Chapter 3

KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!
Please Subscribe to read the full chapter

Almost 1am ka na nakauwi, pinasok mo na sa walk-in closet mo ‘yung shopping bags. Pagkagising mo na lang aasikasuhin, sabi mo. Kumuha ka ng tubig sa ref nang maalala mong dapat mong itext si Jennie na nakauwi ka na. 

 

“Nakauwi na ako, Jennie. It was nice meeting you. Maraming salamat ulit.” Takot ka noh? Baka sugurin ka bigla kung hindi mo siya na-text, eh. Hawak mo na rin naman phone mo kaya nag-check ka ng messages. Walang text mula sa blind date mong dinitch ka. Hindi mo tuloy alam mararamdaman mo, mag-aalala ba, malulungkot, o maaasar. Nangamusta ang mga tropa mo, sabi mo lang, kauuwi mo lang sa inyo. Sinabi mo rin na hindi na dumating ang blind date mo. Na-seen ni Yeri, matulog ka na raw, bukas niyo na lang pag-uusapan, valid daw ang reason bakit siya hindi sumipot. O’nga, bukas na lang pag-usapan, wala ka na rin sa headspace to take information. 

 

Na-feel mo ‘yung urge na magbabad sa bath tub, masyado kasi matagal kung sa jacuzzi ulit. Minsan naiisip mo kaya ka talaga nagtatrabaho ay para imaintain ‘yung ganitong lifestyle, lahat ng gusto mo nagagawa mo, lahat ng gusto mo nabibili mo. Pero iba pa rin si Jennie Kim, malamang ‘tong penthouse mo walang-wala sa mga mansion niya. Speaking of the devil, nag-reply siya sa text mo. “Good! It was nice meeting you, too. I’m almost home pa lang,” sabi niya. Medyo malayo pala siya sa mall kung ganoon. Sabi mo ‘wag siyang mag-text habang nagdadrive. Sabi niya red light naman daw pero sige, last message niya na raw ‘yun. Hinanda mo ang LP ng Bad Bonez ni Michael Seyer sabay pasok sa CR. Nagbukas ka pa ng scented candles at naglagay ng kung ano-anong essential oils. Lumubog ka na sa bath tub, tuwing weekend ka lang talaga nakakapag-ganito. Deserve mo naman, grabe ka kaya mag-grind tuwing weekdays. Natapos ka at nagbihis na ng pajamas ng mga 2:15AM. Si Jennie rin daw nakauwi at patulog na. Sabi mo na lang, sleepwell. Hinihintay mo pang matuyo ang buhok mo, saktong nag-message si Wendy, punta raw sila bukas. Sabi mo, okay, basta ‘wag umaga. Sanay ka naman sa mga ‘to, kahit nga hindi na sila magpaalam. Nagbebake, nanonood lang sa Netflix, normal tambay lang naman ang ginagawa niyo. Ay tama, kwento mo na rin sa kanila bukas na na-meet mo si Jennie. Nakararamdam ka na ng antok kaya chineck mo kung na-off mo ang alarm mo, mahirap nang mag-alarm pa ‘yan nang maaga bukas. Nang makita mong okay na, humiga ka na ulit.  

 

Bumigat na ang mga mata mo, and just like that, you fell asleep. 

 

Naglakad ka sa garden para maghanap ng inspirasyon sa next mong design. Punong-puno lang ng daisies ang paligid, naisip mo tuloy na wala ka pang design na inspired by flowers. Take note mo na lang din, baka may biglang mag-strike sa’yo. Bigla kang kinabahan, pakiramdam mo may humahabol sa’yo kaya bigla kang tumakbo nang mabilis. Takbo lang nang takbo kahit hindi mo alam kung saan ka na papunta, naririnig mong may tumatawag sa pangalan mo. Naghesitate ka tuloy, lilingon ka ba, hihinto, o magpapatuloy sa pagtakbo? Hanggang sa bigla ka na lang nahulog, tuloy-tuloy kang bumabagsak. Napasigaw ka sa takot at kaba. 

 

Panaginip lang pala. Ginising ka lang siguro ng sub-conscious mo dahil patuloy na nagri-ring ang cellphone mo. Tumatawag pala si Wendy, usapan niyo naman na pupuntahan ka nila. 39 missed calls, sabay ring ulit, finally, nasagot mo na. 

 

“HOY, PAKIBUKAS NAMAN ANG PINTO, KANINA PA KAMI.” Nagreklamo ka habang lumalabas ng kwarto, sinabi mong ang aga-aga pa. Sagot naman ni Wendy, “tanga, ala-una na.” Pagkapasok na lang nila ka nag-sorry, sabay baba ng phone. Okay lang daw sabi ni Joy. Hindi mo alam na late na pala. Sabi ni Wendy, 11am sila unang kumatok, 11:20am, hindi ka pa nagigising kaya nag-grocery na lang sila para sa kakainin niyo. Mga 12:30 ng hapon sila nakabalik, tulog ka pa rin. 

 

Nag-stretch ka, antok na antok ka pa rin. 

 

Paborito nilang tambayan ang penthouse mo, given naman, kasi considered talaga ang pagbisita nila sa des

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yokonalangmagtalk
Hello! Kunwari may nagaanticipate ng bagong chap hahaha posting this to pressure myself na mag-update, may mga ganap na for the next chapter pero hindi pa ako satisfied. Sorry kung may naghihintay! Pero promise, gusto ko talaga matapos ‘to. Any, I hope ure all doing well. Thank you sa mga nagbabasa!

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 9: otornim 2am na kinikilig pa din ako, pero team jenseul pa din ako for today hahaha
baconpancakesss
#2
Chapter 9: this is so cute aaa. gusto q lahat ng ships tuloy, they just have that chemistry.. lowkey rooting for jenseul pero mukhang downbad pareho sina arki at attorney sa isa't isa.

sana matuloy to since i really like the plot of the story !!
iana013
#3
Chapter 9: attorney be "i am speed"😂😂😂
kang_ddeul
#4
Chapter 9: wahhh kakilig talagaaaa! hahaha mapapangiti ka na lang sa pagbabasa uwu 🤩🥰 thank you po sa ud otor-nim! :)))
Softtacos #5
Chapter 9: Ang manok ko speeeddddd
milley #6
Chapter 9: ang S sa seulrene ay speed pero pwede na rin scripted hahahahaha. Nakaka kilig naman this chapter!
AYN147
#7
Chapter 9: Luh ang speed! Sana magtagal hahaha
future_mrs_liu #8
Chapter 8: Hahaha. Shet. Ang benta. Hulog na agad si Seul di pa nga nagsisimula. Lol. Ayan blind date pa more
Gomdeulgi
#9
Chapter 8: UGH TRY NYO BASAHIN WHILE LISTENING TO THE SONG IT MAKES THE WHOLE CHAPTER 10x BETTER!!
AYN147
#10
Chapter 8: Nakangiti lang ako buong chapter hahahaha ang cute nilang dalawa huhu