Kabanata 4 — Tuloy

Balisong

"Ah... hello..."

 

Hindi mapigilan ni Taeyeon na sumaya(?) kasi nakita niya ulit ang babae, at nalaman niya pa ang pangalan nito.

 

"Gusto ko lang sana na sabihing... wala akong ibang kwartong matutuluyan, puna na yung ibang k-kwarto... baka pwede namang, maki-share sa kwarto mo... h-hati tayo sa bayad! promise! please.. kailangan ko lang ng kwarto."

 

Tiningnan niya ulit si Tiffany, at wala itong ekspesyon sa mukha.

 

Hindi niya ako nakikilala? Totoo? 

 

"Sige, okay lang sa akin. Basta wala kang binabalak na masama sa akin."

 

Lumaki ang mata ni Taeyeon. Anong masama? Grabe naman 'tong babaeng 'to, hindi na ako nakilala, pinagkamalan pa akong masama.

 

"M-mabait ako, kailangan ko lang ng matutuluyan.."

 

"Okay sige, tuloy ka."

 

Hay salamat.

 

"Oh ayan, settled na po tayo! enjoy po kayo sa pag-stay dito sa aming guesthouse!"

 

Tuluyang pumasok si Tiffany sa loob ng bahay, at nang maramdaman niyang hindi sumunod ang babae sa kaniya, lumingon siya ulit dito.

 

"Hindi ka ba papasok? malamig 'dyan sa labas."

 

"Ah.. Oo, papasok ako"

 

Nang mailagay ni Taeyeon ang sapatos niya sa shoe rack, agad niyang tiningnan ang paligid. May TV, may aircon, may dalawang kama, may dalawang cabinet, may maliit na lamesa para sa dalawa, may banyo, at may maliit na balkonahe.

 

"Bago ko makalimutan, ako nga pala si Tiffany Hwang."

 

Lumingon siya sa babaeng nag-aayos ng mga gamit niya. 

 

Bakit ba nagkukunwari siyang hindi niya ako kilala? Siguro nahihiya siya sa akin, ganito ba ako kasikat? 

 

"Hi Tiffany. Hindi mo ba ako naaalala?"

 

"Ha? naalala?"

 

"Oo? Hindi mo ako naaalala?"

 

"Ngayon palang kita nakita, bakit kita maaalala? Hindi ko nga alam ang pangalan mo."

 

Grabe naman 'tong babaeng 'to, nagkukunwari pang hindi ako kilala.

 

"Ah, wala ka namang dapat ikahiya noong araw na 'yon, lahat naman ng taong nandoon ka-parehas mo, okay lang yun sa akin."

 

Napatigil sa pag-aayos si Tiffany ng damit.

 

"Excuse me, pero anong pinagsasabi mo? Ngayon lang kita nakilala. Huwag ka nga magpatawa."

 

Nagpatuloy ulit ito sa pag-aayos.

 

Napakunot ang noo ni Taeyeon. 

 

"Ako si Kim Taeyeon, yung painter nung nakaraang araw. Na-feature yung mga gawa ko sa DS Art Gallery, lumapit ka sa akin tapos nagpasalamat, ang sabi mo sa akin naramdaman mo noong araw na 'yon na di ka nag-iisa..."

 

Tuluyang tumigil si Tiffany sa pag-aayos. Tumingin siya sa mukha ni Taeyeon. Ilang minuto niya itong tiningnan at dumating sa punto na hindi na komportable si Taeyeon.

 

"Ah.. Tiffany?"

 

"S-sorry... kailangan kong mag-banyo..."

 

Tumakbo si Tiffany sa banyo. At hinayaan siya ni Taeyeon, inayos na lamang niya ang mga gamit niya.

 

"Masarap ba?"

 

Ngumiti si Taeyeon, tumango ito at patuloy ba ngumuya.

 

"Ong..shoropeu.. sobwa..."

 

"Mamaya ka na kaya mag salita, puno yung bunganga mo eh"

 

"Ay... sowwy..."

 

Ngumiti si Tiffany habang pinagmamasdan siya, napansin ito ni Taeyeon at nahihiya siyang uminom ng tubig.

 

"Sorry ha? Wala pa akong kain mula kanina."

 

"Wala yun, kumain ka pa. Hindi naman ako masyadong marami kung kumain."

 

"Salamat..."

 

Gumawa si Tiffany ng vegetable sandwich, noong una nahihiya si Taeyeon na amining hindi siya kumakain ng gulay, pero nung sinubukan niyang tikman, masarap naman pala.

 

"Sorry pala sa kanina. Marami kasi akong iniisip eh, hindi kita nakilala. Sorry talaga."

 

"Uhm, wala yon! 'wag mo na yun alalahanin, nagtaka lang naman ako eh, pero okay na yun!"

 

"Nga pala... anong ginagawa mo dito? I mean, bakit ka nasa Busan?"

 

"Ah... yun ba? may maganda kasi ditong Art Museum, napuntahan ko na siya nung bata ako pero bumabalik parin ako tuwing may free time. Tsaka pag stressed ako, pumupunta ako sa Haeundae Beach para mag-isip isip ganon... Ikaw ba?"

 

"Nandito rin para mag-isip, masyadong maraming nagaganap sa bahay na gusto kong kalimutan. Kaya eto ako ngayon, kahati mo sa kwarto."

 

Sabay silang tumahimik habang kumakain, hindi alam ni Taeyeon kung anong kasunod na sasabihin niya. Nakita niyang nakatulala si Tiffany, hindi niya alam ang susunod na gagawin. 

 

Ano kaya kung...

 

"Tiffany? Gusto mo bang sumama sa akin sa Art Museum bukas?"

 

Mula sa pagkakatulala, tumingin siya kay Taeyeon. Natatakot, nangangamba, kinakabahan.

 

Yuri... 

 

Si Yuri lang ang kasama niya lagi, tapos ngayon niyayaya siya ng Pintor na sumama sa kanya. Hindi niya alam kung dapat siyang magtiwala, kaya niya bang pakalamahin siya kapag hindi niya kaya? Kaya niya bang makitang umiiyak siya kapag pakiramdam niya hindi siya tanggap sa lugar na 'yon?

 

"Kung gusto mo lang naman, okay lang sa akin kung hindi... at kung iniisip mo na may gagawin akong masama sayo..."

 

Tinaas ni Taeyeon ang dalawa niyang kamay, "Pangako, wala akong intensyon. Nasabi mo kasi na gusto mo rin mag-isip isip, so naisip ko na bakit hindi ka sumama sa akin? pero uulitin ko okay lang naman kung hin—"

 

"Sasama ako, malayo ba yun?"

 

Hindi inaasahan ni Taeyeon na sasama sa kanya ang babae, bakas kasi sa mukha nito ang pagdadalawang isip. Hindi niya lang kayang iwanan ang babae na mag-isa at malungkot sa guesthouse.

 

"Talaga? Medyo malayo pero may kotse naman ako, kung ako ang mag-ddrive baka mga 30 minutes nandoon na tayo. Marami kasing rare paintings na nasa museum na 'yon kaya sa tingin ko magugustuhan mo."

 

Tumango lang si Tiffany. Tinanong niya ang sarili niya, 'Anong ginagawa ko?'

 

From Ganda: 

Yuri, bukas pupunta ako ng Art Museum.

 

Napakunot si Yuri ng noo. 

 

Museum? Mag-isa? Alam naman niyang nandoon ang kaibigan niya para mag liwaliw, pero hindi niya inaasahang lalabas siya ng mag-isa.

 

To Ganda:

'Magiging okay ka lang ba bukas? Sure na hindi magpapanic? Mag-isa ka lang kasi eh'

 

Siya ang hindi mapalagay para sa kaibigan niya, ang hirap ng malayo sa kanya, hindi niya ito kasama kaya hindi siya nakakasigurong ligtas siya doon.

 

From Ganda:

'May kasama ako.'

 

Lalo siyang kinabahan sa nabasa niya, may kasama? sino naman? baka mamaya may gawing masama 'yong kasama niya.

 

To Ganda:

'Anong kasama? Sino? Lalaki o Babae? BAKA MAMAYA KUNG ANONG GAWIN SAYO NIYAN AH?!'

 

From Ganda: 

'Darating ka naman 'pag may nangyaring masama 'diba? sabi mo tawagan lang kita, at gagawin ko yun kapag may ginawa siyang kakaiba'

 

Ngumiti si Yuri. Oo nga naman, kahit anong mangyari darating siya doon at ilalayo sa masama ang kaibigan niya.

 

To: Ganda

'O siya sige, matulog ka na! bawal magpuyat! ingat bukas ah?'

 

From: Ganda

'Yes Doc. Good night'

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa