Kabanata 2 — H.T

Balisong

Hwang Tiffany.

Bunsong anak ng mga Hwang.

 

 

Hindi niya gusto ang buhay na kinamulatan niya. Madalas siyang nagiging tampulan ng galit, sisi, at katatawanan.

 

Hindi siya nakaramdam ng pagtanggap sa pamilya niya, at siguro hindi rin siya tinuring na pamilya ng mga ito.

 

"Bunso ka 'diba? yung ate mo Lawyer, tapos yung kuya mo ang magiging bagong CEO ng Company niyo. Ikaw? ano ka? wala ka bang balak maging katulad nila?"

 

Hindi niya alam sagutin ang ganong mga tanong.

 

"P-pasensya na po.."

 

"Tama nga yung sinasabi nila tungkol sayo Tiffany, wala kang patutunguhan. Pinadala ka pala sa America para mag-aral pero anong ginawa mo? Nagloko ka lang, ginawa mong biro ang lahat."

 

Masakit. Sobrang sakit.

 

"Hindi.. Hindi po sa ganon... M-may rason po a-ako..."

 

"Ah yung pagiging baliw mo? Alam mo kaya hindi ka rin pinagamot ng papa mo sa utak kasi alam niyang masasayang lang yung pera niya sayo. Wala na kaming inaasahan sayo, Tiffany."

 

Hindi siya binigyan ng oras para ipaliwanag ang sarili niya.

 

Kaya siguro ganito sila sa kanya kasi, siya ang patunay ng kasalanang ginawa ng mama niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang lahat pero, matagal narin mula noong sinukuan niya ang buhay. Matagal na siyang patay.

"Tandaan mo ito, tinanggap kita bilang pamilya at pinatungtong kita sa pamamahay ko kasi mahal ko ang mama mo! Tapos sinayang mo lang yung mga perang pinang-paaral ko sayo sa America?! Wala kang utang na loob!"

 

Hanggang ngayon ramdam niya parin ang sakit ng sampal ng tinuturing niyang Papa, hindi niya makakalimutan kung gaano kalakas ang pagdampi nito sa mukha niya.

 

Nabuhay siyang Miserable sa loob ng Tatlumput Isang taon. Hindi rin siya matingnan ng Mama niya, hindi rin niya naramdaman ang yakap na ibinibigay nito sa dalawa niyang kapatid.

 

Mabuti nalang nandiyan ang kaibigan niyang hindi siya iniwanan mula noon, Si Yuri Kwon, Isang Psychiatrist

 

Noong mga panahong baliw ang tawag sa kanya ng lahat, nandyan si Yuri para gampanan ang tungkulin niya bilang doktor at pati narin bilang kaibigan. Hindi siya nito pinabayaan, hindi siya nito ginawang malungkot.

 

"Tiff, alam mo ba may natanggap si papa na  invitation sa isang art gallery. Baka kasi makatulong sayo? Ang tagal mo naring hindi nakakalabas ng bahay eh, hindi rin naman makakapunta si papa so, ako nalang ang pupunta, pero siyempre kasama ka."

 

"Sige... punta tayo. Baka nga makatulong sa akin, baka may pag-asa pang... may pag-asa pang gumaling.. ako?"

 

Naramdaman ni Tiffany na ngumiti si Yuri sa telepono. Nasurpresa din siya sa mga sinabi niya, hindi niya na kasi inaasahan na gagaling pa siya sa ganitong klaseng sakit. 

 

"Hindi ba nasabi ko sayo na nandito lang ako para tulungan ka? 'Wag kang mag-alala ha? basta hindi kita iiwan. Alam mo naman yon 'diba?"

 

Huminga ng malalim si Tiffany at isniara niya ang kanyang mga mata. 

 

Nang imulat niya ito, ngumiti siya.

 

"Alam ko, mula pa noon ikaw lang naman ang nandiyan eh."

 

"Good. So, sunduin kita bukas? 5 pm"

 

"Okay."

 

 

Hindi niya alam kung ilang minuto na niyang tinitingnan ang painting na iyon. 

 

Bigla siyang nakaramdam ng pagtanggap, pagtanggap na walang katulad, na hindi niya naramdaman sa iba. 

 

Gusto niyang umiyak habang pinagmamasdan ang obra maestrang 'yon, bukod sa maganda ang pagkakalapat ng bawat pintura, pakiramdam niya ay sumama na ang sarili niya sa painting.

'Artwork by: Kim Taeyeon'

 

Kim Taeyeon. Sikat na Pintor. Maraming taga-hanga. Maputing balat, magagandang mga mata, katamtaman ang taas, 31 years old.

 

Yun ang nakita niya sa litrato at sa google kagabi. Pinadala ni Yuri ang imbitasyon sa kanyang Email at na-intriga siya kung sino ba talaga itong si Taeyeon.

 

"Tiff, kape oh. Pasensya na kung naiwan kita ng matagal dito ah? ang haba kasi ng pila sa coffee shop na malapit dito."

 

"Thank you"

 

"Hmm... ang galing naman pala mag-painting netong si Kim Taeyeon, totoo yung sinabi ni papa na hindi ako madi-disappoint. Ikaw? Nagandahan ka ba?"

Sobra.

 

"Oo naman, ang gaganda ng gawa niya."

 

Ngumiti si Yuri at uminom ito ng kape, "Mabuti naman, sana... kahit kaunti... naging masaya ka?"

 

Tumingin si Tiffany kay Yuri at bigla siyang ngumiti.

 

"Safe ba na sabihing masaya ako? kasi alam mo Yuri... pakiramdam ko sa tuwing may kaunting saya akong nararamdaman, may mangyayari nanaman na hindi ko gusto. Pero, sa totoo lang, masaya ako. Salamat kasi niyaya mo ako dito."

 

Hindi napigilan ni Yuri ang ngumiti, sobrang saya niya. Ito na siguro yung pinakamalaking ngiti na nagawa niya, nararamdaman na niyang gustong sumaya ni Tiffany. Hindi man biglaan, pero at least nandoon na siya sa puntong 'yon.

 

"Safe na sabihin 'yon, alam mo sa mga bagay na ganito 'wag kang magkaroon ng hesitation Tiffany, kahit may kasunod 'yan na hindi mo gugustuhin at least hindi mo naipagkait sa sarili mo yung thought na masaya ka. At alam mo, sobrang saya ko para sa iyo."

 

"Ikaw lang naman ang laging masaya kapag masaya ako."

 

"Tama, at hindi ako mawawala. Pangako 'yan" Tumingin ulit si Tiffany kay Yuri ng nakangiti, bigla naman siyang kinindatan ni Yuri.

 

"Huwag ka ngang kumindat, hindi bagay sayo."

 

"Sus, ang daming pasyenteng gumagaling sa mga Depresyon nila dahil sa kindat ko."

 

"Mayabang ka."

 

"Maraming nurses sa ospital ang laging nagkakandarapa sa tuwing dadaan ako sa harapan nila."

 

"Gamutin mo ang sarili mo, nasobrahan ka ata sa Confidence, ibigay mo 'yan sa mga pasyente mong may low self-esteem."

 

"....At dahil sa akin happy ka, alam mo kung bakit? ...Kasi ako yung nagyaya sayo dito."

 

 

Kinindatan ulit siya ni Yuri. Pinisil ni Tiffany ang pisnge nito.

 

"Hindi ako tatanggi doon kasi totoo naman."

"Well, what do you expect from a professional doctor like me?" Mayabang talaga. "​​Teka nga, iihi lang ako, tapos pagka-ihi ko punta na ako sa kotse at doon nalang kita iintayin ha? Have a great time with yourself!"

 

"Sige."

 

Habang papalayo si Yuri sa kanya, lumingon siya sa mga taong nasa paligid niya, ang dami nila.

Sobrang dami nila, nagkaroon siya ng pakiramdam na hindi niya kayang harapin ang mga taong ito. Nararamdaman niyang unti-unting nanlalamig ang kamay niya. 

 

Natatakot siya, gusto niyang tumakbo kay Yuri, umuwi ng bahay at magtago sa kwarto buong araw. 

 

Nag-iiba narin ang tibok ng puso niya, at ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Tumingin ulit siya sa painting na nasa kanyang harapan. Huling tingin bago mabuo ang desisyon niyang tumakbo.

 

Tatayo na sana siya pero nakita niya ang taong iyon. May makinis na balat, at katamtamang taas, hindi niya malaman kung talagang magaganda ang mata niya sa personal.

 

Kim Taeyeon. Pintor.

 

Tinaas ng pintor ang kanan niyang kamay, senyas ng pagbati. 

 

Hi? Hello?

 

Hindi niya namalayan na unti-unting nawala ang takot niya, ang kaba, ang pangamba. Unti-unting nagkaroon ng maliliit na ngiti ang kanyang labi.

 

Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari, pero ang sarap sa pakiramdam na parang ligtas siya. 

 

Salamat.

 

"Wala yon, 'wag kang magpasalamat sa akin, yun lang naman maitutulong ko eh, yung maramdaman ng iba na hindi sila nag-iisa."

 

Salamat parin.

 

Kung kanina, kumakabog ang dibdib niya sa kaba, ngayon tumitibok ito sa saya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa