Chapter 4
KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!Tinignan mo si Byul na natutulog nang mahimbing, hindi naman na magigising ‘to. Kinuha mo ‘yung white na Ferragamo shirt na bigay ni Jennie, ‘yon ang napili mong suotin. Sabi niya, susunduin ka na lang niya at ihahatid pauwi. Parang hindi ka pa comfortable na malalaman niya kung saan ka nakatira kaya sinabi mong magkita na lang kayo sa malapit na café, 10 minute walk mula sa penthouse mo, safe naman kasi well-lit at may mga guard na nakabantay. Halfway ng paglalakad nag-text si Jennie na naka-park na siya sa café pero take your time daw.
Hinahanap mo ang sasakyan niya, hindi mo makita, buti na lang natanaw mo siyang kumakaway sa’yo. Medyo napa-jog ka nang kaunti papalapit sa kanya, may hawak siyang kape para sa inyong dalawa. Sadyang nangangati siguro lagi kamay niyang gumastos, basta may pwedeng mabili, bibili siya. Tinanong ka niya kung dala mo lisensya mo, lagi mo namang dala ‘yon. Ikaw na lang daw ang mag-drive, iwawaze niya na lang daw ang location. Mas maguguide ka raw kasi ng waze. Eh kaya naman pala hindi mo makita ang sasakyan niya kanina, Mercedes-Benz kasi ang dala niya ngayon. Sinabi mo na kabado ka kasi masiyadong mamahalin ang sasakyan niya, baka kung ano ang mangyari. Sumagot naman siya ng “insured ‘yan, don’t worry. Tsaka ano ba, pinipilit kitang ipag-drive ako. Dali na.”
As if napanatag ka doon.
1 hour drive din ‘yon, partida pa na walang traffic. Ang layo ng narating niyo, time check: 11pm. Mag-park ka na lang daw sa tabi. Ang swabe talaga ng mga mamamahaling sasakyan, sa isip mo. Bibili ka rin niyan soon.
“Warehouse ba ‘to?” tanong mo sa kanya. Sagot niya, slight, basta pasok daw kayo. Mukha siyang warehouse, very bare, parang recently lang natapos, mukhang matagal ginawa dahil napakalaki. Tinignan mo siya, nagtataka ka bakit ka niya dinala rito. “Naalala mo ‘yung delayed project na sinabi ko? Ito ‘yon.” Ang source ng malalang sakit ng ulo niya. Tinawag ka niyang architect. Hindi mo alam bakit ka nahiya, paano niya kaya nalaman? Sabi niya nabasa niya ang mga articles about you and your work, ang humble mo raw para hindi sabihin sa kanya na ikaw ang one of the best architects of this generation, TOYM awardee, at marami pang ibang titles na ibinigay sa’yo ng iba’t ibang magazines. Sabi mo naman, hindi niya nga isinampal sa’yo na CEO siya ng isa sa pinakamalaking corporation sa bansa. She rolled her eyes, as if gusto idismiss ang topic ng mga achivements niyo, sabay tanong ng “what do you think of this place?” Naactivate ang architect mode mo at tinignan ang buong paligid. Nilibot mo pa nga. Sinabi mong architect ka by profession pero mas nag-focus ka sa pagdedesign ng custom furnitures. Share mo lang.
Sinagot mo ang tanong niya, “sa totoo lang, sa sobrang laki nitong space, parang gusto ko gawing exhibit ng mga sasakya
Comments