Chapter 2

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

“Pang-ilan na ba?” tanong mo sa kanya. Ngayon naguluhan ka, baka straight pa pala ‘to. Sagot niya, napakaraming beses na, after all, 15 years na raw sila magkakilala at 7 years doon, on and off sila. Marami-rami na nga siguro, banggit mo. Natawa siya slight, sabi niya, marami siyang nakwento at hindi ito ‘yung ineexpect niyang focus ngayong araw. Syempre, malamang iba ang flow ng conversation kung ‘yung talagang kausap niya ang kasama niya ngayon. Eh nasaan na kaya ‘yon? 

 

Dumating na ang pagkaing inorder niyo, parang naging signal na rin para magpakilala siya. Baka ayaw niya ring pag-aksayahan ng panahon ‘yung pinsan mo na naging pinsan mo lang dahil sinakyan mo ang kwento niya. Jennie Kim daw ang pangalan niya, imemeet niya raw dapat bestfriend niya na pinsan ng ex niya. Routine na raw nila magkaroon ng monthly hang-outs para mag-vent. Hindi raw kasi siya marunong mag-process ng emotions at doon sa bff niya lang comfortable magkwento ng mga bagay-bagay. Kaya hiyang-hiya at nanginginig siya nang malaman niyang random stranger ang kausap niya kanina. Disoriented na rin daw siya kaya hindi niya talaga napansin na ibang tao ang kausap niya. Nag-sorry ka tuloy, sana pinigilan mo siya, pero anong magagawa mo, akala mo siya ‘yung blind date mo eh. Aba teka, nasaan din kaya ‘yon? 

 

Kumuha ka na ng garlic bread at nag-sip sa milkshake, naisipan mong ilabas ulit ang phone mo to check if nag-message na ang date mo. Walang message. Isang oras na siyang late, tanggap mo na, hindi na nga siya darating. 

 

“What’s wrong?” biglang tanong ni Jennie sabay tulak noong tub ng fries niya papunta sa’yo, parang feel free to try some. Inalok mo rin tuloy siya ng garlic bread, bet niya rin, kumuha eh. Ikaw naman tuloy ang napakwento, inexplain mo na makikipagkita ka dapat sa taong never mo nakita at akala mo siya ‘yon. “Damn, sorry, nadisappoint ka siguro,” sabi niya. Sabi mo hindi niya kasalanan, at least hindi ka kumain mag-isa sa diner - hindi masyadong masakit na na-ditch ka. Memorable day pa rin, bihira lang mangyari ‘to. Kumuha ka ng fries niya, nang malunok mo na, bigla siyang nagsabing, “oh ayan, friend na kita okay, shinare ko na fries ko sa’yo eh.” Ganon ba ‘yon? Sinakyan mo na naman ang trip niya, mukha naman talaga siyang matinong tropa. 

 

Wala ka ngang date pero pasok din naman ‘to sa pagkakaroon ng bagong kakilala aside from workmates and friends. Still a win.

 

Sabi ni Jennie dapat may matinding dahilan ‘yung blind date mo sa pag-ditch, kung hindi, magagalit siya. Natakot ka sa pagtaas ng kilay niya. Sana nga maayos ang dahilan noon dahil baka sabunutan siya ni Jennie. Natawa ka sa isip mo, bakit mo naisip ‘yon? Ang violent. Parang isang taon na kayong magkakilala kung paano kayo mag-batuhan ng kwento, parang hindi siya namula sa pagkakamali niya kanina. Parang hindi kayo strangers na aksidente lang nag-meet. Tinanong mo na siya kung nasaan na yung bestfriend niya. And parang right on cue, may tumawag sa phone niya. 

 

“Huh? Where are you?” sabi ni Jennie sa phone. Ah, mukhang ito na ang bestfriend niya, papunta na siguro. Hinanda mo na tuloy ang wallet mo para kumuha ng pambayad, minamadali mo na ring ubusin ang milkshake. Todo brainfreeze na. Mukhang mahaba-haba ang sinasabi ng bestfriend dahil puro reaction lang si Jennie. Napansin niya sigurong naghahanda ka nang umalis kaya sumenyas siyang maupo ka nang maayos. Ginawa mo naman. 

 

“Fine. Rest well, okay. Take care. ‘Wag kang mag-selos kung papalitan na kita.” sabi niya sa phone sabay kindat sa’yo. Shuta, na-ditch din ata siya? 

 

“Guess what?” sabi niya pagkababa ng phone. “My bestfriend ditched me.” Natawa kayo pareho. Akalain niyo ‘yun? 

 

Nasiraan daw ng kotse ang bestfriend niya on the way here, ang layo pa niya at walang tumutulong sa kanya kaya tinulak niya ang sasakyan hanggang sa pinakamalapit na gas station. Nang makarating daw sa gas station, doon lang siya may na-contact na towing services. Tumawag siya kay Jennie para sabihing matatagalan siya dahil matagal ang pag-aayos ng kotse niya at may kulang na piyesa. Nawalan na rin daw siya ng energy, baka pwedeng i-resched. Normally raw magwawala si Jennie at magtatampo, pero dahil feeling niya she’s in good hands sa’yo, she will let this slide.

 

Tinanong ka niya tuloy kung free ka buong araw. Sumagot ka naman ng oo. Samahan mo raw siya, pero bago ang lahat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu