Chapter 5.3

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

Minsan talaga mapamahiin ka eh. Hindi naman sa curse si Jennie, pero sa sobrang ayaw mong ma-ditch ulit ng blind date mo, binago mo ang buong routine na ginawa mo. Hindi ka nag-beer the night before, hindi ka na rin magbababad sa jacuzzi, nag-tsaa ka instead of kape, at 24K Magic ni Bruno Mars ang pinatugtog mong vinyl. 

 

Saktong natapos ang buong tracklist nang matapos ka maligo. Pinagiisipan mo ngayon ang magiging outfit mo, “ano kaya ang magugustuhan ni attorney?” Naks! Attorney ang blind date oh. Hanep. Kinuha mo ang green shirt mo na hindi mo pa nasusuot kahit kailan. Naalala mong binili mo ‘yun dahil wala lang, bihira ka lang ata magsuot ng green. Mukhang kayang-kaya mo dalhin ‘yan kasabay ng orange mong buhok. Litaw na litaw ka sa crowd sigurado. Nagsuot ka lang ng loose na jeans, casual na casual lang, ayaw mo naman kasing maging pormal dahil baka sawa na si attorney sa ganoong pormahan. Aba, brainy ka today, naisip mo pa ‘yun ah. Open-toed shoes ang sinuot mo, flex mo lang ‘yung mamahalin mong pa-pedicure. Kumuha ka na rin ng cap kasi baka medyo maaraw ngayon, tsaka may pa-mysterious effect din if ever. Tinignan mo ang sarili mo sa salamin at naisip mong wala masyadong harot ang outfit mo today kaya kinuha mo ang maliit mong bag. Ayun, medyo nagkaroon ng kaunting landi ang dating. 

 

One last look mo sa salamin and you’re all set. Confident kang cute ka today pero iniisip mo sino ang una mong kukutusan sa mga tropa dahil sa kaba na nararamdaman mo ngayon. Tangina ‘pag ‘to medyo flop sasakalin mo si Byul. Joke lang, kabado bente ka lang kasi. Nag-iba nga pala ng venue ang date niyo, sa paboritong restaurant na lang daw nitong si Attorney kayo mag-meet. Sa totoo lang, hindi ka na rin makapaghintay na malaman kahit lang ‘yung pangalan niya. Kung hindi kasi ‘blind date’, ‘attorney’ ang tawag mo sa kanya. Shuta. Buti nga may info ka na ngayon about her kahit papaano. 

 

Maaga kang umalis, wala, gusto mo lang talagang mauna. Para maka-adjust ka rin sa restaurant, mahirap na, homecourt advantage siya. Sakto namang nadaanan mo ulit ‘yung flower shop, ayaw mo sana bumili dahil baka ito pala ang makaka-jinx sa’yo, pero wala eh, deserve rin ng date mo ang flowers. Naalala ka pala nung tindera, “aba miss, parang noong nakaraan lang bumili ka rin ah?” Oh nagmukha ka pang babaero kay ate. Dahil ayaw mo ma-judge, sinabi mo na hindi lang natuloy ‘yung date mo last time. Haba pa ng kwento ’pag sinabi mo pang iba ang nakatanggap, mukhang chismosa pa naman si ate. ‘Wag na masyadong daldalin, baka ma-late ka pa. Sabi ni ate, “kunin mo na ‘tong purple tulips, swerte ‘yan, matutuloy na date mo, promise!” Hindi mo alam bakit ka nagpa-uto, pero kinuha mo na nga ang tulips. Maganda ‘yung bouquet at malalaki naman ‘yung mismong bulaklak. Nasabi ng tindera na naalala ka niya dahil sa bukod sa cute ka raw, ang ganda raw ng orange mong buhok. Nabola ka pa nga. Ningitian mo na lang siya at nagbayad na. Na-touch ka though dahil bago ka sumakay sa kotse mo, sumigaw pa si ate ng, “goodluck sa date! Ingat po!” 

One hour early ka sa restaurant, nagandahan ka sa itsura nito. Happy ang iyong architect self, ang ganda sa labas pero ang lupet din sa loob. Surprising na may second floor ito na al fresco. Ang ganda ng lighting, ang ganda ng mga halaman, nagma-match sa brick walls. Ang presko presko pa. Ayos. Hindi lang ‘yon, ang ganda pa ng playlist ng restaurant na ito. Bakit kaya hindi mo ito napuntahan ever? 

 

Naghanap ka na ng table, kinuha mo ‘yung medyo nasa dulo na, away from the stairs. Pumwesto ka sa part kung saan matatanaw mo kung sino ‘yung mga paakyat, at least matatanaw mo na agad ang date mo kapag siya’y dumating na. Tinignan mo syempre ang lamesa at upuan, specialty mo ‘yan eh. Una, very comfy. Pangalawa, pasok na pasok sa theme. Pangatlo, ito ata ‘yung na-feature sa isang magazine last month, so bago bago pa ‘to. Nice. Artist siguro ang owner nitong restaurant. Si Lisa kaya? Charot, malamang hindi. 

 

Malulungkot ka panigurado kung baduy ang pagkain nila rito. Amp. Baka pala kaya napakaganda ng lugar ay dahil walang kwenta ang pagkain. ‘Wag naman sana.

Nilapitan ka ng isang waitress, may dalang extrang upuan. “Para po sa flowers. May hinihintay po ba sila?” tanong niya. Ipinatong mo naman ang flowers sa upuan at nagpasalamat. Syempre sinagot mo na may hinihintay ka, sana nga dumating. Bumalik ang waitress na may dala-dalang menu, isang pitcher ng tubig, at biscuits - free raw ‘yan at unli. 

 

‘Yung tsaa raw  nila rito, free rin, pili ka na lang kung ano bet mo. Humingi ka lang ng jasmine tea. 

 

Nang makarating ang waitress dala-dala ang biscuits at tsaa mo, nabanggit niya na pwede ka raw muna maglibot habang hinihintay ang makakasama mo. Tama ka, artist nga ang may-ari at may mga artworks sa paligid na pwede mong tignan. May mini museum din daw. Nahalata siguro ng waitress na medyo hesitant ka, sabi niya babantayan niya raw ang gamit mo at may cctv sa paligid. Designed ang restaurant that way. Aba ayos, sabi nga ng mga kabataan ngayon, they’re built different. Naisip mong ubusin muna ang tsaa at biscuits, tsaka ka maglilibot, halos isang oras pa naman kasi ang meron ka. 

 

Chineck mo ang messages mo, baka kasi may tsaa rin sa chat niyo bukod sa iniinom mo. Walang chismis, chinecheer ka lang nila Byul. Nag-send ka ulit ng selfie as proof, ipinakita mo rin ang restaurant at sinabing dadalhin mo sila rito. Nag-scroll ka na sa socmed after at nakitang nag-post si Jennie sa IG. Medyo unofficial teaser para sa project niyo, picture niya na nasa kick-off site siya, naka-upo lang. Ang caption, “not a lot going on at the moment.” Naks, feeling cultured ka oh, gets mo kasi ang reference. Ni-like mo ang post, nag-text si Jennie, “naks, stalking me na on instagram ah, jk” Natawa ka. Anong stalking doon eh latest post nga? Jennie talaga. Nagreply ka naman, “minsan lang ‘yan!” Sabay sabing nasa restaurant ka na at hinihintay ang totoong blind date mo. “Take pictures!” sabi niya. You did, sinend mo rin agad sa kanya. Nanghingi ng selfie mo at outfit pic, sinunod mo naman. Ang ganda mo raw today, mukhang carrot. Natawa ka sa sinabi niya, oo nga naman, pero don’t worry, compliment daw iyon. Sabi niya, dapat daw may picture rin kayo ng date mo together mamaya. Mental note mo na naman sa sarili. 

 

Napa-stretch ka at tinanggal ang cap mo, ubos mo na ang tsaa, ayaw mo na ng biscuit. Jamming jamming ka na lang sa music ng restaurant. Kinuha mo na ang bag mo para maglibot, nag-sign sa’yo ang waitress na all goods lang, bumaba ka na tuloy para tingnan ang mga artworks. Ang gaganda at iba’t ibang klase, may sculptures, paintings, tapos may gold leaf pa. Natanaw mong malaki-laki ‘yung sinasabi ng waitress na mini museum, mamaya mo na siguro pupuntahan, baka hindi mo mamalayan ‘yung oras tapos siya naman ang aks

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu