko malalaman kung anong pinupunto ng Maisie na ito sa panaginip ko ay habambuhay na may kulang sa pagkatao ko.

Tumingin ako kay Barbie bago sumagot. "Gusto ko lang pong malaman kung bakit alam ko sa panaginip ko ang pangalan niya.”

 

Madilim na pala sa labas nang matapos ang hulaan na lalong gumulo sa isip ko. Nasa gitna ng langit ang malaking full moon na napapalibutan ng itim na ulap at manakha-nakhang bituin. Pilit kong tinanaw ang mga ito sa kabila ng bida-bidang ilaw ng siyudad at makapal na usok ng polusyon.

Nahanap ko ang daan palabas sa eskinita kung nasaan ang Lucky Charms shop ng manghuhulang si Barbie. Sa siksikan ng mga kasabay at nakakasalubong ko, habang nalulunod ang hinagap sa malakas na ingay ng kalsada, ay may nakita akong parang pamilyar na mukha sa dagat ng mga estranghero. Agad kong hinanap ng tingin ang nagmamay-ari nito. Paliko siya sa kanto ng mga bilihan ng prutas. Naglalaho na siya.

Teka! Teka! "Ate! Miss! Maisie!"

Napansin ko ang saglit na paglingon ng hinahabol kong imahe bago tuluyan itong matabunan ng biglang-sulpot na delivery truck. Nahagip naman ako ng mga dumadaang mamimili at lalong napalayo imbes na maabutan ang hinahabol.

Nadala ako ng traffic ng tao kung saan ako dapat papunta, malapit sa sakayan ng UV Express pauwi. Nilingon ko na lang ang tuluyan nang naglahong imahe ng babae sa panaginip ko.

…Ibig bang sabihin, totoong tao talaga si Maisie?

Or what if multo? What if multong soulmate ko nga ito na nagpapakita sa'kin sa panaginip. Kung anuman ang totoo ay tiyak pa rin namang pasasakitin noon ang ulo ko.

Inisip ko na kung kakilala ko ba siya. Kaklase kaya? Baka schoolmate, at nakita ko lang ang pangalan niya sa bulletin board? Pero hinanap at hinanap ko na kung saan-saan ang pangalan na Maisie, pero wala pa rin akong makitang kamukha ng babae sa panaginip ko. Kahit ang mga pinagtatanungan sa school, walang maisagot.

Baka character lang siya sa isang pelikula, o anime, o libro, at ginawan lang ng malikot kong imahinasyon ng sarili niyang version. Pero nakailang research na ako sa internet, at kung hindi mga nanay o 'di kaya naman ay bata, ay puro hindi kamukha ng Maisie sa panaginip ko ang mga nasa profile pictures.

Paano kung ganu'n 'yung mukha niya, pero hindi naman Maisie ang pangalan niya?

Lalo lang akong nadismaya sa naisip ko.

Nauwi lang sa wala ang efforts ko nitong weekend. At sa Tuesday, may pasok na ulit ako. Pang-umaga pa ang first subject ko.

Ano ba 'tong ginagawa ko. Sobrang worked up ko naman sa taong napanaginipan ko lang. Baka guni-guni ko lang 'yung lumingon kahapon.

 

 

Para daw matawag na stable, o consummate love ang isang relationship, kailangan ay ma-check nito ang tatlo sa importanteng components ng love. Dapat may commitment, passion, at intimacy. Ito rin ang magdi-differentiate kung romantic, companionate (or platonic), o kung infatuation lang ang nararamdaman ng isang tao. 'Yan ay ayon sa Triangular Theory of Love ni Robert Sternberg.

Paano naman kung destined for each other?

Maraan akong napailing mula sa pagkakatunganga. Agad kong ibinaling sa nakabukas na libro sa desk ang atensyon, habang busy sa powerpoint presentation ang isa sa mga classmates ko. Buti na lang at nasa likod ng klase ang prof. Buti na lang din at madilim ang room dahil sa nakabukas na projector. Kung hindi, huli akong palutang-lutang sa malayo ang isip imbes na makinig sa walang kalatuy-latoy na lecture ng kaklase ko.

Pero paano nga kaya kung destiny? Pwede siyang ma-mistake as infatuation. Baka nga imagination pa eh. O kaya, aakalain mong platonic at first, pero para pala kayo sa isa't isa.

Paano mo malalaman kung ibabase mo sa triangle at criterias ang possibility ng pag-iibigan niyo?

"Yes, Miss Yuson?"

"H-ha? P-po?" mabilis na napalingon ako sa likod matapos akong tawagin ng prof. Nang makabalik sa wisyo ay na-realize kong nakatingin na pala sa'kin ang ilan sa mga katabi ko. Nagsasalita ba ako out loud?

! "Ma'am?"

Hinintay kong magsalita ang professor namin sa Theories na si Prof. Angeli Uera. Bata pa ito, sobrang ganda, at usually ay mabait naman sa klase namin. Pero nataon lang siguro na na-interrupt ko ang klase sa pagmuni-muni ko.

"Ano'ng pinaglalaban natin?" pabirong usisa ni Ma'am Angeli.

"Uh, wala po, Ma'am," iwas-pusoy na sagot ko.

"Okay. Please pay attention to your classmate. Pinaghirapan din naman nila itong report nila," mabait na paalala ng nakangiting si Ma'am Angeli sa'kin at sa buong klase. Sabay-sabay na natunaw ang puso ng mga classmates ko.

"Yes, Ma'am." Bumunt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Congratulations