The Color of Goodbye

Faces
Please Subscribe to read the full chapter

#romance, #strangerstolovers

 

“’Yung ngiti mo.”

“Anong meron sa ngiti ko?” tanong ni Maisie. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ni Jillian nang sabayan ng pagtitig ang malambing ng ngiti sa labi ng kasama.

“’Yan. ‘Yan mismo,” napailing siya habang pilit na tinatago ang hiya sa pamamagitan ng pagtingin sa malayo. “Masyado kang pa-fall. Alam mo nang cute ka, pangiti-ngiti ka pa dyan.”

“Ayaw mo?” hamon ni Maisie. “Ano bang gusto mong nakikita kung ayaw mong nakakakita ng cute?”

“Ewan ko sa’yo.”

Sandali itong napatawa. Si Jillian naman, nakatuon ang atensyon sa kulay-kahel na langit; sa malaking araw.

“Oh sige na, hindi na ako ngingiti,” maya-maya ay sabi ni Maisie, dahilan upang mabasag ang saglit na katahimikan. “Bukod sa ngiti ko, ano pa ‘yung sa tingin mo ay hindi mo magugustuhan tungkol sa’kin?” patuloy nito.

Tumingin ulit si Jillian sa kausap at sinipat ito nang maigi. “’Yung boses mo,” sagot niya.

“Sigurado ka?”

“Oo. Medyo matinis kasi,” paliwanag ko.

Biglang kumanta si Maisie. Binibini. Napanganga si Jillian nang bahagya nang hindi niya namalayan. Napatitig na pala siya rito. Ang swabe ng boses ni Maisie, malambing at ramdam niya ‘yung panunuyo sa bawat pag-abot ng tono at pagbigkas ng salita.

Nang matapos ang kanta ay muli na namang lumabas ang pilyong ngiti ni Maisie. “Last na ‘yun,” sabi nito, saglit na natigilan bago muling nagpatuloy. “Kasi ‘diba sabi mo ayaw mo sa boses ko?”

“Ikaw naman, anong ayaw mo sa’kin?”

“Ikaw. Hindi kita gusto,” sagot nito.

Tumango si Jillian. “Sure ka?”

Tumango si Maisie. “Sure.”

“Ano pang ayaw mo sa’kin?” muli nitong tanong.

“’Yung pangalan mo,” sabi ni Jillian. “Maisie. Ayoko nun.”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Ghad20
#1
Congratulations